Chapter 55 Elena Nang pumasok ako sa aming silid ng mga bata matamis akong nakangiti habang pinagmamasdan ko sila. Lumapit ako sa kanila. Magkakatabi silang tatlo. Isa-isa kong hinagkan ang kanilang noo at hinaplos ang kanilang ulo. “Sorry mga anak hindi ko man lang magawang ipakilala sa inyo ang inyong ama.” Gusto ko iyon sabihin sa kanila ngunit hindi ko na lang isinantinig. Tumabi ako sa tabi ni Kingston. Ilang araw at gabi lang sila nawalay sa akin, sobrang na-miss ko na sila. Ilang sandali pa ang lu ipas nagising si Kingston. Nang makita ako nito ang ganda ng mga ngiti sa kanyang labi. “Mommy, I miss you so much,” malambing nitong sabi sa akin. Yumakap ito sa akin ng mahigpit. “I miss you, too, baby. Kumusta ang pasyal ninyo sa Las Palmas?” nakangiti kong tanong at hinagkan a

