chapter 8

2027 Words
"I really can't understand these, Benjamin..." He sighed again. "Huwag mo nang intindihin muna sa ngayon. I know, it's complicated and… it may hurt you." Nakagat ko ang ibabang labi. “Paano kapag tuluyan mo ng maintindihan? Will you forgive Papa?" Mabilis akong tumango. "Oo… hindi naman ako galit sa kan’ya." Pampalubag ko. Umiling siya at naaawang tumingin sa akin. Mapait akong ngumiti. “But infidelity is a different matter. The man who is not content with one is worse than the beast. If he no longer likes the woman, then at least have the decency to tell her. You will not make a fool of yourself and have s*x with another woman.” “I know, Althea. I also did not tolerate Papa for what he did. But, people do forgive.” Nginitian ko siya. “People forgives, but never forget. Even a few years later, the pain of betrayal will not go away. Time can heal. Pero minsan ang oras at panahon din ang mas magpapalalim ng sakit. Baka…darating lang din ang araw na ibabalik nila ang sakit ng nakaraan sa bawat pag-aaway.” Iniwan ko na siya roon. Pagkarating ko sa itaas ay pumasok ako sa kuwarto ni Mama. Hinalughog ko ang kaniyang cabinet. Sa pinaka-ilalim, nakita ko ang isang box. I opened it, and I saw many letters and albums. Isa isa ko iyon tiningnan. I understand Papa’s point. He committed a mistake and he’s regretful about what happened. Kaya noong nagpasya si Mama aalis kami, hinayaan niya ito dahil nga nagsisisi siya. But, will the problem be solved if one is leaving? Nang dumating na si Mama galing palengke ay agad kong tinago ang mga gamit. I immediately went down. Nakita kong sinalubong siya ni Kuya. Gulat pa nga siya dahil hindi niya akalain na bibisita ngayon si kuya. Ganoon din naman ako. He arrived an hour ago at marami na siyang sinasabi sa akin. Kuya glanced at me ngunit nag-iwas ako ng tingin. Sa sumunod na mga araw ay ang tungkol sa Papa ko ang iniisip ko. I am always thinking about what if, the time will come that he will come near me and say sorry. Will I be able to accept him? Si Mama kaya…matatanggap niya rin ba si Papa? I think, yes. Tama rin naman si Kuya. People do forgive. Everyone deserves a second chance. Pero… after knowing what he did to Mama, a big part of me wants to question him, why he had to make things complicated. Why did he cheat? "Hi, Althea!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sila Alyzza at Aubrey sa bahay namin. Nakauwi na pala si Alyzza galing taping. I smiled at them at agad na silang pinapasok. "I saw a car outside. May sasakyan pala kayo?" Napalunok ako. Kuya Benjamin visited again. Our last conversation last week has not been followed up so now he is visiting again to talk to me. I know, he's trying to convince me just in case Papa and I will meet soon, wala na akong hinanakit. But it's different. Cheating is different. I don't understand why people do that kind of thing without any remorse! If you don't like someone, mas mabuting magpakatotoo na lang at hindi na magtaksil habang nasa loob pa ng relasyon. Nakipagrelasyon ka ng may respeto sa kapares mo. Kaya makipaghiwalay ka rin ng may respeto. Cheating is never an option and will never be an option. "It still feels like it's our first time here. Si Tita nandiyan?" tanong ni Alyzza. Tumango ako agad. "Nasa loob. Nagluluto." Tumango sila. Iginiya ko sila papasok. Maingay pa silang dalawa habang nagku-kuwentuhan tungkol sa taping. "Oh? May bisita ka?" Napalingon ang dalawa kay Kuya na galing kusina. Gulat sila habang nagkatinginan bago sumulyap sa akin. Nasapo ko ang noo. Even we are together for months now, hindi ko sila kailanman sinabihan tungkol kay Kuya. Agad lumapit si Aubrey sa akin. “Ah! Alam mo na pala! Sorry!” Agad akong nalito. Napangisi si Kuya samantalang nakangiti si Alyzza sa akin. "Alam ang ano?" naguguluhan kong saad. Tumikhim si Kuya at umakbay sa akin. "Aubrey is our cousin." Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?" Natigilan si Aubrey at agad na lumayo sa akin. “Ay? Hindi mo pa pala alam?” "E'di walang kuwenta ang pagpapanggap mo!" natatawang saad ni Alyzza kay Aubrey. Nanatili akong nakakunot-noo. "Pagpapanggap? Pinagloloko niyo ba ako?" Sumulyap ako kay Alyzza. Nag-peace sign lang siya sa akin. "Sasabihin din naman ni Aubrey… kaya ‘di ko na sinabi." Gulat pa rin ako hanggang ngayon. Namataan ko si Mama sa bandang pinto mula sa kusina. Ngumiti lang din siya sa akin. Kaya pala... I saw Aubrey kissed my mother's cheek before. Akala ko, she's just fond to my Mama. Ngayon ay naiintindihan ko na! "Ang mama niya, kapatid ng papa mo." Napatitig pa rin ako kay Aubrey. She's now smiling from ear to ear. Hanggang ngayon ay gulong-gulo ako. Napatingin ako kay Mama. All the time, may ideya siya pero hindi niya sinabi sa akin! What a nice way to reveal the truth! I feel betrayed! "Nagulat ka ba?" Sinimangutan ko siya. “Sino bang hindi?” Tiningnan ko si Kuya. He just grins at me. “Pare-pareho lang kayo!” Muli akong niyakap ni Aubrey. "I knew about this a year ago. Kaya nang malaman ko, gusto ko ng maging malapit sa'yo… at ito 'yong rason kung bakit lapit kami nang lapit sa iyo noon. " Tumango ako at nanatiling tahimik. I can't find the words I want to say. Hanggang ngayon, tanong para sa akin kung bakit gusto ni Aubrey na maging kaibigan ako. Pero ngayon, ito na ang sagot, mas lalo tuloy akong naguluhan. Days passed and I'm still awkward. Sino bang hindi? Ilang buwan lang ang nakaraan noong sinabi ni Kuya Benjamin ang tungkol sa aming dalawa. Days ago, nalaman ko na magpinsan kami ni Aubrey. So, what's next, huh? Ano pa susunod ang nakakagulat na rebelasyon? Isa akong anak ng mafia boss? O anak ng may ari ng Earth? Or worst, anak ako ni Mark Zuckerberg o apo ako ni Einstein sa tuhod? "Tulala ka na naman." Ngumiti ako kay Issa habang tinitingnan ang kan’yang nilapag na pagkain. Narito kami sa canteen dahil break time. Simula no'ng inamin nila sa akin na pinsan ko si Aubrey, parang gusto ko na tuloy umiwas. Masyadong sikat si Aubrey rito bilang anak mayaman. Well, halos lahat naman dito ay anak mayaman. Maliban sa mga kagaya namin ni Issa na scholars. Masyadong publicized ang pagiging mayaman niya at ayaw ko no'n. Ayaw kong malaman nila na anak mayaman ako. Ayaw kong maging usap-usapan nila. Tinusok ko gamit ang tinidor ang hotdog sa harap ko. Kinuha naman ni Issa ang snack niya. "Napapansin ko ang pag-iwas mo kay Aubrey, ah? Anong nangyari? Tinraydor ka, ‘no? " Umiling ako. As long as I can keep my secret, I will keep it. Ayaw kong malaman ng iba, kahit na kay Issa. "Medyo busy tayo, e. Ganoon din sila. Alam mo na… running for honors tayo. Sila rin." Nagkumislap naman ang mga mata niya. "Sana talaga masali ako sa honor. Malaking tulong na rin 'yon sa strand na kukunin ko sa senior high." Tumango ako. "Ako rin naman—" "Nah, ayos na sa'yo. Alam ko naman na kayang tustusan ng Papa mo ang pag-aaral mo..." Natigilan ako. "Hindi ko pa nakikita ang Papa ko, Issa. At saka, hindi rin ako umaasa sa kanila, Issa," paalala ko. Umismid lang siya. "Anong hindi? Kahit papaano ay tinutustusan ka ng totoong Papa mo, 'no! Kaya ka nga nagkaroon ng mamahaling gamit ngayon, e. Kanino galing 'yang bracelet mo?" Napatingin ako sa wrist ko. Nag-iwas din agad ng tingin. Binigay ito ni Kuya Benjamin sa akin no'ng huli. Ayaw ko sana tanggapin pero sabi niya ay bumili siya ng kapares no'n at suot suot niya 'yon. Ayaw ko man ay napipilitan akong kunin 'yon. Binantaan niya pa ako na kapag iwawala ko 'yon o hindi ko susuotin, hindi na siya babalik ulit sa bahay namin. As if I'll buy that reason. Pero as a respect, tinanggap at sinunod ko pa rin ang utos niya. "Kay Benjamin lang 'to, Issa..." Tumango siya at sinipat 'yon. "Puwede pahiram? Ganda talaga, e!" Ngumiti ako. "Oo naman!" Tinanggal ko ang lock no'n at agad na binigay sa kan’ya. Hindi siya nag-atubiling mag-aksaya ng segundo. Agad niya 'yon sinuot. "Grabe, ang ganda! Magkano kaya 'to, Althea? Hmm...five or six thousand?" More than that, Issa. Hindi ko nalang sinabi 'yon at pinagmasdan ang wrist niya habang suot-suot 'yon. "Ang ganda talaga! Pabili ka rin kaya sa kapatid mo. Tapos sabihin mo, bestfriend mo ako!" Natawa ako. Nang makabalik sa room ay agad kong nakita si Kid sa may bandang pinto. Tiningnan ko agad si Issa na ngayon ay namumula habang nakatingin kay Kid. May kausap ito pero nang namataan niya kami ay agad siya lumayo sa kausap niya. "Hey, Althea, wait!" Lumingon ako at nagtatakang tumingin. He scratched his nape before looking at me. "Birthday ko sa December 1. Pumunta ka… I mean, kayo..." Ngumiti siya sa akin kaya napalingon ako kay Issa na namumula lalo dahil sa hiya. "Ah! Baka wala kaming maisuot doon, Kid. At isa pa...nakakahiya naman—" Mayayaman kayong lahat tapos... "Huwag ka ng mahiya, Althea! Nandoon naman sina Aubrey at Alyzza. ‘Di ba, mga kaibigan mo sila? At saka… sasama ka rin naman, Melissa, ‘di ba?" Sulyap niya sa katabi ko. Nanlaki ang mga mata nito at parang nagpapatulong sa akin. "Ah...uhm..." Ngumiti ako kay Kid. "Magpapaalam muna kami, Kid. At saka, pag-iisipan muna namin. December 1—" "This week 'yon, Althea! At saka, Saturday naman 'yon kaya puwedeng magtagal umuwi..." Kinagat ko ang ibabang labi ko bago tumango. Ngumiti rin siya nang malapad bago tumango. "Thank you. Sige, hihintayin kita roon, ah! I mean, kayo!" Tumango din ako. Halos mangisay si Issa sa tabi ko habang ina-absorb ang sinabi ni Kid. Napailing ako. She's been attracted to Kid. Hindi naman 'yon tago. Sa totoo nga ay lantaran ang pagkakagusto niya rito. Hindi ko alam kung may ideya ba si Kid dito o wala. Pero sa tingin ko ay mayroon. "Excited ako, Thea! Oh my! Wednesday pa naman ngayon. For sure, makakabili pa tayo ng dress para sa Sabado!" Honestly, ayaw ko sanang pumunta. Hindi lang dahil sa ayaw ko sa party ng mayayaman kun’di dahil sa wala akong maisusuot. Nakakahiya naman kung magde-demand ako kay Mama ng ganoon. "Wala akong pera ngayon, Issa,e—" Bumusangot siya. "Ay? Hindi ka dadalo? Sayang 'yon, Althea!" Natigilan ako at nag-isip isip. Inangkla niya naman ang braso sa akin. Kahit hindi man sabihin ni Melissa, alam kong nagtatampo siya sa akin nitong nakaraang mga buwan. At kung gusto niya ito… baka ayos lang na paunlakan ko siya. Lalo na't gusto niya si Kid at… "Hindi ba’t mayaman ka naman? Ikaw na lang kaya ang bumili ng dress nating dalawa? Treat mo sa akin ganoon!" Umiling ako. "Wala akong pera ngayon, Issa. Isa pa, paubos na ang allowance ko—" "Sus, tinustusan ka naman ng Papa mo. O 'di kaya ni Benjamin. Puwede ka rin sumipsip sa mga oh-so-called friends mo!" Sinipat niya 'yong bag ko at ngumisi. "For sure, tutulungan ka ng mga 'yon. Tiningnan ko ang price nitong bag sa mall, ang mahal! Eight thousand? Grabeng bag naman 'yan! Isang buwan ko na atang allowance!" Napailing ako. "Huwag na. Gagawa nalang ako ng paraan—" "Talaga, Althea?" Niyugyog niya ang balikat ko sa tuwa. Napa-pekeng ngiti nalang ako. Nang mag-dismissal na ay talak pa rin nang talak si Melissa tungkol sa damit. Sabi pa niya ay sa Friday na raw kami bibili. After class. Sa totoo lang, namomroblema ako kung paano ko sasabihin 'to kay Mama. Siguro kay Kuya ko magpapatulong. Papayag naman 'yon panigurado. Pero, ayaw ko naman maging abusado! Ah, ano ba, Chrialthea! Pero may savings naman ako. May nai-save ako nitong mga nakaraang buwan dahil sina Aubrey at Alyzza naman ang nanli-libre sa akin. Hindi naman nila ako pinapaambag o pinapabayad kaya naitabi ko ang sobrang pera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD