Chapter 9

2091 Words
Hindi makapaniwala si Aleona sa narinig. Sylas lied. Wala naman pala talaga itong accounting subject. Muling humalakhak si Sylas. "Sorry kung inabala kita. The truth is gusto lang kitang makasama kaya ako nagkunwaring may accounting subject. I thought you'll come if I asked you to study with me. Ang hilig mo kasi mag-aral." Tapos, inabot nito muli ang libro. "Binili ko lang ito kanina. It costs me 700 but it's worth it. Dahil kasama naman kita ngayong gabi. That's all that matters." Muling natulala si Aleona. Actually, nagngingitngit na siya sa inis. As a matter of fact, gusto niyang ibuhos sa lalaki ang iced tea niya. Bukod sa niloko siya nito at sinayang ang oras niya, nabwisit din siya sa pagsasayang nito ng pera. Heck, ni hindi nga niya nagawang bumili ng libro sa basic accounting na orihinal. Naghanap lang siya ng piratang kopya sa Recto! All because gusto raw siyang makasama ni Sylas? Napatiim-bagang siya. "Bakit ka ba ganito, Sylas?" mahina pero puno ng gigil niyang saad. Natigilan naman ang lalaki. "Ha? What do you mean?" "Anong what do you mean ka dyan?" bulyaw niya rito. Napatingin sa kanya ang mga staffer pero sinawalang-bahala na niya iyon, palibhasa'y yamot na siya. "Tingin mo ba, nakakatawa itong mga ginagawa mo? Bigla-bigla kang susulpot. Magpapansin. Guguluhin mo ako. Sasayangin mo oras ko. Tingin mo, nakakatawa iyon, ha? Kung para sayo nakakatawa iyon, then not for me! Lubayan mo ako sa mga katarantaduhang mo!" Padabog siyang tumayo at tinangkang umalis pero mabilis siyang pinigilan ng lalaki. "Bitiwan mo ako, Sylas!" angil niya pero hindi ito nagpatinag. Sa halip, tumayo ito at pilit siyang pinaupo muli. "Ano ba?" Sylas sighed and looked at her apologetically. "Sorry..." "Sorry for what?" mariin niyang tugon. "I guess, for this? Niloko kita palibhasa gusto kitang makasama? But you know..." Napakamot ito ng batok. "Sinabi ko naman kagabi, di ba? About what I feel to you. At kaya ko nagawa ito ay dahil doon. Dahil sa nararamdaman ko sayo." Tapos, kinuha nito ang kamay niya saka nagpatuloy. "Gaya nga ng sinabi ko kagabi, mula nang makita kita noong acquaintance party, hindi ka na mawala sa isip ko. Call me obsessed or whatever, Aleona, but that's what I really feel--" Malakas na tumalak si Aleona. Okay, she remembered about Sylas's confession last night, pero mas tumatak sa isip niya ang pagsisinungaling nito. At talagang may sambwatan pa sila ni Ysabel, ha? At mukhang pati ito, alam din ng kaibigan niya. "Pwede ba, Sylas? Wag na nga tayong maggaguhan?" sumbat niya saka binawi ang kamay rito. "Nagsinungaling ka na nga sakin last time. Sabi mo, nagpapirma ako sayo kaya kita nakilala. Chineck ko yung booklet ko. Wala ang pangalan mo doon!" Bigla itong namutla. "W-What? Hindi nga? Baka naman nalaktawan mo lang?" "Wala. Ilang ulit kong hinanap. Wala talaga." Tapos, pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Saan mo ba talaga ako nakilala, Sylas? Pwede bang wag ka nang magsinungaling? Hindi na kasi ako natutuwa, promise. Iritang-irita na ako sa pagiging papansin mo." Umigting ang mga panga nito pero kalauna'y lumambot din ang ekspresyon saka umiwas ng tingin. "I didn't lie, Aleona. Nakita talaga kita sa party. Di ba nga, nabanggit ko pa kung anong kinilos mo noong araw na yon?" Siya naman ngayon ang natigilan. Oo nga naman. Hindi na niya maalala ang eksaktong kaganapan pero ang alam niya'y di rin naman niya planong magtagal doon. Gusto lang niyang mapuno ang booklet niya saka umuwi. Tugma ang pagkakalarawan sa kanya ni Sylas sa natatandaan niyang nangyari. "Pero yeah, nagsinungaling ako sayo," muling sabi ng lalaki. "Hindi tayo nagkakilala noon. You did look at me, though. Nagkasalubong ang tingin natin. Nginitian mo ako nang tipid saka ka umalis." "Tapos? Paano mo ako nakilala?" Tinitigan siya nito saka bumuntonghininga. "Nagtanong-tanong lang sa mga nakakakilala sayo. It took me awhile bago kita natunton. Katropa ka lang pala nung kambal." "Kambal?" "Si Rovi. Saka si Kenjo." Mga kaibigan ni Ysabel ang tinutukoy nito. Kumunot ang noo ni Aleona. "Kilala mo sila?" "Oo. Kaibigan ng pamilya namin ang pamilya nila. Pati pamilya nila Ysabel." Napamaang si Aleona. Now, that was something that didn't make sense! Kung kaibigan na pala noon pa man ang mga Ricarte at Fortaleja, bakit kailangan pang i-stalk ni Ysabel si Sylas nang ilang linggo? She knew her friend. Hindi ito natural na mahiyain. So kung may kuneksyon na ang dalawang pamilya, bakit torpeng-torpe ito pagdating kay Sylas noon? At bakit nga ba kasi siya hinanap ng lalaki? Mahigit two years pa nga iyon? Gets niya kung bakit di siya agad nakita -- dahil mailap siya at tahimik lang sa campus -- pero paano nangyaring hindi nito nakalimutan ang mukha niya? Saka bakit nga ba kasi kailangan pa siya nitong hanapin? As if nakakapagbasa ito ng isip, sinagot ni Sylas ang tanong niya. "Maybe you're asking why I'm looking for you. I already answered that." Kinuha nito muli ang kamay niya saka pinatong sa dibdib nito. "I think you're something special, Aleona. You have a special place here." Napamulagat na lang ang dalaga. Ramdam niya ang unti-unting pagbilis ng pagtibok ng puso nito. "Is this what they call love at first sight, Aleona?" muling bulong nito. "Because I don't believe in it, yet here I am, hopelessly going crazy about you. I don't know kung anong meron sayo, but I'm not complaining either. It feels so amazing to be this close to you, and I will do whatever it takes para piliin mo ako." Lalong diniin ng lalaki ang kamay niya sa dibdib nito. Naging dahilan iyon para matorete si Aleona. She felt some voltage coming from him, making her jitter. Dumaloy ang enerhiyang iyon patungo sa dibdib niya, and now, there she was, ironically feeling delightful about her rampaging heart. Ang sarap sa pakiramdam. And yet... and yet... bakit parang ayaw niya nito? Suddenly, she had a flashback of the aftermath of her father's death. Tumatak sa isip niya kung paano na lang napaluha ang kanyang ina habang kinukuha ng mga malalaking lalaki ang mga gamit nila sa bahay bilang pambayad sa utang nila. This memory made her shuddered in fear. Bigla tuloy niyang naitulak si Sylas. Hindi naman ito natumba -- napaliyad lang nang bahagya -- pero halata ang pagtataka sa mukha nito. She touched her chest. Mabilis pa rin ang t***k niyon, pero hindi gaya kanina, hindi na masarap sa pakiramdam. Naninikip ang dibdib niya. Para siyang papanawan ng ulirat. She closed her eyes and did a breathing exercise. Samantalang, nag-aalalang lumapit sa kanya si Sylas. "Hey, bakit? Ayos ka lang ba?" Tinangka nitong hawakan siya pero sumenyas siya na tumigil ito. "Tama na, Sylas," usal niya sa hinihingal na boses. "Uuwi na ako. Pagod na ako. Gusto ko nang matulog." Tinitigas siya nito saglit saka bumuntonghininga. "Sige. Ihahatid na kita--" "No, leave me alone!" Tinulak niya itong muli saka dire-diretsong nagtungo sa main door. She was too distracted, at hindi niya napansing may matangkad palang lalaking papasok doon. Nabangga niya ito. "Oops, careful," sambit pa nito. The voice was familiar, but Aleona didn't spare a second to check who he was. Mabilis lang siyang humingi ng paumanhin saka tuloy-tuloy na lumabas. Hindi pa rin kumakalma ang dibdib niya. Hindi rin nakatulong na malalaki at mabibilis ang hakbang niya dahil ayaw niyang maabutan siya ni Sylas. Kaya naman nang makarating siya sa lobby ng condominium building na inuuwian ay halos mawalan na siya ng ulirat. Napaluhod pa nga siya habang naghahanap ng hininga. One concerned male staffer at the front desk approached her to ask what's going on with her. "May sumusunod ba sayo? Kailangan ko bang tumawag ng pulis?" Umiling siya. "Okay lang po ako. Pasensya na," tugon naman niya saka tumayo. Inalalayan siya ng babae saka niyayang maupo muna sa leather couch sa reception area. Another female staffer approached her and offered a glass of water. Tinanggap niya iyon saka inubos ang tubig sa isang lagok. "Thank you ho. At sorry sa abala," sabi niya. The male staffer asked her again if she needed help. Inulit lang niya ang sinabi niya kanina saka dinugtungan ng, "Nahirapan lang ako huminga. Napagod lang po ako ngayon." "Kung ganyan, mainam pang magpahinga ka na," sabi ng babae. Inalok pa siya nito na samahang makabalik sa unit niya, pero tinanggihan niya iyon. Kumakalma na rin naman na siya. Kaya sa huli'y hanggang sa elevator na lang siya hinatid. "Thank you po ulit," pahabol niya habang humahawi ang gate. Now that she was alone again, niyakap niya ang sarili. Bakit ba niya kinakailangang maalala na naman lahat ng nangyari matapos mamatay ang ama niya? It has been ten years, for God's sake! Yet the memory was still hunting her. Bakit nga ba hindi? Namatay ang papa niya. Nabaon sila sa utang. Sa isang iglap, naglaho bigla ang marangyang buhay na nakagisnan niya. She was never a princess, to begin with. The reality she knew back then was just an illusion created by her father. That's why since then, she stopped investing in happy memories. Happiness is temporary. Balang araw, magtatapos lahat ng iyon at ang papalit ay isang napakahabang bangungot. And she knew the same thing would happen if she would accept Sylas's feelings. After all, that guy was undoubtedly a perfect storm. - Wala nang nagawa pa si Sylas kung hindi ang panoorin na lang si Aleona na tumakbo palabas. He didn't know what he did pero nakita niyang parang may kinakatakutan ang dalaga na naging dahilan para mag-apura itong umalis na. Di kaya naalala na niya kung sino ako? Napalunok siya. Pakiramdam niya'y biglang may bumara sa lalamunan niya. "Quite an entrance." Naudlot ang pag-iisip niya saka napatingin sa lalaking papalapit sa kanya, ang pinsan niyang si Aldous Fortaleja. He was tall with pale white skin and a serious aura. Nakipag-brofist siya rito. "Sino yon?" tanong nito sa kanya. "Did you just break someone's heart here at my cafe?" Pinandilatan pa siya nito. "Gago, hindi!" Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Hindi ako gaya mong babaero." "At sino namang nagsabing babaero ako?" Lalong naningkit ang mga singkit nitong mata. Mahina siyang natawa. "Oo nga pala. Lalaki nga pala ang gusto mo." "Correction, si Robin ang gusto ko. Good grief, Sylas. I've been dating the same guy for more than two years already. Matagal na rin akong out sa pamilya natin." Muli na lang siyang natawa. Sa totoo lang, hindi pa rin siya makapaniwalang bakla pala si Aldous. Hindi kasi halata dahil lalaking-lalaki ito. Besides, he was expecting another one to come out as gay to them: their oldest cousin whom Sylas caught kissing his sister's fiance a few years ago. Kinikilabutan pa rin siya kapag naalala niya iyon. "So who is she, Sylas?" muling tanong ni Aldous saka ibinaling ang tingin sa table nila. "At talagang hindi man lang niya nagalaw ang order niya. Masyado mo yatang sinaktan." Binigyan siya nito ng naninising tingin. "Whoa, Chrom! Dahan-dahan sa pambibintang. That's not what happened!" "E ano pala?" Bumuntonghininga siya. "Ewan ko rin. I'm just trying to confess something to her." "Confess... something?" curious na tanong nito. Pero sa halip na sagutin si Aldous, ipinasok ni Sylas ang kamay sa kanang bulsa ng short saka nilabas ang isang kwintas. Kwintas na may pendant na bala ng baril. "I remember that necklace," sambit muli ng pinsan niya. "Lagi mo yang suot noong bata pa tayo, ha? Nasayo pa pala hanggang ngayon?" Mapakla siyang ngumiti. "Yeah. Ironically, I hate this necklace." He examined the necklace. Halata ang kalumaan niyon dahil kumukupas na ang kinang ng silver niyon. Then, there were two letters engraved on the bullet: SF, the initials of his name. "Oh, tell me about it, then." Bumuga siya ng hangin saka muling pinasok sa bulsa ang kwintas. Pagkuwa'y sinimulan na niyang iligpit ang table nila ni Aleona. Nawalan na rin naman siya ng gana. "It's a long story, Chrom, and it's not the best one," sagot niya. "Especially since it involves her." "Yung babae kanina?" Pero hindi na naman siya sumagot. He just cleaned the table. At the back of his head, he was remembering that tragic incident that happened ten years ago.  The same accident which killed Aleona's father. Naalala na naman tuloy niya ang biglang pagwa-walkout ng dalaga. Naalala na kaya niya ako? Napalunok siya. Kung oo, kaya ba niya akong patawarin sa kasalanan ko sa kanya? After seeing Aleona's reaction earlier, Sylas could not help but think of the worst. Mukhang hanggang hukay na yata siyang bubulabugin ng kunsensya niya para sa kamaliang hindi rin naman talaga niya sinasadya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD