Chapter 5

2866 Words
Kanina pa hindi mapakali si Aleona. Hawak niya ang phone habang palakad-lakad siya sa sala ng unit ni Ysabel. “God, bakit kailangang mangyari nito sakin?” mangiyak-ngiyak niyang bulong sa sarili. Okay, so ang ating bida ay problemado. Kumalat kasi agad ang tungkol sa ginawa niyang pagkagat kanina kay Sylas. Mayroon kasing nakakuha ng video niyon na mabilis ding in-upload at shinare ng isang f*******: page na “USJA Confessions”. Nang makita niya iyon kanina, mahigit isang daang libo na agad ang views at may libo-libo na ring comment. Napaupo siya sa sofa saka napahilamos. What happened earlier was embarrassing! Ngayon pa lang ay naiisip na niya kung paano siya uulanin ng tukso kinabukasan. Nasa ganoon siyang ayos nang bigla niyang marinig ang pagpihit ng door knob sa main entrace. Agad siyang tumayo upang silipin kung sino ang dumating. Si Ysabel pala, at kasama nito ang isang babaeng may matambok na pisngi at mala-anghel na mukha, si Krystal. Samantalang, nagalak naman si Ysabel nang makita siya. Agad nga itong lumapit sa kanya at nakipag-beso. “Ganda talaga natin, girl,” sambit pa nito. Pagkuwa’y bigla itong ngumisi. Napalunok tuloy si Aleona. Bakit parang hindi niya gusto ang iniisip ng kaibigan niya? Umabresiete sa kanya si Ysabel. “Ikaw, ha? Kakaiba pala ang galawan mo, ha?” kantiyaw nito. “Ha?” naguguluhang aniya. “Anong ‘ha’ ka dyan?” Inirapan siya nito. “Ang lakas ng loob mong kagatin si Sylas!” Napapikit na lang ang dalaga. Of course, ano pa bang sasabihin ni Ysabel bukod doon?. “So…?” Muling sabi nito na naging dahilan para mapadilat siya. “Anong ‘so’?” Nagkibit-balikat ito. “Ewan. Wala kang ise-share?” “Gage. Ano namang ise-share ko?” “Marami! Like…” Muli itong ngumisi. “Anong lasa ni Sylas?” Napamaang siya. Before she realized it, binatukan nang malakas si Ysabel. “Gaga ka ba?!” bulalas pa niya. Unfortunately, Ysabel didn’t take it well. Bigla itong nainis. “Parang tanga naman ito!” angil pa nito. “Mas mukha kang tanga! Ako nga itong hiyang-hiya na sa nangyari kanina tapos bigla kang bibira ng ganyan?” Inirapan niya ang kaibigan. “Sana okay ka lang, girl!” “E di wow!” Tapos bumitiw ito saka dire-diretsong lumabas ng unit. Binagsak pa nga ang pagsara ng pinto. Napatalak na lang si Aleona. “Parang gaga naman kasi.” Tapos, napaikot siya ng mga mata. Samantalang, nagsalita ang tingin ni Krystal kay Aleona at sa pinto. “Aleona, okay lang ba yung ginawa mo? Di naman sa nang-aano, ha? But you know naman, kahit gaga si Ysabel, she’s still your amo.” Natigilan naman ang dalaga. Oo nga naman. Hindi naman sa nakakalimutan niyang katulong lang siya sa bahay na iyon, but sometimes she was too comfortable around her friend na tipong nawawala sa isip niya na dapat mayroon pa rin silang boundary as mag-amo. Yet she’s still too pissed off para makipagbati agad kaya sinabi niya kay Krystal na pabayaan muna ang babae. Sa halip, niyaya niya itong maupo muna sa sala habang siya naman ay pinaghahanda ito ng meryenda. “Okay ka lang ba, girl?” tanong sa kanya nito habang pinapanood siyang magpalaman ng slice spread. “Nakaka-ewan din yung ginawa sayo ni Sylas.” “Hay nako, Krystal. Sinabi mo pa!” Napaikot siya ng mga mata. “Hindi ko alam kung ano bang mapapala niya sa pagpapapansin sakin. If anything, naiinis lang ako. Nakaka-iskandalo kasi.” “E baka naman crush na crush ka talaga nu’n tao?” “Girl, sana kilabutan ka naman dyan sa sinasabi mo.” Napaikot siya ng mga mata saka tinuro ang sarili. “Tamo nga itsura ko? Hampaslupang-hampaslupa. Ano namang magugustuhan sakin ng lalaking yon e nuknukan ng yaman yon?” “Aleona, wag mo namang masyadong kinaka-down ang sarili mo.” May pagnguso pa si Krystal. “Maganda ka naman, ah?” “Wala naman akong sinabing panget ako. Ang sabi ko, mahirap lang ako.” “Kailan ba naging hadlang ang kahirapan sa pag-iibigan?” Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Napaka-idealistic mo, ha? Walang gano’n. Di ako belong sa mundong ginagalawan niya. Saka isipin mo na lang, for sure magiging hot issue pa kung sakaling maging kami. Paniguradong aakusahan lang nila akong gold digger.” Now that she mentioned that, bigla na namang sumagi sa isip niya ang mga sinabi ng dalawang babaeng nakasabay niya sa library. Napaisip tuloy siya kung ano na ang sasabihin ng mga ito ngayong lumantad na ang identity ng kinahuhumalingan-kuno ni Sylas? Muling tumulis ang nguso ni Krystal. “Sabagay, may punto ka rin doon.” “Oh, di ba?” Napailing-iling na lang siya saka tinapos na ang pagpapalaman. Pagkuwa’y nagsalang siya ng non-stick pan sa kalan para doon tustahin ang tinapay. “Pero, Aleona, alam mo ba yung bali-balita tungkol sa pamilya ni Sylas?” “Alin doon?” Actually, wala talagang masyadong alam si Aleona tungkol sa angkan ng mga Fortaleja. Basta ang alam lang niya, sobrang yaman nila, palibhasa’y mayroong mga business magnate at politiko sa angkan nila. “Yung tungkol sa m******e daw about seventy years ago?” Natigilan siya saka gulat na napatingin kay Krystal. “Ha? What do you mean?” Nagkibit-balikat ito. “Well, rumors lang naman. Pero meron kasing m******e na naganap sa isang hacienda tapos pinatay lahat ng mga nakatira doon, which is isang buong angkan ng mayayaman din.” “Tapos? Pamilya ni Sylas ang pumatay?” “Hindi naman. Mga rebelde raw. Pero ang sabi sa chismis, kasambwat daw ang pamilya nila. Parang away negosyo raw ang dahilan.” Napamaang siya. “Grabe? Totoo ba?” “Like I said, rumor lang, so ewan. Pero meron din kasing rumor na may sarili raw silang private army. Tapos yung private army daw na yon ang nangangalaga ng minahan nila sa Batangas. Ang kwento pa nga, isa rin sila sa mga nagpapaalis ng mga Lumad sa Mindanao para pagminahan ang tirahan nila.” Napalunok si Aleona. Okay, alam niya ang kwento ng mga Lumad -- o mga indigenous na tribo sa Mindanao. Nakapanood na siya ng mga documentary kung saan sinalaysay ng mga refugee kung paano raw sinunog ng mga militar ang bahay nila para mapaalis lang sila. Minsan nga rin daw ay nagkakaroon ng mga pagpatay kapag nagpupumilit sila. Now, to think na involved doon ang pamilya ni Sylas? She cannot help but think of the worst. Mukhang delikado pala ang maging involved siya sa lalaki! Muli niyang hinarap ang pagluluto. “Pero, Aleona, wala akong ibig sabihin doon, ha?” sabi ulit ni Krystal. “Hindi ko sinisiraan si Sylas.” “No, it’s fine, Krystal. Mainam na rin na malaman ko ngayon pa lang.” Tama lang pala talagang hindi ko siya i-entertain. - Pasado alas diez na nang gabi pero hindi pa rin umuuwi si Ysabel. Nagsisimula nang mag-alala si Aleona. “Ysabel, sorry na kasi!” halos maiyak na bulong ni Aleona habang hinihintay ang kaibigan niyang sagutin ang tawag niya. Pero gaya ng kanyang sampung naunang attempt, wala siyang napala. Hinayaan lang nitong mag-ring iyon. “Hindi ko naman kasi sinasadya! Nakakaasar lang kasi talaga ang sinabi mo.” Napahilamos siya ng mukha. Bumuntonghininga siya saka binuksan ang f*******: account. Naisip niyang manood na lang ng random videos at baka sakaling kumalma siya. Kaso tinamaan ng magaling! Ang unang video pa ngang nakita niya ay ang ginawang pagkagat kay Sylas. It was shared by one of her classmates. Naka-tag pa nga sa kanya with a caption, “Kakaiba ka pala!”. Napairit na lang siya nang malakas. Mahigit sampung libo na ang reaction na natanggap ng video. Halos doble na rin ang comments kumpara sa kanina noong una niyang nakita iyon. Aleona scrolled some of those. Maraming natawa, but some of them called her “walang breeding” and other nasty remarks. Pero ang talagang umagaw ng atensyon niya ay ang comment tungkol sa pamilya ni Sylas. “Di ba merong rumor na may mafia ang mga Fortaleja? Nako, kung sino ka man, kung ako sayo, magtago ka na! Baka ipapatay ka na lang bigla!” Natigilan si Aleona. Bigla niyang naisip ang tungkol sa kinuwento ni Krystal. So hindi lang pala ang kaibigan niya ang nakakaalam niyon? Marami rin pala. Dahil tuloy doon, nagsimula na siyang mag-panic. Napatayo siya. “Oh my God! Oh my God!” usal pa niya. She paced back and forth in the living room while occasionally rubbing her hands against each other in an attempt to calm her down. If the rumors were true, then, holy s**t! She’s dead! Muli siyang umupo sa gitna ng mahabang sofa saka umirit nang ubod nang lakas. "Jusko po!" sambit pa niya saka napahilamos ng mukha. “Lord, ano ba itong gulong pinasok ko?” Pero ang concern niya ay ang tahimik niyang campus life. Now that this s**t happened, paniguradong makikilala na siya ng mga schoolmate. Gone were the days when she could silently come and go without anyone noticing her. "Kasi naman itong Sylas na ito, ay!" bulalas niya habang ginugulo ang buhok. "Tahi-tahimik ng buhay ko, biglang nanggulo." Then she lied on the couch and did a breathing exercise to calm herself down. Pero bakit nga ba kasi ako pa ang napansin niya? Isip niya nang kumalma. Tsaka totoo kaya talagang may feelings siya sakin? She remembered how Sylas suddenly lost his composure and blushed. Now that she had thought about it, sobrang unexpected pala talaga. Why did he blush anyway? Hindi rin niya alam. Pero ang cute niya mag-blush, ha? Napapangiting isip niya. Ang confident niya kasi kanina, kaya nagulat ako nung bigla niyang ginawa iyon. Ba't kaya siya biglang nag-blush? Nagandahan ba siya sakin-- Natigilan siya saka bumalikwas ng bangon. "Ano ba itong iniisip ko?" bulong niya sa sarili. She could feel her face heating up. Lalo ring lumakas ang t***k ng puso niya. Para pakalmahin muli ang sarili, tumayo siya at naglakad-lakad na naman sa sala. Bakit ko ba iniisip si Sylas-- Her phone suddenly rang. Kinuha niya iyon sa center table. Then, she smiled when she saw that it was her mom calling her on Skype. Mabilis niyang sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri saka iyon sinagot. "Hi, Ma!" nakangiti niyang bati sa ina. Pero agad ding nawala ang saya nang makita ang itsura ng mama niya. Her mom was wearing a gray abaya, and she looked way older than the last time she was her. Dumami lalo ang kulubot nito sa mukha at lumalim din ang eyebags. Her mom, Lydia, coughed first before she spoke. "Kumusta na ang baby ko?" sabi nito sa paos na boses. Napalunok siya. Her mom was sick again, and she badly wanted to ask about her condition. But she didn't want to ruin the mood. Sa huli, pinilit niyang ngumiti ulit. "Ito, masaya naman ako sa school. I met new friends again!" pagsisinungaling niya. She slightly cringed at her thick accent when she spoke in English. Hindi talaga siya sanay mag-English, pero kailangan niyang magkunwari na naka-adjust talaga siya sa kanyang campus life para hindi mag-alala ang mama niya. Sumilay ang ngiti sa labi ng mama niya. "Mainam naman. Di ka naman nila ina-outcast?" "Hindi naman, Ma. Like I said nga, marami akong new friends." Her mom didn't speak for a moment. Sa halip, parang tiningnan nito mabuti ang itsura niya. This made her nervous. Bigla rin niyang naalala na lumang shirt nga pala ang suot niya! Ayaw ng mama niyang nagsusuot siya ng basahan. "Naipang-shopping mo na ba yung huli kong pinadalang pera--" Naubo ito. Tinapik-tapik nito ang dibdib saka inulit ang sinabi. Alanganin siyang ngumiti. Of course, she didn't! Gaya ng laging nangyayari, tinatabi lang niya ang mga binibigay nitong pera para sa luho niya. Then, she remembered the clothes Ysabel bought for her. Biglang kumislap ang mga mata niya. "Syempre naman, Ma! Gusto mong makita?" "Sige raw." Agad siyang tumayo saka nagtungo sa walk-in closet ni Ysabel kung saan niya nilagay ang mga damit niyang hindi man lang niya inalis sa paperbag. She grabbed one of those paper bags and showed it to the camera. "Kita mo ito, Ma? LV ito!" Tapos, nilabas niya ang laman niyong one-shoulder at baby blue na chiffon dress. "Ganda, no? Si Ysabel ang namili nito para sakin." Gaya ng inasahan niya, nagliwanag ang mukha ng mama niya. "Oo nga. Isuot mo nga raw." "Sige po, wait lang." Nilapag niya sa tokador ang phone saka mabilis na nagpalit. Once down, she picked her phone again, switched the camera to the one located at the back, and faced the mirror. "Tingin mo po?" sabi niya habang nagpo-pose. "Ang ganda-ganda talaga ng anak ko," tuwang-tuwang sabi ni Lydia habang pumapalakpak. "Syempre naman. Mana lang sayo," biro niya saka ibinalik sa front cam ang video. "Kumusta po kayo, Mama? Okay lang po ba kayo? Parang stressed po yata kayo masyado sa work." "Nako, hindi iyan. Uminom lang ako ng malamig kaya ako inuubo." And of course, Aleona knew her mom was lying. Lagi naman. "Nako, Ma. Di yan maganda. Dapat lagi po kayong nagpapahinga. Tsaka nagpadoktor na ba--" "Sabi nang wala lang ito, Aleona, ano ba?" sabat ni Lydia. Kumunot pa nga ang noo nito. Napitlag ang dalaga. Mabilis din niyang tinikom ang bibig. Ito na nga ang kinakatakot niya. Her mom would be angry if she asked her to take care of herself. Bumuntonghininga naman si Lydia. "Oo nga pala, anak, may surprise ako sa iyo." "Ano po iyon?" kunwari'y nagagalak niyang isip kahit ba sa loob niya'y nagpa-panic na naman siya. Ano na namang mamahaling gamit ang binili nito? "Tsaran!" Pinakita nito ang isang bagong labas na model ng iPhone. "Namili ako ng bagong phone mo." "Ah... thank you, Ma," Aleona struggled to maintain her smile. No! Not again! Biglang napawi ang ngiti nito. "Bakit parang hindi ka masaya?" "Po? Hindi po! Excited na nga po ako!" tarantang sambit niya habang nakatingin sa phone niya. Wala pang kalahating taon iyon! "Nagulat lang ako kasi bago pa lang ang phone ko tapos binilan mo ako ulit ng bago." But it didn't convince her mom. Tumalim ang titig nito sa kanya. "Bakit ba parang hindi ka pa nakukuntento? Hindi pa ba sapat ang sakripisyo ko sayo?" himutok nito. Napapikit na lang si Aleona at napakagat ng labi. Ito na ang kinakatakot niya! "Alam ko, marami akong pagkukulang sayo dahil hindi ko na nabalik ang marangya nating buhay mula nang mamatay ang papa mo!" patuloy na hinaing ni Lydia habang nagpipigil na maluha. "Kaya nga ako nandito sa Kuwait at nagtratrabaho bilang DH! Para makabawi sayo! Tapos, ganito lang ang igaganti mo akin?" Hindi naman kasi iyon ang gusto kong sabihin, Ma! Sigaw niya sa isip pero sinarili na lang niya. Alam niyang lalo lang lalala ang pag-aaway nila kapag nagsalita pa siya. Marami pang sinabi si Lydia. Napahagulhol pa ito pagkatapos. "Hirap na hirap na ako dito sa ibang bansa, Aleona. Ang gusto ko lang, ma-appreicate mo naman ako gaya kung paano mo na-appreciate ang papa mo noong buhay pa siya!" Aleona heaved a deep sigh. "Sorry po, Mama. Sorry po, kung spoiled brat ako." Umismid ito. "Tapos, ngayon, magso-sorry ka! Ilang ulit mo na ba itong ginawa?" sabat nito. "Pasalamat ka, mahal na mahal kita. Kung hindi, matagal na kitang pinabayaan." There was a silence after that. Aleona couldn't even look at her mom, out of fear that she would misinterpret her action again. Hanggang sa nagkusa na ring nagpaalam si Lydia. "Sige na, magtratrabaho na ako," sabi nito. "Antayin mo na lang itong iPhone mo. Next week naman na ang flight nitong pasasabayan ko. Tapos, bahala ka na sa buhay mo." Then, she ended her call. Muling bumuntonghininga si Aleona. Then, she looked at her reflection. She looked amazing on this dress. Ang ganda ng lapat niyon. It was hugging her body like a second skin, giving her S-figure an emphasis. But it didn't feel right. This wasn't her! She immediately took it off and wore the rug clothes she had earlier. Now, this was the real her: simple at halatang galing sa hirap. Malayong-malayo sa imaheng spoiled, rich brat na ipinagpipilitan sa kanya ni Lydia. This was the real her. It had always been like that. Pero bakit hindi iyon nakikita ng mama niya? Napatakip siya ng bibig. No, she won't cry. Hinding-hindi siya iiyak. Matatag siya. Hindi ba iyon ang dahilan kung bakit bullet ang piniling pendant ng papa niya para sa kanya? It symbolized bravery and strength. That was her. Crying is for the weak. But her body betrayed her. The next thing she knew, she was on the floor, hugging herself and crying to her heart content. Humiga siya sa sahig saka hinawakan ang necklace. She was glad she finally got it back. It was the only thing that was keeping her sane again. Sa dami ng problema niya, pakiramdam niya'y hindi kakayanin. Pakiramdam niya'y masisiraan siya ng bait. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD