What the hell is going on? Isip ni Aleona. Nasa banyo siya noon at kinukusutan ang palda at underwear niyang natagusan sa lavatory. When she woke up this morning, nagulat na lang siya na mayroon siyang spotting. Labis niyang kinagulat iyon dahil kakatapos lang niya two weeks ago at madalang namang magbago ang cycle niya. "Wait, madalang nga ba?" isip niya. Which reminds her, may pagkakataon nga palang nade-delay siya pero hindi naman matagal. Siguro, ilang araw lang. Max na ang isang linggo. But this was the first time na maaga siyang nagkaroon. At talagang malakas pa nga! Hindi kinaya ng madalas niyang ginagamit na napkin. "Hay, ewan!" sambit na lang niya saka nagpatuloy sa pagkukusot. "Mas mainam nang may tagos kesa mabuntis nang maaga at maging pabigat pa sa parents." Sa wakas ay na

