Chapter 4

1014 Words
"Tulong, tulong, Lola, Audrey, masakit na ang tiyan ko." sigaw ni Sarah habang kapit kapit ang tiyan. Agad naisugod si Sarah sa Hospital dahil sa papanakit ng tiyan. Dinala ito sa Emergency Room. May ilang oras din ang tinagal habang nasa loob pa si Sarah. Ito din ang araw ng paglapag ng eroplanong sinasakyan ng kaniyang Ama at Ina galing Singapore upang madalaw ang anak at mabantayan bago sana ito manganak. Ngunit isang tawag ang gumulantang sa kanila mula sa Philippine Airline. “Ano hong sinabi nyo?” malakas na sagot ni Audrey ng may tumawag sa cellphone ng kaniyang Lola. Isang masamang balita ang natanggap nito mula sa paliparan. Ang eroplanong sinasakyan ng mga magulang ni Sarah ay sumabog habang nasa himpapawid. Bumagsak ito sa isang pulo malapit sa Singapore at ibinalita lamang sa Pilipinas ang nangyari. At mula sa Tiyuhing piloto ay napag-alaman nitong sakay din nito ang mag-asawa, at walang nabuhay sa nangyaring pagsabog. Iyak ng iyak si Lola Ella sa narinig na balita. Hindi matanggap ang nangyari sa anak na siyang Ina ni Sarah. Mula sa Emergency Room ay lumabas ang isang Doctor at 2 Nurse, lumapit ito sa kanila. “Maayos po ang panganganak ng inyong Apo, ligtas na po silang pareho mag-ina. Ngunit kailangan pa nila manatili dito ng ilang araw upang masuri ang sanggol.” “Salamat po Doc,” si Audrey habang alalay ang Lola na panay pa din ang pagtulo ng luha. “Anong nangyari kay Lola?” tanong Doctor. “Tumawag po kasi ang aking Papa at ibinalitang kasama sa namatay sa pagsabog ng eroplanong galing Singapore ang mga magulang ni Sarah.” “Ikinalulungkot ko ang nangyari. Isama mo siya sa aking clinic upang matignan ako ang BP niya. Habang nasa Recovery Room pa si Sarah.” Sinunod naman nito ang sinabi ng Doctor at hanggang doon ay patuloy ang pagluha nito. “Lola, huwag po kayong masyadong mag-isip. Makakasama po sa inyo yan lalo na’t highblood po kayo.” Binigyan ni Audrey ng maiinom ang Lola nito, habang patuloy na hinahagod ang likuran. Isang katok mula ang narinig mula sa pinto ay isang Nurse ang iniluwa nito. “Nasa silid na po ang pasyente Doc.” “Sige, ihahatid ko na sila doon.” Gising na si Sarah ng datnan nila ito sa silid. “Audrey, Lola. Asan po ang baby ko?” agad na tanong ni Sarah sa Lola at pinsan na si Audrey. Hindi agad sumagot ang mga ito. Napansin naman ni Sarah ang pamumula ng mata ng kaniyang Lola at pinsan. “Bakit? May nangyari ba sa baby ko? “ nanatiling tahimik ang maglola. “Bakit hindi kayo makasagot?” “Sarah, hindi pa dapat ito ang oras na sabihin namin ito dahil bagong panganak ka lamang.” “Ano nga iyon? Bakit binibitin nyo ako? Anong nangyari?” “Patay na ang Daddy at Mommy mo.” Si Audrey na ang nagsabi sa pinsan . Hindi makapaniwala si Audrey sa ibinalita ng pinsan. “Hindi yan totoo, nangako si Mommy sa akin na babantayan niya ako at ang baby ko. Nangako si Daddy na ibibigay ang lahat para sa unang Apo niya. Anong nangyari?” umiyak ng malakas si Sarah, hindi matanggap na sa araw pa ng pagsilang ng kaniyang anak mangyayari ang pinaka masakit na mararanasan niya sa kaniyang buhay. Kinabukasan matapos manganak ay nagpumilit na si Sarah na puntahan ang labi ng kaniyang mga magulang. Dahan dahan niyang tinungo ang kinalalagyan ng mga ito habang tumutulo ang mga luha. Hinarap niya ang kaniyang Ama’t Ina at sumigaw. “Daddy, Mommy, Bakit ninyo ako agad iniwan? Bakit sa pinakamasayang araw pa sa buhay ko. Sabi nyo tutulungan ninyo akong palakihin ang anak ko. Bakit nandyan kayo? Bumangon kayo diyan. Huhuhuh! Ang daya nyo naman. Hindi ko pa natutupad ang pangako ko na magtatapos ako ng pag-aaral kahit may anak na ako.” Patuloy ang paghinagpis ni Sarah sa harap ng kaniyang yumaong mga magulang. Niyakap naman siya ng kaniyang pinsan na si Audrey at matalik na kaibigang si Ana. “Huminahon ka Sarah, kakapanganak mo pa lamang, baka ika’y mabinat. Delikado sa iyo yun. Alalahanin mo ang baby mo. “ si Ana habang hinahagod ang likuran ng kaibigan. Nanatiling nakatingin lamang sa kawalan si Sarah. Balot ng lungkot ang kalooban, paghihinagpis dulot ng pagkawala ng mahal na mga magulang. Na tila hindi magiging sapat ang anak upang maging masaya muli. Hindi kumain o uminom man lang si Sarah kaya agad bumagsak ang katawan, naghina at walang anumang lakas upang gawa. Pagkahatid sa huling hantungan ay inayos na ni Audrey ang paglabas ng Anak ni Sarah sa Hospital na pinangalanan nilang Cenia, na isinunod sa pangalan ng Ina ni Sarah. Dahil sa pagluluksa, hindi pa kayang alagaan ni Sarah ang anak. Ang Lola muna nito ang pansamantalang nag-alaga sa Apo. Isang gabi, mag-isa lamang sa silid si Sarah, habang natutulog ay napanaginipan nito si Andy, ang ama ng kaniyang anak. Bumangon ito sa pagkakahiga at naglakad, hindi alam kung saan tutungo. “Andy, huwag kang lumayo, huwag mo akong iiwan. Nakikiusap ako. Mahal na mahal kita. Isinilang ko ang anak natin, napakaganda niya. Kamukhang kamukha mo siya. Magiging masaya tayong pamilya. Kinabukasan, nagtungo si Audrey sa silid ni Sarah upang gisingin at sabay sabay sila mag agahan. Nakailang katok na ito ngunit walang nagbubukas kanya, kaya pinihit na nito ang pinto saka binuksan. Laking pagtataka nito na walang nakahiga sa kama. Sinilip din nito ang palikuran sa tabi ng silid ngunit wala din tao dito. Dali dali itong bumaba at sinabi sa Lola. “Aba’y saan naman tutungo ang batang iyon?” tanong ni Lola. “Uunngggga,” bigla naman umiyak ng malakas ang sanggol na si Cenia na tila batid nito ang nangyayari sa paligid niya. Binuhat ito ni Audrey saka inihele. “Saan ka ba nagpunta Sarah?,” tanong sa sarili ni Audrey habang hawak ang sanggol. Humingi din naman sila agad ng tulong sa mga pulis upang hanapin si Sarah, ngunit bigo ang lahat na makita ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD