Chapter 6.1

2294 Words
Walang kalakas-lakas si Aleona nang magising nang umagang iyon. Not to mention, masakit pa ang ulo niya. “Magkakaroon na ba ako mamaya?” tanong niya sa sarili habang bumabangon. But then, she remembered na kakatapos nga lang pala niya last week. Hindi rin naman siya irregular magkaroon. Dahil doon, nagdesisyon siya na baka stressed lang siya nang araw na iyon. Which suddenly reminded her of what happened last night with her mom. Agad niyang kinuha ang phone sa night stand. Binuksan niya ang Messenger app at tiningnan kung may message na ang ina. Laking panlulumo niya nang wala. Actually, hindi lang iyon. Naka-block pa nga siya! Napakagat siya ng labi. Kasunod niyon ay ang pagpipigil niya ng pagtulo ng luha. Bakit ba ang kitid ng ulo ni Mama? Himutok niya. Wala naman akong masamang gustong ipahiwatig. Gusto ko lang magtipid dahil siya rin naman ang nahihirapan sa kakagastos niya sa mga bagay na hindi ko naman hinihingi! Bakit ba ang sama-sama ng dating no’n sa kanya? Napaluhod siya saka hinayaan nang tumulo ang mga luha. “Hindi ako spoiled brat, Ma,” bulong niya. “Hindi na ako yung batang sinabihan ka ng mga masasakit na salita dati.” She still remembered it as if it happened yesterday. After the death of her father, nabaon sila sa utang. Her mom forced to sell everything they have para bayaran iyon. Tapos, nakitira sila sa tita niya. Doon ay naranasan niya ang buhay na maging mahirap. Kung dati, natutulog siya sa malamig na kwarto. Napilitan siyang magtiis sa mainit na kwarto na ang tanging source ng ventilation ay ang isang maingay na electric fan. She hated that life. Sinubukan niyang mag-adjust pero bata pa siya noon. And she lashed her frustration out to her mom. “Ang bad mo, Mommy! I’m a princess! Di dapat ganito ang life ko! I hate you!” were her exact words. And that took a toll on her mom’s mental health. As if hindi pa sapat ang pagluluksa nito sa biglang pagkamatay ng ama, dumagdag pa ang mga sumbat niya. Kaya napilitan itong mag-abroad para lamang maibigay ang marangyang buhay na hinihingi niya. Huminga nang malalim si Aleona para pakalmahin ang sarili. Oo nga pala. It was her fault. Siya ang may kasalanan kung bakit naging ganoon ang kanyang ina. She should not complain. Dapat saluhin niya lahat ng sinasabi ng kanyang ina. That was the only thing that she could do to ease her burden anyway. So yeah. Pinili niyang tumayo. Pinilit niyang ngumiti. Inisip niya lahat ng mga magagandang bagay na ginawa ng kanyang ina para magawa niya iyon. And once she’s done, naisipan na niyang maghanda na sa pagpasok. Pero bago iyon, hinanap muna niya si Ysabel. “Ang gagang iyon, hindi na naman umuwi,” napapailing niyang isip matapos ikutin ang bahay at mabigong makita ito. “Hay nako, bahala siya dyan. Kung ayaw niyang umuwi, e di wag. Basta don’t blame me if something happened to her. I did my part, ha?” Tapos, kinuha na niya ang tuwalya na nasa walk-in closet saka dumiretso sa banyo para mag-shower. - “Iyan na siya!” Aleona was about to enter the lecture hall when she heard of that. Galing iyon sa mga kaklase niya. Napatigil tuloy siya sa pagpasok. Suddenly, the lecture hall became dead silent, which made her freeze like a statue. Iba ang titig ng mga kaklase niya sa kanya. It screamed danger. “H-Hello?” nauutal niyang bati sa mga ito. She thought maybe she’s overthinking. Wala naman siyang ginawang masama para titigan nang ganito, hindi ba? Yet that wasn’t the case. Nanatili ang nakakasindak na titig sa kanya. When she decided to finally enter the room, aba’y sinundan siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa paborito niyang upuan: ang pinakadulo sa kaliwang bahagi ng first row. “May problema ba tayo?” tanong niyang muli sa mga ito. Kiniskis niya ang mga kamay sa mga braso. Those unsolicited gazes were giving her goosebump. Maya-maya’y tumayo ang isang lalaki na may kulot na buhok. Hindi rin nagtagal, may sumunod na apat na lalaki. The five of them approached her. Nakabulsa pa nga ang mga kamay. It gave her an impression na ginagaya ng mga ito ang mga siga sa Meteor Garden. The guy with curly hair stopped in front of her. Pagkuwa’y ngumisi ito. “Hi, Aleona?” bati nito. Even if he’s smiling, Aleona could still feel some evil intent from him. Napalunok siyang muli. “M-May problema ba tayo?” The boys exchanged glances. Nang tumango ang lalaking kulot, bigla siyang pinalibutan ng apat. She yelped in surprise. Kamuntikan pa siyang malaglag sa upuan. “Sumama ka sa kin,” sambit muli ng kulot na lalaki. Aleona decided he’s the leader of the group. When the boys tried to grab her, mabilis siyang nagpumiglas. “S-Saan n’yo akong dadalhin?” “E di saan pa? Kay Sylas. Remember what you did yesterday?” Kinindatan siya nito. “Sylas wants to see you. Marami raw kayong pag-uusapan.” She froze. Kasabay noon ay ang bigla niyang pag-alala sa napag-usapan nila ni Krystal tungkol sa maitim na sikreto raw ng pamilya ni Sylas. Yesterday, she just dismissed it as a nasty rumor. Parang ang imposible rin kasing isipin na galing sa angkan ng mga mamamatay na tao ang schoolmate niya. Well, isang Catholic institution pa naman ang university nila. USJA prided itself as a champion of human rights, as well, kaya naman tipikal na ring eksena na sumasali ang pamantasan sa mga pakikibaka para sa karapatang-pantao. Kung totoo man ang rumors, parang imposible yatang tanggapin nila si Sylas. So why? Bakit mayroong limang lalaking gusto siyang dakipin? Could it be… the rumors were actually true? And Sylas was using his family’s powers to get back on her? She looked around. Her classmates immediately looked away. Mayroon pa ngang parang walang pakialam. Well, except for that one guy na nakaupo sa isang sulok. Nakakunot ito ng noo habang pinapanood sila. Nakahalukipkip pa nga. Halatang hindi rin nito gusto ang ginagawa. She was about to call for his help, but one of the boys yanked her and forced her to stand up. “Tara na, Aleona! Para matapos na ito!” sabi pa nito. “Ayoko!” Aleona looked at the guy again. Sa gulat niya, sa bintana na ito nakatingin. Parang wala na ring pakialam. “Bitiwan n’yo ako!” But the guy refused to let her go. Hanggang sa hinila na nga siya nito palabas. “Bitiwan n’yo ako!” sigaw niyang muli habang nagpupumiglas. “No, Aleona. You’ll come with us! Remember what you did to Sylas? Kinagat mo s’ya. And you have to pay the price.” “Pay the price mo mukha mo!” Inilapit niya ang bibig sa kamay ng lalaki saka iyon kinagat nang malakas. The guy howled in pain. At nang diinan pa niya lalo ang pagkagat, binitiwan na siya nito. “Ang hilig mo bang mangagat! Aso ka ba?” singhal ng lalaki sa kanya. But Aleona had no time to listen to his complaint. Tinangka niyang gawin sa isa pa ang pagkagat pero mabilis itong bumitiw. Now that she’s free, she knew it was her time to run. Syempre, may nagtangkang pumigil sa kanya, and she didn’t let them stop her. Sinipa niya sa alak-alakan ang unang lalaking humarang sa kanya. Tapos, sinuntok niya sa mukha ang pangalawa. Sa mata tumama iyon kaya napahiya ito sa sakit. “Sige, subukan mong humarang!” banta niya sa natitirang lalaki habang pinapakita nag kamao niya. “Mababaog ka!” Then, she looked down at his crotch. Napangiwi naman ito, tinakpan ang itlog gamit ang mga kamay, saka umusog. “Mabuti nang nagkakaintindihan tayo,” nakangiting aniya sa lalaki. Tapos, kumaripas na siya ng takbo. - “Hay, salamat nakalabas na rin,” hinihingal na sambit ni Aleona habang binabagalan ang pagtakbo. “Sana malayo na ako.” Nasa likod siya ng building ng Accountancy department. Hindi kalayuan doon ay ang isang maliit na parking space. At paano siya nakapunta roon? Through the fire exit stair railings. Pinili niyang doon bumaba dahil tingin niya’y maabutan siya kung mag-e-elevator siya. Tumingala siya at tiningnan ang hagdan na binabaan. “Grabe, ang tarik-tarik dito, ha?” She came from the 11th floor pa. On top of that, pinilit pa niyang kalabanin ang lula. Wala naman siyang fear of height pero sa ika-labing-isang palapag ba naman siya galing? Kahit sino siguro’y kikilabutan. Hinawakan niya ang pendant ng kwintas niya. “I’m sure binantayan mo ako habang pababa ako, Pa. Thank you kasi di mo ako hinayaang malaglag.” Then, she kissed the bullet pendant. “Miss you, Pa. I love you--” “Hoy, si Aleona ba yon?” Aleona froze and looked upward. May naaninag siyang mga lalaking bumababa sa stair railings. Tang ina?! Sigaw niya sa isip. Hindi pa rin sila sumusuko? Medyo malayo pa naman ang mga ito sa kanya -- siguro’y nasa 8th floor pa sila -- pero mabilis ang mga kilos kaya paniguradong maabutan siya agad kung hindi siya magmamadali! Akmang tatakbo na sana siya nang biglang may humablot sa kamay niya. “Come with me, Aleona.” Tapos, hinila siya nito patungo sa parking space. Hindi maiwasan ng dalaga na mapamaang habang tinitingnan ang likod ng lalaking humihila sa kanya. Matangkad ito at may tousled at itim na buhok. Tapos, sobrang puti. Napalunok siya. It was the same guy earlier, si Christopher na transferee student. As they approached a silver Chevrolet Malibu, Christopher pulled his car key out and unlocked the car. Nag-beep iyon. Tapos, hinila siya nito pagawi sa passenger’s seat. Binuksan nito iyon saka humarap sa kanya. “Get in,” utos nito. Tapos, inabot pa nito ang brown na shoulder bag. It was hers, at hindi niya namalayang bitbit pala nito. “And here’s your bag. Get in. Quick!” Aleona didn’t have the time to think. Nakita kasi niyang nakababa na ang limang bugok sa hagdan. She went inside the car. Mabilis din iyong sinara ni Christopher bago ito pumasok sa driver’s seat. Mabilis din nitong binuhay ang makina, saka pinaandar ang kotse noong ilang hakbang na lang ang layo ng mga tumutugis sa dalaga. “Whoa, we made it!” nakangising bulalas ni Christopher habang sinisilip ang lima sa rearview mirror. “Saktong-sakto!” And then, there was silence. Noon lang napagtanto ni Aleona kung ano ang nangyari: sumakay siya sa kotse ng kaklase niyang ni hindi man lang niya ka-close! Napalunok siya saka ibinaling ang tingin dito. And yet before she could react, biglang tumatak sa isip niya na ang gwapo palang lalaki ni Christopher. Chinito ito at matangos ang ilong. At mukhang seryoso, siguro dahil sa makapal nitong kilay na nakakorteng parang isnabero. And that was exactly her type. Muli na naman siyang napalunok. Okay, bakit siya biglang kinikilig? Suddenly, Christopher looked at her. Napakislot siya sa gulat saka umiwas ng tingin. “Anyway, saan mo gustong magpunta?” “H-Ha? Magpunta? Saan? Bakit?” Tumingin siya sa dinadaanan nila. Nakita niyang tinatahak nito ang daan papunta sa main exit. “You have to escape from here, remember? Pinapadakip ka ni Sylas. Well, not unless you want to stay here at makipaghabulan sa mga goons niya?” Napamulagat siya. “Duh? Syempre, hindi!” Napaikot siya ng mga mata. Then, she looked at her bag na ngayon ay nasa kandungan niya. Mabilis niyang kinalkal ang laman niyon to check if something was missing. “Don’t worry, wala akong kinuha dyan.” “Sinisiguro ko lang.” Nakahinga nang maluwag ang dalaga nang malaman niyang wala ngang nawala. Then, she faced Christopher again. “Anyway, bakit mo nga pala ako tinatakas?” Matipid na ngumiti si Christopher. “Hindi pa ba obvious? I’m trying to save you from Sylas’s wrath.” Save… me? Napalunok siyang muli. Like… he’s a knight in shining armor ba? “Hey? Are you okay? Napangiti ka bigla?” Taranta siyang napakurap-kurap. “Ha? Hindi, ah?” pagsisinungaling niya. Ni hindi man lang siya makatingin sa lalaki. Pagkatapos, sinuklay pa niya ang laylayan ng buhok niya gamit ang mga kamay. “But I guess, uhm… thankful na rin ako kasi tinulungan mo ako? Akala ko kasi wala ka ring paki gaya ng mga kaklase natin.” Christopher sneered. “How could I stay silent when they’re treating you like s**t?” Umiling-iling ito. “You don’t deserve this treatment, Aleona. Girls like you should be treated like a princess.” “H-Hoy!” At unti-unting namula ang mukha niya. “A-Ang korni mo do’n, ha?” “I’m telling the truth, though? Hindi tamang ugali ang bigla ka nalang nilang kinaladkad. That’s not something a gentleman should do.” Umiling-iling muli si Christopher. “Anyway, malapit na tayo sa gate. Saan mo gustong magpunta?” Napanguso si Aleona. “Well… pwede mo naman akong ibaba na lang sa inuuwian ko?” “Or maybe let’s hang out somewhere far from here? Don’t worry, treat ko naman.” Kinindatan siya nito. Shet, ang cute. Huhu. Muli niyang sinuklay ang buhok gamit ang kamay. “Sige, kung iyan ang gusto mo.” “It’s on me, then.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD