“Dyan,” sabi ni Aleona habang tinuturo ang facade ng condominium building na tinutuluyan niya. “Dyan ako umuuwi.”
Agad namang niliko ni Christopher ang kotse nito para maiparada iyon. A few seconds later, tinaas na nito ang hand brake saka humarap sa kanya.
“Salamat nga pala sa oras, ha?” sabi nito sa dalaga. Pagkuwa’y ngumiti ito, at hindi nakalampas sa paningin ng dalaga ang malalim nitong biloy sa kaliwang pisngi.
“Nako! Ako nga ang dapat na mag-thank you sayo dahil sinagip mo ako kanina,” tugon naman niya. She was tempted to pinch his cheek. Napaka-cute kasi talaga ng lalaki. “Thank you ulit doon, ha?”
“Wala iyon. Ginawa ko lang ang dapat.” Tapos, hinawakan nito ang kamay niya. “Girls like you should not be treated like that. Maling-mali.” Kumunot pa ang noo nito.
At kulang na lang ay magpapadyak na naman sa kilig si Aleona pero syempre, nagpigil siya dahil nakakahiya naman yata kung umasta siyang ganoon. Nakaka-wapoise.
Kaya naman, minabuti na niyang magpaalam. Sinakbit niya ang bag niya sa kaliwang balikat. “Oh, paano, mauuna na ako, Christopher, ha? Thank you sa paghatid ulit!” Pasado alas siete na rin noon. Bale, maghapaon silang naggala ng lalaki. Actually, nakarating pa nga sila sa Batangas.
Bumaba na siya sa kotse. Bago niya sinara ang pinto, kumaway siya ulit dito. Christopher waved back at her. That was the cue for her to shut the door.
Tumayo siya sa gilid at hinintay itong umalis.
Yet two minutes had passed already pero hindi pa rin umaalis ang lalaki. Nagtaka tuloy bigla ang dalaga. Inaninag tuloy niya kung ano ang ginagawa nito. Tainted pa naman ang mga salamin ng kotse nito kaya hindi niya masyadong makita ang nagaganap sa loob.
Well, not until, bumaba ang bintana sa shotgun seat. Pagkuwa’y, dumungaw roon ang lalaki. “Hey, Aleona, if you don’t mind pala…” Inabot nito ang phone sa kanya. “May I have your number?”
Napatitig siya rito.
“Kung okay lang naman.” Christopher smiled awkwardly.
Mahina siyang natawa. Shuta, ang cute niya. Huhu. “Syempre naman.” Mabilis niyang tinipa ang number saka binalik ang phone sa lalaki. “Text-text na lang, ha?”
Kinuha ng lalaki ang phone saka tinawagan ang number niya. Agad namang nag-ring ang phone niya na nakalagay sa bulsa niya. Kinuha niya iyon just to confirm kung sino ang tumatawag. Well, isa iyong unknown caller kaya nasiguro niyang si iyon.
Nag-okay sign siya sa lalaki. “Okay na, Topher. Pwede mo nang ibaba. Sayang load mo.”
But Christopher didn’t. Sa halip, nakatitig lang ito sa kanya. Seryoso ang mukha ng lalaki na para bang sinasabi nitong sagutin niya ang tawag.
Napalunok tuloy siya. Tila nahipnotismo siya sa mga titig nito.
Kaya naman sinagot niya ang tawag. “Hello?” sabi pa niya.
At nakita niya kung paano unti-unting sumilay muli sa mga labi ni Christopher ang ngiti ntio. And Aleona swore she almost fainted. Shocks, bakit ba ang gwapong nilalang nito?
“Thanks,” sabi ng lalaki. “See you on Monday?”
Aleona just realized na biyernes na nga pala nang araw na iyon. Nawala sa isip niya sa dami ng nangyari nang araw na iyon. “See you,” tugon niya.
Muling ngumiti ang lalaki. “Good night.”
“Good night.”
Noon lang binaba ni Christopher ang tawag. Pagkuwa’y kumaway ito sa umayos na ng upo. Habang tinataas nito ang bintana, kinawayan ito muli ni Aleona. Then, she took as step back nang simulan na ng lalaki na magmaneho. She stayed there hanggang sa mawala sa tanaw niya ang sasakyan nito.
Noon lamang siya pumasok sa loob ng building.
Gosh, ang daming nangyari ngayon araw, isip niya habang papasok sa elevator. Saktong walang tao noong bukod sa kanya. She pressed the button for the 33th floor saka niya hinintay na magkusang umakyat ang bagon.
Okay, so her morning started with his classmates trying to drag her outside. Christopher revealed earlier na pinagti-tripan lang pala siya ng mga ito. Mga tropa raw ito ni Sylas, and they planned to scare her biglang pagganti sa pagkagat niya sa lalaki. Kinasambwat daw ng mga kumag ang buong klase.
Napatalak na lang tuloy siya. Now that she remembered it, bigla na naman siyang nainis. Or more like lalo siyang nainis kay Sylas.
Ano ba kasing drama ng kumag na iyon? Isip niya habang pinapanood ang LED screen kung saan nakalagay kung nasaang floor na siya. Malapit na niyang marating ang destinasyon. Buti na lang talaga, dumating sa buhay ko si Topher. Kung hindi e ewan ko na lang. Baka di lang kagat ang abutin mo sakin. Baka tadyakan ko pa ari-arian mo til mabaog ka. Tsk.
Hindi nagtagal, humawi na ang pinto ng elevator. Agad siyang lumabas at gumawi pakaliwa.
Pero shocks, ang saya ko ngayong araw, ha? Ang saya kasama ni Christopher! Napapangiti niyang isip. Sa totoo lang, hindi talaga niya hilig mag-cutting o kaya’y sumama sa mga lakwatsa. Napilitan lang talaga siya dahil sa kagagawan ng mga ungas niyang kaklase. Syempre, natakot talaga siya. Late na rin naman na sinabi sa kanya ni Christopher ang totoo. Noong nakarating na sila sa Mall of Asia lang.
And hindi rin naman nga siya nagsisi. Nakilala niya si Christopher. To her surprise, kalog pala ang lalaking ito. Hindi kasi halata palibhasa’y tahimik lang ito sa klase at aloof pa.
Pero tawang-tawa ako noong bigla siyang sumayaw ng K-pop kanina! Napatigil pa siya sa paglalakad at napatakip ng bibig para pigilan ang sariling matawa. Matigas kasi ang katawan ni Christopher. Hindi rin nakatulong na kanta ng isang girl group ang sinayaw nito kaya lalong nakakatawa tingnan.
Napailing-iling na lang siya. “Hays, ewan. Kilig na kilig na naman ako.” Pumikit siya saka huminga nang malalim hanggang kumalma.
Tapos, saka lang siya nagpatuloy sa paglalakad hanggang marating ang unit. Pinindot niya ang door bell at hinintay na pagbuksan siya ng kaibigan.
Pero walang nagbukas niyon.
Napanguso siya. “Galit pa rin kaya sakin si Ysabel?” sabi niya sa sarili. Kahit kanina, hindi pa rin ito nagparamdam sa kanya.
Wala siyang nagawa kung hindi ilabas na lang ang sariling susi saka pumasok sa loob. Nakapatay ang ilaw. Indikasyong wala pa nga ang kaibigan niya.
“Hays. Kailan kaya yon babalik?” bulong niya ulit sa sarili habang naghuhubad ng sapatos. “Sana naman umuwi na yon. Baka biglang dumating si Tita Adora tapos madatnan akong mag-isa rito. Ako pa ang mapagalitan.”
Yumukod siya para pulutin ang sapatos. Tapos, saka lang niya binuksan ang ilaw.
At naging dahilan iyon para mapairit siya sa gulat at mabaldog.
She wasn’t alone inside the unit. Mayroong nakaupo sa pang-isahang sofa, at prente pa nga itong nakaupo na para bang hinihintay siya.
The guy smirked and rose up. Pagkuwa’y humakbang ito palapit sa kanya saka yumukod.
“Welcome home, Aleona,” bulong nito sa mapang-akit na boses.
Muling napalunok ang dalaga.
Anong ginagawa ni Sylas sa unit ni Ysabel?!