chapter 4

1554 Words
"Hey, there!" Napalunok ako at tumingin sa kan’ya. Siya na ba talaga 'yong kapatid ko? Napakayaman ng dating nito, e. Malayong-malayo sa ini-imagine kong kuya ko! Akala ko kasi... well, maganda naman si Mama pero— "It's been years to see you this close, Chrialthea. You won't hug me?" nanunuyong aniya. Napatingin ako kay Mama. "Bumalik ka na ng Marinduque, Benjamin..." His lips pursed and went inside our house. Hindi niya sinagot ang sinabi ni Mama. Bumaling pa siya kay Lola at nagmano. Nang makalapit siya kay Mama ay ganoon din ang ginawa niya. When he got closer to me, he spread his shoulder from side to side, managing a hug. Pumilig pa ang ulo niya at ngumisi ulit. "Benjamin..." may pagbabanta na tawag ni Mama sa kaniya kaya bumaling siya rito at napanguso. "Dito muna ako, Mama—" "May kalokohan ka na naman ba’ng nagawa?" putol ni Mama sa sinabi nito. Nagkunwari siyang nasaktan sa sinabi ni Mama. "That hurts!" Umiling pa siya. "Wala, Mama. I just miss the city and..." Nagkibit-balikat na lang siya at bumaling sa akin na ngayon ay nagtataka lang sa kan’ya. "Hindi mo ba ako kilala?" Napaiwas ako ng tingin. “Hindi talaga?” “Of course. I know your name. Hindi kita kilala sa personal.” Napasinghap siya at tumingin kay Mama. Umalis si Mama roon at pumunta ng kusina. “Seriously, Mama?” Baling niya sa ina namin. “Even in pictures? You haven’t seen me?” Hindi ako sumagot. I asked for that before but Mama did hide all my childhood albums. Lalo na kay Kuya kaya siguro hindi na rin ako nagtanong pa. Nasa paligid ang kaniyang paningin. Hindi ko matantya kung ano ang takbo ng isip niya kaya tumikhim ako at humalukipkip. "Nakakadiri ba?" Sumulyap siya sa'kin at umiling. "Hindi naman. Ayos lang din. Medyo maliit nga lang pero… it’s tolerable." Nanliit ang mga mata ko. Ngumiti siya sa akin at umupo sa sofa. He spread his arms, bago sumulyap ulit sa akin. “Dito muna ako ngayong gabi!” sigaw niya at binuksan pa ang TV sa harap. I can't help but feel excited. "Talaga?" His lips slightly curved upward, ngumingiti sa naging reaksyon ko. Nakagat ko ang ibabang labi at tumikhim. "I heard sa SIA ka nag-aaral? Doon na rin ako next year upang mababantayan kita." "Malaki na ako." I tried to sound cold, kahit gusto kong magtanong sa kan'ya tungkol sa napakaraming bagay. He again pursed his lips. "Oo. Pero maraming manliligaw kaya ayaw kong magkumpyansa—" "Walang manliligaw sa'kin sa paaralang 'yon." His thick brows furrowed. "Impossible! We are family! Habulin tayo. Fuentes ka, Fuentes ako. We have the same blood running throughout our systems." Family... I lazily sit on our sofa, medyo malayo sa kaniya. Then, I hugged my pillow. "Walang manliligaw sa'kin. Mahirap lang ako." Umupo rin siya malapit sa'kin at sinuri ang mukha ko. Agad akong nag-iwas ng tingin. "Kahit na. Maganda ka pa rin." Umismid siya at napangisi. "Guwapo ako, e. Dapat gano'n ka rin." Napasinghap akong tumingin sa palabas. Natahimik kaming dalawa. Nakita kong nilaro-laro niya ang kan’yang daliri habang itinuon din ang atensyon sa palabas. "Bakit ka nandito?" Lumingon siya sa'kin. "Hmm?" My lips formed into a thin line. "You're a total stranger. Bigla-bigla ka na lang dumating—" "Matagal na kaya ako rito. Hindi mo lang napapansin, or probably busy. At saka anong stranger? Kapatid mo 'ko! Alam mo rin ang pangalan ko." Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin sa kan’ya. Ginaya niya pa ang ekspresyon ko. "Talaga?" Napahalakhak siya at tumango. "Ask Mama instead." Napatitig ako sa kan’ya. Napangisi naman siya. "Ayaw mo maniwala?" Napabuntong-hininga ako at tumayo na. Tumingin pa siya sa'kin. "Saan ka pupunta?" Itinuro ko ang itaas. "Sa kuwarto ko. Gusto kong matulog." Napanguso siya. "So, you'll not entertain me?" The side of my lips rise. "Kuya kita, ‘di ba? So, feel at home! Entertain yourself." His lips protrude more. Napailing na lang ako at umakyat na. Napaupo ako sa kama. I can't wait to tell Issa about what happened this day. My Kuya is here! I can't help but feel excited. Kinabukasan ay maaga akong gumising. I wanted to make sure that Kuya is still here. Nagmamadali akong pumunta sa shoe rack. Nang makita ko ang sapatos niya ay agad akong napangiti. I walk towards our kitchen. Nasa mood akong magluto ng agahan. Pero agad akong napasinghap nang makita ko si Kuya. Nakatalikod siya sa akin, kaharap ang stove. Napansin kong may mga karton na rin sa gilid ng mesa. Halatang mga groceries iyon. Napakunot-noo ako. May nakita rin akong karton na may tatak ng sikat na appliances. Dalawang karton iyon. Isa para sa oven at isa para sa isang refrigerator. Dahan dahan akong tumalikod. Nahihiya ako kahit gusto ko siyang lapitan! “Gising ka na pala,” he said kahit nakatalikod siya sa akin. Wala na akong magawa kun'di tumikhim at umupo sa may bandang mesa, tinitingnan pa rin ang mga karton sa gilid. “Bumili ka ng gamit? Nagluluto ka pala?” tanong ko. Tumango siya. Tumayo ako para tingnan 'yon. Agad siyang napangisi. Sinamaan ko siya ng tingin. “Kaya kailangan ko ng kapatid na babae, e. Para may taga-luto ako.” Inismiran ko siya. “Paano na 'to?” Tiningnan ko ang sunog na hotdog at itlog. Napakamot ulo siya. “Ulitin na lang natin.” Nag-iwas siya ng tingin. I can't help but to smile. “Akin na nga!” Dahan-dahan siyang ngumiti. “Uulitin natin?” Umiling ako at kinuha ang mga sunog na mga pagkain. Sa labas lang naman 'yong sunog. “Fried rice.” Sinubukan kong hindi matawa. Mas lalo siyang napanguso. Kinuha ko ang mga sunog na parte. I sliced each hotdogs and he's watching me doing it. “Kumusta kayo rito?” biglang tanong niya. Natigilan ako pero hindi ako tumingin sa kan’ya. “Ayos lang. I-Ikaw? I mean, kayo...ni Papa?” That sounds strange. Papa... Matunog siyang napangisi kaya napalingon ako. Nakita kong bahagyang nangilid ang luha niya. “Do you remember when was the last time you asked me that?” Umiling ako. Hindi nagsasalita at itinuon lang ang atensyon sa ginagawa ko. “Years ago, Althea. Many years ago.” Nanahimik ako. I heard him breathes slowly. Pinipigilan ang emosyon. “Papa missed you so much.” Ipinagpatuloy ko ang ginawa. “Kung miss niya ako, bakit hindi niya ako hinanap? Bakit nandito kami at nandoon kayo? Kahit isang tawag o text, hindi ko man lang natanggap.” Hindi ko maiwasan ang pait. Hindi siya makasagot sa akin. Tinapos ko na ang ginagawa ko. Napabuntong-hininga ako at hinarap siya, bahagyang ngumiti. “Sinubukan ko namang intindihin ang pamilya natin. I just can't help but to ask why.” Bumaba na sila Mama at Lola bago pa siya makasagot. Natahimik na kaming dalawa ni Kuya hanggang sa matapos ang agahan. He keeps on looking at me. Gusto ko rin na masagot niya ang tanong ko. “Si Melissa, anak. Nandito!” Bumaba ako sa kama ko. Nagmadali akong nagpunta sa sala para mapuntahan ang kaibigan. Nakangiti siya nang makita ako. “May nakita akong sasakyan sa labas. May bisita kayong anak ng presidente?” natatawang saad niya sabay upo. “Hi po, tita! Patambay muna rito!” Tumabi ako sa kan’ya. “Punta tayo sa kuwarto ko!” bulong ko. Agad siyang napangisi at tumango. I saw Kuya glance at us. Hindi ata siya napansin ni Issa dahil nasa daanan naman ang atensyon nito. Hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy ng umakyat sa itaas. “Naalala mo 'yong sinabi ko tungkol sa Kuya ko?” panimula ko. "Ah, 'yong Benjamin? Bakit?" Tumingin siya sa paligid ng kuwarto ko bago siya napatigil sa may bandang bintana. "Oo nga pala. Kaninong sasakyan iyan? Sa kapitbahay?" Sumulyap siya sa akin. Mabilis kong kinuha ang kamay niya at kinaladkad para makaupo kami sa kama ko. "Hindi. Teka, makinig ka muna sa akin. Pumunta rito ang kuya ko kahapon!" Napaisa ang kilay niya. "Talaga? Guwapo ba? Pareto naman!" Natawa siya. "Kun’di sa kapit-bahay niyo na lang na may sasakyan!" Napapikit ako. I heard a knock from my door. Tumingin muna ako kay Issa. Tumango naman siya sa akin. Agad akong tumayo at nagpunta sa pinto. Kuya glanced at us. Hawak niya ngayon ang snack namin ni Issa. "Pinadala ni Mama," mahinang aniya, sinusulyapan ang kaibigan ko. Tumango ako at nagpasalamat. Halos maglaway naman si Issa katititig sa kapatid ko. "Sino 'yon? Ang guwapo! Bisita ninyo?" Umiling ako. "Iyon ang may ari no'ng sasakyan sa labas." Hinarap niya ako lalo. "Don't tell me, may bago kayong kapit-bahay na mayaman?" Umiling ako. "Hindi!" "E, sino iyon?" Nagtakip siya ng bibig. "May manliligaw ka?" Napapikit ako sa inis. "Hindi!" Tumigil ako sa pagsasalita bago bumuntong-hininga. "Siya 'yong kuya ko." Inismiran niya ako. "Pinagloloko mo ata ako, e. Bahala ka nga r'yan!" Kumuha siya ng slicebread bago humiga sa kama ko. Tinampal ko ang hita niya. "Totoo nga!" Nanlaki ang mga mata niya. "Weh?" "He is Benjamin Fuentes. Kapatid ko. Nagpunta siya rito kahapon." Nabitawan niya ang slice bread. "Totoo talaga?" Tumango ako. "E 'di ibig sabihin noon, mayaman ang kapatid mo?" I nod hesitantly. Nanlaki ang mga mata niya. "Ibig sabihin...mayaman ka, Althea?" Hindi ako sumagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD