Chapter 9
No one can change the way I am ,I will never allow certain people , to bring me down to their level.
We change emotions. We're happy when something good happens, we're sad when something sad happens, and we're mad when something bad happens. Life goes along with these feelings. We shouldn't be stopping it, sometimes these feelings are the things that we need to feel.
Malapit narin naman ang graduation namin at bakasyon na, last quarter exam na lang namin sa aug2.
Itinigil niya ang sasakyan niya sa harap ng restaurant, hindi ko alam kung bakit dito niya napili na mag lunch 'gayong mahal dito.
Tahimik siyang bumaba sa sasakyan hindi ako agad bumaba kaya umikot siya at pinag buksan ako ng pinto 'sinadya ko talagang siya ang bumukas ng pinto ng sasakyan para saakin.
Tinitigan ko siya pero hindi siya nakatingin saakin, kaya agad na akong bumaba sa sasakyan.
Hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko itong tinanggal at tinignan siya ng masama kahit hindi siya nakatingin saakin. Dahil ayaw ko na may lalaking nakahawak sa kamay ko lalo nakung sa public place, at lalo na kung siya.
Watch your thoughts, they become your words. Watch your words, they become your actions. Watch your actions, they become your destiny!
" Good afternoon sir Anthony this way po, sir " sabi nung babaeng nasa entrance habang nakangisi at titig na titig kay Anthony.
Tinitigan ko siya at ganon rin siya saakin. Nakasuot siya ng pang waiter na damit at naka ponytail ang buhok na pa curly. Ngumiti ako sakanya at nginitian rin niya ako pabalik.
Pumunta kami sa table na inumuwestra nung babae. Natingin ako sa name tag sa gilid ng damit niya 'Sadea' so... Sadea ang pangalan niya.
" Sir Anthony natagalan po kayo..." Tanong niya ng nakangisii parin. The way how she look at him, parang...
Tinignan ko si Anthony at nakatitig rin siya sakanya. The way how he look at her... The way how they look each other...
Hindi malayo ang agwat nila siguro kasing edad ko lang itong babae. Maganda rin siya maputi, at sakto lang ang height.
Matagal silang nag katitigan hanggang sa si Anthony na ang unang bumitaw sa titigan nila dahil may kinuha siya sa bulsa ng jacket niya.
" Punasan mo yang eyebrow mo." Seryoso niyang sabi. Tinignan ko kung ano iyong ni abot niya kay 'Sadea' at iyon ay panyo.
" Ay... sorry nag pictorial na kasi kami kanina, nakalimutan ko na tanggalin kasi nag mamadali na akong pumunta dito, Btw that's..." Sa lambot ng pag sasalita niya para ka niyang hinehele.
Ganon ba talaga ang pananalita niya or nag papa bebe lang siya kasi si Anthony itong kausap niya.
Tinignan ko si Anthony pero seryoso lang siyang tumango habang nakatingin sa menu. Tinignan ko ulit si Sadea at bakas sa mukha niya ang ngiti pero parang pinipigilan niya itong ilabas.
" Anong gusto mo?" Saka palang siya tumingin saakin ng tanungin niya ako kung 'Anong gusto ko.
Napa kagat labi na lang ako saka ko siya sinagot " Hmm... kahit ano..."
Everybody needs just a little love, lots of hope and unshakable faith. Sometimes the smallest act of love can take up the biggest space in someone's heart.
" No I need to know your order, kasi hindi ko alam kung anong mo "
May meaning ba yung sinabi or nilalagyan ko lang ng malisya ang sinabi niya.
Napakurap kurap ako at umayos ako sa pag kakaupo saka ko siya ulit tinignan " kung anong order mo, ganon na rin yung saakin." sabi ko
Tinitigan niya ako kung bakit ako nailang kaya binaba ko ang tingin ko sa lamesa.
" Okay... Pumpkin with balsam apple and fresh potato with carrots and broccoli. " ani niya at bumaling saakin, nag katinginan kami dahil nakatingin ako sa kanya ng tignan niya ako.
" Okay sir, wait for 5 minutes po..." sabi ni Sadea saka umalis.
Yun talaga yung order niya... kumakain naman ako ng gulay pero hindi ako namimili kaso hindi ko expect na mga vegetables ang orderin niya.
Tinignan ko ang menu na nakalapag sa mesa, Grilled chicken, Roasted Beef, friend chicken, grilled letchon, beef steak eto yung expect ko na o- orderin niya... Pero okay narin para naman malayo sa sakit.
" Here's your order sir..." sa lambot talaga ng pananalita niya para ka talaga niyang hine hele.
Napatingin ako sa mga pagkaing inilapag niya... Masarap naman ito... Healthy pa nga e,
" Thanks ...Let eat" ani niya. Pero hindi ko parin matanggal ang tingin ko sa mga pagkaing nasa harap namin.
Napatingin na ako sakanya at nakangisi siya habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan niya.
Kaya pag katapos niyang maglagay ng pagkain sa pinggan niya ay kumuha na rin ako ng saakin.
Nilagyan ko ng Pumpkin with Balsam apple ang pinggan ko. Tinignan ko muna siya at hindi parin matanggal ang tinatagong niyang ngisi sa mukha niya habang kumakain.
Unag subo ko palang ay Halos isuka kona ito dahil sa sobrang pait, paano ba naman kasi ang lalaki ng pag kakahiwa nila sa ampala, parang hindi nila piniga para naman mawala yung konting paiit.
Hindi ko na nginuya ng mabuti dahil daretso ko na lang itong nilunok, sobrang pait talaga. Sinubo ko iyong isang slice ng kalabasa pero mapait rin ito dahil dumapo na yung pait ng Ampalaya sa kalabasa . Gusto ko ulit isuka kaso mapapahiya lang ako.
Masarap naman kaso mapait pero buti sana kung mapait lang ito sobrang pait.
Tinignan ko si Anthony at hindi parin mawala ang tinatago niyang ngiti habang patuloy parin sa pag kain.
Sinadya ba niya ito?... pero kasalanan ko rin kasi hindi ako nag order ng gusto kong kainin 'gayong tinanong naman niya ako kung anong gusto ko.
" It's good for the health, hindi kasi ako masyado kumakain ng mga meat pa minsan minsan lang... try this masarap ito" tinitigan ko siya at habang nilalagyan ang pinggan ko ng gulay na sinasabi niya.
Kagat labi niyang nilagyan ng gulay ang pinggan ko hindi parin mawala ang ngisi sa mukha niya, ewan ko ba kung bakit hindi mawala ang ngisi ng taong ito.
" Tama na..." sabi ko dahil ang dami na niyang nilagay na gulay sa pinggan ko.
Tinignan niya ako kaya tinignan ko rin siya nakangisi parin siya pero pinipilit niyang mag seryoso.
Sinubo ko ang isang slice ng patatas, halos hindi ko pa ito manguya dahil medyo hilaw pa dahil matigas pa. Hinalo ko naman yung broccoli sa kanin na nasa pinggan ko pero parang hindi ko ito nagustuhan dahil matabang ganon din yung carrots medyo hilaw pa.
Ano ba itong restaurant na ito... mas masarap pa mag luto yung mama ko ng gulay kesa sa kanila.
Ang mahal pa naman ng tinda nila, kung hindi hilaw, matabang kung hindi matabang napaka pait.
Tinignan ko ulit si Anthony na seryoso na ngayong kumakain at patapos na rin siya.
samantala ako halos hindi ko makain ng mabuti dahil ang pangit ng lasa... Okay na sana e,
Ang galing naman ng COOK nila, huling huli niya yung bawat panlasa ko.... Galing
" You want more?... " Ngising tanong niya. Kunot noo ko siyang tinignan. You want more mo mukha mo kitang kita mo na nga na halos hindi ko ito maubos.
" Sinadya mo ba ito?" halos pabulong kong sabi pero may diin.
Kumunot noo niya akong tinignan habang pilit paring nag seseryoso kahit na bakas sa mukha niya ang ngisi na pilit niyang itinatago.
" What?... tinanong kita kung anong gusto mo pero sabi mo 'kung ano yung gusto ko yun narin yung sayo' so... ito yung gusto ko "
Inirapan ko siya dahil hindi na niya mapigilan ang ngising kanina pa niya itinatago. Iniinis nanaman ata ako ng gagong ito.
" You don't like it, Andey?" ani niya at ginulo ang buhok niya.
Hindi masarap, napaka sarap, halos mamatay na nga ako sa sobrang sarap e, sakto lang lasa hindi maalat hindi matabang, hindi rin hilaw at hindi rin over cook, saktong sakto. Pwede nga sumali ang mga cook ng restaurant na ito sa mga paligsahan ng pagluluto, sigurado mananalo sila.
Ewan ko ba kung bakit naging sikat ito na restaurant 'gayong hindi naman nila alam mag luto.
Inirapan ko siya at hindi sinagot dahil satingin ko iniinsulto niya lang ako.
Narinig ko ang munti niyang halakhak at ginulo ulit ang buhok niya. Bakit ang hilig niyang guluhin ang buhok niya mannarism na niya siguro iyon.
Itinaas niya ang isang kamay niya para tawagin ang waiter at lumapit si Sadea ng nakatingin.
" Order?" Ayan nanaman tayo sa malambing niyang pananalita.
Sorry hindi Kasi malambing yung pananalita ko e, pinaganak na kasi akong ganito na yung boses.
" Yup... Hmm Roster chicken and 2 Beef steak, take out na lang "
Bakit ba ganon sila mag katitigan, parang may something sila sa isat isa. I don't mind.
Sometimes the smallest act of love can take up the biggest space in someone's heart.Love is not a feeling but a choice. It's not what you feel but more what you do.
Kung sila naman, edi GOOD
" Drinks po sir?" tanong niya ng hindi parin nawala ang titigan nila sa isat isa.
If you find serenity and happiness, they may be jealous. Be happy anyway, Andey.
" Water only, thank you" ani siya sabay g**o ulit sa buhok niyang sumasayad na sa mata niya.
Bakit hindi na lang siya mag pagupit para hindi na niya guluhin pa nag buhok niya ng ganon.
Para siyang may lahi kasi kakaiba yung kulay ng mata pati yung pag mumukha niya. Oh baka naman may lahi talaga siya.
Inirapan ko siya dahil nakatitig na rin siya saakin habang naka halikipkip, nahagip kaagad ng mata ko ang lalaking nakangisi saakin sa kabilang table mag isa siya at nay laptop sa harapan niya.
Nginitian ko rin siya pabalik, dahil mukhang mabait naman siya, satingin ko nasa mga 30 year old na siya.
Never treat others in the way you don't like to be treated yourself.
Nag wave siya saakin habang nakangisi parin kung bakit nag wave rin ako sakanya. Narinig kong nag hikbi si Anthony sa harapan ko pero sinadya ko hindi siya pansin at mag kunwaring hindi siya narinig.
Mukhang mabait naman ang taong ito dahil nag sign siya kung kumain naba ako nag okay sign na lang din ako.
Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Anthony ang kamay ko at hinila ako sa kinauupuan ko.
" let's go, baby" mariin niyang sabi at agad kong hinila palabas.