Bandang alas diez ng gabi ang flight ni Sylas. Nasa isang airport terminal sila sa Clark. Sylas would be riding a private jet. “Talagang dito mo pa sa Clark naisip mag-book ng flight, ha?” sabi ni Aleona. Nasa labas pa si Sylas noon, at naglalakad sila sa open field malapit sa parking space. Meron pa kasing oras bago ang call time nito, at gusto ng lalaki na masulit ang nalalabing oras na kasama siya. “Of course. Para malapit lang sa inyo. Pwede kitang ipahatid sa driver namin,” tugon naman nito. “Anyway, hindi ka ba nilalamig?” Tinangka nitong hubarin ang suot na long coat pero agad niyang pinigilan. “Wag na. Okay na ako dito sa suot ko.” Long sleeves at leggins na itim naman kasi ang suot niya. Then, there was silence. Nang sandaling iyon, medyo nakalayo na sila sa iba, at madilim di

