Nang matapos na ang sem break ay naging focus na ulit ako sa pag-aaral. Si Alyzza ay aabsent ng dalawang linggo dahil nagsisimula na ang taping niya at Aubrey naman ay busy na rin gaya ko.
One thing I noticed this semestral break, hindi ko masyadong nahagilap si Issa. Pinuntahan ko 'yong boarding house nila. Pero, sabi nila umuwi raw ito ng Nueva Ecija. I wonder why she didn't texted me.
Tine-text ko siya pero hindi siya nagre-reply. Iniisip kong baka nagtampo siya dahil palagi akong sumasama kila Aubrey.
Nakatingin lang ako sa pinto habang hinihintay ang pagdating niya. I glanced at my wrist watch. Malapit na mag-seven pero wala pa rin siya. This is so new. Hindi siya ganito.
To: Issa
Aabsent ka ba? Papunta na?
Itinago ko ang phone at sumulyap ulit doon sa pinto. Nakita kong nagmamadaling pumasok si Trey. Nang masulyapan niya ako ay ngumiti siya at kumaway, ganoon nalang din ang ginawa ko.
"Issa!"
Halos takbuhin ko na ang pinto nang makita ko na siyang paparating. Tipid na ngiti ang iginawad niya sa akin at pumasok sa loob ng room. Ngumiti ako sa kan’ya nang todo todo.
"Akala ko aabsent ka, e." Napanguso ako at sumulyap sa kanya. "Hinahanap kita sa inyo. Sabi naman ni Auntie Letty, umuwi ka raw ng Nueva Ecija, tapos..."
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang nag-earphones.
Napakunot noo ako habang tinitignan siya.
"Uy, bakit di mo 'ko pinapansin?" Pilit tawa ko. Nanatiling sa harap ang paningin niya kaya tumahimik ako.
Napanguso ako at pabiro siyang niyakap. "May nagawa ba ako? Sorry na. Promise, next time libre kita. Sorry na, Melissa. Please?"
Tiningnan niya lang ako pero hindi na ulit sinagot.
Nang magsimula na ang klase ay halos hindi ako nakapag-concentrate. Napapatingin ako kay Issa na seryosong nagno-notes. Napatingin ako sa mga classmates ko bago napabuntong-hininga.
Pagkatapos ng klase ay agad ko siyang pinuntahan. This is very unusual. Nagliligpit lang siya ng gamit. Pagkatapos ay naglagay siya ng polbo sa mukha, pati clay brush at liptint. And, in that whole time, nakatitig lang ako sa kan’ya.
"Galit ka ba sa'kin?"
Natigilan siya at lumingon sa'kin. Napakunot-noo pa siya.
"Hindi. Bakit naman?"
Napabuntong-hininga ako at ngumiti.
"Akala ko galit ka sa'kin, e. Hindi mo 'ko pinapansin—"
"Pagod ako sa byahe. Kanina pa kasing madaling araw ako naka-uwi..."
Napatango na lang ako. I really thought that she's mad at me.
Kinuha niya na ang gamit niya at itinuro ang labas. Tumango ulit ako at sumunod sa kan’ya.
May lalaking kumaway sa amin, ngumiti lang ako sa kan’ya. Well, I am still not used to this. Hindi kagaya nila Alyzza na kinalakihan na ang popularity. Simula noong intramurals ay marami nang pumapansin sa akin dito. Kuya Benj said, baka magkaka-boyfriend na nga ako. Imposible!
"Hoy!"
Napabalikwas ako nang may pumalakpak sa harap ko. Natawa naman siya kaagad at umupo sa harap ko. Lumapit siya nang kaunti para ayusin ang kunot sa aking noo.
"You're spacing out. Hindi ka nakikinig sa akin.
Mas lalong kumunot ang noo ko. "Bakit ba, Benjamin?" I emphasize his name.
Napanguso siya at napakamot-ulo.
"Mag-kuya ka naman. Mas matanda pa rin ako ng ilang taon sa'yo, Chrialthea!"
Hindi ko siya pinansin. Itinuon lang ang atensyon sa labas ng gate.
"Summer vacation, gusto ni Papa na pumunta tayo ng Marinduque..."
Nanlaki ang mga mata ko. I can't hide the fact that I am excited. My sixteen years of existence is not lonely, but not completely happy. There's a part of me wanting to see my Papa. A big part of me is still wanting a complete family.
But, my mama will surely refuse to do this, and I believe that everything takes time. Kung hindi man sa ngayon, baka sa susunod na. And, by that time, I am sure that I can say the word "happy".
"Tanungin mo si Mama tungkol d'yan..." I tried my best not to sound excited.
Natigilan naman siya at bumuntong hininga. Napailing siya at bahagyang lumayo sa akin.
"Mama was so faithful and in love to Papa. Pero, dahil sa isang pagkakamali ni Papa, nagawa niyang iwan ang taong pinakamamahal niya."
This time, natigilan ako. I didn't know what really happened to them and this catches my attention. Iyong kuwento lang ni Lola ang alam ko. But, the side of this story is missing. At gusto kong malaman 'yon.
" Anong pagkakamali? "
"Papa cheated."
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?"
Mapait siyang ngumiti. "It's not really like he wanted that to happen. But the fact that Dad bedded another woman, that's enough reason to leave him."
Napasinghap ako sa nalaman ko. Kung ako ang nasa posisyon ni Mama. I will fight for what's right. Kasal sila ni Papa. At hanggang ngayon iyon. Narinig ko si Mama noon na nag-file siya ng annulment pero ang sabi ni Lola, hindi raw iyon tinanggap ni Papa.
Kaya nga hindi ako nagtanim noon nang sama ng loob sa Papa ko dahil kahit papaano, alam kong hindi niya gusto itong nangyayari. At naiisip ko pa rin na kahit papaano, may pag-asa pa na magkapatawaran silang dalawa. I only knew Mama was hurt, that's why we left. Hearing those words is like a knife on my chest. Napakasakit no'n para kay Mama.
"Papa wants to win you back. Kayong dalawa ni Mama. He's been here a lot of times before, pero hindi siya pinaunlakan ni Mama. It's been twelve years, Althea..."
Napasinghap ako lalo. If he wants to win us back, then why did it take twelve years?
"Bakit ganoon?"
Nagkibit balikat si Kuya. "If you love someone, one mistake of them makes you devastated. Masisira ang matibay na pundasyon ng tiwala dahil sa isang pagkakamali. And, in mama's situation, I can't blame her. I blamed Papa before too. But I understand it fully now."
Napakunot noo ako. "Hindi ko naiintindihan—"
"Kahit mahal mo ang isang tao, handa kang magsakripisyo. Si Mama, sinakripisyo niyang malayo sa akin at kay Papa para makalimot. Si Papa, sinakripisyong hindi kayo makita ni Mama… para matugunan lang ang kagustuhan ni Mama."
Nangilid ang luha ko. I imagined the pain of my dear mother. Napakasakit no'n sa kan’ya. Knowing the fact that she loves my father so much, I knew that she was devastated after everything fell into this.
And, I am hurt because of my Papa's solution regarding this problem. If you love someone, does it really need to be sacrificed? Does it really need to be in pain? I can't force my mama to go with the flow. Before we can forgive one another, we have to understand one another.
How unhappy is my papa who surely cannot forgive himself? Nang dahil sa kan’ya kaya nangyari ito. And, I know he's blaming himself so much.
How unhappy is my Mama too after knowing that my father bedded another woman? Leaving everything to move on.
Choosing forgiveness opens the door of our hearts and makes way for new hope. But how can we forgive others if we can't even forget the mistakes and forgive ourselves?