Chapter 51 Elena Lumipas pa ang mga araw at isang linggo. Kasalukuyang naglilinis ako ng bahay na inuupahan namin ng triplets ng maamoy ko ang mahalimuyak na pabango ni Ate Miranda. Nasa kusina ako at ang triplets naman ay nasa silid namin. Binitiwan ko ang walis na hawak ko at nagtungo sa kwarto. “Look, what I saw?" tanong ni Violet, habang hawak ang pabango ni Ate na iniingatan ko. May tatlong butilya pa na naiwan kaya itinago ko iyon. “Ang bango!” sabi naman ni Valeria. “Tingnan niyo, oh! Ang gwapo ng nasa picture. Pareho ko na gwapo rin,”sabi ni kingston na hawak din ang larawan ng kanilang ama na tinago ko lang sa isa kong malita kasama ang mapabango ni Ate. Agad akong pumasok at hinablot ang larawan. Nagulat pa nga ang mga ito sa biglaan kong pagpasok. “Kids, sino ang nagsabi

