Chapter 4

2026 Words
Naging usap-usapan sa campus ang post ni Sylas sa i********:. Katunayan, habang tahimik na nag-aaral si Aleona sa library, narinig niya ang pagbubulungan ng dalawang babae sa katabing mesa. "Girl, tingin n'yo, anong itsura nung girl na nagugustuhan ni Sylas?" "I don't know. I bet she came from a wealthy Chinese clan din?" "Wealthy ba talaga? That necklace looks cheap. And it's so luma na tingnan. Tamo, parang may kalawang na. Is that even a real silver necklace? And why the bullet? The pendant is so ugly." "I doubt. Pero malay mo naman, she's keeping it kasi may sentimental value. Maybe, her best friend gave it to her. Kasi it doesn't make sense naman na iyon ang kukunin ni Sylas e ang cheap-cheap nu'n." "Or you know, maybe she's a gold-digging b***h who wants to leech off from Sylas's wealth" Napangiwi si Aleona matapos marinig ang huling linya. Ni hindi nga niya alam kung paano nakuha ni Sylas ang pangalan niya. Tapos, biglang gold digger siya? May mga sinabi pa ang isa sa mga babae, at sobrang below the belt ang tirada nito. Kahit alam ni Aleona na hindi naman iyon totoo, still, nasasaktan pa rin siya kaya minabuti na lang niyang kolektahin na ang mga gamit at tahimik na umalis sa library. Once she was outside, she did a quick breathing exercise to calm herself down. "Hay nako, wish ko lang talaga hindi ipaalam ni Sylas sa lahat na ako ang may-ari ng necklace na iyon," bulong niya sa sarili saka nagsimulang maghanap ng lugar kung saan siya pwedeng tumambay. It was past three in the afternoon, and she had no other class for the day. Pero tinatamad pa siyang umuwi. Mainit kasi sa unit ni Ysabel nang ganoong oras. Nahihiya naman siyang buksan ang aircon. While she was walking on the pavement, hindi niya maiwasang tingnan ang paligid. She was studying in Unibersidad de Santa Juana de Arco, one of the oldest universities in the country located along España, Manila. Tinayo iyon noon pang panahon ng mga Espanyol, at tinaguriang kauna-unahang paaralan para sa mga babae. Most of the old buildings were preserved, even after it got renovated, kaya naman pang Spanish Renaissance era ang istilo -- mula sa matataas na pundasyon na kawangis ng Ionic pillar ng Greek architecture, sa pantay-pantay na pagkakapwesto ng mga arch window at arch door, hanggang sa materyales na ginamit sa mga building na kalimitan ay bricks o kaya'y hinulmang bato. Hindi nagtagal, natanaw na niya ang mga pavilion malapit sa plaza. There were some students staying in there, pero nakakita siya ng isang lamesang bakante. She went to that spot and put her bag on it. Ilang sandali pa, nagsisimula na siya ulit magsagot ng assignment niya sa accounting. She was in the middle of writing her answers on a yellow worksheet when she noticed someone's presence in front of her. Nang ibaling niya ang tingin doon, kamuntikan na siyang mahulog sa upuan niya sa sobrang gulat. Samantalang, agad namang tumayo si Sylas at lumapit sa kanya. "Hey, are you okay, Aleona?" tanong nito habang nakaalalay sa balikat niya. Before she could answer, she felt more people looking at them. It was a group of students wearing gray polo shirts and black jeans -- the wash day uniform of the Engineering department. May dalawang babaeng naroon at nagkatinginan. "OMG, si Sylas!" sabay pang bulalas ng dalawa. Sylas smiled and waved at them. Naghiyawan naman ang dalawa at naghampasan pa dahil sa kilig. Then, they looked at Aleona. "Uy, siya kaya yun?" sambit nito sa mga kasama. Napatingin naman ang mga kasama nito sa kanya. Napangiwi si Aleona. Those unsolicited stares made her uncomfortable. Ayaw pa naman niyang pinagtitingnan siya. She smiled at them awkwardly. Tapos, sinimulan niyang itabi ang mga gamit. "Hey, are you done already?" nagtatakang tanong sa kanya ni Sylas. Zinipper niya ang bag. "Oo." Biglang kumislap ang mga mata nito. "Then, if you don't mind, pwede ba kitang yayaing magmeryenda? My treat." Tapos, kinapa nito ang tiyan. "I haven't had my lunch yet." "No, thanks." Sinakbit niya ang bag saka mabilis na naglakad palayo. Agad naman siyang hinabol nito. "Whoa, wait, Aleona," sabi nito habang humaharang sa dinadaanan niya. "Do you hate me or what? Ba't mo ako iniiwasan?" Tinaasan niya ito ng kilay saka tiningnan mula ulo hanggang paa. Noon lang niya napansing hindi ito naka-uniform. "Well, for starter, Mr. Fortaleja, hindi kita kilala," mataray na aniya. "Wala kang dahilan para yayain akong magmeryenda." "Oh, really?" Ngumisi ito. "Pero tinawag mo akong Mr. Fortaleja just now." Naningkit ang mga mata niya. Wow, pilosopo. Sa inis niya, sinipa niya ito sa alak-alakan. Napaigik ito sa sakit saka napalundag habang hawak ang parteng tinamaan niya. Sinamantala niya ang pagkakataon para lumayo dito. Pero gaya kanina, hinabol lang din siya nito saka hinarang. "Wait. Sorry. Binibiro lang kita," sabi nito. "I'm Sylas, Aleona. Nice to meet you." Then, he thrust his right hand to initiate a handshake. Tinitigan lang niya ang kamay nito. "May problema ba?" nagtatakang tanong ng lalaki. Sinalubong niya ang tingin nito. "Paano mo pala ako nakilala?" Aba'y ngumisi ang kumag? "I just have my ways of knowing," sagot nito. Kumindat pa nga. Napaikot tuloy siya ng mga mata saka niya ito muling nilampasan. "Oh, come on, Aleona. Why are you like this?" sambit nito habang sinusundan siya ng tingin. "Wala naman akong masamang plano sayo. Gusto lang kitang kilalanin. Kaibiganin." She just rolled her eyes again and sped up. Ang creepy naman niya kasi. Jusko! Hindi siya nakakatuwa. Right, Pa? Kinapa niya ang bullet pendant sa leeg dahilan para matigilan siya. Oo nga pala! Pagkakataon nga naman. Saktong nagsalita muli si Sylas. "I still have your necklace, Aleona! Don't forget!" Nang harapin niya ang lalaki, nakita niyang may nilalabas ito sa kaliwang bulsa. A few seconds later, nilabas nito ang kuwintas niya. "Do you want it back, Aleona?" anito habang iwinawasiwas ang kuwintas sa hangin. Napamaang siya saka humakbang palapit dito. "Akin na yan!" Tinangka niyang hablutin iyon pero tinaasan lang nito ang kamay. "Kung maaabot mo!" nakangising turan nito. Aleona scowled. Sylas was probably above six feet. Napakalaki ng agwat nito sa height niyang 5' 5". But she still tried to reach it anyway by jumping. Pero kalauna'y sumuko na rin siya. "Ano ba, Sylas? Hindi kamo nakakatuwa," reklamo niya habang sapo ang dibdib. Mayroon siyang asthma kaya madali siyang hingalin. "Nagpapatawa ba ako?" Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Pilosopo ka talaga ano?" "Yup," proud na proud pa nitong tugon saka bumuo ng check sa kanang kamay at nilagay iyon sa ilalim ng baba. "Tsaka gwapo. Pilosopong gwapo." Ngumisi ito. "Tang ina," usal na lang niya. It was uncommon for her to be foul-mouthed. Kung ganito ba naman katigas ang ulo ng kausap niya, mapapamura na lang talaga siya. Nakita niyang binababa na ni Sylas ang isa nitong kamay kung nasaan ang kwintas niya. She thought it was the perfect time to snatch it back. E kaso, naging listo ito sa paglayo niyon kaya hindi pa rin niya naabot. "Sylas kasi!" angil niya sa lalaki. "Tigilan mo na nga ako!" Nang sandaling iyon, dumarami na ang mga tumitingin sa kanila. May ilan pa ngang kumukuha ng video. Yet Aeona didn't notice it. Nakatuon kasi ang buong atensyon niya sa lalaki at sa hangarin niyang mabawi ang iniingatang momento mula sa ama. Tumawa ang lalaki. "Sino ba kasing nagsabing ibabalik ko? Remember, I'm holding this for ransom." "Holding for... ano?" kunot-noo niyang tanong. "Ransom. Di ba may kundisyon ako para mabawi mo ito sakin?" Napalunok siya nang maalala iyon. Oh, s**t. Not that one again! Iyon pa naman ang dahilan kung bakit naging usap-usapan sa campus nila ang huling post ni Sylas. Iyon din ang dahilan kung bakit siya nakatanggap na below the belt na tirada mula sa isang babae sa katabing mesa kanina.  At iyon din ang dahilan kung bakit nabwibwisit siya sa lalaki kahit wala pa itong ginagawa. Tumingala si Sylas saka tiningnan ang tiningnan ang pendant ng kuwintas niya. "Di ba ang sabi ko, hindi ko ito isasauli sayo hanggang sa hindi mo binabalik ang ninakaw mo sakin?" Tapos, bumaba ang tingin nito sa kanya. "And that's my heart, Aleona. Return it, and you'll get your necklace back." Napatalak siya. "Pwede ba, Sylas? Kung akala mong kikiligin ako sa sinabi mo, pwes, nagkakamali ka. I don't have any feelings for you. Iba na lang ang targetin mo." "Ows?" Bumaba ulit ang tingin nito sa kanya. "Talaga ba?" Wow, ha? Hindi niya maiwasang isip. Napakayabang kasi ng tono ni Sylas. "Bakit? Akala mo, lahat ng babae, naghahabol sayo?" "Are you sure?" Tinitigan siya nito nang matiim saka ngumisi. The moment it happened, napamulagat si Aleona. She didn't know where it was coming from pero parang gumwapo lalo sa paningin siya Sylas. Ang ganda kasi ng mga singkit na mga mata nito. Mapungay iyon tapos mahahaba pa ang mga pilik-mata. Without realizing it, she was already blushing. Napagtanto lang niya iyon nang marinig niya ang mahinang pagtawa ni Sylas. Umiwas siya ng tingin. "T-Tse, hindi kaya," pagtanggi niya habang pilit na pinapakalma ang nagwawala niyang puso. Noon lang ibinaba ni Sylas ang kaliwang kamay. Mukhang nangawit na yata dahil inikot-ikot din kasi nang ilang ulit ang balikat pagkatapos. "So, Aleona, want to hang out? Don't worry, hindi naman kita kikidnapin kung iyan ang kinakatakot mo. I really want to know you more." Napanguso ang dalaga habang nag-iisip. Pagbibigyan na ba niya ang lalaki? Mukhang wala yata talaga itong planong tigilan siya. Pero ba't ba kasi ako pa? Ang dami-daming babaeng pwede-- Muling nahagip ng tingin niya ang necklace niya. She closed her eyes and heaved a deep sigh. Tapos, sinalubong niya ang titig ni Sylas. She maintained a fierce expression, her way of asserting her authority over him. Samantalang, unti-unti namang napawi ang ngiti ni Sylas. Maya-maya'y napalunok pa ito, at... Wait, bakit unti-unting namumula ang mukha nito? Bumuka-buka rin ang bibig nito na parang may gustong sabihin pero inuunahan hiya. But none of those were Aleona's concern. Now that Sylas was distracted, she used that opportunity to snatch her necklace away from Sylas! Unfortunately for her, Sylas snapped out. Mabilis din nitong nahigpitan muli ang paghawak sa necklace niya. "Oops, not so fast," nakangising anito habang nakikipag-agawan sa kanya. "Sylas kasi!" malakas niyang atungal. Kinailangan niyang bawasan ang pwersa sa takot na mapigtal iyon. Sylas smirked. "Kung ako kasi sayo, wag ka nang makulit. Isa lang naman ang gusto ko--" "Ah, ganon? Di ka talaga titigil?" bara niya rito. Pagkuwa'y hinawakan niya ang kamay nito. And then, she bit Sylas's hand as hard as she could. Sylas howled in pain. Gaya ng inasahan niya, nabitiwan nga nito ang kwintas niya. Agad niyang inagaw iyon. She did a quick inspection. Mukhang wala namang sira ang necklace niya. Thank, God! Samantalang, namilipit naman sa sakit si Sylas. Nakabaluktot pa ito habang iniipit sa pagitan ng mga tuhod ang kamay na kinagat ni Aleona. And when he looked at her, aba'y nangingilid na ang mga luha sa mata. "That hurts!" reklamo nito habang napapangiwi sa sakit. Somehow, bigla ring sinundot ng kunsensya niya si Aleona. However, she immediately took that back when she finally noticed the commotion they had caused. Maraming estudyanteng nakapalibot sa kanila. Nang salubungin nga niya ang tingin, napaiwas pa ang mga ito ng tingin saka nagbulungan. And she caught some of them taking a video. Oh no! Sigaw niya sa isip. She felt something building up in her stomach. Then, she took a step back and looked down on Sylas. Nakita niyang hinihipan nito ang kamay na kinagat niya. Napalunok siya saka napatingin-tingin ulit sa mga nakapalibot sa kanila. That was when she noticed that some of them were throwing scrutinizing looks. Shit! Sigaw niya muli sa isip. Humugot siya nang malalim na hininga saka muling hinarap si Sylas. "Sorry!" malakas niyang sigaw saka kumaripas ng takbo palayo. She heard Sylas scream her name, but she didn't bat an eye. Gusto lang niya'y makalayo sa lugar na iyon habang humihiling na sana'y makalimutan agad ng mga tao ang naganap. But how's that possible? She assaulted a goddamn Fortaleja.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD