Chapter 54 Elena Isang araw at dalawang gabi ang lumipas. Galing ako sa aking trabaho ngunit tumuloy muna ako sa palengke upang mamili ng lulutuin ko. Pagdating sa bahay naabutan kong bukas ang pintuan ng bahay. Nakangiti ako nang makita si Flor, sa sala habang nagkakape. Mag-alas-siete na ng umaga. “Flor, ang aga niyo. Nasaan ang mga bata?” tanong ko sa kaniya. Nilagay ko muna ang mga pinamili ko sa kusina. “Naroon sa silid ninyo pagod, kaya nakatulog,” sagot naman niya sa tanong ko. “Kumusta? Nag-enjoy ba ang mga bata sa Las Palmas? Hindi ba sila naging pasaway sa inyo?” Nakangiti kong tanong kay flor hinubad ko na muna ang jacket ko at nagtungo sa coffee nook upang magtimpla ng kape. “Nag-enjoy naman sila katunayan nga ang dami nilang laruan na dala tignan mo ang mga iyan, o

