Saktong kakalabas lang ni Aleona sa banyo nang buksan naman ni Ysabel ang pinto ng main door. Taranta tuloy siyang napatalikod para itago ang katawan. Nakatapis lang kasi siya noon tapos sakto pang kita agad ang banyo mula sa labas ng unit. “Ay, sorry!” sabi naman ni Ysabel saka mabilis na sinara ang pinto. “Anyway, akala ko, mamaya ka pa aalis? Ba’t naligo ka na?” First day ng midterm week na noon, at mamaya pang alas once ang unang exam ni Aleona para sa araw na iyon. May dalawang oras pa siya. “Wala lang. Di kasi ako mapakali dito sa bahay kaya doon na lang ako sa school magre-review,” tugon niya saka humarap sa kaibigan. “Ikaw, ba’t ka andito? Akala ko may test ka?” Tiningnan ni Ysabel ang wrist watch nito. “May thirty minutes pa naman ako. Saka I need to change clothes.” Pinakita

