Chapter 50 Elena “Ano ba bilisan niyo na. Hindi na natin maabutan ang fireworks sa park,” pagmamadali ni Norwin sa amin ni Flor. “Teka, lang! Tinutulungan ko pa ang asawa mo magsuot ng sapatos. Nagmamadali ka rin hindi pa nga nakaayos ang asawa mo! Eh, kung tinulungan mo kaya rito?” masungit kong sagot kay norwen. Napilay kasi ang kamay ni Flor dahil nadulas siya sa daan kahapon, kaya hindi niya maigalaw ito. “Dami kasing kaartihan!” maktol ni Norwen at tumalikod na ito. “Eh ‘di, mauna ka kung gusto mo!” galit na sigaw naman ni Flor sa kaniya. Tatlong taon na ang nakalipas. Ikinasal si Flor at Norwen, last year. Iyon ay arrange marriage lang. Para silang aso at pusa palagi hindi magkasundo sa lahat ng bagay. “Huwag mo na kasing pansinin mamaya mag-aaway na naman kayo,” saway ko kay

