Chapter 56 Rafael Tatlong buwan na ang lumipas wala pa rin akong balita tungkol sa kapatid ni Miranda. Hindi rin bumabalik si Ella sa opisina at hindi rin ito tumatawag sa akin. Iyon kasi ang bilin ko rin sa kaniya. Kasalukuyang nasa opisina ako ngayon. Natagpuan na rin ni Cisar si Mr. Nelson Santos. Hawak niya ito ngayon. May banta pala sa buhay ni Mr. Nelson noon, kaya natigil din ang pag-iimbestiga niya tungkol sa nangyaring aksidente. Subalit may mga nalikom siyang ebidensya na siyang magpapadiin sa kalaban. Sa ngayon hindi ko pa muna maharap ang tungkol sa bagay na iyon dahil uunahin ko munang hanapin ang kapatid ni Miranda. Kapag nakita ko na ang kapatid ni Miranda, saka na ako pupunta kay Mr. Nelson, kung saan naroon ito sa safe house ni Cisar. Abala ako sa paggawa ng report nan

