Maan meet Kristen
Third person's pov
Isang hapon naglalakad si Maan galing siya sa kabilang kanto sa tindahan, bumili siya ng konting mamemeryenda, nakita sa daan ni Maan ang kanyang isang kakilala, isa siya sa kasama ni Maan sa tungkulin sa barangay bilang Sk Kagawad. Si Kristen Reyes Maganda si Kristen tamang haba ng buhok at pala ngiti pa. May kaya ito sa kanilang bayan. Kilala ang pamilya niya sa larangan ng pautangan 5-6 kung tawagin ng marami.
“Oi Maan” tawag niya.
“May pa seminar si Congressman Anding, para sa mga katulad nating Sk ng baranggay, baka nais mong sumama? Available ka ba this weekend na 'yon?” mahabang pananalita ni Kristen na humihingal pa.
“Kanina pa ako natawag sayo 'di mo ako pinapansin heto’t napatakbo na tuloy ako abutan ka lang, ano ba iniisip mo? sabi pa ni Kristen na nakangiti na ngayon. Mababakas mo sa kanyang mukha na umaasa siya na napa oo niya si Maan.
“Hindi ko sigurado, alam mo naman si Nanay mahigpit ‘yon sa mga ganyang lakad, na mukhang malayo? Tanong ni Maan , walang mababahid sa mukha na interesado siya sa sinabi ni Kristen sa kanya .
“Sa pasilangan ‘yon, oo malayo nga ‘yon, bale tatlong araw at dalawang gabi tayo dun, ano sasama ka ba?” si Kristen na may himig ng pamimilit..
Tiningnan lang ni Maan ito . Sabay na naglalakad ang dalawa.
“Wala naman ibang sasama kundi tayong dalawa lang dahil may mga pinagka-kaabalahan ang iba nating kasama sa tungkulin” sabi pa ni Kristen. Wala din naman masabi si Maan di siya ganoon kasigurado na pwede ang ganoong lakad, iniisip n’ya pa lang tiyak na hindi siya papayagan lalo na’t ganoon katagal siyang mawawala. Nasanay lang siya na doon lang sa lugar nila namamalagi sa mga tambayan at sa pagsapit naman ng hapon ay nasa kanila na siya.
Napaka-strikto ng mga magulang ni Maan bagay na nauunawaan naman niya sapagkat alam niyang mahal sila ng kanilang mga magulang, bunso si Maan sa magkakapatid. Kaka-graduate pa lang nito sa sekondarya na malapit sa kanilang lugar. Laking tipid ng kanilang mga magulang dahil parehas na nasa malapit ang lugar ng paaralan nila.
“Teka magpapaalam ako sa Nanay ko kung ako’y kanyang papayagan, kung papayagan “ ulit ni Maan sa kanyang kausap. Hindi sa binibigyan n’ya ng pagasa si Kristen sa kanyang pinakitang ngiti o siya mismo naasa na sana payagan siya. Minsan lang sa buhay niya ang makalabas ng bayan na hindi kasama ang kanyang mga magulang, may konting galak ang puso niya, ano kaya ang pakiramdam na makalayo man lang sa mga magulang kahit konting panahon. ‘Yong makaiwas ka kahit pansamantala sa mga gawaing bahay. Oo at makikita si Maan sa mga tambayan sa kanila pero maasahan siya sa mga gawaing bahay lalo na ngayon na kakatapos niya lang ng highshool at nakabakasyon.
“Ang mabuti pa ay samahan kita sa inyo para ipagpaalam na rin kita at para rin malaman ko na ngayon kung masasamahan mo ako“ si Kristen na nakatingin sa dala-dalang plastic bag ni Maan .
“Ano ba yang binili mo sa tindahan?” sabi ni Kristen na 'di inaalis ang tingin sa dala-dala ni Maan..
“Wala to pansit canton lng wala ako maisip bilihin sa tindahan kanina, gusto ko lang magpahangin, maglakad-lakad gano'n.” Pero ang toto ay gusto lang ni Maan malaman kung nasaan ang pinsan niyang si Arvin. nagbabaka sakali na matanawan niya ito. Bahagyang itinaas ni Maan ang kanyang dala para mas lalo pang makita ni Kristen ito.
Habang daan papunta sa bahay naiisip ni Maan ano ba ang mga ginagawa sa seminar na sinasabi ni Kristen, mukhang boring 'yon, boring nga siguro 'yon. Seminar means makikinig sa mga magsasalita na kailangan ng ballpen at papel to take down?
”Bakit ka natatawa ka Maan ?” Excited ka na ba?’“ wika ni Kristen na 'di talaga naalis ang ngiti na akala mo ay makakasama siya sa nasabing seminar. Alam naman ni Maan na napakalayas nito. Balita pa nga niya ay lagi itong wala sa kanila laging out of town ba gano'n. Konting inggit ang naramdaman ni Maan sa isang bagay na ‘yon. Mula ng maramdaman niya kasi na tumitibok ang puso niya para sa pinsan niya ay unti-unti siyang naglie low sa pagsama-sama dito. Kaya hanggang bahay
-school na lang siya nitong mga nakaraan.
”Excited ba naman na? hindi talaga ako pinapayagan sa mga ganyang lakad lalo na at sleep over.” Makikita sa mukha ni Kristen na kumunot ang noo nito. Magkahalong lungkot at saya na di mawari. Nakarating ang magkaibigan sa bahay ni Maan, makikita rito na may mga tao sa labas ng bahay.
Mga trabahador ito nina Maan gumagawa ang mga ito ng mga pasadyang higaan, dining set, pinto, gates kung ano ano pa, made to order ika-nga gawa sa bakal ang pangunahing materyales.
“Dami pala kayong manggagawa?” si Kristen na nakatingin sa mga manggagawa, makikitang mayroong kanya-kanyang trabaho ang mga ito, may nagkikilo ng bakal, may nag-wewelding, may nag pipintura.
“Oo, may nakuhang malaking project si Tatay, medyo rush na ngayon at malapit na ang nakatakdang panahon ng pagdedeliver sa bayan.” Sabi ni Maan na napatingin sa dako ng kanyang ama. Kakaway na sana si Maan sa kanyang ama para ipaalam na naroon na siya at may kasama ngunit may tumunog na telepono sa bulsa ng kanyang ama at dagli-dagli nitong sinagot at lumayo upang makinig kung sino ang tumawag. Hinayaan na lang ni Maan at inaya na niya si Kristen sa loob ng kanilang tahanan.
”Halika ka na sa loob nasa kusina siguro si Nanay.” wika ni Maan kay Kristen iginiya niya ito papunta sa kusina. Napadaan sila sa salas, nakabukas ang telebisyon, nanonood ang kapatid ni Maan na lalaki si Kent, binata na ito. Tatlong taon ang katandaan nito kay Maan. Seryosong-seryoso ito 'di na napansin na dumaan sa gilid niya ang bunso nila at si Kristen.
Nagderitso na sa kusina ang dalawa sapagkat naamoy nila ang iginigisang sibuyas at bawang na sa amoy pa lang ay mukhang ulam na.