Chapter 3

2669 Words
“Umuwi na kaya si Ysabel?” tanong ni Aleona sa sarili habang sakay siya ng elevator. May bitbit siyang ilang plastic ng grocery na binili niya sa malapit na supermarket. “Nakakaloka ba yung babae na yon minsan.” Napailing-iling na lang siya. Hindi kasi umuwi kagabi ang kaibigan niya. Kung saan ito nagtungo? Hindi rin niya alam. Nang i-text niya, secret lang ang sinagot. May karugtong pang apat na nakadilang emoji. Hindi nagtagal, humawi na ang pinto ng elevator. Lumabas siya roon saka gumawi pakaliwa. She stopped on the last door. Bale iyon ang unit ni Ysabel. Nilapag muna niya ang bitbit saka binuksan ang kanyang handbag para kuhanin ang susi. She was still in her uniform -- isang puting blouse at blue na palda -- dahil dumiretso siya agad sa supermarket pagkatapos ng klase niya at 2:00 p.m. Saktong ipapasok na niya ang susi nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa kanya ang isang babaeng matangkad at may mala-anghel na ngiti, si Ysabel. “Aleona-girl!” bulalas pa nito saka nakipagbeso sa kanya. “Miss you. Ganda natin, ha?” “Luh? Ba’t may pagbola?” bara niya rito saka muling binitbit ang mga plastic. Ysabel offered to carry one of those saka sila pumasok. Only for her to freeze when she saw a bunch of paper bags on the floor. Oh my God! Nag-shopping galore na naman si Ysabel, hindi niya maiwasang isip. Kahit hindi pa niya binibilang, nasisiguro niyang lampas sa sampu ang mga paper bag na naroon. Lahat pa ay mga mamahaling brand! Humagikhik naman ang kaibigan niya. “I know what you’re thinking,” nakangising ani Ysabel habang pinapatong ang bitbit sa wall table. Kinuha rin nito ang hawak niya saka pinatong din doon. “Don’t worry, di naman kita pahihirapang iligpit yan lahat.” Samantalang, lumabas naman mula sa kwarto ang isang nasa mid-40s na babae, si Adora, ang mama ni Ysabel. Agad itong ngumiti nang makita siya. “Hello, hija,” bati nito saka nakipagbeso-beso sa kanya. “How’s your day?” “Uhm, okay naman po,” nahihiya niyang tugon habang hinahagod ng tingin ang suot ng amo. The woman looked regal on a caped, deep-burgundy gown with fine front pleats. Nakadagdag din sa kasosyalan nito ang suot na pearl earrings. “Nilapitan ka na ba ni Sylas?” nakangiting tanong nito. Napamulagat siya. “Hala?” Tapos, ibinaling niya ang tingin kay Ysabel. Her friend was looking at her excitedly, as if waiting for some wonderful story. Napakamot na lang siya ng ulo. Okay, so last night, Sylas posted a picture of his hand while holding her necklace. Then, the caption said, “To the girl who owned this, I’m not returning this necklace to you until you returned what you stole from me… my heart :)”. Iyon ang dahilan kung bakit siya nakatanggap ng sangkatutak ng missed call mula kay Ysabel. Nakilala nito agad ang necklace niya. Well, they’ve been living together for three years, so it was quite expected na rin. Ang hindi lang expected ay ang ipagsigawan ni Sylas na napupusuhan siya nito. It was so unreal that she had to check the picture four times. Baka kasi ibang necklace pala ang hawak nito. Yet even she was sure it was hers. Sa mga letra pa lang na nakaukit sa pendant niyon, alam niyang kanya iyon. Pero bakit? Bakit siya nagustuhan ng lalaki? Napailing-iling na lang siya saka muling hinarap si Adora. “Hindi pa po, Tita. Busy po kasi ako. Tsaka, tingin ko naman, nagjo-joke lang si Sylas.” “Nagjo-joke daw?” Nag-make face pa si Ysabel pagkasabi niyon. “So bakit ka niya nilibre ng frappe? Tapos alam niya ang name mo?” Oo nga naman. Palaisipan sa kanya iyon mula pa kahapon. Paano siya nakilala ni Sylas? Nagkibit-balikat siya. Then, she looked around. Hanggang sala, nagkalat ang mga paper bag at mga kahon ng sapatos. Laking pasasalamat tuloy niya na wala siyang assignment na gagawin mamaya. Tingin pa naman niya’y aabutin na naman siya ng siyam-siyam sa pagliligpit ng kalat. “By the way pala, Aleona, for you pala lahat ng nakikita mong bagong damit,” sabi ulit ni Ysabel. “I hope you like it.” Napamulagat si Aleona. “Wait, what?” Pero hindi sumagot si Ysabel. Sa halip, hinila siya nito patungo sa center table sa sala saka kinuha ang nakapatong doon na itim na one-shoulder top. Maikli ang damit at tingin niya’y hanggang pusod lang niya iyon. Tapos, may kasama pa itong denim pants na high waist. “For you!” Inabot ni Ysabel ang kinuhang damit sa kanya. Napamulagat siya saka tiningnan ang brand na hawak nito. It was a premium brand! Sigurado siyang ang mahal niyon! Then, she looked around. Punom-puno nga ng shopping bag. There were probably around 25 items all in all, tapos mahal pa. “Para sakin talaga lahat to?” napapangiwing tanong niya sa mag-ina. “Of course, duh?” Inirapan siya ng kaibigan. “Hala. Ang dami.” “Sus, konti pa iyan!” Tapos, tinuro ni Isabel ang mga box ng sapatos na nakalagay sa gilid ng TV stand. “Kaya binilan ka rin namin ni Mommy ng mga bagong shoes!” At that point, gusto na lang ni Aleona na mahimatay. Tingin niya’y kalahating milyon na ang halaga ng lahat ng binili para sa kanya. She could never imagine herself throwing that amount of money for someone that was not even part of the family. Napaupo tuloy siya dahil sa labis na stress. Natawa naman si Ysabel saka tumabi sa kanya. “Na-touch ka ba, girl?” “Hindi naman-- I mean…” Bumuntonghininga siya saka pinaypayan ang sarili. “Ang laking halaga nitong binili ninyo sakin. Hindi ko yata kayang bayaran ito lahat.” “At sino namang nagsabing babayaran mo yan?” mataray na turan ni Ysabel. “Gift ko yan sayo, ano ka ba?” Alam naman niya iyon, pero hindi pa rin niya kayang tanggapin. Sino lang ba siya sa buhay ng pamilyang Ricarte? Isa lang siyang personal assistant ni Ysabel. Ni hindi pa nga niya kilala ang iba nitong mga kamag-anak. Samantalang, tumabi rin sa kanya si Adora. “Hija, wag mo kasing isipin ang halaga. Ysabel bought all of these for you. Ganyan ka ka-love ng anak ko.” Tapos hinawakan nito ang mukha niya at pinaharap dito. “And of course, pumayag ako dahil tingin ko naman, deserve mo rin ng mga ganitong bagay. In case you haven’t realized it, mas mahal kita kesa sa maldita kong anak.” Mahinang natawa ang ginang habang si Ysabel naman ay inirapan ito. “Ewan ko sayo, Mommy!” Tumayo ito saka hinila si Aleona. “Tara na nga!” “Ha? Saan tayo pupunta?” nagtatakang aniya. “Sa derma, duh! Para mawala iyang pimples mo.” Hinawi ni Ysabel ang bangs niya para tingnan ang mga tumubong tigyawat doon. “See? May breakout ka. Nako, big no-no iyan. Especially, sa isang future Fortaleja!” Pinandilatan niya ito. “Hoy, ang advance mong mag-isip, ah? Future Fortaleja ka dyan? Ni hindi ko pa nga boyfriend si Sylas, ay.” “But going there?” Nginisian siya nito. After she rolled her eyes, Ysabel waved her hands. “Anyway, let’s go na. Male-late tayo sa appointment mo, oh my God! It’s Dra. Valerie Bella who will see you!” “Ha?!” Isang tanyag na cosmetic surgeon ang tinutukoy nito. “Bakit sa kanya? Ang mahal ng treatment nu’n for sure.” “Ay nako, wag mo na ngang isipin ang bayad kasi. I’m the one who’s making the bayad naman.” Hinila siya nito. Pero agad niya itong pinigilan. “Pero wait, magliligpit muna ako, syempre.” Tinuro niya ang mga nagkalat na paperbag. Napaikot ng mga mata si Ysabel. “Alam mo, Aleona, kukutusan na kita. Dami mong hanash. It’s fine. And besides…” Saktong may nag-doorbell. “Ma’am Ysabel, home cleaning service po,” sabi ng nasa kabilang pinto. Tumayo naman si Adora. “Don’t worry about it, okay? Kaya nga ako ang nandito. Para di ka na maabala. Ako ang magbabantay sa maglilinis,” sabi nito kay Adora. “You heard Mommy, okay? Kaya tara na!” Ysabel tugged her again. Wala nang nagawa si Aleona. Kinuha na lang niya ang wallet at phone mula sa bag saka sumama kay Ysabel palabas. - “Nasabi na ba sayo ni Sylas kung paano ka niya nakilala?” Dahan-dahang minulat ni Aleona ang mga mata saka ibinaling ang tingin kay Ysabel na nasa kaliwang kama. Both of them were enjoying a whole body massage. Mayroon din kasing ino-offer na spa ang clinic ni Dra. Bella. So after her consultation, niyaya na rin siya ni Ysabel na magpa-whole body spa tutal magpapa-facial din naman sila. Aleona shrugged her shoulder. Then, she realized Ysabel could not see her dahil may nakapatong na cucumber sa mga mata nito, so she said, “Ewan.” Then, she added, “Di pa kami nakakapag-usap, remember?” Ngumuso si Ysabel saka inalis ang mga nasa mata nito. “It’s a mystery ba? Like… you have no clue talaga?” Muli siyang nagkibit-balikat. Gusto rin naman niyang malaman sa totoo lang, pero meron kasing mas malaking misteryo para sa kanya. And that is... “I think mas gusto ko pa yatang malaman kung ano bang nafi-feel mo about this,” sambit niya. “I mean, di ba, crush na crush mo siya?” Natigilan naman si Ysabel. It gave Aleona an impression na noon lang iyon naalala ng kaibigan. Napailing-iling na lang tuloy siya. Sometimes she finds her friend’s simple-mindedness amusing. “Ah… ano kasi…” Ngumuso ito bigla. “Kaya ko nga tinatanong kung bakit ka niya nagustuhan, di ba? Kasi ako yung nagpapa-cute pero ikaw ang napansin. Like… why naman ganon, girl? Ang duga.” Aleona sighed. Ito ang isa sa kinakatakot niya nang mabasa ang post ni Sylas. Of course, mafu-frustrate ang kaibigan niya. Hopefully, hindi sila magkasira nito. Si Ysabel pa naman ang pinaka-close niya sa campus. “Don’t worry, Ysabel. I’m turning him down kung sakaling aamin siya sakin nang personal.” Gulat itong napatingin sa kanya. “Gaga!” singhal nito. Umalingawngaw tuloy ang boses sa kabuuan ng spa room, at napatingin sa kanila ang ibang customer. “Bakit mo naman bu-bustedin? I mean, sist, it’s Sylas! Sylas Fortaleja to be precise. Okay ka lang?” Sinalubong niya ito. “E kasi nga, hindi ko naman siya gusto.” Habang sinasabi niya iyon, minamasahe na ng babaeng masahista ang mga hita niya. “Ay, weh? Sure ka? Di ka man lang napopogian sa kanya?” Saglit siyang napaisip. Well, maitsura naman kasi talaga ang lalaki. Okay, sige na nga. Pasado na ito kung physical attraction lang naman ang pag-uusap. Kaso kasi, wala siyang oras para magka-lovelife. Halos magbalian na ng likod ang mama niya sa pagbabanat nito ng buto maibigay lang ang nais nitong marangyang buhay para sa kanya. Just thinking about her mom’s sacrifices made her lose a reason to be laxed about her life. She had to graduate as fast as she could, and get a job. Nang sa gayon ay mapatigil na niya ang ina sa pagtratrabaho at siya naman ang bumuhay rito. Sinabi niya lahat ng iyon kay Ysabel. Ysabel’s face turned sour. “Hay nako, girl. Uso naman mag-multitask. Tamo nga ikaw, working student.” “Kaya nga wala akong time magka-lovelife. Nag-aaral ako sa umaga tapos katulong mo ako sa gabi.” “Hay nako, Aleona, wag mo ngang gamitin yang term na katulong please? At least make it more sosyal man lang like assistant. Nakakababa ng moral mo, eh.” “Sus, ano bang kaibahan ng assistant at katulong? In-English mo lang.” “Ay nako! Basta. Hindi kita katulong, okay? We’re friends. Best friends.” She extended her right arm towards her. Agad naman niya iyong inabot saka ngumiti. “Syempre naman, best friend tayo. Di ko naman iyon itatanggi.” Saktong pinatagilid sila ng mga masahista nila kaya naman nakapag-usap sila nang magkaharap. “Pero, Aleona, sure ka ba talagang ayaw mong i-pursue si Sylas if ever na manligaw nga siya sayo?” nakangusong tanong ni Ysabel. “Sayang kasi talaga, eh.” “Alam mo, Ysa, naguguluhan ako sayo,” sagot naman niya. “You like Sylas pero bakit parang mas natutuwa ka pang ako pala ang natitipuhan niya?” Mahina itong tumawa. “Hello, mayroon tayong kasabihang. ‘Kapag hindi ka niya gusto, ibugaw mo sa bestfriend mo’.” Ngumisi ito. Napamulagat naman siya, habang ang nagmamasahe kay Ysabel ay natawa. “O di ba? Nag-agree si Ate?” Nakipag-high five pa ang gaga sa masahista nito. “Anong pinagsasabi mo dyan, Ysabel? Walang ganon!” “Meron. That’s one of the wisdom of the one and only beautiful Maria Ysabella Ricarte!” Napakurap-kurap na lang si Aleona. “Alam mo, minsan, di ko rin gets kung bakit kita naging kaibigan.” Inirapan niya ito pero merong sumisilay na ngiti sa labi niya. “Same question, but look, we’re here! And I guess, fate brought us together,” anunsyo nito. Then, natigilan ito bago kumislap ang mga mata. “Alam mo, parang may ideya na ako kung paano ka nakilala ni Sylas?” “Ha? Paano naman?” “Simple lang: di ba minsan sinasamahan mo akong silayan siya?” “Tapos?” “Siguro, napapansin na niya ako dati pa. I mean, sa ganda kong ito?” Ysabel tapped her chin using the upper side of her left hand. “Kahit yata vaklush na mas softie pa sa marshmallow, titigas kapag nakita ako.” Napangiwi siya sa double meaning na sinabi nito. “Wow, ang hangin, ah?” “Nagsasabi lang ng totoo. But anyway…” Winasiwas nito ang kamay para ibahin ang topic. “Siguro, minsan napapatingin si Sylas satin, at mas napapansin ka niya. Tapos, nagandahan sayo. At kaya siguro siya biglang lumapit nung makita ka niyang mag-isa. Kasi wala ako, so he’s made a move on you na.” Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Nge?” sambit niya matapos ang ilang segundo. “Dahil lang doon, type na niya ako agad?” Napanguso naman si Ysabel. “E wala na akong maisip na dahilan. Not unless, nagmi-meet na pala kayo behind my back?” Binigyan siya nito ng mga nagsususpetsang tingin sa pabirong paraan. “Hoy, hindi, ah? Ba’t ko naman gagawin iyon?” Sumenyas ang masahista nila na sa kabilang side naman sila humarap. “Pero, Aleona, seryoso na talaga,” muling sabi ni Ysabel nang magkatalikuran na sila. “Hindi mo talaga siya bibigyan ng chance?” “Ba’t ba ang kulit mo? Di pa nga umaamin yung tao e.” “E assuming na umamin nga? Bubustedin mo talaga agad?” Napabuga na lang siya ng hangin. Nakukulitan na talaga siya kay Ysabel. “Sige, I’ll give it a try,” sabi na lang niya nang matapos na. Biglang na-excite ang kaibigan niya. “Sure yan, ha? Wala nang bawian!” “Yeah, yeah. Whatever.” Napaikot na lang siya ng mga mata. Well, hindi niya ugaling sirain ang usapan, so yes, she really meant it. Kung aamin nga sa kanya si Sylas, papayagan niya itong manligaw. Then, she would savor the moment until it finally ended. Ganoon naman lagi, hindi ba? Nothing lasts forever, so she would just go with the flow and move on right away the moment they’ve reached the ending…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD