chapter 6

2193 Words
"Hindi ka pa rin ba komportable sa akin?" ani Aubrey at nilagyan ng pizza ang kamay ko. Ngumuso siya at sumulyap kay Alyzza. Walang kibo si Alyzza, nakatingin lang siya sa paligid. Ilang araw na ang nagdaan mula noong intramurals. At simula noong araw na iyon, pinapansin na ako ni Aubrey tuwing magkasalubong kami o tuwing nakikita niya ako sa canteen and library. Hanggang ngayon! Para siyang bulate na agad na sumusulpot kahit hindi ko naman hinahanap. Today, she’s bringing an ally with her. Halos gusto ko na siya sungitan sa pagpapapansin niya sa akin. But, I couldn’t afford to do that either, dahil nararamdaman kong sincere naman talaga siya sa pakikipagkaibigan niya. Now, she’s even bringing Alyzza. The well-known spoiled brat, Alyzza Cruz. Si Alyzza kakambal ni Alisha. Si Alisha gusto ni Blake. Si Alyzza gusto rin daw si Blake. Ako gusto rin si Blake. How could I possibly not think about that part? "I always noticed you around kasi. I want to be your friend. Lalo na noong nalaman kong kasali ka rin pala ng intramurals—" "Bakit ako?" halos bulong kong saad. Alyzza gets the pizza. She looks at me intently. "Maybe you don't like the set-up. Then, I want to introduce ourselves properly. I am Alyzza Yura. She's Aubrey. Obviously your—" "Friend!" awkward na saad ni Aubrey sabay pinandilatan ang kaibigan bago tumingin sa akin at ngumiti. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. "Althea! Nandito ka lang pala. Hinanap ka nila Trey!" sabi ng classmate ko sabay sulyap kina Aubrey at Alyzza. Tumikhim ako bago nagpaalam sa dalawa. Thank God for saving me from that awkward situation. Nagpapansin pa rin sila sa sumunod na araw. And this time, nag-aantay si Aubrey sa labas ng room ko. Wala si Alyzza. That's too good to know. Aubrey is intimidating already. But, Alyzza is twice more intimidating! Nang matanaw niya ako ay agad siyang kumaway sa akin. "Ikaw Althea, huh. Nakakatampo na minsan." Sumulyap ako kay Issa. Nakahalumbaba lang siya at tumingin sa akin. "Magmo-moving up na lang siguro tayo, hindi mo man lang sasabihin sa akin kung paano kayo naging close ng Aubrey na 'yon..." Tumitig ako sa kan’ya at umiling. She doesn't like Aubrey too. Even Alyzza. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw niya sa mga ito. "Hindi kami close. Iniiwasan ko nga, e. Gaya nga ng sabi ko, noong intramurals pa siya nagpapapansin." Patuloy ko sa sinusulat ko. "Uy, Althea, pinabigay nga pala ni Jeff..." Napaangat ang tingin ko kay Kairus. Nahihiya at namumula naman siyang tumitingin sa akin. Naalala ko ang sinabi noon ng kaklase. Tipid akong ngumiti at tumango. Kinuha ko ang hawak niya at sinilip 'yon. Chocolates... Tumikhim ako at nilagay sa gilid na upuan ang box na 'yon. "Salamat, ah?" I said awkwardly. Ilang araw na ring nagbibigay si Jeff sa akin ng kung ano ano. I already told him to stop doing that. Gusto niyang manligaw pero ayaw ko naman. Guwapo naman siya pero hindi ko siya tipo. At isa pa, kailangan na mas unahin ko ang pag-aaral kaysa mag-boyfriend. Napabaling ako sa harap nang makita kong nandyan pa rin si Kairus. "Bakit?" Umiling naman siya at nahihiyang nagkamot-ulo. "G-Gusto mo pala ang… chocolates?" Sumulyap ako sa box. "Hindi masyado, e. Pero kumakain naman..." "Ah, ganoon ba? Uhm...bibigyan din kita next time..." Mabilis akong umiling. "Huwag na! Huwag ka ng mag-abala pa." "I insist! At isa pa parang hindi naman tayo...m-magkaibigan..." I know this tactic, and I am not stupid not to know that. "Mmm! Parang masarap 'yan, ah! Patikim nga!" Singit ni Kid sa gilid ko at siya na mismo kumuha sa chocolates na ibinigay sa akin. Bahagyang tinadyakan ni Issa ang paa ko habang nakatingin siya kay Kid. Napailing ako at nagpatuloy sa ginagawa. Nagkaroon ng ingay sa likod ng classroom kaya napalingon ako. Pumasok pala si Aubrey. This time, kasama niya na si Alyzza. And, how come she's here anyway! Akala ko ba wala siya! Dumeretso sila sa puwesto ko. Si Alyzza umupo sa upuan sa harap ko. Si Aubrey ay umupo sa table na nasa tabi ko. Napatabi si Kairus. Si Kid naman ay bumalik sa puwesto niya, dala dala 'yong chocolates na binigay ni Jeff. "Kid, para kay Chrialthea naman iyan—" "Pakialam ko? Ayos lang naman, Althea, 'di ba?" Baling nito sa akin. Kinagatan pa ang chocolates. Natawa ako at tumango na lang. "Uy, may manliligaw pala!" bulong ni Alyzza kay Aubrey na rinig na rinig ko lang naman. "Sama ka sa amin, Althea!" Hindi ako sumagot kay Aubrey. Ipinagpatuloy ko ang isinusulat. "Sige na. Saglit lang naman, Althea. Please?" Lumingon si Alyzza sa akin. Nagulat ako nang paglapatin niya ang dalawang palad niya. "Please?" Ngumiti pa siya nang bahagya. "Saan niyo ba dadalhin ang kaibigan ko?" Singit ni Issa. "I will tell you outside, Althea. Please?" Ulit ni Alyzza. Hindi pinansin si Melissa. Napabuntong hininga ako. "Oo na." Alyzza smirks at me. Sumulyap siya kay Aubrey. Agad niligpit ni Aubrey ang gamit ko, tinulungan pa akong ilagay iyon sa bag. "Saan ninyo dadalhin si Althea?" giit ni Issa pero agad na humagikgik si Alyzza at hinapit na ako. "Bye!" Paalam niya pa sa mga classmates ko. Napapikit ako. Sinubukan pang kunin ni Aubrey ang libro ko. I get that from her. Nagpasiuna din ako sa labas. "Salamat talaga, Althea, ah? You can really help me a lot—" "I can't understand this. Bakit niyo ba ako kina-kaibigan? I don't get it." Minsan iniisip ko, baka ibu-bully nila ko. Pero... I never heard any records from them na nam-bully sila. Alyzza and Aubrey are spoiled brats pero hindi naman sila nambu-bully. Kaya... anong intensyon nila upang kaibiganin ako?! Sumulyap si Alyzza kay Aubrey. Bumuntong hininga naman ito. "Maiintindihan mo rin ako, Althea. Pasensya ka na kung nakukulitan ka sa amin. But I swear, I really want to get closer to you." Nag-iwas ako ng tingin. I can feel that they are sincere. But, really? "Althea, please. Huwag ka na masungit. Alam naman namin na hindi ka masungit, e. Gusto ka lang talaga namin maging kaibigan. Promise!" Tinitigan ko si Aubrey. Ngumiti siya sa akin. I can't help but to smile at her too. "Bakit kasi ako? And, all of a sudden?" "Nahihiya lang kasi kaming lumapit," ani Alyzza. Inangkla niya ang braso niya sa akin. Nahihiyang lumapit! That word does not suit them at all. "Ano bang gusto niyo sa akin?" "A little help?" agad na saad ni Alyzza. Humalukipkip ako. " A gift!" "Wala akong pera. Hindi ko kayo matutulungan—" Humagalpak silang dalawa. "Syempre hindi ka gagastos! Tulungan mo lang si Alyzza mamili ng gift." Umirap ako at tumalikod sa kanilang dalawa. Sumunod naman sila sa akin. Kagaya kanina, inangkla ni Alyzza ang braso niya sa akin. And maybe that was the start. "Althea! May naghahanap sa'yo sa labas!" Tumingin ako roon. And there, I saw them waving at me. Ngumiti ako at kumaway pabalik. "May lakad na naman kayo?" si Issa. Tumango ako. "Oo, e. Medyo matagal na huli kaming nagkita. Gusto mo sumama?" Umirap siya at mabilis na umiling. "Over my dead gorgeous body!" Sinimangutan ko siya at kinuha na lang ang bag ko. "Sure ka? Final na talaga?" "Ayaw ko nga, Chrialthea! Ayaw kong makipag-plastikan sa mga iyan, 'no!" Bumuntong hininga ako. "Mababait naman sila—" "Ayaw ko nga, Althea! Ang kulit kulit naman nito!" sigaw niya bigla. Napatingin tuloy ang mga kaklase namin sa banda namin. Natigilan ako at hilaw na ngumiti. "Okay, uh… kita na lang tayo bukas kung ganoon." Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya kina Aubrey na nasa labas. "Malapit na ang semestrial break. Saan kayo?" sabi ni Alyzza habang nandito kami ngayon sa isang cafe. "Ikaw, Althea?" Napabalikwas ako. Agad naman silang natawa. Iniisip ko kasi ang sinabi ni Melissa kanina. Naiintindihan ko naman na baka may hindi siya sinabi sa akin o may hinanakit siya sa pagsasama-sama ko kina Alyzza. Pero ang sigawan ako sa harap ng mga kaklase ay sobra na. "Wala pa akong plano. Baka sa bahay lang..." Umismid siya. "Ay, ang boring! Shopping tayo! Kukunin kita sa inyo. Bilhan kita ng gamit. Walang kwenta kasi 'yong mga kapatid ko. Si Ate ang busy. Si Alisha pupunta ng Cebu kasama parents ko." "Hindi ka sumama?" tanong ko. "Ano ba! Hello? Itong friendship niyo, future best actress." "Ang feeling talaga nito!" Simangot ni Aubrey. Nanlaki ang mga mata ko. "Natanggap ka sa audition?" Napangisi siya at kinurot ang magkabilang pisngi ko. "Nasali na nga sa final casting!" Napangiti ako agad kahit sakop niya ang mukha ko. "Wow! Congrats, Alyzza! Sabi ko sa'yo matatanggap ka, e." "Salamat, Chrialthea. So, ano? Go kayo? Huwag na kayo mag isip. Tara na agad!" "Try ko, Alyzza..." sabi ko. Ngumuso siya. "Sige na, Althea! Minsan na nga lang tayo makakapaggala! Sige ka, kapag sumikat na ako, makikita niyo ako isang beses nalang sa isang buwan. Tapos mauudlot pa iyon dahil sa napaka-busy kong schedule." "T*ngina, feeling mo talaga!" Tinapunan siya ni Aubrey ng tissue. Natawa si Alyzza. Napabuntong-hininga ako. "Oo na." Napangisi siya at tumango-tango. Naging matunog lalo ang pangalan ni Alyzza rito sa academy nang ma-announce ang pagsali niya sa isang movie. Nag-audition dahil may patutunayan daw siya. Iniisip ko nga na baka dahil iyon sa isang rason na hindi niya masabi sabi sa amin pero alam namin kung ano. Hay nako, pag-ibig nga naman. I wonder how everything shifted. Alyzza used to like Blake at sa isang iglap, nabago iyon. If only I could do the same thing. I also wanted to shift these feelings to someone who can like me back. Nakakatawa lang. I always reasoned out that I want to study kaya ayaw ko mag-boyfriend. But, I know deep within me, alam ko kung bakit ayaw ko mag-boyfriend. Dahil, kahit walang pag-asa, umaasa pa rin ako na sa susunod, babalik siya. And, by that time, sa akin na siya lilingon. At, ganoon na nga ang nangyari nang mag-semestral break na. Palagi silang nagpupunta sa bahay, kung hindi tumatambay, pinapasama ako sa gala nila sa mall. "Ikaw, Althea? Anong gusto mo?" Pagod na ako habang tumitingin sa kanila. "Wala na, Alyzza. Marami pa naman akong bags—" "No. No. Alam mo kasi? Minsan lang tayo, estudyante. Dapat maganda tayo kahit nasa school. And, bags do represent who we are. Atsaka..." Kinuha niya ang isang backpack doon. "I love the style. Bili tayo hmm… mga tatlo. Tig-iisa tayo." Napatitig ako roon. It's very tempting because really...that bag is kind of cute and nice. It's a mint green color and the keychain on the zipper caught my attention. "Alyzza, huwag na sa'kin. Kayo nalang—" "Echos 'to. Sige na, Althea. Sagot ko naman 'to, e." "P-Pero..." "No buts. Let's buy this. Dapat sa pasukan, ganito bags natin para friendship goals!" Napailing ako. Habang tinatahak ang daan pauwi. Hindi namin maiwasan pag-usapan ang pag-alis ni Alyzza next next week. "I really like to be an actress, you know? The feeling of being cheered and idolized by someone, kahit isa lang o dalawa o tatlo, sapat na sa'kin 'yon." "Nandito na kami ni Althea, Ly! We only need one person para ma-satisfy mo na ang gusto mo!" Natawa pa si Aubrey habang hinahampas niya ako. Napangisi ako lalo. "Gusto mo lang ata mag-artista dahil kay—" Umismid siya bago tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya. Nagtatawanan kami. And, she got her dream already. Magiging artista na nga siya. "Alam niyo, mami-miss ko ang buhay na ganito. Tahimik at walang media. Tingnan niyo nga ang paligid, baka may paparazzi! Oh my God!" exaggerated niyang saad. Napahagalpak kami. "OA mo talaga. E, kami kami lang naman fans mo." Sumimangot siya sa sinabi ni Aubrey. "Idagdag na natin si Cade. E’di tatlo na. See?" Mas lalo siyang sumimangot kaya natawa kami. "E, ikaw ba, Althea? May crush ka ba sa academy?" Biglang singit ni Aubrey. Natigilan ako. Alyzza smirked. "Silence means yes! Sino, Althea?" Uminit ang pisngi ko. Mas lalong napangisi si Alyzza. "Namumula! So, mayroon nga? Kilala ba namin?" Alinlangan akong tumango. Nanunukso silang dalawa sa akin. "Sino kaya?" "Baka si Kid. Close sila, e!" giit ni Aubrey. Mabilis akong natawa at umiling. "Kung hindi si Kid...hmm, baka ibang kaklase mo?" dagdag ni Aubrey. Natigilan si Alyzza. Nag-iisip. "Sino kaya? Trey?" gulat na saad niya. "O baka si Blake!" Natatawang sabi ni Aubrey. Natigilan ako. Natigilan din si Alyzza. Medyo lumapit si Aubrey sa akin. "Si Blake, Althea? Nako! If you like Blake too. You should stop that. You will end up miserable...like Alyzza and her sister!" "Hindi naman miserable ang buhay ko ngayon, ah?" inis na bulalas ni Alyzza. "Naghahabol lang?" Natatawang asar ni Aubrey. Pilit akong ngumiti. "H-Hindi ko naman siya gusto..." Ngumiti siya sa akin. Alyzza pursed her lip. "Huwag kang maniwala d’yan. It's okay to like Blake. But, be mindful of your limitations. Ang crush, dapat crush lang. Iwasan mong lumagpas para hindi masyadong masakit." “Bakit? Tanggap mo ba iyon ulit?” Asar ni Aubrey ulit. Umirap siya at umiling. "Oh, learn from the master?" Asar ko rin kay Alyzza. Agad niya naman akong dinuro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD