Matapos ang mahigit isang oras na tahimik na pagda-drive, inihinto ni Sylas ang kotse nito saka pinatay ang makina. Aleona looked around confusedly. She didn’t know where they were, but she could see that it was near a cliff. Madilim din sa lugar na iyon, at tanging headlight lang mula sa kotse ni Sylas ang nagsisilbi niyang liwanag. Bababa ba kami? Isip niya habang nakatingin kay Sylas. Nakayuko ito at tila nag-iisip. Then, Sylas sighed and looked at her. “Tara, baba tayo.” Nauna ito saka gumawi sa pinto ng passenger’s seat at binuksan iyon. “Nasaan tayo?” tanong niya nang makababa. “Let’s just say this is one of my favorite places to run off and hide,” paliwanag naman ng lalaki habang sinasara ang pinto. After locking his car off, sumandal ito sa kotse saka bumuntonghininga. Tapos,

