prologue
Grade 3 palang pangarap ko na talagang makapunta ang manila at daladala ko yun hanggang sa lumaki ako,dala na din ng ibabg kung mga kapated ay nakapagtrabho sa manila bilang isang kasambahay at pag uwi nila ay gumada ang kutis,gumanda ang mga suot na damit.hinahangaan ko sila kase gumaganda ang mga ate ko. Hanggang sa lumaki ako nagkaisip at nakaagtapos ng highschool sa probinsya. Hanggang sa dumating ako sa edad na 20. Hindi ko inasaan ang tawag ng aking kuya elwin na nagtatrabaho din sa manila
“oh,bakit ya ? Gusto mo raw akong makausap sabi ni ate shirly.” Tanong ng kinuha ko sa cellphone nainaabot ng asawa niya.
“Oo ate, kase naghahanap itong naging amo ko dito ng pwedeng maging katulong nila,wala ka namang ibang gagawin kundi magluto,asikasuhin ang mga bata at maglinis ng bahay.”sabi nito, di naman lingid sa kaalaman nila na pangarap ko talagang makarating ng manila kahit ayaw na ng iba kung kapated na lumuwas ako kung sakali dahil sa hirap ng buhay daw nila sa lungar nato.
Opportunity agad ang pumasok sa isip ko”sige ba,” hindi nako ng isip basta gusto kung makarating ng manila.
“sige sabihin ko kay ate mamaya.etetext nalang kita o tatawagan ha!”sabi nito
“Sige po!” sagot ko sa kanya na may ngiti saking labi
“sige ate,may gagawin muna ako ha,mamaya nalang. Bye”pagpapaalam nito.
Naexcite nako, umuwi agad ako sa tinirhan ko na isang kung kapated na nakatira sa syudad. Binalita ang sinabi nh kuya elwin ko. Papadalhan na lang raw ako ng pangkuha ng ticket ng barko.ngunit tila ba parang masama ang loob ng ate ko na pupunta ako ng manila,hanggang sa pagpapadala ng kuya ng pera at ngbago ang pakikitungo hanggang sa umalis ako. Para walang maraming dala ay pinagkasya ko sa isang bag ang mga gamit ko, ayaw parin akong kausapin ng ate ko.ng bigat sa pakiramadam na aalis ka na di pa kayo mgkabati ng ate mo.
Umalis ako ng maaga, wala kain dahil tinitipid ko ang pera ko at buti nalang nagtext ang boyfriend ko na magkita muna kami bago ako pumunta ng pier. Pumayag ako di ko naman nilihim sa pag alis ko at masaya pa ito dahil daw kahit papano ay makikita a na ang ibang kong kapated na matagal ng di nakuwi. Habang nag aabong ako ng pandyak ay ng text na si john.
Siya:Asaan ka na?
Ako: nag aabang palang ng masadakyan
Siya:sige,doon nalang sa lage nating pinapasyalan,papaalis na din ako.
Ako:sige.
Siya: ingat ka, I love you!
Napapangiti ako sa huling text niya,kahit papano naibsan ang sama ng loob ko sa ate ko. Pero kahit ganon ay rumespito parin ako sa kanila at nagpaalam ako ng maayos.
Alas syete na ng gabi ng dumating si john sa pinapasyalan namin yinakap nya ako agad, tsaka umupo. Nakayakap lang siya sa baywang ko at tinitigan ang mukha ko, ilang minuto pa ang nakalipas bigla siyang nagsalita.
“Pag dating mo ng manila ay hindi na ako kokontak sayo.”nasa malayo ng tingin niya
Nakakunot noong tumingin ako da kanya” bakit naman?,di naman kita pinagababwalan na kontakin ako pag andon nako.”
“ para makamove on ka kaagad,”walang buhay niyang sagot”ayokong ma homesick ka dito sa probinsya at alam mo na din naman ang stado ko sa buhay,pasalamat lang ako pinatawad mo pa ako at binigyan ng chance na makilala pa kita.” Sagot niya at alam ko namang na namang may asawa siya na nasa malayo at subrang tanda niya para sakin. Nong una pa ay ayaw ko na siyang kausapin dahil naglihim siya pero pinakita nya talaga sakin na gusto niyang mabalik ang tiwala ko sa kanya di ko alam at bakit parang naawa ako sa kanya at binigyan ko pa siya ulit ng chance nakilalanin ako kahit alam kong may hangganan ang lahat ng meron kami.
“magiging masaya ako pag may nahanap kang iba doon sa manila,mas sasaya ako na makatagpo ka ng makakasama mo habang buhay at walang sabit na katulad sakin.” pagdudugtong nito.
Tango lang ang nagong tungon ko, naiintindihan ko naman at hinanda ko na ang sarili ko para sa araw nato. Ilang oras kami natambay lang don ng mag aalas dyese na nag gabi at kailangan ko ng umalis at pumunta sa pier. Tumayo na kami at kinuha ang bag ko at nagaabang ng masasakyan ng bigla niya akong abotan ng pera.
“para saan to?” tanong ko sa kanya
“edagdag mo yan sa pocket money mo!”nakangiti niyang sakin.
“wag na,”inaabot ko sa kanya ang pera”kasya pa naman tong pera ko at susundoin naman ako ni kuya sa pier!” ngumiti ako sa kanya
“Hindi ko kukunin yan,sayo na yan!,mas mabuting ng sumobra ang pera mo kisa sa magkulang, tinabi ko talaga yan para sayo!” casual na sagot nito sabay pisil sa palad ko.
“s-salamat!”nakayuko kung sagot sa kanya. Nahihiya ako sa kanya lage siyang may binibigay sakin sa tuwing nagkikita kami kahit di ko man hinihingi sa kanya.una binilhan niya ako ng singsing na silver pathank you na raw sa chance na binigay ko,pangalawa cellphone kase daw luma na ang cellphone ko at namamatay bigla, at ang mga sumonod na ay mga chocolate at ngayon pera na. Maya maya pa ay pinapara na niya ang jeep na sasakyan ko,pinasakay na nya ako at nakangiti siya sa akin.pag andar jeep ay tsaka lang ito lumakad papunta sa kanilang kalye at doon siya mag aabang ng masasakyan nya pauwi. Sa jeep palang ay ng text ito
John:mag ingat ka,wag mo pababayaan sarili mo don.wag mo akong alalahanin dito dahil masaya ako para sayo.
Ako:salamat ng marami.lage mo akong tinutulungan. Pangako itatago ko itong mga gamit na binigay mo sakin at hindi ako galit sayo.
magpakabait ka na ha!
John: opo at smile emoji