How could she not realize it? Akala ni Aleona napakababaw lang ng pinoproblema ni Sylas. Nasa isip kasi niya, hindi lang kasundo ng lalaki ang mama nito. So she thought she could help him by offering moral support. How could she not realize na baka nasa ibang bansa nga pala ang mama nito? Ngayong alam na niya, ito siya at nababagabag na. Nangangahulugan ba itong iiwan siya ni Sylas? She shook her head. No. Huwag muna niyang isipin. Mapag-uusapan naman iyon. For now, she had to enjoy the party. Birthday kasi ng half-brother ni Sylas na si Ross, and Camilla personally invited her to come. Sa bahay ng ama ni Sylas dinaos ang party, at napakaraming imbitado roon na karamihan ay mga kaklase ng celebrant. Truth be told, nahihiya si Aleona na makihalubilo sa iba. Si Sylas lang ang kilala niya

