chapter 10

1772 Words
LAST The greatest lesson in life is to know that even fools are right sometimes. I'm dumb because sometimes I'm wrong. " Andey, halika dito..." Tawag saakin ng kaibigan kong si Camille habang nasa labas siya ng classroom namin. " Bakit?" Tanong ko dahil may pinag kakaabalahan kasi ako lalo na dalawang linggo nalang ay Last quarter exam na namin. Ganon ka bilis. " Basta pumunta ka nalang dito at may sasabihin ako sayo..." Kaya napilitan akong tumayo at lumapit sakanya, ewan ko kung ano nanaman ba ang sasabihin nito saakin. " Ano?..." Tanong ko sakanya pero agad niyang ginihit ang kamay ko at hinila ako palabas. Halos madapa pa ako sa pag hila niya, kung bakit ako nairita. " Camille... gaano ba ka importante 'iyan?" Naiirita kong tanong. Hinila niya ako papuntang grade 11 building at sa malayo palang nakita ko na madami ang mga nag sisiriksikang estyudyante doon sa labas ng isang room sa may second floor ng building. " Abby anong gagawin natin dito?" Tanong ko ng nasa may hagdan na kami. Dito pa lang ay marami na ang mga estyudyante na nag bubulungan. Ano kayang meron. Hinila ako ni Camille at nakipag siksikan sa mga estyudyante na nanonood kung ano man iyon. Aangal na sana ako dahil natatapakan na nung iba ang sapatos ko ng may bilang nag salita na lalaki ' galit na galit ang tono ng pag sasalita niya. " Ano?... akala ko ba malakas ka? Bakit hindi mo magawang lumaban... ang feeling mong hayop ka, hindi porket mayaman kayo nakukuha mo lahat ng gusto mo! " Sigaw ng lalaki 'kay.... Tinignan ko yung lalaking sinisigawan niya at nakita ko na Anthony iyon 'pinupunasan niya ang dugo sa may gilid ng labi niya at ang mga kaibigan niya ay nakatayo lang sa gilid na naka halikipkip habang pinapanuod lang nila ang pag sigaw nung lalaki sa kaibigan nila. Buti nga sayong lalaki ka, tama lang yan sayo. Wag niyo siyang tulungan, matapang naman yan kaya na niya ang sarili niya 'ang tanda tandan na ayaw lumaban. " Hindi ko ba alam kung anong nakita mo sa lalaking ito na wala saakin na kailangan mo pa akong hiwalayan, mula noong pumasok dito sa paaralang ito ang hayop na lalaking iyan kasama ang mga minions niya, dati ko ng napapansin na pala mo silang tinitignan! " Tinignan ko kung sino yung sinisigawan niya na babae, hindi ko nakita kung sino siya dahil tinagpan niya ang kanyang muka gamit ang magkabilaang palad niya. Tinignan ko si Anthony na may binulong sa kaibigan niyang si Justine nung tapos na siya sa sinabi niya at tinapik niya ito sa balikat at patakbo ng umalis si Justine. Bakit ayaw lumaban ng hayop na ito, akala ko ba matabang itong hayop na lalaking ito... Tss " Tignan mo yang pinag mamalaki mong lalaking, Klare... napaka duwag ayaw lumaban, paano ka niya ipag lalaban kung sakaling may mambiktima saiyo, kung ayaw lumaban?... Bakla ata itong ipinag mamalaki mo! " sabay tawa niya at aamba sana ulit niyang suntukin si Anthony pero pinigilan siya nung babae. Tinignan ko kung sino yung babae kung sakaling kilala ko pero parang hindi ko siya kilala dahil hindi ko pa ata siya nakikita? Basta hindi ko kilala. " Vince ..." Babala ni Caleb sakanya dahil susugot sana si Vince na suntukin rin yung lalaki pero pinigilan nila ito. May mga iba pang estyudyante na kinukuhan sila ng video, may nag bubulungan at may umiiyak? Bakit may umiiyak wala namang nakakaiyak, ha?... Tss " Bro..." tawag ni Justine sabay abot niya ng wallet kay Anthony. Tinignan ko siya habang may kinukuhan sa wallet niya. Bakit ayaw lumaban ng hayop na ito at hinahayaan lang niyang suntukin siya. " Oh... Ako na ang mag bibigay 'bilhan mo ng blindfold yang girl friend mo para kapag dumadaan ako takpan mo yang mata niya para hindi na siya nakatingin saakin... " Ani niya at tinignan ang lalaki taas baba ganon din sa babae. Saka iniabot iyong pera na 100 daan. Tinignan ko yung lalaki at mas lalo lang nagalit ang ekspresyon ng mukha niya. Narinig ko pang nag si tilian ang mga babae at may iba pang nag sabi ng 'booom' kung bakit mas lalong nagalit iyong lalaki. What the fuck... ganon na ba siya ka yaman para siya pa yung mag bigay ng pera pambili ng blindfold... Nababaliw na ata ang lalaking ito. Nag tawanan ang mga kaibigan niya at tinapik siya sa balikat "What the f**k, bro" sabi ni Justine ng natatawa sabay tapik sa balikat ng kaibigan niya. Dahil sa ayaw Tanggapin nung lalaki at ibinigay niya ito sa babae hinawakan niya ang kamay nung babae saka inilagay doon ang pera. " And let me tell you... Revenge is just for a weak people." ani niya at tinignan ulit silang dalawa saka umalis. Tinignan ko yung lalaki na parang nanigas dahil sa sinabi ni Anthony ganon din yung babae. Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko at hinila ako akala ko pa si Camille pero nung ma amoy ko yung panglalaking pabago at tinignan ko kung sino iyon ay hindi pala si Camille kundi si Anthony. " Gamutin mo ang sugat ko..." Ani at hinila ako. Hinawakan ko ang braso niya dahil halos madapa na ako sa pag hihila niya. Marami pang mga mapangutyang mata na nakatingin saamin pero hindi ko sila pinansin dahil ang buong atensyon ko nasa lalaking ito. " Ano?" naiirita kong tanong sakanya dahil 'ako ang gagamot sa sugat niya? Na nanaginip ba siya? Anong binunuka ng butchi ng taong ito at utusan akong 'ako ang gumamot ng sugat niya. " Gamutin mo daw ang sugat niya niya..." natatawang sabi ni Justine sabay akbay sa balikat ni Vince. " Bakit ako yung gagamot sa sugat mo? Bakit hindi mo ipagamot sa iba... Tsaka ang babaw lang naman ng sugat mo, malayo pa iyan sa bituka..." Hinila ko ang kamay ko pero hinila rin niya ako paliko papuntang clinic. " Please..." Parang natigilan ako sa lamig ng pag kakasabi niya nito. Never treat others in the way you don't like to be treated yourself. " What happened to your mouth, you got into a fight again?" Nag aalala niyang tanong nung babaeng nurse sabay hawak niya sa labi ni Anthony na may sugat pero iniwan ito niya ito at tumingin sa akin pero inirapan ko lang siya. Grabe naman kung maka react ang nurse na ito, konting sugat lang 'akala mo nasaksak itong si Anthony. " Ah miss... may first aid kit po ba kayo diyan?" Tanong ko dun sa nurse na tinignan pa talaga ako taas baba, kaya napatingin rin ako sa sarili ko pagkatapos bumaling ulit ako sakanya. " Meron..." simple niyang sagot sabay kuha nung mga first aid kit. " Ako ng gagamot ng sugat mo, Anthony ko..." Ani niya sabay lapit sakay Anthony. Parang gusto kong matawa sa sinabi niya ano daw 'Anthony ko?... what the heck ganon ba siya ka jeje?... Immature ba siya? Narinig kong nag si hikbikan ang mga kaibigan niya kaya napatingin kami sakanila na nasa may pintuan habang busy sa kanilang cellphone. " No, thanks. Andey..." Tawag niya saakin kaya nag taas na lang ako ng kilay, sabay lapit sa kanya. Tinignan ko siya ng masama pero seryoso lang ang mukha niya. Ginihit niya ang kamay ko, kung bakit mas lalo akong napalapit sakanya. " No trabaho ko ito, Anthony..." Seryoso niyang sabi sabay kuha nung bulak at nilagyan niya ito ng konting betadine sabay lapit kay Anthony. Bago pa niya iyon ma ilapad sa bibig ni Anthony ay iniwas na ni Anthony ang mukha niya at hawak sa kamay nito para mapigilan siya. Mas humigpit ang hawak ni Anthony sa kamay ko, kung bakit napatingin ako doon. " You're allowed to touch my hand and hair, Charmaine, but not my lips... " Malamig niyang sabi sabay kuha nung bulak sa kamay nung nurse na name pala niya ay Charmaine. Halatang nagulat itong nurse sa sinabi nitong si Anthony pati rin ako nagulat sa sinabi niya. Napatingin lang ako sakanya ng mas hinila pa niya ako palapit sakanya at abot nung bulak saakin. Tinignan ko yung nurse pero nakatunganga parin ito. Sometimes The Walls We Build Protect Us From Recurring Mistakes, But They Can Also Close Us In. " Sige nurse Charmaine ako na po dito..." Sabi ko pero agad naman siyang tumakbo palabas, parang naawa tuloy ako gusto lang naman niyang tulungan ang lalaking ito. Tinignan ko si Anthony ng masama, pero inirapan lang niya ako pinunasan ang gilid ng labi niya. "Ang sama mo talaga..." Mahinahon pero mariin kong sabi. " Did I say something wrong?" Seryoso rin sabi sabay g**o ulit sa buhok niya. " Nag mamagandang loob na nga yung tao e," galit kong sigaw sakanya. Narinig kong nag si hikbikan ang mga kaibigan niya pero hindi namin ito pinansin. " I just really don't want to another woman to hold my mouth, except for you... " nagulat ako dun sa sinabi niya lalo na nung hinawakan niya ang bewang ko at hinila ako palapit sakanya. " Really?, and what 'except for me?' come-on Ace Anthony Luhence... Kahit kailan wala akong naging pake sayo, Kasi wala naman talaga akong pakealam sayo, pinipilit mo lang ang sarili mo saakin kahit hindi naman kita gusto... " " so just pour your time into studying, maybe you can graduate miraculously, and may be I'll be proud of you. " Hindi ko siya tinignan at kinuha ko na lang ulit ang bulak at lumapit ako sakanya, idadampi ko na sana ito sa labi niya pero iniwas niya ang mukha niya at binitawan ang bewang ko. " For now, I'm with you first but not in the future, so enjoy every day I'm still here next to you, because one day I'll do to you what you're doing to me now and I'll do even worse to you. " Kung mag kikita pa tayo in the future, at hindi ako natatakot sa sinasabi mo, matatakot lang siguro ako kung ikaw yung magiging boss ko in the future pero himala ng mangyari iyon" Tumayo siya at tinitigan ako parang sinasaksak ako sa paraan ng titig niya, para siyang nakakatakot na nilalang. Pinipilit kong titigan siya pabalik kahit na galit ang mukha niya pero pilit parin niya itong kinakalma. " Really, Andey?..." mahinahon niyang sabi pero hindi parin nawawala ang galit na pinipilit niyang itago "This is the LAST...hold on to what you said." Mariin niyang sabi at tinignan pa ako ng masama taas baba bago umalis, pa dabog pa niyang sinara yung pintuan kung bakit napatalon ako sa gulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD