chapter 15

2554 Words
Trabaho Saktong alasingko ng hapon ay umuwi na kami nauna na sila ma'am Lily at sir Adler dahil may pupuntahan pa daw silang party , dahil wala na rin naman daw customer pag ganitong oras. Gusto ko sanang kausapin muna itong si Luna habang nag hihintay kami ng tricycle para naman malibang ako kahit konti, kaso mukhang busy sa cellphone niya dahil nangingiti pa ito habang nag titipa ng kung ano sa cellphone niya. Malamang boyfriend niya iyong ka text sino pa ba... Bigla ko nanaman naisip ang papa ko... Ito nanaman tayo... Pero hindi ko talaga maikakaila na napapaisip ako sa kalagayan niya roon, ayaw kong mag isip ng negatibo dahil alam kong ako ng din ang masasaktan. Siguro naman hindi nila papabayaan ang papa ko doon... Sana naman may mabubuting loob iyong mga kasamahan niya sa trabaho at tulungan siya... Kahit na natanggal na siya sa trabaho. Hindi ko nanaman mapigilan ang emosyon ko... ganon ko kasi talaga ka mahal ang papa ko, kahit sino naman siguro. Lahat ng ito para sa pangarap namin, itong pag sisikap ko sa pag aaral dahil ito ang kagustuhan niya na makatapos ako ng pag aaral. Kaya kailangan ko maging matatag at lalo pang magpursigi para sa pangarap ko. Dumilat ako mula sa pagkakapikit at tinignan ko kung anong oras na sa relo ko, nagulat ako dahil isang oras na pala kaming nag hihintay dito... hindi ko namalayan ang oras! Tumingin ako sa katabi kong si Luna na ngayon ay may katawag na pala... nangingiti pa siya habang nakikinig sa kausap niya. Ayaw ko sana siyang abalahin pero nilapit ko na siya para sabihin na mag lakad na lang kami dahil mukhang wala ng tricycle na dadaan. " Luna... mag lakad na lang tayo medyo dumidilim na e... tsaka parang wala ng tricycle na dadaan dito... " Sabi ko at agad naman siyang tumango at kumapit sa braso ko pero ang buong attention parin ay nasa kausap niya habang nag lalakad kami. " Okay, I love you too baby... ikaw rin mag iingat ka, ha. Wag ka mag papagutom, alangan mo yang sarili mo... opo mag iingat rin ako, ako pa. " Malambing niya sabi ng nakangisi at halos kurutin na ako sa sobrang kilig. Sabi nga nila "All the words ever spoken of love are but drops in the ocean of its feeling. " Hindi ko naman sinabi na masama ang mag karoon boyfriend or girlfriend, dahil normal lang iyon. Ako kasi 'hindi muna boyfriend or love life ang inaatupag ko ngayon kundi sa pag aaral at sa pamilya muna 'dahil darating din ako sa point na iyon, wag muna sa ngayon. Ang love Life kase may meaning yan e... the person who is loved most by someone in all their life. the person someone wants to spend the rest of their life with. the person that someone cannot stop loving come what may. Kasi ako ang gusto ko pagdating ng araw 'Isang lalaki ang iibigin ko, kaya sana in the future kung sino man ang Isang lalaki na iyon sana hindi niya ako magawang saktan. Pero ako kasi natatakot akong buksan ang puso ko sa isang lalaki, kasi sabi nila 'sa una lang daw masaya, sa una lang sweet pero pag sa huli na unti unti na lang daw iyon mawawala... sabi pa nila kung sakaling nakuha na ng lalaki ang gusto niya sa babae, iiwan na daw niya ito... Kaya ayaw kong mangyari iyon saakin. Kahit pa hindi na lang ako mag papapasok ng lalaki sa buhay ko. " I love you... sige bye... I love you ulit baby" halos pabulong niyang sabi sa huli pero narinig ko naman. Love is a choice you make from moment to moment. Irerespeto ko ang klase ng pag mamahal nila, kung iyon naman ang nakakapag pasaya sa kanila. Wait at bakit naman ako tututol?... Tss "Hayss... ang sarap ng may taong nag mamahal sayo, noh. Yung tipong tatanungin ka kung kumain kana ba, okay ka lang ba... Tapos yung may ma rereceived kapang I love you, good morning at good night every day tapos may pa advice pa sayo... ang sarap lang sa pakiramdam... "Ewan ko ba kung sabi lang niya iyon or pinapainggit niya ako. Totoo naman... Love is a powerful d**g, it has it's c****x and it has it's downfalls. Kaya masaya ako na masaya itong si Luna pero sana hindi dumating sa point ng relasyon nila ang bigla na lang sila mawawalan ng gana sa isat isa 'dahil napagod na sila... Pero sa tingin ko naman lahat ng relasyon dumaan sa salitang 'pagod. " Sana maging strong yang relationship niyo..." Simple kong sabi habang nag lalakad parin kami, hindi pa naman ganon ka dilim sa daan at marami para pa naman mga tao. " Sana nga... Ikaw bakit ayaw mong ka boyfriend? E...sa ganda mong yan impossible na walang nag kakagusto sayo..." " Hindi muna sa ngayon, dahil pag aaral at pamilya muna ang priority ko...tska gusto ko minsan lang ako magpapapasok ng lalaki sa buhay. " " Naks naman... Iba ka talaga, Bakit mataas ba ang Stand mo pagdating sa mga lalaki? " Tanong niya. " Hindi ko alam... " Sabi ko habang nakatingin parin sa dinadaan namin. " Anong hindi mo alam?... Alam ko kung anong tipo mong mga lalaki... Syempre unang una sa lahat GWAPO, pangalawa MAYAMAN, at pangatlo SIKAT." Kinikilig niyang sabi, bakit parang siya pa yung kinikilig sa sinabi niya. And of course hindi ganun yung mga tipo kong lalaki. Hindi sa ganong klase ng lalaki ang pag bubuksan ko ng puso ko. You must love yourself first to be able to love and receive love from others. " Nag kakamali ka Luna... Tsaka bakit ba natin pinag uusapan iyan?" Naiirita kong tanong dahil Baki nga ba namin iyon pinaguusapan, wala pa akong panahon ngayon sa boyfriend, boyfriend na iyan. Tinignan ko siya at ganon rin siya saakin habang nag lalakad kami ay titig na titig siya saakin. Bahagya akong nailang kaya binalik ko ang tingin ko sa may daanan namin. " May lahi kaba Andey?" Wala sa sarili niyang tanong. Tinignan ko siya ng nag tataka 'alam naman niyang wala 'purong pilipina ako' at bakit niya iyon tinatanong. Bahagya akong napatingin sakanya ng nag tataka na natatawa. " Alam mo namang wala, bakit mo naman naisipang itanong yan?" " Wala lang. Para ka kasing may lahi e... Parang half Italian ka... " Aniya at tinignan ulit ako ng isang beses. " Parang lang." Iyon na lang ang tangi kong nasabi. Tinignan ko siya ng isang beses at nahuli ko siyang titig na titig parin saakin. " Bakit?..." Natatawa kong tanong dahil parang tinutunaw na niya ako sa titig niya. " Ang ganda mo promise!... parang mas lalo kang gumaganda, siguro kung mag ayos ayos ka lang ng konti... nako po... pag hihinalaan ka na nilang artista." Natawa ako ng isang beses sa sinabi niya. Kahit kailan hindi ko naging potential ang maging artista dahil hindi iyon ang fashion ko. Whatever your goal is, don't give up on it, perseverance will lead to your ultimate achievements. " Ikaw rin naman maganda ka... May kanya kanya tayong 'ganda'. Tsaka sabi nga nila walang perpektong tao. Tsaka Kahit naman nasayo na ang lahat, kayaman, kasikatan... Lahat... Kung wala kang pagmamahal, balewala lahat. " You will always be perfectly imperfect just the way you are, wherever you are. Instead of berating yourself for falling short, give yourself credit for making progress. Grow as you go. Let go of how things should be so you can see all the great possibilities in front of you. " Speaking of "pagmamahal." Sinusubukan mo nabang ma in love?...na in love na ba ang Isang Andey Zacharielle na walang ibang inaatupag kundi ang mag seryoso lamang sa pag aaral? " Natatawa niyang sabi. Sabay abot nung kamay Niya na parang microphone. In love. The word In Love. " Tao rin ako na naiin love, kaya... Oo minsan" tangi kong nasabi. Isang oras kaming nag lakad bago na karating sa tapat ng bahay namin. Hinatid pa ako ni Luna sa may gate namin bago siya umalis para makauwi narin. Araw araw ganon ang eksena sa araw ko, pasok sa trabaho pagkatapos ng trabo uuwi nanaman kinabukasan ganon ulit, puro ganon lang, sa trabaho ko ginugugol ang oras ko na dapat ay sa pag aadvance study. Pero okay lang. Sa sunod sa lunes ay pasukan nanamin. Ganon ka bilis. Kaya sa susunod na linggo na lang din ako bibili ng gamit ko. Pumasok ako sa trabaho ng mag isa wala kasi si Luna dahil may date daw siya ngayong linggo. Iyon ang sabi niya. Yes, linggo ngayon at nag tatrabaho parin ako. Gustuhin ko mang mag pahinga Kahit sa linggo lang pero... sayang kasi ang sahod sa araw na ito, kung sa bahay lang naman ako. Namasukan rin ako sa may gotohan kahit part time job lang. Naging Janitor rin ako sa mall kaya pa naman ng oras at sarili ko kaya pinasukan ko na kaagad, 3 beses lang naman daw ako papasok sa isang linggo, dahil janitor sa cr lang naman daw ang kakailanganin nila. " Andey paki served nga ito sa table no. 3" ani ni ma'am Lily. Tinignan ko yung mga pagkain na nasa tray na iseserved ko doon, napakarami naman nilang inorder... Habang papalapit ako sa table na iyon napansin kong halos puro kalalakihan ang nandoon, may tatlo naman na mga babae. Namilog ang mga mata ko ng nakita kong isa sa mga kalalakihan na nandoon ay si Anthony kasama ang mga kaibigan niya. Ang laki ng pinag bago ng itsura niya, maslalong naging matured siya tignan, nahagip ng paningin ko ang kumikinang niyang hikaw sa may isang tenga niya. May hikaw na siya. Halos mapaatras ako. Pero bakit naman ako aatras?... customer siya Andey, customer... Lumapit ako sa may lamesa nila na abot lagit ang confident, kahit na may medyo nararamdaman ako na kakaiba na hindi ko maipaliwanag. " Ito napo ang mga order niyo." Casual kong sinabi kahit na nanginginig na ang isang paa ko, na hindi ko maipaliwanag kung bakit iyon nanginginig na lang bigla. Hindi ko maiwasang mapatingin sakanya kaya tinignan ko siya ng isang beses, nakatingin siya saakin habang nakasandal sa upuan na inuupuan niya at nilalaro ng isang kamay niya ang hikaw sa may tenga niya. Ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko sa mga pagkain na ilalapag ko sa mesa nila ng biglang may biglang tumawag saakin. " Andey..." napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko. Tinignan ko si sir Adler sa may likuran ko na papalapit. " Bakit po sir?" Tanong ko pero ang tingin niya ay nasa kila Anthony. " Ako na lang diyan, tulungan mo na lang si mama doon..." Utos niya. Tumango ako pero bago pa ako tuluyang umalis ay hindi ko sinasadyang mapatingin sakanya, tinignan rin niya ako ng nakataas ang Isang kilay at agad akong inirapan at humalukipkip. Anong problema ng taong ito?... Umalis ako doon gaya ng inutos ni sir Adler ay tinulungan ko si ma'am Lily. Nag tataka ako kung bakit dito nila napiling kumain, gayong hindi ito pang mayamang restaurant. Natapos nasilang kumain at pupunta na sana ako doon para singilin sila sa kinain nila pero pinigilan ako ni sir Adler at sabi niyang siya na daw, tumango naman ako. Natapos nanaman ang boong araw sa trabaho ko sa linggo na ito. Hinatid na rin ako ni sir Adler sa bahay namin, sa unag pagkakataon. " Salamat po sir, sa pag hahatid saakin..." Magalang kong sabi ng nakalabas na ako sa kotse niya. " Walang problema... bukas ng umaga susundin kita dito, para narin makatipid ka sa pamasahe." Aniya na siyang kinagulat ko. " Nako, sir wag napo... " Nahihiya kong sabi. " Wag ka ng mahiya, basta susundin kita bukas ng umaga dito ng 8:00am." Sabi niya ng nakangisi. 4 na beses na lang kami kung pumasok sa restaurant dahil iyon ang sinabi ni ma'am Lily, minsan 5 beses may regular job rin kasi siya at pinag kakabisihan rin si Sir Adler kaya...iyon. sakto naman dahil may trabaho rin ako sa mall bilang janitor. Tinanggap ko rin ang alok na iyon. Wala akong nagawa kaya tumango nalang ako at nag pasalamat. Totoo naman kahit papaano makakatipid ako sa pamasahe. Pumasok na ako sa loob at nadatnan kong tahimik nanaman ang buong bahay. Laging ganito ang eksena pag umuwi ako, uuwian kong tahimik nanaman ang buong bahay namin. Pumunta ako sa kwarto ni mama at nadatnan kong wala nanaman siya doon. Lagi siyang wala pag umuuwi ako. Bahagya nanaman tumulo ang mga luha ko, na hindi ko namalayan. Hindi ko alam kung bakit laging wala ang mama ko sa hapon kapag umuuwi ako, hindi ko alam kung saan siya pumupunta, hindi ko alam kung bakit umaalis, araw araw. Saan kaya siya pumupunta. Isang linggo narin na ganito ang ginagawa niya, binabalewala ko lang, pero parang may kutob ako na hindi ko maipaliwanag kung ano. Napasandal ako sa may pintuan ng kwarto niya ng umiiyak... naiisip ko nanaman bigla ang papa ko, hindi na kasi siya tumatawag saamin, huling tawag niya nung nakaraang linggo pa, hindi parin siya makapag salita ng maayos at alam kong hindi patin mabuti ang pakiramdam niya. Hindi naman ganon kadali gumaling ang Isang na stroke na tao. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi at tumayo na ako at nag lakad papuntang kusina. Tinignan ko kung may pagkain at nakita kong may naluto na. Nagluto muna siguro ang mama ko bago umalis. Kumain na ako sa nilito niyang tortang talong. Pagkatapos kong kumain ay dumaretso na ako sa banyo para mag shower dahil may trabaho nanaman ulit ako ngayong gabi sa may gotohan. Nag suot ako ng maong na short na hanggang tuhod at pagkatapos kong mag t-shirt ay nag jacket narin ako ng kulay itim. Nang handa na akong pumasok nanaman sa trabaho ay lumabas na ulit ako. Hindi naman ganon kalayo ang gotohan na pinag tatrabahuhan ko kaya nag lakad na lang ako. Hindi rin ganon kalaki ang sahod... Nang makarating na ako ay agad na akong nag trabaho. Pinunasan ko muna ang mga lamesa pagkatapos ay inayos ang mga Plato na kakailanganin mamaya. Nag luto narin ang mag Asawa na boss ko ng lugaw. Binalatan naman ng kasama ko ang mga itlog. Maya maya pa ay may mga customer ng dumating. Halos lahat ay especial ang order. Iyong Isa ko ng kasama ang nag served ng goto nila at ako naman ang taga hugas kapag may mga natapos ng kumain. Hanggang alas diyes lang kami dito, at uuwi narin kami kapag ubos ba lahat ang lugaw na niluto ng aming boss. Minsan hindi pa nauubos lahat dahil sa konti lang ang mga customer na dumating, minsan naman nag sosobra. Ng mag alas diyes na at ubos narin ang aming paninda ay umuwi na ako. Weekly-han rin sila kung mag pasahod. Umuwi ako ng pagod na pagod, biruin mo tuloy tuloy ang trabaho ko halos walang pahinga, babad narin sa tubig ang mga kamay ko dahil sa pag huhugas. Pumasok ako sa loob ng bahay namin at nadatnan ko ulit itong tamik pa, wala parin ang mama, ewan ko ba kung saan iyon pumunta. Gusto ko sana siyang hintayin muna kaso sobrang pagod na ako kaya agad na rin akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD