chapter 3

1452 Words
"Buwesit, Chrialthea! Kalat na kalat na ang isyu tungkol kay Blake!" salubong ni Issa sa akin. Wala ako kaninang umaga dahil final practice naming mga candidates para sa Intramurals. Habang nasa practice kami ay naririnig ko iyon na sinasabi ng mga kasamahan. “How about you, Chrialthea? Hindi ba’t you’re classmates with him? tanong iyon ng isang kandidata kanina. Mas bata kaysa sa akin at halatang interesado rin sa biglaang pag-drop out ni Blake. “Uh… hindi ko rin alam kung bakit siya umalis,” iyon na lang ang nasabi ko sabay nag-iwas ng tingin. Ibinaba ko na ang tumbler ko. Ginawang ponytail ko rin ang buhok ko. Nakatitig lang si Issa sa'kin habang tinitigan ang pag-aayos ko. "Nag-drop out kasi siya. Ang sabi, pumunta raw ng America. Hindi ko nga alam kung totoo iyon! Wala namang imik si Trey sa bali-balita kaya baka totoo nga." Napalunok ako at inalala ang nangyari noong Biyernes. Those files are for transferring kaya hindi na ako nagugulat. Pero kung tutuusin, bakit pa siya umalis kung ngayong nagkaayos na sila ni Alisha? Stupid act. "Pero nakita pa siya kaninang umaga, hinatid si Alisha. Pero, pagkatapos daw ay umalis na. Siguro sa oras na ‘to nasa airport na ‘yon o baka nakaalis na talaga ng bansa." Nag-iwas ako ng tingin."Hayaan niyo na siya. Buhay niya naman 'yon, e." Inayos ko na ang gamit ko at sinulyapan ang kaibigan na gulat na gulat kung makatingin sa'kin. "Uy! B-Bago 'yan, ah...Akala ko iiyak ka—" Hilaw akong tumawa. "Bakit naman ako iiyak? Kung may iiyak man ngayon, si Alisha 'yon at hindi ako." Natigilan siya sa narinig. Ngumiti ako sa kan’ya at tinapik ang kaniyang balikat. Napanguso siya sa akin. "Hindi ka talaga affected? " Napangisi ako. Ano bang dapat kong i-react? Maghalumpasay? Iiyak? "Seryoso ka? Gan’yan lang? In-expect ko pa naman na iiyak ka o ano!" "Should I cry? Hindi naman ako ang girlfriend no'n. At saka, kailan ba ako umiyak para sa kan’ya?" Countless times, Chrialthea. Noong nalaman mong niligawan niya si Aly. Noong nakita mong sinagot siya ni Aly. Noong sinurpresa niya si Aly… at marami pa, Althea. Nagkibit-balikat siya. Mabilis niya ng kinuha ang gamit ko at inakbayan ako. "Oo nga naman." Natawa siya agad. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Naglakad na kami palabas ng room. Lumingon ako ulit sa room at hinanap ang upuan ni Blake. Bakante na nga iyon ngayon. "Ang galing! Bukas wala ng pasok! Tapos sa Wednesday until Friday, intramurals! Ah... magbabakasyon ako!" Ngumiti ako sa kan’ya. " Hindi mo ba ako panonoorin?" Napangisi siya. "Syempre, panonoorin kita! Pagkatapos ng contest, pupunta ako ng Nueva Ecija. Bibisitahin ko lang sila Nanay." Tumango na ako at nang-aasar na tumingin sa kan’ya. Napaismid naman siya. "Nanay mo ba talaga ang bibisitahin mo roon?" "Syempre, pati 'yong crush ko!" Natawa ako. "Ang dami mo namang crush!" Humalakhak din siya. "Ganoon dapat! Reservations!" Napailing na lang ako sa kaharutan ni Issa. Nang tuluyan na kaming makababa ay nadaanan namin ang gym. Nakita ko ang pagtingin ni Alisha sa kan’yang cell phone maya't-maya. May kung anong sumakop sa dibdib ko. Gusto kong sabihin sa kaniya na nag-transfer nga si Blake. Pero imposible naman na hindi niya ito alam. And who am I to do that anyway? We are not close. We are not friends either. Not even close to that. "Alam niya kayang umalis na si Blake?" biglang tanong ni Issa. Nagkibit-balikat ako. "Siguro. Impossible naman na aalis na lang bigla si Blake. Kaaayos lang nila ni Alisha. At ang pag-alis ng hindi nagpapaalam? Big fight 'yan." “Buti nga sa kaniya—” “Issa!” gulat kong saad. Napabusangot na lang siya at kinaladkad na ako papuntang canteen. Pagkatapos din no'n ay umuwi na ako para makapagpahinga. Pagkarating ko ng bahay ay sinalubong ako ni Mama. Ang sabi niya ay nakabili na raw siya ng costume ko para sa miyerkules. Agad ko 'yon tiningnan at sinukat. Nakangiti lang si Mama habang sumulyap sa'kin. "Bumili na rin ako ng bagong heels. Sira na kasi 'yong huli mo. At saka, ayaw ko naman na mapahiya ka. Hindi porke't mahirap tayo, hindi na kita matustusan." Ngumiti ako sa kan’ya. "Salamat, Mama." Tumayo siya sa gilid ko. Natanaw ko si Lola Veronica na pumasok sa bahay. Nang makita niya ako ay agad niyang iwinagayway ang lugaw at banana cue na hawak niya. Napangiti ako at lumapit sa kan’ya sabay nagmano. "Nagpa-practice ka pa rin?" Pinasadahan niya ako ng tingin. Ngumiti ako at umiling. "Sinukat ko lang, Lola. Maganda ba?" "Oo naman! Maganda ang apo ko kaya kahit anong damit. Bumabagay!" Ngumiti ako sa kan’ya. "Chrialthea, subukan mo nga 'yong itinuro ko sa'yo, anak. Tingnan natin kung nakuha mo ba." Lumingon ako kay Mama at sumunod sa kan’ya. Ang sabi ni Lola, naging napakatanyag na modelo raw si Mama no'n. Kahit mga kapitbahay namin dito ay kilala si Mama bilang isang sikat na modelo. Pero sandaling sandali lang na panahon daw 'yon, hindi umabot ng isang taon, nabuntis daw kasi si Mama. Ang sabi pa ni Lola na noon daw ay inlove na inlove daw si Papa kay Mama kaya hindi ko naiintindihan kung anong nangyayari ngayon sa amin. Sinimulan ko ng maglakad gaya ng itinuro niya. Chin up, stomach in, breast out. I swayed my hips correctly. Imagining that the curtains in front of me are the students of SIA. "Gan’yan nga! Ang galing mo na, anak!" Ngumiti ako sa papuri ni Mama. Nagmadali na rin akong magbihis para makakain na sa dala ni Lola at makapagpahinga muna. Nagising ako dahil sa ingay. Napatingin ako sa bintana at nakita kong kulay kahel na ang langit. Napatayo ako at agad nagpunta sa baba. "Sabi ni Berna bumili ka pa nga ng bagong damit at sandal para sa anak mo! Tapos ngayon, hindi ka makakapagbayad?" Nanatili ang tingin ni Mama sa baba. Tumikhim lang si Lola. Nagmadali ako sa pagbaba at tumingin kay Mama at kay Auntie Cess. "Pagpasensyahan mo muna ngayong linggo, Cess. Hayaan mo sa susunod na linggo—" "Oh, sunod na linggo na naman, Vernice! Ilang beses mo na 'yang rason, huh?" Sumulyap ito sa akin kaya natigilan ako. Tumikhim siya at agad na inilabas ang pamaypay at pinaypayan ang sarili. "Bakit kasi sa private school niyo pa pinapa-aral 'yan! Puwede naman na sa public school d'yan sa iskinita! Mahirap na nga kayo. Mas pinapahirapan niyo pa sarili ninyo!" Napatikhim ako. Scholar po ako. Scholar. Ang SIA po mismo ang nag-offer sa akin ng scholarship. Hindi po ako nakiki-talino lang. “P-Puwede ba’ng kalahati muna ang babayaran ko? H-Hayaan mo sa susunod—" "Hindi! Hindi puwede! Buo ang pinautang ko sa’yo, Vernice, kaya bakit mo ako bibigyan ng kalahati lang?” inis na sambit ni Auntie at muli na namang sumulyap sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin. Sinabi ko naman kay Mama na magpa-part time job ako sa isang cafe malapit sa Academy kaso ayaw niya naman. Gusto niyang siya lang ang maghanap ng pera na gagamitin namin sa pang araw-araw at ako na rin ang bahala na i-maintain ang grades ko dahil scholar nga ako. Ilang beses na akong nagpumilit, hindi niya naman pinaunlakan. “Anong problema rito?" Napaangat ako ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko nang may lalaki sa labas. Tumingin ako kay Mama pero gulat lang ang kan’yang tingin matapos itinuon ang atensyon sa bagong dating. Napamaang din si Auntie Cess habang sumulyap sa lalaking 'yon. "Manliligaw mo ba ito, Althea? Hay nako! E 'di siya na ang pagbayarin nitong utang ninyong limang libo! Mayaman naman ata 'to, e—" "What? Who are you?" mayabang niyang tanong, nagpang-abot pa ang kilay. Umangat ang gilid ng labi ko, natatawa, pero hindi ko pa rin mapigilan ang mamangha at magtaka. Napamaang ulit si Auntie Cess. Nagulat ako nang lumapit si Mama kay Auntie Cess. "Bukas… Bukas, magbabayad ako. Huwag muna sa ngayon," mahinahong sabi ni Mama. Napaabante rin ako at mas tiningnan ang lalaki sa labas. Nakabusangot siya habang tiningnan si Auntie. "May utang ka? Magkano ang kailangan?" Nanlaki ang mga mata ko. Napasinghap si Lola. Supladang tumingin din si Auntie sa lalaki. "Limang-libo! Bakit? Babayaran mo ba—" "Huwag na, Benjamin," saad ulit ni Mama. Teka… Benjamin? Nakita kong kinuha niya ang kan’yang pitaka at agad na kinuha ang limang libo roon at ibinigay kay Auntie Cess. Nakangisi si Auntie Cess habang nagpaalam. Umahon ang kaba ko sa dibdib. At the same time, I feel so excited knowing that he's… maybe my brother! "Ako na sana, Benjamin—" "Kanino ka pa nagkaka-utang, Ma?" Ma... Nanlaki ang mga mata ko. Nakita kong sumulyap si Benjamin sa'kin. Ang kaninang inis niyang tingin ay napalitan ng ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD