"I really hate Monday."
Napatingin si Aleona kay Christopher, na nasa kaliwa nila. Sabay silang naglalakad noon malapit sa building ng Liberal Arts, at hindi kalayuan doon ay ang Gate E na pakay nilang puntahan.
"Bakit naman?" tanong niya rito.
"Tuloy-tuloy klase ko." Tapos, kinapa nito ang tiyan. "As a matter of fact, ngayon pa lang ako makakapag-lunch."
Napamulagat si Aleona saka tiningnan ang oras sa wrist watch niya. Pasado alas tres na noon!
"Grabe! Hindi maganda yan, ay? Hindi magandang nalilipasan ng gutom." Napailing-iling siya. Yet at the back of her mind, alam niyang gawain din niya iyan minsan. She had this habit na dapat nili-limit lang niya sa 150 pesos per day ang gastos niya. So kung halimbawa'y biglang nagpa-photocopy or print nang maraming page ang instructor niya, madalas ay sinasakripisyo niya ang lunch dahil ayaw niyang mag-overbudget. Not unless, marami siyang natirang pera noong nakaraang araw.
"I know." Malakas na tumawa ang lalaki. "Kaya babawi ako ngayong hapon. Kakain ako nang marami. Mukha pa namang masarap doon sa sinasabi mo."
Alanganin siyang ngumiti. Sa cafeteria sa labas ng campus nila ang tinutukoy niya. Since it's Monday, wala rin siyang extrang budget for food.
Hindi nagtagal, nakalabas na sila. Agad din nilang natanaw ang tinutukoy na karinderya. It's an open air food stall tapos mayroong dalawang table sa gilid niyon. Each table has four plastic stools.
"Ito ba yung tinutukoy mo?" tanong ni Christopher.
"Y-Yes," nag-aalangan niyang tugon. Nakikita niya sa mukha nang lalaki na parang nag-aalangan itong tumuloy. Hindi na rin siya nagulat. Mumurahin lang kasi ang karinderya, pero nasisiguro naman niyang hygienic iyon. Makikita rin naman sa malinis na stall.
Christopher shrugged his shoulder. "Well, kung gusto mong dito, it's fine. Di naman masamang sumubok ng iba." Tapos, lumapit ito sa stall upang tingnan ang mga nakahandang pagkain.
"So, anong recommended dish nila?" tanong muli nang lalaki nang tabihan niya ito.
"TapSiLog. Tsaka french toast," muling tugon ni Aleona saka hinarap ang may katandaang babaeng na nagbebenta. "Manang Fe, TapSiLog sakin."
Napatingin sa kanya si Christopher sa kanya. "French toast? Meron sila?"
"Yup. Masarap, promise. Sariling bake pa nila yung bread na ginamit. Tapos makapal siya. Mga around two inches siguro."
"Wow. That's unexpected." Tapos, hinarap nito ang nagtitinda. "Ako rin ho, Manang. One TapSiLog. And French toast-- wait, ayaw mo ng French toast?" Hinarap siya nitong muli.
Umiling si Aleona. "Nagtitipid, e."
Biglang ngumiti ang lalaki. "Then, let me treat you na lang. Magkano ba to lahat-lahat?"
"Luh? Wag na, Topher! Nakakahiya."
"No, I insist. Para pareho tayo ng food. Soulmate ba?" Kinindatan siya nito saka mahinang tumawa.
Napamulagat si Aleona. Okay, that's unexpected! She slowly looked at the old lady. Aba'y nakaukit ang kakaibang ngisi nito sa labi?
"Boyfriend mo, hija?" sambit pa nito. "O manliligaw?"
At tuluyan nang namula ang dalaga dahil doon. But before she could answer, biglang umakbay sa kanya si Christopher at sinabing, "Hindi po, Manang. We're friends lang po."
"Pero gowing der?" saad muli ng ale sa mapanuksong tono.
Muling natawa si Christopher. "Who knows, Manang? Only time could tell if we'll fall in love with each other. Right, Aleona?" Muli siyang tinitigan nito.
Napalunok na lang ang dalaga habang sinasalubong ang titig nito. Christopher has a really beautiful pair of brown eyes, hasn't he? Sobrang expressive ng mata nito, at halatang nais nitong ipahiwatig na may pagtingin ito sa kanya.
And with that, hindi niya maiwasang matorete. Not that she hates it, of course. Christopher is a nice guy. Kung dumating ang araw na umamin ito sa kanya at mag-propose ng ligaw? Well, ang tanga na lang niya kung hindi niya iyon tatanggapin.
-
"Whoa! Napakain ako doon, ha?"
Aleona concealed her amusement through a soft giggle as she silently counted the plates on the left of Christopher. Anim iyon lahat. That means, ganoon din karami ang in-order ng TapSiLog ang lalaki!
"Okay lang yan! Sabi mo nga, di ka pa kumakain, e," tugon naman niya. "Tsaka ayaw mo nun? Nakadami ng benta ngayon si Manang dahil sa yo?" Ibinaling niya ang tingin sa ale at nakita niyang nanonood ito sa kanila. Nginitian niya ito saka muling tiningnan si Christopher.
"Sabagay, tama ka naman." Tapos, sinimulan nitong i-unbutton ang polo.
Taranta siyang napaiwas ng tingin. "H-Hoy! Anong ginagawa mo?"
"What?" nagguguluhang sambit naman ni Christopher. "Nabusog ako masyado. Syempre, naiipit tiyan ko sa uniform ko. And it's not like I don't have a shirt inside."
Oo nga naman. Gusto niyang batukan ang sarili. Bakit ba di niya iyon naisip?
"Pero ang mura ng pagkain dito, ha? I can't believe na one hundred lang ang isang order ng TapSiLog at French toast pero pang-resto ang quality. Try going to a real resto. That's like... what? A small bowl of mushroom soup?"
"Oo nga, e. Naloka rin kaya ako noong minsan sinama ako ni Ysabel sa isang fine dining. Nalula ako sa presyo! Well, ni libre naman niya ako, but still, nakakahiya pa rin, kaya pinili ko na lang e sandwich para medyo mura. Nabatukan pa nga ako ni Ysabel noon."
"Binatukan? Bakit naman?"
"E di raw ako dapat nahihiya sa kanya lalo pa kayang-kaya naman daw niyang bayaran. Mura pa nga raw doon kung tutuusin. And I was like, 'What?'. Mura ka dyan! Isang meal doon, kalahating linggo ko nang allowance." Napaikot ng mga mata si Aleona. "Ang hirap din makibagay sa mga rich people, sa totoo lang. But I guess, di ko lang sila naiintindihan dahil di naman ako lumaki na maraming pera."
Mahinang natawa si Christopher. "Madalas mong makwento sakin si Ysabel, ha? Kelan mo pala siya ipapakilala sakin?"
Natigilan si Aleona. Di naman sa pinagdadamot niya ang kaibigan pero bakit parang hindi yata niya gusto ang ideya na ipapakilala niya si Christopher kay Ysabel. Hindi rin niya alam kung bakit.
"Ba't naman?"
He shrugged his shoulders. "Why not? Isn't it natural to know who their friends are if you're interested in someone?"
Napamaang siya.
Saktong humangin noon, at tinangay ang ilang strand ng buhok na nakasuksok sa likod ng tenga ni Aleona. Agad namang hinawi iyon ni Christopher gamit ang kanang gamit nito.
"I want to know you more, Aleona. Kaya gusto ko ring makilala ang mga kaibigan mo," bulong nito habang binabalik ang mga strand ng buhok niya sa orihinal niyong pwesto. "Is that too much to ask? Or am I going too fast?"
Lalo lang lumaki ang buka ng bibig niya. Okay, hindi na niya alam kung ano ang isasagot. Basta ang alam lang niya, nagwawala na naman ang puso niya dahil sa binitiwan nitong mga salita.
Interested ba si Christopher sakin? Aleona knew the answer was in there already, and yet somehow, she's still unconvinced. Parang may kulang. Hindi pala parang. May kulang talaga. She needed assurance.
Assurance na may pagtingin ang lalaki sa kanya.
Assurance na totoo lahat ng naririnig niya.
Assurance na tama ang interpretation niya sa sinasabi nito.
Because at the end of the day, this could be yet another illusion. And once the illusion disappears, she'll get hurt.
Again.
Naudlot ang pag-iisip niya nang biglang tumawa si Christopher. "Sorry, I think that's a weird thing to say. Just forget about it." Winasiwas pa nito ang kamay. "Anyway, ano nang oras?"
Aleona maintained a straight face. She's disappointed. Marami pang pwedeng sabihin si Christopher, yet he didn't. Pero okay na rin iyon siguro? Kesa naman masira na naman masira ang frienship namin, she concluded.
Tapos, tiningnan niya ang wrist watch. "It's almost four. May klase ka pa ba?"
"s**t!" Biglang napatayo si Christopher. "Male-late ako sa Stat!"
Sinakbit ng lalaki ang bagpack nito. Pagkuwa'y lumapit ito sa ale at nagtanong kung magkano ang lahat ng binili. Matapos iyong kwentahin ng babae, naglabas ito ng isang malutong na 1000-peso bill.
"Keep the change na lang po," sabi pa nito bago humarap kay Aleona. "See you tomorrow!"
Aleona didn't even get a chance to say goodbye dahil kumaripas ito agad ng takbo pabalik sa campus. Napailing-iling na lang siya saka napanguso.
What was she thinking? Bakit niya iniisip na magko-confess sa kanya ang lalaki? Hindi ba may panata siya na bawal siyang mag-boyfriend habang nag-aaral pa? She needed to focus all of her energy on finishing her degree as fast as she could. Iyon lang ang dapat niyang gawin.
Was it difficult? Definitely yes. Pero sino ba siya para magreklamo? Lalo pa alam niyang halos magpakamatay na ang kanyang ina sa kakatrabaho, maibigay lamang ang maayos na buhay na nakukuha niya. Maswerte nga siya at mayroon siyang ganoong ina. Some people out there were forced to support themselves at her age dahil either patay na ang mga magulang o kaya'y sadyang wala lang silbi.
Muli siyang bumuntonghininga saka tiningnan ang gate na pinasukan ni Christopher. Yung biglang pag-alis ng lalaki, sa totoo lang, medyo nabastusan siya roon. Sure, mayroon itong klase at importante iyon, pero gaano ba kahirap yung sabihin nitong maghihintay ito sa sagot niya bago lumayas?
Pero ngayong medyo kumalma na siya, she thought it was for the better. After all, there was a still chance na baka nga may pagtingin sa kanya ang lalaki. At iyon ang iniiwasan niyang mangyari. Mabait si Christopher, and she could tell he would be a good boyfriend.
A good boyfriend which she doesn't even deserve. In the first place, she doesn't deserve to be happy just yet.
-
After that encounter, tila napagod bigla si Aleona. Well, pasado alas cuatro na rin naman na noon at wala na rin siyang klase kaya naman minabuti na lang niyang umuwi na.
Idlip lang muna ako konti tapos paggising, review na ako, isip niya habang naghihintay sa harap ng elevator. Next week na kasi ang midterm week kaya naman kailangan na niyang dagdagan pa ang effort.
She looked at the LED screen above the elevator button. Nasa bandang 20th floor pa iyon. Tagal naman, grabe. Madami bang pababa--
Her thought was interrupted when a pair of sturdy arms went to embrace her from the back. She yelped in surprise and attempted to pull herself away from them. Pero mahigpit ang yapos nito kaya wala siyang nagawa kung hindi tumingala at tingnan kung sino iyon.
Napamulagat na lang siya nang makitang si Sylas pala iyon.
"Hi, Aleona?" nakangiti nitong bati sa kanya. "Na-miss kita."
She flailed violently. Tapos, tinulak din niya ito hanggang sa bitiwan siya. "Ano ba, Sylas?!" bulyaw niya matapos lumayo nang ilang hakbang sa kanya. "Manyak ka talaga, ano?!"
"Grabe ka doon sa manyak." Ngumuso pa ito na parang bata. "Sa gwapo kong ito, m******s ako? Other girls would love to be on my arms, tapos ikaw, tatawagin mo akong manyak? Aray, na-hurt ako doon." Kinapa nito ang dibdib na para ngang nasasaktan.
Tinaasan niya ito ng kilay. "Tingnan mo tong gago na to," wala pa sa loob niyang bulong. Hinagod niya ng tingin ang lalaki. Noon lang niya napagtantong naka-undershirt lang ito na puti sa pang-itaas tapos denim pants naman sa baba. "Hoy, ba't ba ganyan ang suot mo?" bulalas niya pagkuwa.
Yet at the back of her mind, hindi niya maiwasang mamangha sa kakisigang taglay ni Sylas. Dahil hapit ang sleeveless shirt, mas nakita niya ang inverted triangle na shape ng katawan nito. Malapad ang balikat tapos maliit ang baywang. She's not really a fan of muscular guys, but heck, she'll give exemption to Sylas.
"Why not? Ayaw mo bang makita ang ka-machohan ko?" Sylas flexed his right arm. "Ang macho ko, di ba?" Tapos, hinagkan nito ang bicep.
Napakunot siya ng noo saka ito inirapan. "Napaka-vain mo talaga, bwiset ka."
Saktong bumukas na ang elevator at lumabas ang maraming tao. Both of them waited for it to be empty before they went inside.
Just the two of them.
Napalunok si Aleona nang mapagtanto iyon. Now, what would Sylas do? Sa takot niya, naisip niyang huwag na itong sabayan. Mahirap na. Nagawa nga nitong yakapin siya nang walang kahiya-hiya tapos nasa public place pa. Paano pa kaya kung solo nila ang lugar?
"Huy, Aleona, tara na," yaya ng lalaki nang mapansing nakatunganga lang siya.
"Ah... eh... I just rmemeber na may gagawin pa pala--whoa!" Bigla siyang hinila ng lalaki papasok. "Ano ba, Sylas! Hindi ako--" Natigilan siya nang makita ang reflection niya sa makinis na gate ng elevator. Mayroong nakapalupot na kulay blue na long sleeves doon.
Wait, kailan pa to nandito? Ibinaling niya ang tingin kay Sylas na ngayon ay tahimik lang na nakatayo sa gilid niya at nakatingin din sa gate. Now that she had thought about it, this was probably Sylas's. Baka kaya ito naka-undershirt lang ay dahil ipinalupot nito sa baywang niya ang pang-itaas.
Pero bakit?
As if nababasa ng lalaki ang iniisip niya, bumuntonghininga ito saka tumingin sa kanya. Tapos, yumukod ito. Aleona thought he would do something -- maybe kiss her? -- and her first reaction was to stay away from him. Pero mabilis hinawakan ng lalaki ang kamay niya para pigilan siyang lumayo. Tapos, saka ito bumulong sa tenga niya na naging dahilan para manigas siya na parang estatwa.
"I apologize for touching you without permission, Aleona. But I need to do it para walang ibang makapansin at para rin sakin mapunta ang atensyon nila," panimula nito. "Ginawa ko lang iyan para itago yung mantsa mo sa likod."
Tapos, lumunok ang lalaki. "May tagos ka."