Chapter 3 Ang muling pagtatagpo

1805 Words
Meyerkules santo. Laking tuwa na Judah na sa wakas natagpuan niya muli ang babaeng iyon, ngunit ang galak ng kanyang puso ay tinatalo ng hiya upang lapitan ang babae at kausapin. Pagkatapos ng kanyang maiksing dasal, agad tumayo ang babae at dali-daling umalis. Sinundan ito ni Judah ng tahimik at naghahanap ng tamang panahon na makausap ito kahit saglit lang. Ngunit  tila nawawalan siya ng lakas upang kausapin ito, nakakukuntento na lamang itong sulyapan at sundan ang babaeng nakatakip ng bandanang itim. Halos inabot na ng kalahating araw ang pagbubuntot ni Judah sa nasabing babae. Sa tuwing pumapasok ito sa bawat kapilyang nadadaanan upang mag-alay ng dasal, matiyaga at lihim siyang na naghihintay sa labas. Dahil marami naman ang mga  namamanata, hindi nahahalata si Judah sa kanyang pagsubaybay sa babae iyon. Habang tumatagal ang pagsunod niya, mas lalong tumitindi ang kakaibang pag-nanasa na makilala niya ang babaeng iyon. Ang lakad nitong napakahinhin, ang napagandang tindig at maamong mukha ay napagandang tanawin para kay Judah na siyang humahalina sa kanya upang itoy hindi lubayan. Hindi niya maipaliwang kung bakit nahuhumaling siya sa babaeng iyon, tila may isang kakaibang lakas ang humihigop sa kanyang pagkatao upang lapitan at sundan ito kahit saan. Ang pagod na katawan dahil sa ilang oras na paglalakad ay napawi mula ng muli niyang nakita ang babaeng iyon. Magtatanghali na at nakita niya ang nasabing babaeng lumapit sa mga nagtitinda ng pagkain. Dahil maraming mga mamanalata na dadalo sa islang iyon taon taon, sinasamantala na rin ito ng mga taga roon na magtinda ng kung ano-ano sa tabi ng daan. Mula sa tubig, mga prutas, pagkain, at maging mga pasalubong nakahira ito sa dinadaanan ng mga namamanata. Nakita niyang itong may bitbit na pagkain at umupo sa isang lamisa. Naisip ni Judah na ito na pagkakataon na malapitan at makausap niya ang babaeng iyon. Bitbit din ang binili niyang pagkain agad lumapit si Judah sa babaeng kasalukuyan kumakain mag-isa. “May kasama ka?” tanong nito. “Wala naman” Sagot ng babae. “Pwede bang maka share ng lamesa?” sabi ni Judah. “Oo naman.” Sagot naman ng babae habang dahan-dahan inusog palapit sa kanya ang mga plato na naglalaman ng kanyang pagkain upang bigyan ng espasyo si Judah. Dali-dali naman umupo si Judah sa harap ng babaeng iyon. Samantala patuloy sa dahan-dahan na pagsubo ang babaeng iyon sa kanyang kinakain, habang si Judah lihim itong sinusulyapan. Unang natapos ang babae sa kanyang pagkain at tumayo na ito mula sa lamesa na kanyang kinakainan. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Judah ng makita niya na naglakad itong palayo. Agad siyang tumayo at dali-daling uminom ng tubig upang habulin ang babaeng iyon, ng biglang lumingon at bumalik ang babae sa lamesa kung saan ito kumakain. Napatitig si Judah habang naglalakad ang babae dahan-dahan pabalik. Naiwan pala ang maliit na dalang handbag nito sa kanyang kinauupuan kanina. Napangiti ang babae habang dinadampot ang naiwang bag at sa kanyang paglalakad palabas mula sa maliit na carenderia nakabundot na si Judah. “May kasama ka bang naglalakad?” tanong ni Judah. “Wala.” Maiksing sagot nito. “Pwede bang sumabay sa iyo? Nag-iisa din kasi ako.” Sabi naman ni Judah. “Mabagal akong maglakad, at saka dinadaan ko lahat na kapilya baka matatagalan ka.” Sagot naman ng babae. “Ok lang, first time ko kasing maglalakad at umikot sa islang ito, kung okay lang sa iyo sasabay ako para may kausap din ako.” Nakangiting sabi ni Judah. Ngumiti lang ang nasabing babae at bahagyang sumulyap kay Judah habang naglalakad ito. Samantala hindi naman magkamayaw ang damdamin ni Judah sa oras na yun dahil sa wakas nakausap at nakasabay na niya sa paglalakad ang babaeng lihim na hinahangaan. Palihim na sinusulyapan ang napagandang pagmumukha na tila may hatid na mesteryo dahil sa nakatakip ng bandanang itim na suot nito. Hindi masalita ang nasabing babae, ngunit sumasagot naman sa mga paminsan-minsan tanong ni Judah. “Hindi mo ba ako natatandaan?” Tanong ni Judah. “Ako yung doctor na tumingin sa iyo noong nadaan ka naming hinimatay sa tabi ng daan, ako si Doctor Judah Angeles.” Dagdag nito. Biglang tumigil ang babae sa kanyang paglalakad at tumitig kay Judah. Isang kakaibang titig na tila tumatagos sa puso ni Judah. Ngumiti ito at yumuko sabay takip ng kanyang mukha na parang naiilang at nahihiya. “Ikaw pala yun, pasensya na naabala kita Doc sa panahon iyon at salamat na rin sa tulong at pag-aalala mo.” Sabi ng babae na nakangiti ngunit nakayoko at hindi makatingin kay Judah. “Ako si Judah Angeles” Sabi ni Judah sabay abot ng kanyang kamay sa babae. “ Nice meeting you.” Dagdag nito. “Eliza, Eliza ang pangalan ko Doc.” Sagot naman nito habang kinakamayan si Doctor Judah Angeles. Noong naglapat ang kanilang mga palad, ramdam ni Judah ang lambot ng mga kamay nito na tila nag-dadala ng kakaibang pakiramdam sa kanyang buong pagkatao. Maraming beses na naman siyang nakipagkamay sa isang babae, ngunit ngayon lang niya ito naramdaman, ang pakiramdam na tila isang kiliti na pumupukaw sa kanyang pagkatao. Binitawan lamang niya ang kamay ni Elisa ng naramdaman niya itong pilit at dahan-dahan hinatak ng dalaga. Hindi na humihiwalay ni Judah kay Eliza at kasama itong nakabundot sa kahit saan nagpupunta ng dalaga. Sa tuwing pumapasok ito sa bawat kapilya na kanilang nadaanan, matigaya itong nakaupo sa isang sulok habang pinagmamasdan si Eliza na naka luhod at nagdarasal. “Pwede bang malaman ang dahilan kung bakit ka namamata?” tanong ni Judah. “Pasensya na, may pamamahiin kasi akong nalalaman. Para sagutin ang iyong mga hiling habang naglalakad ka paikot sa islang ito, dapat wala kang dapat pinag-sasabihan kundi ang Diyos lang.” Nakangiting sagot nito. “Kaya ako hindi na rin kitang tatanungin kung ano ang iyong dahilan at mga hiling.” Dagdag ng dalaga. Nalaman ni Judah na taga roon pala sa islang iyon si Eliza at limang taon na niyang ginagawa ang pamamanata sa tuwing sasapit ang semana santa. Marami mga bagay bagay tungkol sa buhay isla ang nalalaman ni Judah mula kay Eliza; pati na rin ang pangalan ng lugar na kanilang na dadaanan at iilang tourist spots na dapat daw niyang mapuntahan. Ngunit sa dinami-dami ng kanilang napag-usapan hindi man lang na kwento ni Eliza ang mga bagay tungkol sa kanyang sariling buhay, ni kanyang apelyido hindi ito nabangit. Ang tanging alam lang ni Judah ay siya si Eliza ang babaeng taga Isla. Habang tumatagal ang kanilang pag-sasama mas lalong napalapit ang loob ni Judah kay Eliza. Tila na wala na rin ang pagkamahiyain ng dalaga, ngunit napapansin ni Judah na sa tuwing nag-tatanong siya ng mga personal na bagay, tulad sa kung saan siya nakatira at tungkol sa kanyang pamilya, pansin niyang iniiba nito ang usapan. Sumapit ang takip silim at kitang-kita nila ang napagandang paglubog ng araw. Ang kulay dalandan na kalangitan at mga huni ng ibon sa dapit hapon ay nagdudulot ng kakaibang karanasan sa tulad niyang lumaki sa matao at maingay na siyudad ng Manila. Mangha-mangha si Judah sa ganda ng tanawin ngunit para sa kanya, wala ng mas maigaganda pa sa isang tanawin nasa tabi niya, ang napagandang dilag na si Eliza. Nakatayo ang dalawa sa isang maputi at napakalinis na dalampasigan, habang  sa hindi kalayuan ay may mangilan-ilan ding mga mamanata na tumigil muna pansamantala upang saksihan ang paglubog ng araw. “Dito muna tayo magpapahinga.” Sabi ni Eliza habang dahan-dahan umupo sa mapuputing buhangin. Dali-dali naman umupo si Judah at pagkalapag ng kanyang puwitan sa buhangin ramdam niya ang kaginhawaan mula sa mahaba at nakakapagod na paglalakbay. Huminga siya ng malalim at nilalanghap ang napakabango at napa dalisay na simoy ng hangin na dila sumasabay sa bawat hampas ng mga alon. Dumidilim na, nakikita niya namumulot ng mga tuyong dahon at pira-pirasong maliit na kahoy si Eliza upang gumawa ng apoy. Habang lumiliyab na ito, kitang-kita niya ang tila kumikinang nakagandahan ng dalaga. Nakangiti ito habang ginagatongan ang apoy at sa unang pagkakataon nakita niya ang buong kagandahan ng pagmumukha ni Eliza ng tanggalin nito ang bandaang itim at inilatag sa buhangin, humiga ito sabay tumingala sa langit na tila nagbibilang ng mga bituin. “Naranasan mo na bang matulog sa tabi ng dagat na walang banig at kumot kundi apoy lang ang nasa tabi.” Nakangiting tanong ni Eliza. Hindi nakasagot ni Judah at nakatitig lamang ito kay Eliza. “May dala ka naman jacket yan ang gawin mong banig at magpahinga ka muna.” sabi ni Eliza. Agad hinubad ni Judah ang dalang jacket at inilatag sa buhangin at dahan-dahan humiga. Ang sarap sa pakiramdam ng lumapat ang kanyang likod sa mainit-init na buhanginan. Ang maliit na mga bato na bahagyang tumusok-tusok sa kanyang likuran ay tila menamasahe ang pagod niyang katawan. Pagsulyap niya kay Eliza nakikita niyang nakapikit na ito. Tiningan niya ng palihim ang napakagandang babaeng iyon; na kahapon lang niya hinahanap- hanap at kanila lang nakausap, pero ngayon halos ilang dangkal lang at apoy lang ang naghihiwalay sa kanilang dalawang magkatabing matulog. Lihim na humahanga si Judah sa ganda ni Eliza na sa gitna ng dilim tila isang mapang-akit na liwanag. Pumikit siya saglit upang namnamin ang sandaling iyon na ninanais niya na sana hindi na magtatapos, hanggang hindi niya namalayan na nakatulog na siya, at nagising na lang, ng naramdamam niyang may humalaplos sa kanyang katawan. Pagmulat niya kita-kita niya si Eliza sa kanyang mapang-akit na ngiti. Dahan-dahan hinahaplos ang kanyang mukha, nilalaro ang kanyang mga labi, dahan-dahan pababa sa kanyang leeg  at paakyat sa kanyang mga taenga. Hindi na nakakibo si Judah na nabigla sa mga pangyayari. Nag-init ang kanyang buong katawan ng dahan-dahan dumangan sa kanya si Eliza. Ang malalambot na katawan nito at malalagkit na tingin ay gumigising sa kanyang kalamnan. Dahan-dahan niyang sinasalubong ang paglalapat ng nag-aapoy nila mga labi. Simula ng anurin sa laot ng makamundong pagnanasa si Judah, ng biglang tumayo ang dalaga, hibubad ang kanyang kasuotan at dahan-dahan naglalakad papunta sa dagat. Aninag ni Judah ang h***d at buong kagandahan ng babae. Dahan-dahan itong tumayo upang sundan si Eliza sa kanyang mapag akit na lakad habang unti-unti nilulubog ang katawan sa tubig. Lumingon ito, ngumiti bago sumisid. Lumipas ang ilang minuto ngunit hindi niya nakitang pumaibabaw muli si Eliza, at napapansin niya wala ng gumagalaw sa tubig. Sumisid siya upang hanapin ito, ngunit dahil sa dilim hindi niya nakita ang dalaga. “Eliza! Eliza!” singaw ni Judah na nagsimula ng mag-alala sa kung ano na ang nagyayari dalaga . Pagtingin sa paligid, wala na siyang ibang nakitang mga tao na pwedeng hingi-an ng saklolo. Tahimik ang lugar, ang tanging nakikita niya ay ang liwanag na galing sa ginawa nilang apoy. “Eliza! Eliza! Nasaaan ka na !” singaw ng labis na nag-alalang si Judah. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD