“Tang ina! Nahilo ako doon!” bulalas ni Kenjo habang palabas ito sa sinakyan nila ni Rovi na ride. Roller coaster iyon at may mga part pang bumabaligtad. Samantalang, tumakbo naman sa isang trash bin di kalayuan si Rovi saka sumuka. Ysabel and Krystal made a disgusted face. “Ano? Sasakay pa kayo, ha?” natatawa na lang na sabi ni Aleona. Sylas was standing to her left. Magkahawak-kamay pa nga sila. Dahil may dalawang nahilo, nagkasundo muna silang maupo sa isang tabi para pagpahingahin ang kambal. Sakto kasing medyo malapit sila sa snack corner, at may mga nakita silang bakanteng benches. Krystal took the initiative to buy water for the twins. “Saan tayo next?” tanong ni Ysabel. “Tang ina naman, Ysabel! Kumalma ka nga muna!” hirit naman ni Kenjo. Nakakunot pa ang noo nito. “Kita mo nan

