chapter 14

1829 Words
Customer Hindi nga ako nag kamali dahil siya yung nakasabay ko sa tricycle. " Hi sir Adler... good morning po..." bati ni Luna sa may bandang likuran ko. Pasimple akong lumingon mula doon, at nakita ko yung lalaking nakatabi ko kanina sa tricycle. Siya nga... Tinignan ko siya na parang wala lang at ganon rin siya pero may bakas ng ngiti sa mukha niya. " Good morning..." Bati niya, at tumingin saakin at ngumiti. Mukhang mabait naman siya dahil mukha palang niya mukang mabait na. " Good morning po, sir" bati ko pabalik, at ngumiti naman siya. " Gwapo ni sir, noh" pabulong na sabi ni Luna saakin at halatang kinikilig pa. Gwapo naman sakto lang, lahat naman may angking itsura. Sa madaling salita walang pangit. Tinignan ko ang lero ko sa kamay kung anong oras na at 8:30 na pala, ganon ka dali ang pag ikot ng oras kaya pala may mga nag sisidatingan na, siguro mga nag tatrabaho din dito. " Ikaw yung babae kanina na nakasabay ko sa tricycle, right?" Tanong niya saakin na naningkit pa ang mata, na parang inaalala ako. Tumango ako at pasimpleng ngumiti. " Ako nga po sir." " Hindi ko alam na dito pala yung tinutukoy mong restaurant na papasukan mo..." Natatawa niyang sabi habang may kung anong ginagawa sa cellphone niya dahil nandoon ang tingin niya habang kinakausap ako. " Hindi ko nga po alam sir, ito po pala yun." " By the way, what's your name?" Tanong niya na ngayon ay binaba na ang cellphone niya at tumingin na siya saakin. Mahabang pilikmata, matangos na ilong at nakakaakit na labi dahil sa pamumula neto. Maputi rin siya at sakto lang katawan siguro 6'1 ang height niya. " Andey Zacharielle, po sir" sagot ko na ngayon ay naiilang na ako sa titig niya kaya umiwas ako ng tingin at tinignan si Luna na ngayon ay nag pupunas na ng mga lamesa. " Andey Zacharielle. " sabi niya " By the way, I'm Adler Sullivan" aniya at lahad ng kamay saakin na agad ko naman tinagpan. " Mama niyo si ma'am Lily, sir?" Tanong ko " Yeah... sige pwede kana mag trabaho, tulungan mo lang muna si Luna doon sa pag pupunas ng nga lamesa, dahil mamaya sigurado maraming customer..." Utos niya at agad na siyang umalis patungo sa labas. Sinunod ko ang utos niya, dahil malanag susundin ko talaga kasi utusan lang ako. " Anong pinag usapan niyo ni sir Adler?" Tanong saakin ni Luna habang pinupunasan na ngayon ang isa pang lamesa. May Isa na rin na nag ma-mop, tapos yung isa naman parang assistant ni ma'am sa kusina. " Wala...tinanong lang niya kung anong pangalan ko." Simple kong sagot at nag simula na rin mag punas ng mga lamesa. " Eh, ano naman yung sinabi mo?" Napahinto ako sa pag pupunas at kunot noo siyang tinignan kahit hindi siya nakatingin saakin. " Malamang yung pangalan ko." Natatawa kong sagot. Sinusubukan kong tumawa at ma feel ang saya Kahit lang sa araw na ito. Para naman hindi ma stress sa problema sa pamilya. Lumipas pa ang ilang oras ay may mga nag sisidatingan na nga na mga customer, bwenomano ata yung sinabi ni sir Adler. Si sir Adler na ang kumuha ng mga order nila, habang tinatanong kung anong order ng mga kababaihan sa isang table at nakikipag tawanan pa siya, lima silang puro babae at lahat sila ay maiiksi na damit ang suot yung isa pa nga kita na yung balat sa likod na kung pag kakamalan mo, parang hindi nag suot ng b*a. Ngayon ko lang napansin na parang lahat ay halos mga babae ang customer, maliban na lang sa isang table sa gilid na may tatlong lalaki at tatlong rin na mga babae, hindi ko makita kung sino ang mga lalaki na iyon dahil nakatalikod sila saakin at yung mga babae lang ang nakikita ko na nag tatawanan. Maiiksi rin ang suot nila na parang mayayaman sila dahil sa porma at galawan nila. Tumulong na rin si Luna kay sir Adler sa pag kuha ng kung ano ang order ng mga customer. Ako naman ang mag bibigay ng mga order nila mamaya, habang hinihintay ko na matapos itong si ma'am Lily sa pag lalagay ng mga pagkaing order nila sa pinggan. " Sa table number 3 ito, Andey..." Sabi ni ma'am Lily habang inilalagay sa tray iyong mga pagkain na ibibigay ko sa table number 3. Pagkatapos niyang ilagan lahat ng mga pagkain iyon sa tray ay binuhat kona at tumungo na ako sa table number 3, hanggang table number 8 lang kasi. Medyo mabigat pero kinaya ko naman hanggang sa nakarating ako sa table nila. " Ito na po ang order niyo." Confident kong sabi at nginitian sila at isa isa ko ng nilapag ang order nila. Gusto ko kasi maging casual lang, na kahit medyo mabigat ang probelang iniisip ko, hindi ako nag papadala para hindi makaapekto sa trabaho ko. " Thanks..." tinignan ko yung babae na nag sabi non at nginitian ko siya, saka daretso na ako umalis para kunin pa ang iba pang order. " Table number 5, two grilled chicken,and two beef steak with rice.. " sabi ni sir Adler sabay bigay nung order nila Kay ma'am Lily. Tumulong na rin si Sir Adler sa pag lalagay nung mga pagkain sa tray na ibibigay ko ulit sa table number 5 naman. Tahimik kaming ginawa ang trabaho namin. Pagkatapos non ay daretso na ako papuntang table number 5 na puro babae ang nakaupo. Tinignan ko sila ng nakatingin para saka nilapag ang mga pagkaing order nila. Last ko ng ibibigay itong huling order sa may table number 6 tinulungan na rin ako ni sir Adler dahil medyo madami ang order nila. " Tulungan nakita dahil medyo madami itong order nila, ako na dito sa isa" sabi niya at kinuha ang isa pang tray. Parang bigla akong ginutom dahil sa mga pagkain na ito. Nauna siyang dumaretso doon at sumunod naman ako. " Ito na po ang order niyo... " casual na sinabi ni sir Adler at nilapag na isa isa iyong mga pagkain. Napatingin ako sa mga lalaking nakatingin saakin at biglang kumunot ang noo ko. Bakit sila nandito?... I mean... Mas lalong naging matured ang itsura nila dahil sa pag iiba ng pangangatawan at pormahan nila. Kumunot noo ko parin silang tinitignan pero parang wala lang sakanila na nakita nila ako. Tinignan ko si Caleb na ngayon ay kinakausap iyong nasa tapat niyang babae ganon din itong si Vince si Justine lang itong nakatingin saakin na parang wala lang pero agad din niyang binaling ang tingin sa mga pagkain na inilapag ni sir Adler sa lamesa. Oo, naalala ko pa ang mag mumukha nila dahil hindi naman ako ganon makakalimutin pero medyo may konting nag bago lang sa itsura nila. Nag tataka ako kung bakit hindi nila ako nakilala o baka hindi na talaga nila ako kilala. Nevermind hindi na importante saakin iyon, kung makalimutan man nila ako edi Good. Naalala ko simula kasi nung sinabihan ko si Anthony ng masama sa clinic 'simula nung nag away kami, ay hindi na siya nag paramdam saakin ganon din itong mga kaibigan niya. Pero wala naman akong pakealam 'mas gugustuhin ko pa nga na hindi sila mag pakita saakin. Mag dadalawang taon narin kasi ang nakalipas at malamang nakalimutan na rin nila ako, sa dami bang babae sa mundo 'imposible kung hindi iyon makahanap ng ibang pag kakabaliwhan. Nung tapos ng nilapag lahat ni sir Adler iyong mga order nila ay tinignan niya ako kaya napatingin rin ako sakanya. Tumango siya kaya nauna na agad akong umalis doon. Lumipas ang ilang mga minuto ay may mga natapos na sa pagkain tapos narin silang mag bayad ng mga inorder nilang pagkain kaya agad naman akong tumayo mula sa pag kakaupo para kunin iyong mga pinag kainan nila. Sayang naman itong mga tira nila sa pinggan hindi nila kinain lahat, samantalang may mga tao na gutom na gutom halos walang makain... sila sinsasayang lang nila. Kinuha ko itong mga pinag kainan nila at pinag patong patong ko sa tray na dala ko, saka dumaretso na ako sa kusina para doon ilagay. May dishwasher naman pero tutulungan ko na siya dahil marami itong huhugas niya 'kawawa naman. Huli kong hinintay na matapos sila Justine at mga kasama niya sa pagkain. Nung natapos na sila ay dumaretso na ako doon para ibigay ang bill nila sa pagkain dahil ako ang inutusan ni sir Adler kasi may tumawag sakanya. " Ito po yung bill nyo sa pag kain sir, ma'am..." Casual kong sinabi at nilapag sa gitna nila itong papel na kung saan nakasulat iyong babayaran nila. Parang hindi naman ordinary na hotel lang ito, ha? Parang pang social... Tinignan ko kung Ilan yung babayaran nila dahil hindi ko pa pala tinignan basta ko na lang kasi nilapag sa lamesa. Total 650? Grabe? Sabagay madami naman ata silang pera, mukhang mayayaman naman sila e... " How much?" Napatingin ako kay Justine na nag salita, na ngayon ay kinukuhan na iyong wallet niya sa bulsa. " No babe, I will pay... magkano lahat miss?" Malambing na sabi nung babae na ngayon ay kinuha na ang wallet sa bag niya. Babe... so... siya yung girlfriend ni Justine? So pati itong si Caleb at Vince mga girl friend rin nila itong mga kausap nila, obvious naman, " No babe, ako na... tumatanggap ba kayo cards dito?" Tanong niya na ngayon ay nakatingin na saakin. Umiling ako. " No, po sir. Only cash lang po." Simple kong sagot. Binaba niya ang tingin niya sa wallet niya kaya napatingin ako doon. Ang dami na ID or card sa wallet niya ang nakita ko, iba talaga pag mayaman may 'card. " I told you babe, ako na lang mag babayad..." Natatawa niyang sinabi at kinuha ulit iyong Luois vuitton niyang wallet 'may nakasulat kasing Luois vuitton. Yayamanin talaga. Samantala ako binili ko lang itong wallet ko sa divisoria ng bente. " Mag kano lahat?" Tanong niya saakin at kinuha yung isang libo sa wallet niya ang dami ko ring nakita na ID niya or mga Cards. Nilapit ko sakanya iyong papel nila sa bill. "650 po lahat ma'am..." magalang kong sabi. Tinignan ko ang mga kasamahan niya na ngayon ay nakatingin na pala sila saakin. 'ano naman ngayon kung tumingin sila saakin? 'diba? " Okay, keep the change..." aniya at ngumiti saakin, saka sila tumayo. Normal lang ito na nagyayari kung sabi nila 'keep the change daw Tanggapin natin " Thankyou po, ma'am" sabi ko at nginitian rin siya ganon rin sa mga kasama niya na kahit hindi sila nakatingin saakin. " it's my pleasure..." Aniya at kumapit na sa braso ni Justine saka sila umalis. Maganda siya, matangkad, at maputi hindi rin maikakaila na mabait siya. Alam kong ganon yung mga tipo ni Justine kung bakit hindi niya gusto ang kaibigan ko. People are almost always better than their neighbors think they are.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD