“Woow tita ano ba ang iyong lulutuin at amoy pa lang n'yan ay ako'y nagugutom na?” si Kristen na inilagay ang buhok niya na nasa unahan sa likod ng kanyang tainga.
“Oh kayo pala yan,, naku ineng mag-gigisa lang ako ng upo paborito ito ni Maan, ano nga Maan?” si Aling Eva na nakatingin kay Maan ang mga mata na nagtatanong kung ano ang meron at may kasama si Maan na alam naman ni Aling Eva na ang anak niya ay hindi palakaibigan sa mga babae, aakalain mo ngang nilalaki ang kanyang bunso dahil mas gusto pang bumarkada sa mga lalaki at maglaro ng mga panlalaking laro.
“Hehe paborito ko nga 'yan, sanay na e ikaw ba naman may taniman sa likod pag 'di mo naging paborito 'yan, nakain ka ba ng ginisang upo Kristen? Baling ni Maan kay Kristen na 'di inaalis ang tingin kay Aling Eva.
“Oo naman sarap kaya n’yan. Kakapalan ko na ha puwede ba makikain Tita? Nakangiting wika ni Kristen “Yes naman hija upo muna kayo dyan, ano ba ang meron at napaparito ka hija?” si Aling Eva na mismo ang nagtanong . Karamihan talaga sa mga ina deretso punto eh diba? Nakatinginan si Maan at Kristen na animo’y sinukukat kung puwede na bang sabihin ang pagpapaalam sa nanay ni Maan, na kung tamang tyempo na ba gayong nagtatanong naman na rin lang ang nanay nito. Si Maan naman ay walang kibo na tumayo at nagkibit balikat tumungo sa lagayan ng mga plato at kubyertos upang maghain sa hapag.
“Si Congressman po tita may paseminar tungkol po sa ano po ba ang maitutulong ng mga kagaya namin sa ating barangay, sa kanilang bahay-bakasyunan sa pasilangan...."
“Malayo hija yan ah”putol ni Aling Eva naumid naman itong si Kristen pero hindi siya natakot ipagpatuloy ang sasabihin.
“Every barangay po ay dalawang tao ang kailangan Tita, inaaya ko po si Maan na kaming dalawa ang aattend, kami lang po kasi 'yong narito ngayon sa atin, pupuwede po ba? Bale po tatlong araw at dalawang gabi po, libre po ang sasakyan at pagkain……” aniya Kristen na di na naituloy ang sasabihin sapagkat .
“Ay oo naman puwede wala naman gawa 'yang si Maan dito konting hugas pinggan, laba at kundi sumama sa pinsan n'yang tumambay. Mabuti at nandiyan ka maiba naman ang kasama nya, kailan ba ang alis nyo?” putol ni Aling Eva na walang mababakas na kahit ano pa man sa mukha habang nagsasalita at patuloy lang sa pag hinhintay na kumulo ang niluluto niya.
”'Yon ayus” ani Kristen na talagang nasiyahan sapagkat alam niya na matutuloy siya dahil ang totoo ay di siya makakasama sa nasabing seminar kung 'di si Maan ang kanyang makakasama.
Dahil sinabi na dito nang kanyang mga magulang na 'di siya papayagan kung hindi si Maan ang kanyang kasama kahit pa sinabi nya bakit si Maan e di naman kami ganoong kaclose?
“Kung ayaw mo huwag ka nang umalis, araw-araw ka nang wala rito sa bahay” sabi pa ng magulang ni Kristen sa kanya.
“Yon, matutuloy na “ ani Kristen na masayang-masaya ang mukha. 'Yong ngiting hanggang langit. Humigop muna ng sabaw ng gisinsang upo at talagang nakikain nga siya 'di sya nagbibiro. Habang kumakain, si Maan tahimik lang di maalis sa isip niya ang mga mangyayari sa seminar na bago sa kanya, ano nga bang gagawin niya 'don eh kinatatamaran nga n'ya ang mag-sulat, nakakatiyak si Maan na magsusulat doon sa seminar na ‘yon. Napabuntong hininga na lamang si Maan bahala na, aniya bahala na si Batman.
Natapos na ang haponan at umuwi na ri si Kristen. Si aling Eva naman ay naiwan sa kusina para maligpit.
Sumapit na ang gabi.
“Bakit napapabuntong hininga ka jan lalim yata ang iniisip mo pinsan” si Arvin. Arvin Dela Vega. Matangkad. Biniyayaan ng gwapong mukha. Tan ang color dahil na rin na laging nasa arawan para maglaro syempre sing-color na sila ni Maan sila 'yong team mate laging magkasama simula ng sila’y natutong maglakad, at magkalapit lang ang bahay nina Maan at Arvin.
“Ah ikaw pala pinsan wala naman inakit nga pala ako ni Kristen may pupuntahan kami ngayong weekend sa pasilangan daw 'yon.” sabi ni Maan na 'di maalis ang tingin sa mukha ng gwapo niyang pinsan. Alam niya noong sila’y nasa elementarya pa lamang ay may konting pagtingin siya sa kanyang pinsan. Na hindi niya akalain na lalamin pa ng lalamin.
At hindi pupuwede dahil nga pinsan sila magkapatid ang kanilang mga ama. Ang nagagawa niya na lamang ay palagi ditong sumama para kahit papano ay sumasaya siya makita lang ni Maan ang pinsan niya lagi siyang pagkasaya-saya. Bunos na lang ung minsan ay nahahawakan niya ang pinsan sa mga braso nito. Ikaw na girl!!
“Pwede ba akong sumama?" Nakangiting Arvin talaga?. At ang puso ni Maan ay nagtatambol na. Hala relax ka lang Maan ngiti lang 'yan ha. ‘Yong ngiti n'ya haysss.
“Haha malas mo pinsan dalawa lang pwede 'don saka 'di ba may lakad kayo ni Mommy mo, ni Tita? Ngayong weekend din 'yon sabi mo sakin kaya nga ako'y sasama sa boring na seminar na 'yon kaysa nandito ako mas bored kasi di mo naman ako isasama sa lakad n'yo ni tita eh? Dagling pag-iwas ni Maan na huwag sanang mapansin ng pinsan niya .
“Sayang may dahilan na sana ako para di sumama kay Mommy pero naka oo na ako kay Mommy magagalit 'yon.” siyang pagbuntong hiniga ni Arvin…
“Hahaha nalipat sa'yo buntong hininga ko ah” wika ni Maan na tumingin na lang sa langit .
Lumapit na nang tuluyan si Arvin kay Maan at dumatig dito sa paghiga sa bubong sa labas ng kwarto ni Maan. Madalas nandito lamang sila nagkukwentuhan, nagbibiruan, nagkukulitan masaya na sila na silang dalawa ang laging magkasama. Sa ngayon nanonood ang dalawa ng bituin sa langit hangang nagulat ang dalawa na may tumatakbo palapit sa kanila. Isang pusa..
Sa pagkakagulat kamuntikan nang mahulog si Arvin mabuti na lamang at nahawakan ni Maan ang braso kun'di ay tiyak bukol aabutin nito dahil sa taas nang kanyang babagsakan at sa mga dami nang hallowblocks 'yong sobrang materyales sa katatapos lang ipagawa ng tatay ni Maan na bahay pahingahan, nakalagay roon..
“oppss salamat ‘san” ngiti ni Arvin kay Maan. Namaalam na si Arvin na uuwi na at may papanoorin pa raw siyang basketball sa tv na di n'ya pwede palampasin,,,