Kinabukasan ay ganoon pa rin ang nangyayari. Pero usap-usapan na nagkabalikan na raw si Blake at Alisha.
May nakakita kasi sa kanila na sabay nag-breakfast sa canteen at hinatid niya pa raw ito sa gym para sa practice ng dance troupe.
Napatikhim na lang ako at hindi nagsasalita sa kahit na sino.
"Uy, affected ka ba talaga?" Tapik ni Issa sa'kin.
Napanguso ako at umiling.
Nanliliit naman ang mga mata niya at napangisi. "Talaga ba?"
"Oo naman! Tanggap ko naman na kahit kailan hindi ako magugustuhan ni Blake." Ngumiti ako nang pilit sa kan'ya at itinuon muli ang atensyon sa notebook ko.
"Ako sa'yo, girl! Nako, aayusin ko pagrampa ko sa intramurals! Tingnan natin kung hindi maglalaway 'yan!"
Napailing ako at natawa. Alisha is beautiful, tall, and intelligent. Sa mura naming edad, halata na ang kurba niya sa katawan. Bakit pa titingin si Blake sa iba, if she already had everything he wanted?
At kung aabot sa punto na titingnan ako ni Blake, it's a dream come true. Kahit siguro tingnan lang ako ni Blake, parang nasa langit na ako.
Nauna na si Melissa sa canteen. May tinapos pa kasi akong activity. Nang palabas na ako para mag-lunch, nakita kong pumasok si Blake sa classroom. Agad akong napasinghap at umatras. Napasulyap siya sa'kin at ngumiti.
Nag-iwas ako ng tingin dahil naramdaman kong may punyal na naman na dumaan sa puso ko.
Nababaliw ka na nga, Chrialthea!
Years of loving him secretly was enough for you! Kaya bakit ngayon, kay bilis mo ng pangiliran ng luha? Imbes na matuwa ka pa na tiningnan ka ni Blake, bakit ngayon ay hindi ka na kuntento roon?
Why do you feel like he betrayed you because they got back together?
Sa huling pagkakataon, tiningnan ko ulit si Blake.
Blake Ruzen is someone that everyone wanted. Sino ba ang hindi magkakagusto sa kaniya? Guwapo, matipuno, matalino at masipag. He is someone that you wanted to look up to, dream of and love secretly.
Lihim lang dahil kahit ipaglandakan mo man ang nararamdaman, hindi na niya kayang tumingin sa iba because he's faithful to the person he's in love with.
Nakita ko siyang naglakad papalapit kay Trey. Napakunot-noo ako nang makita kong seryosong-seryoso ang mga mukha nila.
"You can't do that, Blake! Paano siya?"
Nanlaki ang mga mata ko. May umahon na kaba sa puso ko. Agad akong nagtago. What does that mean?
"I have no choice! Kailangan ko 'tong gawin!" giit niya sa kaibigan. Halos suntukin ni Trey ang table niya dahil sa sobrang inis. Napapailing siya at tumitig kay Blake.
"Bobo ka ba?" singhal ni Trey. "You'll sacrifice this one para sa ano? Para roon sa nakaraan mo?"
"Alam mo naman kung gaano ko—"
"Bahala ka sa buhay mo!" galit na saad nito at mabilis na iniwan si Blake doon.
Hindi nagsalita si Blake at napahawak lang sa sintido kaya mas lalo akong naguluhan.
Nagmadali akong magtago nang makita kong palabas na rin si Trey. Habang sinusundan ko siya ng tingin, parang may kung anong bumabagabag sa akin.
Nagmadali akong nagpunta sa canteen. Nakabusangot na si Issa habang naghihintay sa'kin.
"Tagal mo naman!"
Napairap ako at umupo sa tabi niya. Gusto ko sana sabihin kay Melissa ang tungkol sa nangyari kanina sa classroom pero mas pinili kong manahimik.
"May sasabihin ako!"
Lumapit ako sa kan'ya. "Ano?"
"Interesting 'to! Magugustuhan mo!"
Lalo akong lumapit sa kaniya. May alam ba siya sa nangyari kanina?
"Tungkol kay Blake?"
Nanliit ang mga mata niyang tumingin sa'kin bago natawa. Napaismid ako at agad siya tinuro gamit ang kutsara. Mas napahalakhak pa siya.
"Ikaw, huh! Kapag usapang Blake Ruzen, active na active ka—"
Agad kong tinakpan ang bibig niya. Nakita ko kasing nagsilingunan ang ibang estudyante sa gawi namin. May isang babae pang nakangisi habang sumulyap sa'kin.
"Huwag ka nga'ng maingay!"
Inisa niya ang dalawang kamay. "Okay, fine! Sumusuko na! Masiyado kang defensive!"
Nilalaro ko na lang ang ulam sa harap ko.
"Sabi nila, may transferee raw. Baka sa lunes, makikita na natin."
Napaisa ang kilay ko. Talaga?
"Plus! Guwapo raw!"
Napangisi ako. "Mayaman na naman siguro." Nagpatuloy ako sa pagkain. "Alam mo, Melissa. Ang mga guwapong lalaki, tatlong uri lang 'yan. Isang guwapong mayaman, isang guwapong mahirap at isang guwapong bakla."
Natawa naman siya. "Guwapo raw kasi! Bahala na kung mayaman, gusto ko rin iyon maging crush. Gusto ko sanang pareho lang natin, alam mo 'yon? Mahirap. Para maabot naman natin. Kaso, kung mayaman nga, e 'di nice. Much money."
Napangiwi ako. "Ang guwapong mayaman, mayaman din ang mga gusto niyan. They wanted someone that could contribute to their riches. Sa libro at palabas lang ata nakikita na magkarelasyon ang mahirap at mayaman—"
"Napapaisip lang naman. Masyado kang personal!"
"Well, I am spitting some facts. Hindi naman iyon posibleng mangyari sa totoong buhay. Kung mayroon man, it's very rare."
Napanguso siya sa sinabi ko kaya napapailing akong tumingin sa paligid.
Nakita ko ang grupo nina Alisha na papasok. Kasama niya ang dalawang kaibigan niya at si Blake ay nasa kaniyang right side. Gamit ang isang kamay ni Blake ay ginulo niya ang buhok ni Aly na inaayos niya rin agad. Napangisi si Alisha at hinawakan ang kamay ni Blake.
"Ayan, Chrialthea, oh? Hindi ba't crush mo si Blake? Tingnan mo para malaman mo kung gaano ka kawalang pag-asa para mapansin ng isang Blake Ruzen Funtabella," sabi ng babaeng lumingon sa'kin kanina. Kung hindi ako nagkakamali, ka-batch ko rin siya pero nasa Science Class siya. Anak din ng isang senador kaya natahimik ako.
As if may pag-asa rin siya kay Blake! Excuse me, pare-pareho lang tayo rito!
Nang dumating ang hapon ay absent sina Trey at Blake. Nagtataka ako kung bakit wala sila buong hapon. Dahil kaya sa naging sagutan nila kanina? But that reason is too shallow. Hindi naman ata sila ganoon ka isip-bata para lumiban sa klase dahil nag-away sila. Maybe they have a band practice?
Inutusan ako ng teacher namin na ihatid ko ang papers sa faculty after class. I agreed because I want to check if Blake is in a practice kaya siya absent.
Nang mag-ring ang bell ay agad ko ng kinuha ang gamit ko. Kasabay ko sa paglalakad si Issa sa hallway. Bago pa makarating sa locker room ay natanaw ko si Blake na naglalakad papuntang kabilang building. Napakunot-noo ako.
So, maybe he practiced a while ago? Kaya siya absent?
"M-Mauna ka na, Melissa. May titingnan lang ako saglit. At saka, ako na rin ang magpapasa nito. Huwag mo na akong samahan." Turo ko sa answer sheets namin.
Lumingon siya sa'kin habang ipinasok ang kaniyang notebook sa bag. "Practice kayo ngayon?"
Napalunok ako. "Hindi ko pa alam. Titingnan ko muna."
"Ganoon ba? Sige! Kita na lang tayo sa Lunes."
Ngumiti ako at kumaway na sa kan'ya. Nang hindi ko na siya matanaw ay muli akong napasulyap sa kabilang building. Napakunot-noo akong nagpunta roon. Nakita ko siyang pumasok sa guidance kaya mas lalo akong nagtaka.
Anong ginagawa niya r'yan?
Pumasok muna ako sa faculty na katabi lang ng guidance. Nakangiti si Mrs. Sulayman sa'kin bago tinanggap ang papers.
"Salamat, Althea, ah?"
Pilit akong ngumiti. "Ayos lang po. Sige po"
Nagpaalam na ako at lumabas na. Saktong-sakto 'yon dahil lumabas na rin si Blake. Hawak-hawak ang mga papeles. Kung hindi ako nagkakamali, may transcript of records 'yon at good moral. Puno ng tanong ang isip ko. I couldn't voice out any of those questions!
"I-Ikaw pala..." aniya. Tumango ako. Hindi pa rin nawawala ang tingin sa mga papeles.
"P-Para saan 'yan, Blake?" kinakabahan kong tanong. Sumulyap siya roon at isinilid na 'yon sa kan'yang brown envelope.
"Ah... Pinakuha kasi 'yong files ko."
May kung anong sumibol na kaba sa akin. Tumikhim ako bago napalunok.
"A-Ah... Ganoon ba? Uhh... scholarship?"
He chuckled a bit before he shook his head. "Hindi."
Tumango ako at hilaw na tumawa. "Hindi mo na pala kailangan 'yon..." Tinuro ko na ang hallway. "A-Alis na ako. Susunduin mo pa si...Alisha?"
Tumitig siya sa akin nang mariin. Kung puwede ko lang sana tanungin siya nang maayos tungkol sa papeles, e 'di sana mapapanatag ako.
Hindi man siya sumagot sa tanong ko ay hilaw pa rin akong ngumiti. Mabilis din nagpaalam sa kaniya. Nagmadali na akong umalis doon. Halos takbuhin ko ang building na 'yon papuntang gate.
Napabuntong-hininga ako pagkatapos. I feel my heart pump so fast. Napahawak ako sa dibdib ko.
I look at my precious school once again. I closed my eyes as I breathed heavily.
Your emotions trouble you only in those things which you call yours. But in my case, how can I trouble my own emotions if he isn't even mine in the first place?
But... I am not dumb or what. I am not stupid to not realize those files he held.
Hindi ako bobo para hindi agad maisip kung ano ang gagawin ni Blake.
At hindi ako manhid para hindi makaramdam ng sakit.
The tragedy of love is not that it ends so soon, but that we wait for it to begin. But yet, it didn't even start. And didn't even have a chance to start.