The early rainy season air hugged my small body. Every time I roamed my eyes around, the leaves swayed like they were dancing and my hair was blown by the wind.
"Chin up!"
Ginawa ko agad iyon.
All my life, I've been taught how to be prim and proper. My Mama teaches me how to pose properly like a beauty queen at every move. She taught me to be graceful and have a lady-like gesture. She enrolled me in a very classy school even though we can't really afford the tuition fee.
Southeastern International Academy.
Prestigious and recognized Academy in the whole Metro Manila. Sikat ito sa mga mayayaman at kilalang mga tao.
Iginala ko ang paningin ko habang tinitingnan ang bawat estudyanteng dumaraan. Palaging sinasabi ni Mama na kahit hindi na kami mayaman, dapat may paninindigan kami. We fortified values and attitude intact.
Sa nalalaman ko, I have a brother staying in Marinduque. He is Benjamin Fuentes. My Papa also stayed there, simula noong nagkahiwalay sila ni Mama. I heard Lola saying before that we should stay with our Papa. Para hindi na kami magkakaroon ng problema financially. Pero matigas talaga si Mama, ayaw niya ng bumalik doon.
I've been growing in Manila too. Wala akong natatandaan na nagpunta kaming Marinduque o nakatira man lang doon. I don't remember the face of my father but I am bringing his family name. I knew his name. I don't have any idea about my brother aside from his name. I didn't ask for the information even though I wanted it so bad. Madalas mausisa ako. I tried asking my Lola about our family. I saw how my mother weeps every time I mentioned and asked about my brother and father. That's why I'd just let it pass and don't fish for information anymore.
The sun rays touched my skin. Kahit masakit sa balat ang sinag ng araw. Ipinagpatuloy pa rin naman ang ginagawa.
"Out!" sigaw ng P.E teacher namin.
Napatikhim kami at nagsibalikan sa puwesto.
"Maybe, I will assign Alisha for the next meeting's class to assist."
Naghiyawan ang mga lalaki. Napailing na lang ako.
"Ngayon na lang, Sir!" kantyaw ni Kid na kaklase ko.
"Oo nga, Sir!"
Sumulyap ako sa taong nasa tapat ko. Nag-iwas lang siya ng tingin. Kitang-kita ang pang-aasar ng ibang kaklase ko sa kan'ya, kaya dahan dahan siyang napapangiti at nagkunwaring naaasar.
"Boys, stop the trolls. Dapat magseryoso kayo! Oo, exempted siya sa activity natin pero idi-divide ko ang klase sa dalawa. Sa grupo ni Blake at sa grupo ni Alisha. Sa assistance lang. Are we clear?"
"Kasali po ba si Alisha kapag finals na, Sir?" asar ulit ni Kid. Nakita ko paano nagdilim ang paningin ni Blake habang sumusulyap kay Kid. Kinakalma siya ni Trey, bestfriend niya. He's whispering words to Blake kaya nag-iwas na lang ito ng tingin.
"Hindi, Mr. Lucero. Assist lang. Iyon lang."
Nanlumo naman ang ibang lalaki. Tumikhim si Issa sa tabi ko kaya napatingin ako sa kaniya.
"Hindi naman magaling si Alisha maglaro. Madiskarte lang." Ismid niya.
"Magaling pa rin, Issa. Iba't-ibang competition na ang nasalihan niya. At may nauuwi talaga siyang award para sa school. Kaya magaling pa rin."
"Sus! Masipag lang siyang mag-practice at mag-explore kaya ganoon. Madiskarte lang talaga—"
Dinunggol ko siya gamit ang balikat ko. "Huwag ka nga'ng maingay. Kung may makarinig sa'yo, malalagot tayo."
Umirap lang siya at umayos na. Napalingon ako sa paligid. Hoping that no one hears us talking about Alisha.
And that's what happened in our next class. Si Alisha nga ang nandoon as a guide.
Seryoso siya habang dine-demonstrate ang proper stance and position.
I couldn't help myself to be insecure.
Alisha Cruz is known here because of her skills and intelligence. She can ace both academics and extracurricular. She's pretty too and kind.
Nagbaba ako ng tingin. No, Althea. You shouldn't feel this way.
The game started. I find it awkward at first dahil hindi naman ako sporty na tao. I am so conscious of my every move kaya minsan ay nagkakamali ako.
Pumito na naman si Alisha. My classmates look at me indifferently, parang sinisisi nila ako tuwing pumipito si Alisha.
"Ayusin ninyo, guys! Kailangan matalo natin ang kabila para mas malaki points natin," bulong ng kaklase ko at bahagyang sumulyap sa akin. Nagbaba ako ng tingin at hilaw na ngumiti.
"I'm sorry—"
"Sige na! Sige na! Huwag na kayong magpakatanga riyan!" putol ng kaklase kong babae sabay ismid sa akin.
I positioned myself near the net. Sa kabilang team ang bestfriend ko. She is their server. I am still conscious kaya tingin ako nang tingin sa paligid. Paglingon ko sa kabilang banda ay natatanaw ko ulit si Blake. He's looking at me!
"Chrialthea!"
Huli na 'yon. Sinubukan kong sanggain ang bola pero mabilis lang din akong natumba at naitukod ang kanan kong kamay.
Pumito ulit si Alisha. This time, lumapit na siya sa akin. Napalingon ako ulit sa paligid. My female classmates gathered on my side. Pero natuon ko ang atensyon kay Blake. Nakatayo na siya ngayon. Halata sa kan'yang mga mata ang pag-aalala.
"Ano ba naman 'yan, Chrialthea! Muntik ng matamaan si Aly!"
I think I got that wrong. Lalo na't nandito sa tabi ko si Alisha. Ang babaeng minamahal niya. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at binalingan si Alisha na malapit na sa puwesto ko ngayon. Tama ba ang narinig ko? Muntik ko ng matamaan si Alisha ng bola?
"Better if you will guide her to the clinic," narinig kong saad ni Alisha kay Melissa. Parang wala akong naririnig. Gusto kong humingi ng tawad pero tinalikuran na ako ni Alisha kaya tumayo na lang ako at nagbaba ng tingin habang naglalakad palabas ng gym.
Hindi naman malala ang pagbagsak ko. Hindi rin naman nabali ang kamay ko kaya pagkatapos namin mag-usap ng school nurse ay bumalik na ako sa room.
Lunch break pa at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase. Agad akong sinalubong mga ibang mga kaklase at nangungumusta tungkol sa kamay ko. Ayos lang naman ako kaya iyon lang din ang sinabi ko sa kaklase kong lalaki.
Before going inside our room. I saw Alisha talking with her friends. Tipid na ngiti lang ang ginagawa niya at panay ang sulyap sa baba. Napatingin ako roon.
There... I saw what she's staring at. I mean— who.
Blake Ruzen Funtabella.
He's laughing with our classmates. Hindi ko mapigilan, napangiti rin ako. He's really handsome and formal at the same time. He's witty and serious. I don't know! Parang may kakaiba sa kan'ya na halos lahat ng babae sa Academy ay pinagpapantasyahan siya.
Maybe his eyes because it's tantalizing. O 'di kaya'y sa kaniyang katawan na mas mature tingnan, hindi kagaya sa ibang lalaki rito sa eskuwelahan na ka-edad namin.
But what I love about him is his intelligence. Responsable, masipag, mabuti sa pag-aaral. He's kind too and approachable. There are too many positive adjectives I can tell just to describe him.
He's flawless for me kaya hinahangaan at pinapangarap ko siya nang sobra sobra. But, there is a kind of love that is better to only be kept as a secret.
I can't admit it to him, dahil kahit baliktarin man ang mundo, alam ng buong Academy kung sino ang gusto niya. Si Alisha iyon. The lady that is the same as him. Academically and social status.
Kaya siguro, I'm content to just look at him in the distance. Dahil hindi naman kami magkapareho.
"Tara na! Tara! Sino ba tinitingnan mo riyan?" ani Issa na agad akong hinawakan sa kamay.
Agad akong nag-iwas ng tingin. I saw how Alisha looked at me again. She's pretty and kind. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kaniya? I can't help but to feel hollow inside.
"Hi, ayos na ba 'yong kamay mo?"
Nagulat ako nang kausapin niya ako. Tipid na lang akong ngumiti at tumango. "Ah, oo. Sorry nga pala. Muntik na kitang matamaan—"
"It's alright. Part of the game," iyon lang ang sinabi niya at muling nakipag-usap sa mga kaibigan niya. Nag-iwas na lang ako nang tingin at agad ng tumalikod para makapasok na sa room.
Nang makaupo na ako ay nakita kong papasok na rin ang ibang kaklase ko. Kalaunan ay nakita kong pumasok si Blake kasama si Trey. Nakita ko kung paano tapunan ng tingin ni Blake si Kid. Napangisi lang si Kid at nakipag-usap sa kaklase namin.
Pumuwesto na sila sa kabilang column, pero row ko pa rin. Napasulyap ako sa kan'ya pero madilim pa rin ang tingin niya sa harap. My heart starts to pump fast again, tumingin na lang din ako sa harap at hindi na kumibo.
Nang matapos ang klase ay agad akong nagmamadali papuntang locker room. Nababaliw na nga siguro ako dahil nang makita ko lang na naiwan ni Blake ang kaniyang panyo sa upuan ay mabilis ko siyang hinabol.
I am grinning the whole time, because for the first time after years of liking him, nagkaroon na rin ng tiyempo para sa pagkakataong ito.
May panahon naman na nag-uusap kami, alright, pero puro naman iyon tungkol sa academics. Kung susumahin ang lahat ng non-academic interaction, mabibilang ko lang siguro sa daliri ko ang lahat ng iyon.
Kaya ngayon, I am hopeful to finally have the chance to talk with him.
Or maybe not now...
Natigilan ako nang madatnan ko siyang nakatingin sa isang bukas na locker.
Nakakunot-noo ako nang may nahinuha. Boys' locker area is separate with the girls, kaya natigilan ako nang makita ko siyang nandoon.
Napapangiti pa siya nang kaonti bago naglagay ng rosas doon. Nanlaki ang mga mata ko.
Sila na kaya ulit?
Lumingon siya sa banda ko kaya agad akong pinanlakihan ng mata. Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa labi kaya hilaw na ngumiti ako pabalik.
"S-Surpresahin mo?" nauutal kong tanong.
Ngumiti siya lalo at tumango. Napahigpit ang hawak ko panyo niya. May kung anong matalim akong nararamdaman sa puso ko. Bahagya siyang tumingin doon kaya wala na akong magawa kun'di ibigay iyon sa kaniya.
"N-Nakalimutan mo ang panyo mo," my lips quivers while I said that. Tinanggap niya naman agad iyon at nagpasalamat.
Pero hindi ko na kayang bigyan siya ulit ng ngiti, nagsimulang magkaroon ng guwang ang loob ko. Nagmamadali akong umalis doon. Nang makalabas na sa building ay napabuntong-hininga ako.
Umaasa ka kasi, Chrialthea! Nababaliw ka na ba? Hindi ikaw ang tipo no'n! Napakalayo mo sa mga tipo niya kaya hanggang pangarap ka lang!
Lumingon ulit ako sa building pero hindi pa rin siya bumababa kaya nag-iwas ako ng tingin at pinawi ang mumunting luha. Napabuntong-hininga rin ako bago nagpasyang uuwi na.
The canteen is loud. Usap-usapan ng mga estudyante ang ginawang surpresa ni Blake kay Alisha sa locker room kahapon. May nakakita raw kasi at kinunan iyon ng litrato.
Wow, what a topic!
Maraming natuwa para sa kanila, samantalang halos hindi ako makatulog kaiisip sa nangyari.
Someone grabbed my hand kaya napalingon ako.
"Dali ka na, Althea! Mauubusan tayo n'yan!" Tinangay ako ni Melissa papunta sa isang mesa. "Ano? Ikaw na lang muna ulit ang pumila. Ako na magbabantay rito sa table natin."
Nawala sa isip ko ang sinabi ni Issa nang matanaw ko si Blake. As usual, he's with Trey. Nakangiti siya at bahagyang sumulyap kay Alisha.
"Ano, Althea? Pila ka na! Pupunta pa tayo ng library!"
Agad akong nag-iwas ng tingin sabay tumango kay Issa. Napanguso ako at nagmamadaling kumuha ng pagkain para sa aming dalawa.