Kabanata 4 Ang Unang Engkwentro kay Suzie

1774 Words
Pagkatapos mag tanghalian, naghiwa-hiwalay na kaming tatlo. Pauwi, nilabas ko ang phone ko at pinindot ko ang Grim Reaper Game. Pagkatapos mag-log in, pinindot ko ang quest panel. Current quest: Tumakas mula sa haunted dormitory (Complete). Mode: Single-player mode. Quest difficulty: Normal. Completion rate: 40%. Completion reward: Lifespan ng sampung araw at apat na reincarnation points. 40% lang ang natapos ko! Parang marami akong hindi nalamang sikreto sa Haunted Dormitory. Siguro kailangan kong mag imbestiga nang maigi para makumpleto ang Completion Rate. Ano ang Reincarnation Points? Ang points na binigay ay parang may ugnayan sa completion rate ng quest. Para saan ang points na iyon? Hindi sapat ang impormasyon kaya tumuloy akong magbasa. Hindi ko pa rin maintindihan ang level og difficulty sa Grim Reaper game. Kaya pinindot ko ang salitang ‘Normal’. Limang salita ang lumabas. Ito ang ‘Normal’, ‘Hard’, ‘Lethal’, ‘Nightmare’, at ‘Hell’, na magkakasunod. Ang salitang ‘Normal’ ay naka puti, habang ang iba ay, naka gray. Ibig sabihin nito na ang Quest na nakumpleto ko ay nasa pinaka mababang level. Hindi ko magawang hindi magreklamo. Kahit ang pinakamababang level ay mahirap para sa akin. Mamamatay at mamamatay ako sa Grim Reaper game! Saka ko pinindot ang character panel. Pangalan: Azrael Clark. Kasarian: Lalaki. Edad: 19 Occupation: Second-year na estudyante sa Faculty of Journalism, Drakonia College. Saka ko mabilisang tinignan ang basic profile ko. Lifespan: Sampung araw. Ano? Sampung araw na lang ako mabubuhay? Hindi ko naintindihan ang salitang ‘lifespan’. Uri ba ito ng currency sa laro o… Ibig sabihin sampung araw na lang ako mabubuhay? Ngunit… Grim Reaper! Ang Grim Reaper sa alamat ang in charge sa buhay at kamatayan ng mga tao! Ang sagot ay halata. Lumalabas na nakakuha ako ng sampung araw sa pagkumpleto ng Begginer’s quest. Kung hindi ko ito kinumpleto, baka namatay talaga ako. Title: Scapegoat. Nanliit ang puso ko sa nakita kong ‘title’. Sa aking palagay, walang pinaka pangit na title. Pinindot ko ang salitang ‘Scapegoat’ para sana palitan ang title. Hindi ako natuwa sa kasalukuyan kong title. Pagkatapos ko ito pindutin, hilera ng salita ang lumabas pagkatapos ng salitang ‘Scapegoat.’ Meron nga talagang ibang title! Lumingon ako at nakita ‘Mortal’, ‘Paranormal Detective’, ‘Soul Hunter’, ‘Spokesperson of Death’, at ‘Agent of Death’ katabi ng ‘Scapegoat’. Ngunit, ang ibang title ay naka gray. Hindi ko pwedeng piliin ang iba. Base sa ibig sabihin ng mga salita, ang pinaka malayong title sa kanan ang pinaka makapangyarihan. sa ngayon, nabibilang ako sa pinaka mababang kategorya, ‘Scapegoat’. Ang mga title na ‘yun ang nagpaalala sa akin ng ranking sa online games. Basta’t natatapos ko ang Quest na ibinigay sa akin ng Grim Reaper game, masasabi kong makakaangat ako sa rank at tuluyan nang magiging ‘Mortal’, ‘Paranormal Detective” at ang pinamataas, ‘Agent of Death’! Bigla kong naalala ang promotional text ng Grim Reaper Game. “Ang kilos mo ang magtutukoy sa kilos ng Grim Reaper.” Ano ang ipinapahiwatig ng pangungusap na iyon? Ibig sabihin ba na kung maging Agent of Death ako, mabibigay ako ng kapangyarihan tulad ng Grim Reaper? Hindi ko na masyadong inisip pa. Kung tutuusin, malayo pa ang tatahakin ko. Hindi pa rin sigurado kung matatapos ko iyon. Reincarnation point: 4 points. Ano kaya ang ibig sabihin ng Reincarnation Points? Tataas kaya ang lifespan ko pag kinumpleto ko ang mga Quest? Pero ang reincarnation points ay parang may koneksyon sa Completion Rate ng Quest. Ibig sabihin ba nito na mas mahirap makakuha ng points na ito kaysa sa lifespan. Hula ko na ang Reincarnation points ay magagamit sa pag upgrade ng title ng tao pero magagawa lang iyon kapag sapat na ang Reincarnation Points. Special ability: None. Ang ilang title sa column ay siguradong hindi babalewalain ang panganib sa Grim Reaper game. Kung mas mataas ang panganib, mag malaki ang reward. Ang player na nakaranas ng banta sa buhay ay makakakuha ng especial na abilidad na imposibleng makuha ng ordinaryong tao! Ang prinsipyo ng panganib at gantimpala ay hindi magbabagong katotohanan. Walang libre sa mundo. Pagkatapos tignan ang character panel, mas maintindihan ko na ang laro. Parang alam ng Grim Reaper kung paano makipagsabayan sa panahong ito! Ang Grim Reaper game ay gumaya ng ibagns etting sa online games. Siguro, ang Grim Reaper ay kumukuha ng buhay habang sinusulat ang pangalan ng mga ito sa notebook pero ngayon nakapasok na tayo sa digital age. Kung kumukuha pa rin ng buhay ang Grim Reaper gamit ang notebook, lalabas ito bilang makalumang tao. Ang may ari ng kumpanya ng laro siguro ay agn Grim Reaper mismo, nagtatago, at walang kaalam alam ang empleyado niya. Siguro akala nila ay nagtatrabaho sila sa ordinaryong mobile game. Pagkatapos umalis sa character panel, pinindot ko ang store panel. Hindi ba’t libre ang Grim Reaper game? Kailangan kong malaman kung anong nasa store at kung libre ba ang mga ito. Ang mga gamit sa sotre ay nakahati sa tatlong main category, ang consumable items, permanent items, at ability enhancement items. Pinindot ko ang consumable item section. Ang unang gamit sa listahan ay kaagad nakuha ang atensyon ko. Cow Tears: Ilagay sa eyelids para makakita ng spiritual na nilang panandalian. Unit: One bottle (0.3 oz) Price: Lifespan of sampung araw. Ibig sabihin ba nito makakakita ako ng multo kung ilalagay ko ito sa eyelids ko? Ghost Amulet: Pigilang makalapit ang evil spirits sa pamamagitan ng awtomatikong pagsunog sa kanila kapag lumapit sila ng 30-feet radius. Tumatagal ng isang minuto. Unit: One stack (ten pieces). Price: Lifespan of tatlumpung araw. Magaganda ang mga ito. Ang unang item ay pahihintulutan kang malaman kung meron bang evil spirit habang ang pangalawa ay pipigilang makalapit ito ng panandalian. Ang mga gamit na ito ay napaka praktikal. Malas lang at 30 days lifespan ito na hindi niya mabibili. Hindi ba nila mabebenta ng tingi ang Ghost Amulets? Nag scroll ako pababa. Hindi mabilang ang consumable items, tulad ng asin, spiritual candle, at mga krus. Ang mga gamit na ito ay konektado sa exorcism. Siguradong libre ang mga ito. Ngunit, hindi ito mabibili kung wala silang pera, mapapapalitan lang ito gamit ang lifespan. Grabe naman sa pagiging libre! Parang wala nang libre sa mundo. Bobo na lang ang maniniwala doon. Pagkatapos tignan ang consumable itmes, tinignan ko naman ang permanent items at kinumpara sa dalawa. Simple at praktikal ang consumable itesm. Ang mga bagay na to ay kaagad na eepekto pero may hangganan. Ang mga gamit na ito ay talagang limmitado sa pagtaboy ng evil spirits, multo, detoxifying, paggaling, at pagtulong ng tao. Mahihirapan pa ring pumatay ng evil spirits kahit meron nito. Ang permanent items ay iba. Ang mga ito ay halatang mag makapangyarihan kaysa sa consumable. Magagamit itong pang atake o pang dipensa, pero ang presyo ay napaka taas. Sword of Exorcism: Mababang klase ng armas na may kaunting Lethality panlaban sa masasamang espiritu. Unit: One. Price: Lifespan ng anim na buwan. Copper Sword: Mababang uri ng armas na may disenteng lethality laban sa masamang espiritu. Unit: One. Price: Lifespan ng isang taon. Ang dalawang armas ay may mababang ranggo. Sunod naman ang mas mahal ng kaunting armas tulad ng, Bibliya, Spiritual Camera at iba pa. Ang mataas na klase ng armas ay nangangailangan ng hindi bababa sa 100 lifespan para mabili. Ang mga gamit na iyon ay imposibleng makuha. Pinunasa ko ang pawis sa noo ko. Nag laro ay halatang hindi karaniwan. Ang isang salita ng Exorcism ay nagkakahalaga ng anim na buwang lifestan. Joke ba ito? Sa wakas ay tinignan ko ang abilidad ng enchancement items, pinapakita na ang level ko ay hindi pa ganoon kataas para makita ito. Nang hindi nagdadalawang isip, ang unang dalawang kategorya ay transitional items. Depende sa hirap ang pangangailangan. Samantalang, ang pangatlong kategorya ay mas pinagandang likas na abilidad. Halata naman, na ang mas mataas na ranggo ay mas mataas na requirements. Pagkatapos mabasa tungkol sa Grim Reaper game, bigla akong nakaramdam ng pagmamadali. Kapangyarihan ang kaalaman! Hindi ako dapat maguluhan. Kundi, baka hindi ako mabuhay sa susunod na Quest. Nakapagdesisyon akong pumunta ng library at maghanap ng impormasyon. Ang bagong library ng Drakonia College ay may walang palapag na may libo-libong libro. Kaagad akong nagsimulang maghanap pagkarating na pagkarating. Buong maghapon akong naroon. Siguro mga six o’clock ng gabi ay nag umpisa na akong mapagod. Minasahe ko ang leeg ko at napagdesisyunang humiram ng ilang libro para basahin paguwi. Biglang may isang librong nakakuha ng attention ko. “Hitler and Black Magic.” Mukhang interesting. Malakas ang kutob ko. Aabutin ko na sana ang libro nang may mangyari. Nakakita ako ng makinis na kamay na inaabot ang libro bago ko maabot. Nagulat ako ng sandali. Nang lumingon ako, nakakita ako ng may mahabang buhok na naglalakad. “Ang bilis niya!” Bulong ko habang pinapanood siya sa likod. Bigla akong may nakita sa lapag. Library card ito. May litrato ng magandang babae. Ang pangalan niya ay Suzie Collin. Hinabol ko ang babae, “Miss, miss. Iyo ba ito?” Tumigil ang babae at lumingon sa akin. ‘Ang gandang babae!’ Isip-isip ko. May maganda siyang facial feature at may mahaba at malambot na buhok. Sa isang tingin titibok talaga ang puso ko. Kahit na maganda ito, parang walang buhay ang mata niya. Parang may gumugulo sa kanya. Para bang narito siya pero ang kaluluwa niya ay nasa ibang lugar. “Ay, salamat.” Mahinahong sabi. Saka niya kinuha ang library card sa akin at tumalikod na para umalis. Napatigil ako ng ilang sandali. Iniisip ang mata niya. Sa totoo lang ngayon lang ako nakakita ng ganoong parang walang buhay. Sobrang kakaiba. Ibang-iba ang itsura sa litrato kung saan ang mata niya ay malinaw at maliwanag. Nang makabalik ako sa realidad, nasa may librarian na ito. Kaagad ko itong sinundan. Ang librarian ay nasa 50 hangang 60. Meron siyang parehs ng makalumang salamin. Nang malapitan siya ng babae, tumango siya at ngumiti. Nilagay ng babae ang library card niya at libro sa lamesa. Nagscan na ng libro at library card ang librarian gamit ang barcode scanner. Beep. Beep. “Tapos na,” Sabi ng librarian. Lumapit akong kaunti sa kanya para massilayan siyang muli bago niya tinago ang mga gamit niya at umalis. Blanko ko siyang tinignan sa likod. Hindi lubos malimutan ang walang buhay tignan ng mata niya. Kaya nagtataka ako tungkol sa kanya. “Anong problema? Nakuha niya ba ang atensyon mo? Hindi mo mapigilang ‘di tumitig.” Nagambala ng iba ang iniisip ko. “Huh?” Bumalik na ako sa realidad. Ang librarian ito, nakikipag usap sa akin. “Hindi. Mali ka ng iniisip.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD