Mabilis kong pinaliwanag ang ideyang nasa isip ko kay Henry. “Syempre, ang pinaka importanteng bagay ay ang kung paano pinatay ang biktima. Ito ang paliwanag kung paano nakita ang lason sa bote at baso ni Cain. Ito rin ang paliwanag kung bakit namatay si Cain samantalang ang tatlo ay hindi nasaktan kahit na nasa bote ang lason.”
“Ano ang talagang nangyari?” sabik na tanong ni Henry.
“Naalala mo ba ang ilang precaution na tinuro sa atin noong chemistry class?” Tanong ko.
“Nakalimutan ko na ang lahat! Sabihin mo na lang!” Pakiusap ni Henry.
“Ang chemistry teacher ko noong junior high ay may kinaugalian. Hindi lang basta kinaugalian. Ito ang lubos na pagka OCD. Tuwing binubuhat niya ang bote na may label, sinisigurado niyang ang label ay nasa harap ng palad niya.” Ngiti ko.
“Oo… Naaalala ko na. ang chemistry teacher ko ay paulit-ulit sinasabi ang importansya ng paghawak ng boteng may label na nakatapat sa palad namin,” Sabi ni Henry.
“Kung ang junior high chemistry teacher ay ganoon ang ugali, paano pa kaya ang professor sa college? Siguro alam ni Steven, na estudyante ni Cain, ang pag uugali niyang iyon. Kung may intensyon siyang patayin si Cain, magagamit niya ang kutanayang ito. Simula nang malaman ni Steven ang party ni Cain, siguro ay inumpisahan niyang mag-isip ng plano niya. Talaga bang binili ni Cain ang bote ng wine na nagkakahalagang 1,500 dollars?”
“Sinasabi mo bang… ang bote ng wine ay regalo ni Steven?” Tanong ni Henry.
“Tama. Estudyante ni Cain si Steven. Ang malaman na may party ang teacher niya, magkakaroon at magkakaroon ito ng rason para magbigay ng regalo. Isa pa, pwede niya ring sabihin kay Cain na magsinungaling at sabihing siya ang bumili ng wine. Sa paraang iyon, tunay na matutuwa si Jamie at Frank sa kanya. Sa tingin ko ang tulad ni Cain, na ninakaw ang gawa ng estudyante niya, ay hindi tatanggihan ang suhestyon ni Steven.”
“Hmm, tama ka…” Tango ni Henry.
“Sa totoong buhay, matagal nang inaayos ni Steven ng bote ng wine. Pinahiran niya ng lason ang dulo ng bote na katapat ng label nito,” paliwanag ko.
“Bobo si Steven. Paano kung pwersahang binuhos ni Cain ang wine? Hindi ba’t malalason din nito ang iba?” Tanong ni Henry.
Ngumiti ako. “Hindi iyon mangyayari. Ang mamahaling wine na nagkakahalagang 1,500 dollars ang isang bote. Magiging maingat si Cain sa pagbuhos nito. Hindi niya hahayaang masayang kahit isang patak. Ang presyo ng wine ang magiging garantisadong mangyayari ang plano ni Steven.”
“Pero kung walang ibang nagbuhos ng wine, si Cain ay may kinaugalian na mahirap baguhin, paanong napunta ang lason sa baso niya?” Tanong ni Henry.
“Madali lang. Ito ang huling baso ng wine,” sabi ko.
“Huling baso?”
“Naubos ba nila ang buong wine? Basta’t ipilit ni Steven na salinan siya ng natirang wine, hindi magrereklamo ang dalawang kasama nila. Nang isalin ni Cain ang huling baso ng wine kay Steven, siguradong nasa kabila na ang bote para hindi masayang ang huling patak. Hindi ba masisigurado nito na ang lason ay mapupunta sa baso ni Cain? Na magpapaliwanag din kung paanong nasa baso lang ni Cain ang lason, hindi ba?” Pagpapaliwanag ko.
“Ahh! Ahh! Ahh! Nakakamangha ka sa pag-iisip niyan!” Sigaw ni Henry.
“Hehe. Hula lang ito. Kailangan pa rin nating makita kung anong mahahanap ng kapatid mo sa imbestigasyon! Sabihin mo sa kanya ang sinabi ko sa’yo,” sabi ko.
Masayang lumundag si Henry. “Okay, Azrael. Kapag nakuha ko ang gantimpala sa kapatid ko. Bibilhin ko lahat ng tanghalian mo ng sampung araw at sisiguraduhing palagi kang may itlog at drumsick kada kain! Sasabihin ko na sa kapatid ko ngayon!” Excited na sabi niya pagkatapos niyang magsalita.
“Hoy! Pinangako mong bibilhan ako ng tanghalian…’ Wala na si Henry. Wala akong magawa kundi tumawa ng mapait at umiling. Kahit na nag-isip at nagsalita na ako, hindi ko pa rin nakuha libreng tanghalian ko. Nalugi ako roon!
Sa susunod na gabi, excited pumunta si Henry sa akin at sinabing nahuli na ang salarin. Lumabas na si Steven at Frank ay nagsabwatan laban kay Cain. Ang kanilang masamang balak ay sakto sa inilarawan ko.
“Azrael, nakakahanga ka!” Naging tagahanga ko bigla si Henry.
“Anong motibo ni Frank?” Nagtatakang tanong ko.
“Haha! Lumabas na hindi lang ninakaw ni Cain ang gawa ng estudyante niya, at manyak din pala. Tinatakot niya ang mga babaeng estudyante niya na bibigyan niya ito ng mababang grado. Ang pinakamasamang parte ay nobya ni Steven ito at malayong pamangkin ni Frank!”
Hindi ako natuwa nang marinig ito. Nararapat mamatay ni Cain. Naniniwala akong walang ginawang masama si Steven at Frank.
Ngunit, may dahilan kung bakit mayroong batas. Walang lumalabag nito na hindi pinaparusahan.
Wala akong magawa kundi huminga ng malalim.
Bilang pangako, nilibre ako ni Henry ng matinong tanghalian sa cafeteria. Syempre, kasama sa pagkain ko ang paborito kong itlog at drumstick.
Pagkatapos ng hapunan, lumabas si Henry para magsaya habang bumalik ako sa kwarto para magsaliksik sa internet.
Tulad noong huling Biyernes, ako lang ang nasa kwarto. Dumidilim na.
Pagkatapos maglaro ng games ng sandali, biglang nangitim ang computer screen ko. Nagtataka ako kung anong nangyari nang lumitaw sa screen ang taong nakaupo sa harap ng computer.
Tinignan kong maigi at nagulat sa nakita ko. Halos bumagsak ako sa upuan ko.
Ang larawan, ang computer, ang lamesa, ang upuan at ang likod ng taong ay pamilyar lahat. Halatang ako ito na nakaupo sa harap ng computer!
“Heto nanaman tayo!”
Kaagad ako pinagpawisan ng malamig, at nagumpisang tumibok ang puso ko ng mabilis.
Pinikit ko ang mga mata ko at paulit-ulit sinabi sa sariling kumalma.
“Dahil parang hindi ako makatakas, haharapin ko na lang ito nang walang takot!”
Binuksan ko ang mata ko. Biglang lumitaw ang isang maliwanag na ilaw sa harap ko. Nahilo ako.
Kaagad nawala ang ilaw pero wala pa rin akong makita kundi ang dilim sa harap ko. Hindi ako makatayo sa paa ko at tuluyan nang bumagsak sa lapag.
Ngunit, ang lapag ay hindi kapani-paniwalang malambot. Para bang sa kama ako nalaglag. Hindi lang ako nasaktan, kompurtable pa ang naramdaman ko.
Makalipas ang ilang saglit, dahan-dahan kong binuksan ang mata ko. Unti-unting luminaw ang paningin ko.
Maliit na kwarto ito na parang bedroom. Nangyaring nakahiga ako sa malaking kama sa kwarto.
“Ang headline ngayon: Isang lalaking nasa thirties ang nakitang patay sa kama ng inuupahang bahay nito sa Eastport Avenue. Sabi ng kapitbahay niya na Sean Beck ang pangalan nito. Kilala ito bilang hooligan dito. Sabi-sabi na mayroon itong higit isang daang needle wound sa katawan nang makitang patay. Kahambal-hambal ang nangyari dito. Pinagsususpetyahan ng isa na ito ay sinaksak hanggang mamatay.
Ang telebisyon na nakakabit sa pader ay nangyaring nagbabalita ng impormasyong ito.
Nagulat ako. Ilalabas ko pa lang ang phone ko para tignan nang bumukas ang pinto. Isang babaeng bilingkinitan ang dahan-dahang pumasok sa loob.
“Honey…” Tumingin siya sa akin at marahan tumawag.
Halos bumagsak ang panga ko. Si Kylie Johansson ito, ang babaeng matagal ko nang gusto. Sa totoo lang, umamin ako sa kanya pero tinanggihan niya ako. Siya ang dahilan bakit ako nag adik sa mobile games.
Dahan-dahang naglakad papuntang kama si Kylie at lumapit. “Honey, maging mabait ka at manatili na lang sa bahay ngayong gabi!”
Blangko akong tumingin sa kanya.
“Mukha kang t*nga.” Inabot at hinawakan ni Kylie ang mukha ko. Nilabas niya ang lollipo sa coat niya at inanggal niya ang balat nito. “Buksan mo ang bibig mo at kumain ng lollipop!”
Takang-taka ako. Ang tanging nakikita ko ay ang maganda niyang mukha, at ang tanging naririnig ko ay ang marahan niyang salita. Naaamoy ko rin ang nakakaakit niyang pabango. Nang hindi nag-iisip binuka ko ang bibig ko tulad nang utos niya.
Teka! Parte siya ng Grim Reaper game. Hindi siya ang tunay na Kylie na kilala ko. Character lang siya sa laro!
Bumalik ako sa katinuan at kaagad na kinuha ang lollipop sa kanya.
Walang sinabi si Kylie nang hindi ko isubo ang lollipop. Tumayo na siya. “Magtatrabaho na ako. Night shift ako ulit ngayon.”
Pagkatapos n’on, lumakad siya patungo sa closet ng kama at kinuha ang uniporme ng nurse.
Pagkatapos magtaka, unti-unti akong kumalma.
Tahimik akong nanood na lumabas si Kylie sa kwarto nang naka uniporme. Maingat kong pinagmasdan ang kada galaw.
“Oh, tama.” Tumalikod si Kylie pagkatapos niyang abutin ang pinto. “Huwag kang lumabas ng gabi simula ngayon. Ang psychopatic killer na natutuwang pumatay ng tao gamit ang medical equipment ay nagpakita sa city. Limang tao na ang pinatay nitong huling buwan. Walang makitang clues ang mga police. Ngayon, usap-usapang ang pagpatay ay gawa ng multo. Nakakatakot!”
Naramdaman ko ang tono ng papg-aaalala sa kanyang boses. “Dapat ka ring mag-ingat. Bakit ka lalabas ng gabi?”
“Wala akong magagawa. Trabaho ko ito!” sagot niya, bago binagsak ang pinto.
Pagkatapos ng dalawang segundo, binuksan niyang muli ang pinto. Sumilip si Kylie at tinignan ako. “Honey, hahanapin mo ba ako pag nawala ako?”
“Syempre,” Sagot ko nang walang pag-aalinlangan.
Pinirmi ni Kylie ang tingin niya sa akin. “Kung gusto mo akong hanapin, dumiretso ka paglabas. Makakarating ka ng Drakonia Medical Center.” Pagkatapos n’on, sinara niya ang pinto at umalis na.
Nang makaalis na ito, hindi pa rin ako kumakalma. Parang totoo ang lahat. Paano ko tatratuhin si Kylie na parang character sa game?
Tinitigan ko ang lollipo sa kamay at umiling habang nakangiti. Anong kalokohan ito? Itatapon ko na sana ito nang maisip na pwede itong maging kapaki-pakinabang na gamit sa laro. Baka maibalik ko ang health ko sa hinaharap pag ako ay nasaktan.
Ang tinfoil na nakabalot sa lollipop ay medyo napunit na. ang kaunti ay nakadikit pa rin sa lollipop. Binalot ko ulit ang lollipop gamit ang tinfoil at nilagay sa bulsa.
Kaagad pagkatapos n’on, nilabas ko ang phone ko at nag log in sa Grim Reaper game.
Quest: Alamin ang nangyari sa serial murder mystery.
Mode: Single-player mode.
Time limit: Walong oras.
Completion reward: Lifespan of thirty days.
Quest difficulty: Hard
Quest description: Isa kang ordinaryong white-collar worker. Ang nobya mong si Kylue Johansson ay nurse sa Drokonia Medical Center. Nito lang, merong ilang pinatay sa siyudad. Sino ang susunod na biktima? Walang kwenta ang police investigations. Tao ba o multo ang salarin? Lahat ng sagot sa tanong ay makikita sa Drakonia Medical Center! Hanapin ang sagot. Meron ka lamang walong oras! Dapat mo ito gawin bago magdilim!