Chapter 53 Rafael Dahil matindi na ang sikat ng araw napagpasyahan na lang namin ni Norwen, na dalhin si Kingston sa mall. Hindi ako mahilig sa mall gumala. pero naaaliw ako sa batang ito. Para bang ang saya ko kapag nakikita kong nakangiti siya kay Norwen. “Papa, ang daming laruan!” Masayang sabi ng bata kay Norwen, habang tinitingnan ang mga laruan na naka display sa paligid niya. Narito kasi kami sa mga toys section. “Pumili ka, alin ang gusto mo? Huwag kang mag-alala sagot ng Tito Rafael mo ang mapipili mo,” sabi ng baliw kong kaibigan sa bata. Tumingin ang bata sa akin na parang nahihiya, kaya ginulo ko na lang ang kanyang buhok. “Sige, mamili ka ng gusto mo. Kahit lahat ng laruan na nandito bilhin natin. Ako ang bahala,” walang alinlangan kong sabi sa bata. “Talaga po?” nakangi

