Inalis na ng librarian ang natirang libro sa lamesa habang dahan-dahan nagsasalita. “Wala kang kailangang itago. Isang dekada na akong nagtatrabaho sa Drakonia College bilang librarian at ilang beses nang nangyari sa’kin ang ganyang insidente.”
Hindi ako makapagsalita. Chismoso ang matandang lalaking ito.
‘Sa totoo lang, mali ang iniisip mo. Interesado lang talaga ako sa hiniram niyang libro,” sabi ko.
“Heheh…” Tumawa ang lalaki sa sinabi ko nang hindi nagsasalita.
Medyo nahiya ako dahil sa tawa niya. Napagdesisyunan kong hindi siya pansinin, tumalikod ako at umalis na sa library.
At pagkatapos n’un, bumalik na ang buhay ko sa normal. Pumasok ako sa klase, at natulog tulad ng kinaugalian ko. Ang tanging iba ay hindi na ko naglalaro ng kahit anong mobile games. Kapag may oras ako, nagpupunta ako sa library.
Habang nagbabasa nang tahimik, parang natuklasan kong muli ang simplemg kasiyahan noong bata pa ako.
Laging umaasang na makasalubong ulit si Suzie, pero hindi na siya bumalik pa simula noong huling punta niya sa library.
Mabilis lumipas ang panahon. Sa isang iglap, isang linggo na ang nakalipas.
Noong Huwebes, palabas na ako para magtanghalian nang nagsimulang tumunog ang phone ko. Tawag ito galing kay Henry.
Tinanong niya kung nasaan ako at kung gusto ko bang magtanghalian kasama siya sa canteen. Sinabi ko sa kanya na nasa room ako.
Hindi nagtagal nang may sumipa sa pinto.
Bang!
Pumasok si Henry habang nagrarap.
“Hoy! Pwede pang magdahan-dahan ka? Muntik mo na masira ang pinto!” Hindi ko masayang sigaw.
“Masarap lang sa pakiramdam ang pagsipa ng pinto!” Sabi ni Henry.
Minura ko siya at hindi na pinansin pagkatapos.
Nang makita ni Henry ang reaksyon ko, nilapitan niya ako at nilagay ang braso sa balikat ko. “Hoy, Azrael. Nakakita ka na ba ng masayang mobile games nito lang?”
“Hindi, ‘Di pa rin. Nagbabasa lang ako nitong mga nakaraang araw. Tumigil na ‘ko sa paglalaro ng mobile games,” sagot ko.
Tumawa si Henry. “Anong nangyari? Nagbabagong buhay ka na ba? Tumigil ka na ba sa paglalaro ng mobile games at nagsipag mag-aral?”
“Baka dapat ka na rin tumigil sa paglalaro…” Maamo kong sabi.
“Sige. Maganda rin namang magbasa! Tara na’t kumain. Ako taya sa tanghalian. Gamit ko ang card ko!” Sabi ni Henry.
“Bakit mabait ka ngayon? Hindi ka ganito. Diretsuhin mo ako!”
“Anong hindi ako ganito? Mabait naman talaga ako!” awkward na sabi ni Henry.
Pagkatapos n’on, bigla niyang inaba ang boses niya. “Azrael, narinig mo ba ang murder case sa kapitbahay nating college, Drakonia College of Science and Technology?”
“Oo naman. Nilason ang professor at namatay doon,” sabi ko.
“Gusto mo bang imbestigahan ang kaso? Ang ibig kong sabihin, alamin natin ang katotohanan sa likod ng pagkamatay niya,” sabi ni Henry.
Binigyan ko si Henry ng nagulat na tingin. Hindi ko maintindihan kung bakit nag-alok siya ng ganoong ideya. Gagawin ba ng isang estudyanteng masangkot dito?
“Bakit bigla kang naging interesado dito?” Pagtataka kong tanong.
“Hehe…” Parang tangang tumawa si Henry. “Sasabihin ko sa’yo ang katotohanan. Police officer ang kapatid ko. Alam mo iyon. Ang kasong ito ay na italaga sa kanya ngayon.”
“Ano namang kinalaman mo dito? Hindi ka naman police officer,” sabi ko.
“Naghapunan kami kagabi. Nabanggit niya nag kaso. Medyo nasobrahan ako sa inom at nagumpisang magyabang kung gaano kadali ang kaso. Nag away kami.”
“Anong nangyari?” Tanong ko.
“Nagpustahan kami… Hindi ko kailangang malaman kung sino ang pumatay. Kailangan ko lang makapagbigay ng kapaki-pakinabang na clue para makakuha ng magandang gantimpala!”
Hindi ako makapagsalita. Kilala ko si Henry, hindi ito kagulat-gulat.
“Ang gantimpala ay para sa’yo, hindi sa akin. Wala akong kinalaman diyan. Ayoko!” Matigas kong pagtanggi.
“Azrael, dali na! Matalas ang mata mo, matalino ka, at puno ng kaalaman. Hindi ba’t madali lang sa’yo ang paghahanap ng clue?” Sinubukan akong hingkayatin ni Henry.
Sa totoo lang, medyo natuwa ako sa sarili ko sa sinabi niya. Ngunit, malinaw na tinatanggihan ko ang alok niya.
“P*ta. Wala kang puso. Pinahalata ko na nga sa’yo. Bakit hindi ka pa rin pumapayag?” Bigong sabi ni Henry.
“Henry, sa tingin mo ba madadaan mo ako sa isang tanghalian? Mukha ba akong ganoon tao sa’yo?” Binigyan siya ng tingin sa gilid.
Mabilis na nakasabay si Henry, naintindihan agad ang pahiwatig. “Babayaran ko ang tanghalian mo sa 10 araw,” sabi niya habang nakangitngit ang ipin.
“Ang kada tanghalian ay dapat may itlog o drumsik, kundi ang sagot ay ayaw ko,” sabi ko.
“Sh*t! Negosyante ka! Hindi ko kayang bayaran iyon kahit na ibenta ko ang mga gamit ko! Mukha kang gentleman sa labas pero hayop ka. Wala kang puso…” Reklamo ni Henry.
“Oo ba o hindi?” Kalmado kong tanong.
Kaagad na ngumiti ng pilit si Henry. “Oo, oo! Tinatanggap ko ang alok mo!”
Ngumiti ako. “Sige. Walang paligoy-ligoy! Sabihin mo kung anong alam mo.”
“Sige.” Nag-isip ng sandali si Henry. “Ang insidente ay nangyari tatlong araw na ang nakakalipas. Noong gabing iyon, naghahapunang magkakasama sina Cain Wood, Jamie Freeman, Frank Cohen, and Steven White galing Drakonia College of Science and Technology. Hati-hati sila ng pagkain at alak, pero si Cain lang ang nalason at namatay. Ang natirang tatlo ay ayos lang. nakakataka,” paliwanag ni Henry.
“Sabihin mo sa’kin ang detalya ng apat,” sabi ko.
“Ang buktima ay si Cain na isang associate professor ng chemistry sa college. Habang si Jamie ay professor ng mathematics, si Frank ay professor ng philosophy at si Steven ay postgraduate student na tinuturuan ni Cain.”
“Ang relasyon nila? May ideya ka ba?” Tanong ko.
“Base sa sinabi ng kapatid ko, maganda ang relasyon nilang lahat sa isa’t-isa. Ngunit meron lang kataka-taka. Palihim na merong mga hindi pinagkakasunduan ang mga ito. Kaya ang suspetsa ng kapatid ko na ang pumatay ay nasa grupo nila,” sabi ni Henry.
“Hmm. Ituloy mo,” sabi ko.
“Mahilig si Jamie mag-invest as stock market, habang si Cain ay walang clue tungkol sa stock investing. Noon, humiram si Jamie ng 15,000 dollars kay Cain, nangakong 60% nang kita ang ibibigay nito kay Cain habang 40% ang mapupunta sa kanya. Noong una, kumikita sila. Pero, nang bumagsak ang stock market sa bansa nitong taon, ang mga retail investors ay sobrang nalugi. Nagastos niya ang lahat ng kapital at hindi maibalik ang pera na hineram kay Cain.”
Tumango ako. “Kung mawala ang creditor niya, hindi na kailangan magbayad ni Jamie ng utang. Ang motibo niya sa pagpatay ay halata.
“Para naman kay Frank… Hindi pa kami nakakahanap ng hindi nila pagkakasunduan ni Cain sa ngayon.”
“Eh si Steven? Meron ba silang hindi piangkakasunduan?” Tanong ko.
“Ayon sa kaklase ni Steven, nagsulat ito ng magandang thesis noong nakaraang taon. Ngunit, natuklasan nilang ang thesis ay nakalathala sa pangalan ni Cain,” sabi ni Henry.
“G*ago. Ninakaw niya ang ang gawa ng estudyante niya. Kakila-kilaot. Kung ako si Steven papatayin ko rin siya,” galit kong sabi.
“Haha! Mas biolente ka sa akin. Sa tingin ko mas may potensyal kang pumatay kaysa sa akin,” sabi ni Henry.
“Sige. Paano namatay si Cain?” Tanong ko.
“Sabi ng medical examiner na ang kaso ng poisoning ay dahil sa high-concentration cyanide.”
“Hmm. Ang Cyanide ay mataas na uri ng toxic substance na hindi kailangan maging sobrang concentrated. Maaaring makalason at makapatay ng ilang minuto. Talaga bang naghati silang apat ng pagkain at inumin? Kung sa pagkain at inumin hinalo ang lason, hindi ba dapat silang apat ang namatay? Napapaisip ako saan nilagay ang lason.”
“Nasa alak. Sa bote ng 1997 Roman-something wine. Masyadong mahirap bigkasin ang pangalan. Hindi ko maalala,” sabi ni Henry.
“1997 Romanée-Conti?” Tanong ko.
“Ah, oo. Iyon nga,” tango at sabi ni Henry.
“Mahal ang wine na ito. 1,500 dollars ang kada bote! Sinong iinom ng alak na ganoon kamahal kung hindi naman mahalaga ang okasyon? Parang may nangyaring hindi natin alam. Ang cyanide ay nasa wine!” Sigaw ko.
“Oo. Ang bote ng alak ay naubos, and residue ng cyanide ay nakita parehas na bote at baso ni Cain,” sabi ni Henry.
“Hindi nakakagulat na ang cyanide residue ay nasa baso ni Cain pero nakakataka na nasa bote rin ito. Paanong hindi nalason ang tatlo?” Malakas kong pag-iisip.
“Saglit. Sinong bumili ng wine?” Tanong ko.
“Si Cain. Siya rin ang nagpaparty. Base sa statements na nakolekta ng kapatid ko sa tatlo, masaya si Cain habang nasa party. Palagi silang tatlong sinasalinan ng alak,” sabi ni Henry.
Nagsimulang sumakit ang ulo ko. Si Cain ang bumili ng wine at siya rin ang nagsasalin ng wine. Sa huli siya ang nalason at namatay. Paano ito maipapaliwanag ng kahit sino?
“Ang bot? Kaninong fingerprints ang naroon?” Tanong ko.
“Kay Cain lang,” sagot ni Henry.
Kinamot ko ang ulo ko. Nakakataka. Hindi kaya nagpakamatay si Cain? Parang hindi naman, parang pinatay ito.
Kung ang lason ay nilagay sa bote, bakit si Cain lang ang namatay? Bakit hindi nasaktan ang tatlo? Kung ang lason ay nilagay sa baso niya, bakit meron ding lason ang bote? Lalo na’t fingerprints niya lang ang nakita sa bote. Nakakataka talaga.
Paano nilason ng salarin si Cain? Anong paraan ang ginamit niya?
“Well? Nasabi ko na ang dapat kong sabihin. Kung wala kang klase mamaya, samahan mo ako sa kapitbahay na college. Ano sa tingin mo?” tanong ni Henry.
“Manahimik ka!”
“Sige, sige. Mananahimik ako,” sabi ni Henry at nanahimik na.
Nagisip ako nang tahimik at inaalalang maigi ang impormasyong nakuha.
Nalaman ng culprit ang tungkol sa party nang maaga. Iyon ang paraan para mahanda niya ang lason at makagamit ng espesyal na transparent na klase ng sticker sa daliri niya para maiwasan ang pagiwan ng fingerprints sa bote.
Maagang nalaman ng culprit ang party. Si Jamie, Frank, at Cain ay magkatrabaho. Si Steven na estudyante niya ang pinaka malapit kay Cain. Siya ang malamang nakaalam tungkol sa party ng maaga.
Steven! Studyante siya ni Cain at postgraduate student ito sa chemistry…
Bigla, may ideya akong naisip. “Ahh! Alam ko na. kung si Steven, ganito niya nilason si Cain!”
“Anong sinasabi mo?” Nagulat si Henry.
Tiyak akong ngumiti. “Kung hindi ako nagkakamali, si Steven ang malamang na pumatay. Syempre, hindi ibig sabihin wala itong kasabwat. Sa kahit anong kaso, si Steven ang pinaka suspect. Sabihin mo sa kapatid mo na imbestigahan si Steven. Tutukan ang mga tao sa paligid nito. Sigurado akong may mahahanap ang kapatid mo!”
Parang nagulat si Henry. “Seryoso? Bakit sa tingin mo si Steven? Anong rason?”