Napatingin ako sa kan’ya. Bakas ang disappointment doon. Napabuntong-hininga ako.
"Hindi ako mayaman, Issa. Sila! Sila ang mayaman."
Napatingin siya sa kabilang banda. Tumayo rin siya para malapitan ang gamit na nakalatag sa table ko.
"Mayaman pa rin." Napangisi siya at tumingin ulit sa'kin. "Malaki na ang chance mo kay Blake!"
Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya 'yon. "Issa..."
"Biro lang. May Alisha na pala siya..." She faked a sigh before continuing her statement. "Kung wala sigurong Alisha sa SIA, there's a bigger chance that you will be noticed by him—"
"Hindi pa rin, Issa..." mahinahong sabi ko.
"Ah, oo nga no? Si Alyzza nga, may gusto rin kay Blake kahit boyfriend na 'yon ng kapatid niya."
Napakunot noo ako. "Paano mo nasabi?"
Natigilan siya at pekeng tumawa.
"Halata kaya, ‘no! At saka, usap-usapan kaya iyon! Lalo na noong nakaraang mga buwan bago ang academic year na ito. Nagpapansin daw kasi iyon kay Blake."
Nagkibit balikat ako. Imposible naman iyon. Kung sakali nga na totoo iyon. Ang weird naman. Magkakagusto si Alyzza, e kapatid iyon ni Alisha. Kambal pa nga niya iyon kaya imposible talaga.
"Hindi ako naniniwala—"
Hinarap niya ulit ako. Pinaglaruan pa ang buhok ko.
"Saksi ako no'ng niyakap niya si Blake malapit sa gate!"
Natahimik ako. Napapaisip.
"Taray, ang dating muchacha na si Chrialthea ay anak mayaman pala. Parang nasa palabas lang, ah?"
Nilingon ko siya at sinimangutan. Agad niya naman akong tinawanan.
Kinabukasan ay may kakaibang kaba at excitement na sumakop sa akin. Maaga pa ako sa school dahil maghahanda pa ako sa mga costumes at make-ups. Si Mama, susunod lang sa akin. Si Kuya Benjamin, umuwi na ng Marinduque kagabi. Akala ko nga manonood siya ngayon kaso parang nagmamadali siya pauwi.
"May nakakita kay Alisha at Nakihiro sa likod ng gym. Pagkatapos sumayaw ng dance troupe."
Napakunot-noo ulit ako. Kahit kaibigan ko si Issa. There are times na naririndi na ako kasasabi niya ng whereabouts ni Alisha. Every now and then, Alisha, Alisha, Alisha.
"Hayaan mo na, Melissa."
Humalukipkip siya at tumingin sa tabi.
"Buwesit na babae kasi 'yon, e. Ang landi—"
"Issa!"
Gulat siya nang mapatingin sa akin.
"Woah! Woah! Bakit ba? E, sa totoo naman,e. She's using her popularity here para magamit ang lahat ng lalaki rito—"
"Hindi siya ganoon, Issa. Iba lang talaga tayo sa kan’ya dahil mas angat ang estado nila. She has a lots of friends and there is nothing wrong with that.”
Naramdaman niya sigurong hindi na ako komportable sa sinabi niya kaya napaismid siya at umupo na sa tabi ko.
"Nakita ko si Kid kanina..."
Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng gamit ko.
"Ang guwapo niya!" Tumili siya at bahagya akong tinampal. "Nagpunta kasi ako sa room kanina. Grabe, ‘di ako pinapasok! Pero nakita ko si Kid."
"Bakit naman?" nagtatakang tanong ko.
"Ang sabi ng mga boys, may hinanda sila para sa'yo," sabi no'ng classmate ko.
Nag-angat ako ng tingin. "Talaga?"
Nagkibit balikat siya. "Hindi ko alam. Pero sabi nila, e. Hindi pinapasok ang mga girls sa room."
Nang matapos na ang make up ko ay nilagay ko na ang backpack sa likod bago sumulyap sa kanila.
"Tara na..."
Tumango sila at sabay na kaming naglalakad papuntang gym.
"Hinahanap ka rin ni Kairus. Alam mo ba? Sabi sabi nila na may gusto 'yon sa'yo—"
"Hindi siguro. Ka-group lang natin siya sa Physics. "
Umiling sila at hindi sumang-ayon. "Hindi mo ba napapansin? Almost all the guys in our room admire you. Ang mga taga-ibang section nga ay nagtatanong kung ano ang number mo."
"Sus! Ano ba, Trina! Simple lang ni Althea, 'no! Paano naman iyan magugustuhan ng taga-kabilang section! Mga mayayaman naman ang mga iyon at ang estado ni Althea, hindi kagusto gusto!"
Napangiwi ang classmate ko sa sinabi ni Melissa at hindi na muling ibinalik ang topic na tungkol sa akin.
Marami pa silang sinasabi hanggang sa marating namin ang likod ng gym. And there, I saw Alisha and she’s staring at someone. Napatingin ako roon. Hoping that it is Blake.
But my hopes went down nang makita kong iba ang tinitingnan niya.
"Ayaw ko talaga sa kan’ya," bulong ni Issa sa akin.
Napairap na lang ako. Here we go again.
Naging aligaga na ang lahat nang malapit na magsimula ang intramurals. Maging ako ay kabadong-kabado na rin. Tumingin ako sa paligid, I saw Kid Lucero outside. He waved at me kaya ngumiti ako pabalik.
"Nagpa-banner kami."
Nagulat ako. Baka ito ang sinabi nila Issa kanina. "Talaga?"
"Oo naman. Idea nina Trey at Flyn."
I can't stop myself from smiling. "Salamat."
Tumango naman siya at humalukipkip. “Break a leg, Althea. Naka-support lang kami sa’yo! For sure the crowd will be loud cheering for you!”
I smiled at him.
Nang magpunta kami sa backstage ay agad akong kinabahan. I am used to many contests, yes. I've won different titles. Pero mga barrio and barangay pageants lang naman iyon at ngayon lang ako sumabak dito sa Academy kaya bahagya akong kinabahan.
Tumikhim ako at sinubukan kumalma.
Nang simulan na ang pagtawag ng bawat grade levels, mas lalong umahon ang kaba ko. Nang mag-iwas ako nang tingin ay nakita ko si Alisha na tumingin sa gawi ko.
Bahagya akong na-conscious. Napanguso ako at bumuntong-hininga. Althea, huwag kang magpapadala, okay?
Nang tawagin na ang numero ko ay agad akong lumabas. With all my smiles and sudden shift of mood, I made the crowd cheer for me. Wearing my volleyball outfit plus my blue sash to represent my grade level, I sashayed my ways and did the pose I needed to do.
Nakakabingi ang sigawan, but still, I can hear my classmates screaming for my name. Napangiti ako lalo.
"Chrialthea Achelois Fuentes, 16, seniors!"
Mas lalong naghiyawan ang lahat. For my last pose, I glanced at the judges and gave them the best pose I can do.
Nang makabalik na sa likod ay para akong matutumba sa panlalambot ng tuhod ko dahil sa sobrang kaba.
Marami ang nangyari at sa bawat pagtawag ng numero ko, parang mas lalong nadagdagan ang kaba.
"And the next Ms. Intramurals is..."
Magkahawak-kamay kaming nasali sa top 2. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na makakaabot pa ako hanggang dito. Ang titindi pa naman ng mga kalaban ko. Lalo na 'yong isa ring senior na nasa science class na siyang kalaban ko ngayon. She always has this sophisticated and intimidating look. The way she looks at me, parang ang layo ng agwat naming dalawa.
Narinig ko pa ang pangalan ko na sinisigaw muli ng mga tao. Ngumiti ako ng todo-todo kahit na kinakabahan. Marami rin kasi na sumisigaw ng pangalan niya.
"You think you will win this?"
Ngumiti pa rin ako kahit sinabi niya iyon.
"The next Ms. Intramurals is… Seniors Science Class! Ms. Aubrey Calliope Cervantes!"
Narinig ko ang sunod sunod na putok ng party poppers. Ngumisi rin siya sa'kin at yumakap.
"Well played, hmm…"
Pilit akong ngumiti. She looks intimidating. Tumingin siya sa crowd, ganoon din ang ginawa ko. Puro kulay blue na mga maliliit na papel ang bumagsak mula sa itaas.
Bago siya maglakad papunta sa harap, muli siyang tumingin sa akin.
"I liked your answer earlier, Althea. It's a bit cliché but yeah, I believe that chivalry is not dead either."
Nagulat ako nang sinabi niya sa akin 'yon. Ngumiti siyang muli sa akin bago bumaling sa dating Ms. Intramurals at isinuot ang corona niya.
"I am just rude dahil kalaban kita rito. Ayaw ko ng may bias. Gusto kong tratuhin natin ang isa't-isa bilang kalaban para mas gumana ang utak natin pareho. But, I am true to my words. I like you to be my friend."
"Huh?"
Ngumiti siya lalo. "Friend. Kaibigan. Gusto kitang maging ganoon."
"I mean—"
Naputol ang sasabihin ko pa nang muling tinawag ang kaniyang pangalan.
Habang ako ay nanatiling gulat habang nakatingin sa kan’ya. Lumingon siya sa akin at muling ngumiti.
Someone went to me to give my awards too pero bumabalik ang atensyon ko sa sinabi ni Aubrey.
Tinalikuran niya na ako at nagpunta na sa pinakaharap.
And here I am, dumbfounded.