Kiss
Ilang araw kong iniignoran si Anthony sa lahat ng trip niya maging ang mga kaibigan niya. Sinasabihan ko na lang siya ng masasakit na salita para layuan na ako dahil nakaka umay na ang palagi niyang pangungulit sa akin pero parang hindi parin siya natatamaan.
"Andey ang sama sama mo" sigaw saakin ng kaibigan kong Si Camille
Hindi kasi nila naiintindihan. Kasi hindi naman nila ako kailanman inintindi
"Bakit masama ba yung sinabi ko? Hindi naman, ah?" sagot ko dahil hindi naman talaga masama yung ginawa ko.
"Even, Ang bait bait ni Anthony sayo ang swerte swerte mo nga dahil sayo lang siya mabait," mariin ko siyang tinitigan pero hindi ako galit.
"So anong gusto mong gawin ko? Tanggapin yung alok niyang makipag date ako sakanya? sa lalaking muntik na akong-" hindi ko naituloy dahil agad niyang pinutol ang sasabihin ko.
"No! not like that... I mean pakisamahan mo naman ng maayos" mariin niyang sabi. Bahagya kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, akala ko ba kaibigan ko ito pero bakit iba ang kinakampihan.
"Paano ko siya pakikisamahan Camille? kung hindi matanggal sa isipan ko ang ginawa niya sa akin at sa mga ginagawa niya saakin?, sige nga ipaliwanag mo mga saakin? " pasigaw ko na itong sinabi dahil bahagya na akong nairita sakanya.
" I'm sorry okay, I'm sorry... Naaawa lang ako sa lagi mong pagtanggi sakanya sa mga sinasabi mo... " kumunot ang noo ko bakit hindi rin ba siya naaawa saakin? Kaibigan niya ako, ah.
"Bakit, saakin hindi kaba naaawa? Sa palagi niyang pang aasar at pangungulit saakin, kahit ayaw ko naman sakanya?" inirapan ko siya dahil maging siya ay nalason na ang pag iisip, nilason ng Hayup na lalaking iyon.
"Of course yes naaawa ako sayo sa palagiang pagtanggi mo sakanya dahil alam kong ayaw mo Kay Anthony... pero... "
" Pero ano? pero mas naaawa ka sakanya kasi iniignoran ko lang siya sa pag mamagandang loob niya loob niya?...ganon ba? ganon ba ang ibig mong sabihin? " hindi na siya nakatingin saakin dahil nakatingin na siya sa likod ko habang nag sasalita ako. May bigla na akong hinala kung sino iyon.
Hindi siya sumagot saakin dahil titig na titig siya sa may bandang likuran ko. Kaya napatingin narin ako samay likuran ko. Hindi nga ako nag kamali ng kutob, siya na naman.
" Kahit ilang beses mo akong tanggihan, saktan at maliitin. I always chase you, miss" iyon nanaman ang sinabi niya at umalis na kasama nanaman ang mga kaibigan niya na parang bodyguard niya narin. Bwisit ka talaga!
At kahit ilang beses mo rin akong habulin, wala kang Ibang mapapala saakin kundi mapapadod ka lang. Because I hate you.
Hapon na natapos ang klase namin medyo makulim na rin at halatang uulan ng napakalakas. Lowbat na rin ang cellphone ko dahil 20% na lang ito kanina ng pumasok ako, nakalimutan ko kasing I charge kaya iyon hindi ko tuloy matawagan si manong Ando na sunduin na lang ako.
3 minuto ang ang lumipas ay umulan na nga, agad akong sumilong sa pwedeng silungan sa labas ng gate. Hindi ko kasama ang mga kaibigan ko dahil agad silang umuwi, maaga ata silang umuwi. Kaya iyon mag isa ako.
Para akong tanga dito sa pinagsisilungan ko dahil wala akong kasama, nilalalo ko lang ang cellphone kong lowbat habang nag hihintay ng tricycle na masasakyan pero lahat ng dumadaang tricycle ay puno na kaya hindi ko na pinapara.
6:30 pm na at medyo madilim na rin lalo na dahil makulim lim at umuulan bahagya narin akong nilamigan dahil sa lakas ng hangin at medyo nabasa na rin ako.
Oh! Shitt sana sunduin ako ni Manong Ando or kahit sinong anak ng diyos na may magandang loob na ihatid ako sa bahay ipag papasalamat ko talaga ng lubos dahil iisa ko na lang dito at wala ng mga estyudyante.
Biglang may umilaw na sasakyan sa harapan napangiti ko dahil inaakala kong si Manong Ando iyon pero napansin kong iba ang sasakyan niya kaya agad ring napawi ang ngiti ko lalo na nung bumaba ang binata ng sasakyan at bumungad saakin ang galit at nakataas na kilay Anthony.
Bakit siya pa yung galit? Dapat ako nga e,
Itinaas ko rin ang isang kilay ko para ipakita sakanya na naiirita na naman ako at kung bakit nandito siya. Hindi ko kayang kainin ang pride ko lalo na sa lalaking ito.
" Get in" mariin niyang utos saakin na parang siya pa yung galit. Pakealam neto?
" Ayaw ko. " mariin ko rin siyang sinagot at inirapan. Ayaw ko naman talaga pero medyo gusto 'alam niyo yon. Tss ang labo ko.
Hindi siya bumaba ng sasakyan niya at nanatili lang doon. Hindi kaba bababa para pilitin akong sumakay sa sasakyan mo? Damn it Andey you don't need his help! Pero kahit ngayon lang kakainin ko na lang ang pride ko
"Okay" ani niya at tinaas na ang bintana ng sasakyan niya.
What? Hindi manlang niya ako pipilitin? akala ko ba gusto niya ako, edi dapat may care siya saakin. Oh Damn bwiset talaga anong nag yayari saakin. You don't need his help Andey, I don't need him, I don't need his help.
"Wait!. okay sasama na ako sayo, pero wala nanamang condition,ah?" sigaw ko sakanya pero parang hindi niya narinig ang sinabi ko dahil agad niya ng pinaharurot ang sasakyan niya.
Bwisit, ang paasa naman niya.
Hindi ko namalayan na namumuo na pala ang luha sa mga mata ko at bahagya na itong tumulo kaya yumuko na lang ako. Damn paano na ako uuwi neto madilim na.
May agad nanamang sasakyan umilaw ang humintong sa harapan ko kung bakit ako huminto sa pag iyak at agad kong pinunasan ang pisngi kong basa mula sa pag kakaiyak ko. Thank God
Bumalik siya at na bumaba siya sa sasakyan niya para kunin ako. Feeling ko lang, at hindi nga ako nagkamali dahil agad niyang ginihit ang kamay ko. Sa sobrang saya ko dahil makakauwi rin ako, ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit at hindi ko mapiligilang maging emosyon dahil buong akala ko di na siya babalik at iiwan na niya talaga ako dito.
" Akala ko hindi kana babalik at tuluyan mona akong iwan" hindi ko mapigilang hindi humikbi dahil sa iyak.
Parang gusto ko tuloy dito na lang kami at yayakapin ko na lang siya buong gabi, dahil sa sobrang saya nanbinalikan niya ako.
" Ang tigas kasi ng ulo mo, sabi ko sayo sumakay kana sa sasakyan ko ayaw mo" halos pa bulong niyang sabi pero ramdam kong galit siya dahil sa tono ng boses niya.
Damn ang bango niya, ang lamig pa ng hininga niya sa tenga ko. Hindi na ako nilalamigan dahil sa mainit niyang sakap saakin.
" Dahil wala akong tiwala sayo." mahina kong sabi habang nakayakap parin sakanya.
"But you hug me tight, akala ko ba wala kang tiwala saakin?" pabulong niyang sabi pero halata kong natatawa siya. Kaya mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit ang sarap niyang yakapin. I'm feeling safe. Ang laki kasi ng katawan niya.
" Bakit bawal ba?" mariin kong sabi at tinignan siya habang nakayakap parin. Ayaw ko siyang bitiwan at ramdam kong ganon rin siya.
Hindi siya sumagot at nag titigan na lang kami. Napansin kong nakatingin siya sa labi ko at bahagya ring lumipat sa mga mata ko. Napatunok ako dahil sa sobrang gwapo niya bakit ngayon ko lang ito nahalata.
" Yeah. " mariin niyang sabi at agad akong hinalikan. Biglang parang may kuryente ang dumaan sa katawan ko na agad rin nawala dahil agad rin siyang bumitaw. Damn.
" I love you" ani niya at ngimiti na parang nakakalasing. Shitt bakit ang gwapo niya kahit mukhang palaging galit ang mukha niya.
" I hate you" mahina kong sabi pero alam kong narinig niya iyon kaya agad kong inilagay ang magkabilaang braso ko sa leeg niya para mahalikan, naramdaman kong mas humigpit ang hawak niya sa bewang habang hinahalikan ko siya at maslalo niya akong hinalikan.
He stop kissing me and he stared at me without expression.
" Bakit mo ako hinalikan at hayaang halikan ka?" Seryoso niyang tanong
"Coz, I want "
Mariin niya akong tinitigan sa sinabi ko. Titig na hindi ko nakayanan kaya ako bumitaw sa pag kakatitig sakanya. Shiit bakit ganito.
" You just kissing me coz you want? ganon ba? Paano kung ako naman, gusto kitang halikan kasi gusto ko, papayag kaba?" shiit ano daw? Bakit namin ito pinag uusapan.
Tinulak ko siya at agad kong inayus ang sarili ko. Shitt ano yung ginawa namin para akong nabuhusan ng mainit na tubig kaya ako nagising.
What the f**k happening me?! No! No! No! Hindi ito pwede I hate him.
At mariin ko siyang tinitigan. Sobrang galit ko sa sarili ko kaya naman nung hinatid niya ako sa bahay ay hindi ko siya pinapansin daretso na akong pumasok sa loob ng hindi nagpaoasalamat.
Hindi ako makatulog ng maayos kakaisip sa nagyari kanina. What the hell! Hinalikan niya ako at Hinalikan ko rin siya!. We kiss each other!
Oh Damn you poor Andey.
Anong pwede kong gawin para layuan na niya ako para kalimutan niya yung ginawa ko sakanya? Lalayuan ko ba siya,pag sasabihan ng ma sasamang salita para tigilan niya ako? Ano, I'm Anxious.
Hell! please sana panaginip lang ito.