Martes Santo.
Tulog pa ang karamihan maliban sa isang katiwala ng resort nang bumangon si Judah. Sa kabila ng pagod mula sa mahabang bayahe mula Manila hanggang Camiguin, hindi pa rin siya nakatulog ng maayos. Buong gabi ay tila may bumubulong sa kanya na subukang umikot sa isla kasabay ng mga namamanata. Maliban doon, ang isa pang dahilan ay nais niyang makita muli ang babaeng nadaanan nilang hinimatay sa daan. Mula kahapon hindi na ma alis-alis sa kanyang isipan ang pagmumukha ng babaeng iyon at hindi niya alam ang dahilan, basta ang nais lang niya ay makita at makumusta ang kalagayan ng babaeng iyon, isang kakaibang pagnanasa na ngayon lang niya naramdaman.
Kasabay ng pagsikat ng bukang liwayway makikitang nag-iisang naglalakbay si Judah. Marami na ring mga namamanata na naglalakad na kanyang nalalagpasan. Ibat-ibang uri ng mga tao ang nandodoon. Lalaki, babae, matanda, dayo, magkakaibigan at maging buong pamilya; bawat isa ay pasimple niyang tinitingnan ang mga pagmumukha sa pagbabakasakali na muli niyang makita ang babaeng kanyang hinahanap.
Mataas na ang ng araw, unti-unti ng napapansin ni Judah ang sakit ng sikat nito at nag-umpisa na siyang mapagod. Pansamantala siyang sumilong sa isang lilim ng punong kahoy upang magpahinga. Habang nakaupo siya at umiinom ng tubig, isang mamang nakasaklay ang dahan-dahan dumaan sa kanyang harapan; dahan-dahan ngunit patuloy sa kanyang paglalakbay na tila hindi napapagod kahit ito ay naglalakad na pa ika-ika.
Sinusundan ni Judah ng tingin ang mamang iyon sa kanyang usad pangong na paglalakad. Manghang-mangha siya sa lakas ng loob ng taong iyon na sa kabila ng kanyang kapansanan hindi ito nagpapatinag. Natanung siya sa kanyang sarili kung ano kaya ang kahilingan ng taong iyon na ganun na lamang ang kanyang pagpapakahirap at sasakrapisyo bilang isang namamanata.
Bumubuntot ni Judah sa taong nakasaklay at tahimik na sinabayan sa paglalakad. Bawat hakbang ng mamang iyon at tila walang katapusang parusang paglalakbay para kay Judah. Siya ang nahihirapan tingnan para sa taong iyon. Kahit siya ay nanunuod lamang sa bawat angat nito sa isang paa sa tulong ng saklay, tila ramdam niya ang hirap at sakit bawat kilos nito lalong lalo na nababalutan pa ng bandages ang kabilang paa nito.
“Nag-iisa ka lang?” tanung ni Judah.
lumingon ang mamang iyon ngunit patuloy pa rin sa dahan-dahan niyang paglalakad. “Wala naman kasing nakaka-alam na namamanata ako.” Ang nakangiting sagot nito.
“Baka nauuhaw ka, may dala akong tubig dito.” Alok ni Judah.
“Salamat sir, pero may dala din ako. Boy scout yata to, kaso lang boy scout na pilay.” Biro ng mamang iyon.
“Ano pala nangyari sa paa mo?” tanung ni Judah.
“Na aksidente ako sa barko na aking pinagtatrabahuan.” Sagot ng taong iyon habang patuloy sa pa ika-ika niyang paglalakad.
Sa kanilang pag-uusap nalaman ni Judah na isa palang Marine Engineer na dati nagtatrabaho sa isang barko bago ito naaksidente ang mamang iyon. Aabutin pa daw ng ilang buwan o kaya taon bago tuluyan itong gumaling saka ito makakabalik sa pagsampa sa barko kung mabibigyan pa siya ulit ng pagkakataong makatrabaho doon. Sa halos na limang taong pag-aaral at 3 tatlo taon pagtatrabaho sa barko ay tila nasayang lang dahil sa pinsala ng kanyang paa dahil sa aksidente kaylan man hindi niya inakala.
“Yan ba ang dahilan kung bakit ka namamanata? Gusto mung gumaling agad at makabalik sa pagtatrabaho sa barko?” Tanong ni Judah.
Tumigil saglit ang mamang iyon sa kanyang paglalakad, nagbuntong hininga at tumingin kay Judah.
“May tiwala naman ako sa sinasabi ng doctor na gagaling at makakalakad pa ako muli, at alam kung makakahanap pa muli ako ng trabaho pagkatapos nito. Pero hindi yan ang dahilan sa aking pamamanata, ang tanging dasal kung na nasa kasabay ng paggaling ng aking paa ay maghilum din ang mga sugat ng aking puso.” Tungon ng mamang iyon.
“Masyado yata akong madrama sir, pero yan ang totoong dahilan. Nais kung magkaroon ng pusong nagpapatawad, tumatangap at lumimot para sa isang taong nagdulot ng labis na sakit sa aking puso.” Dagdag pa nito.
Sa pagpapatuloy ng pagkukwento ng mamang iyon, nalaman ni Judah na habang nagtatrabaho pala ito sa barko, may isang babaeng kanyang minahal na pinapaaral niya dito sa Pilipinas; nang itoy nakatapos na at naging guro saka pa niya nalaman na ang babaeng kanyang pinakamamahal ay napunta na pala sa iba. Nalaman lamang niya ito noong siyay naaksidente at umuwi sa pinas. Ang sakit na dulot ng pagkabali ng kanyang isang paa ay walang katulad sa sakit ng pagkadurog ng kanyang puso.
“Alam kung kailangan ko ng mabilisang pag-galing upang makatrabho muli, ngunit hindi yan ang hinihingi ko sa Diyos, dahil para sa akin masyado naman yata akong napa demanding kung masyado akong maraming hiningi. Isa lang ang nais ko sa oras na ito. Sana mabigyan ako ng lakas upang tumangap at magpatawad lalong lalo na ang lalaki na ipinalit sa akin, ay sarili kung pinsan.” Kwento ng mamang iyon.
Biglang natulala sa Judah sa kanyang naririnig. Hindi niya alam kung ano ang totoo niyang naramdaman sa oras na iyon. Magkahalong awa at paghanga para sa taong iyon ang kanyang naramdaman. Awa, dahil sa kanyang sinapit, paghanga dahil sa kanyang matapang at mapagkumbabang kaugalian na hindi mo makikita sa kanyang pisikal na anyo dahil sa laki at tikas ng katawan nito.
“Naniniwala ka ba na matutulungan ka ng islang ito.” Tanong ni Judah.
“Hindi naman ang islang ito ang sasagot sa inyong mga panalangin.” Tugon ng mamang iyon.
“Ang Diyos. Siya lang naman ang makakasagot. Yung pag-iikot mo dito ay isang paraan lang upang bigyan ang iyong sarili makag-isip ng maayos. Sinabi nga nila nag pa function daw ng maayos ang utak kung ikaw ay naglalakad-lakad habang ng iisip ng kasagutan sa mga tanong. Naniniwala ako na pagdating ko sa lugar kung saan ako nagsimulang umikot, may bulong na ang anghel sa mga bagay na dapat kung gawin.” Dagdag pa nito na nakangiti.
Buong araw magkasama ang dalawa sa paglalakbay. Madami-dami na rin silang napag-usapan at marami na rin silang natutuklasan sa bawat isa. Kahit sa buong araw na usad pagong nilang paglalakad, hindi makikitaan ng pagkapagod ang taong nakasaklay, masaya itong nakikipagusap kay Judah. Sa kabila ng kanyang kapansanan mababanaag mo sa kanyang kataohan ang saya at pag-asa.
Dumating ang takip silim at pagod na si Judah sa buong araw na paglalakbay. Sa isang maliit na kapilya pumasok ang dalawa. Kasama sa panata ng taong iyon na dadaanan lahat na kapilya at mag-alay ng dasal. Kasamang pumasok si Judah at umupo ito sa likurang bahagi ng inuupaan ng taong iyon.
“Alam mo na ang aking mga hiling, sana isama mo sa iyong mga panalangin dahil ako ay naniniwala na mas makapangyarian ang isang dasal kung itoy sabay-sabay nating pinagtutulungan iangat sa itaas.” Sabi ng mama iyon.
Dahan-dahan itinabi ng taong iyon ang kanyang saklay at kahit hirap sa kanyang isang pang paa na naka balot ng bandage pinipilit itong lumuhod. Samantala, nakatingin si Judah sa kanya sa bandang likuran. Pumikit ang mamang iyon at nagsimulang magdasal, ngunit biglang itong natigilan at tumungin kay Judah.
“Ikaw, pwede bang malaman kung ano ang iyong mga hiling upang maisama ko na rin sa aking mga panalangin?” Tanong ng mama kay Judah.
“Ahhh ako? Wala na man.” Maiksing sagot ni Judah.
“Wala? Ano pala ang pakay mo sa iyong pagpapagod sa paglalakbay? ordinaryong hiking lang? o gusto mo lang ng adventure?” Tanong ng taong iyon.
Hindi nakasagot si Judah sa tanong ng taong iyon. Alam niyang may hiling siya sa Diyos na matagal na niyang dinadasal, ngunit ang mga bagay na ito ay siya lang at ang Diyos ang nakaka-alam, ni sarili niyang mga magulang ay hindi alam ang kanyang dinadalang pasanin noon pa.
“Mayroon naman akong mga hiling at dasal, ngunit hindi ko alam kung paano ko maipapaliwag at sasabihin sa iyo. Ako pala si Judah Angeles, isang akong doctor at ang dahilan kung bakit ako kumuha sa kursong ito, dahil sa may isang bagay na gusto kung masagot at malunasan. Ngunit hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang mga kasagutan.” Sagot ni Judah.
“May mga bagay na hindi natin kayang sabihin ngunit lahat na uunawaan iyon ng Diyos. Ito ay tinatawag na unspoken prayer. Huwag kang mag-alala, kung ano man yung mga bagay na yan na ikaw lang ang nakaka-alam, isasama ko yun sa aking dasal na sana sagutin ng Diyos ang iyong mga hiling. Manalig ka lang.” Sagot ng taong iyon kay Judah.
Sa isang hindi katolikong katulad ni Judah, hindi naayon sa kanyang katuruan ang magdasal sa harap ng mga rebolto. Ngunit sa oras na iyon, sinasabayan niya ng taimtim na panalangin ang dasal ng taong nakasaklay. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niya itong hiniling sa Diyos, ngunit sa oras na iyon, ay alam niyang may kakaibang lakas ang kanyang mga dasal dahil sa unang pagkakataon may isang taong ngayon lang niya nakikila ang tumulong sa kanya naidulog ang kanyang mga dalangin sa harap ng Diyos.
Nagpasya ang taong nakasaklay na sa kapilya muna magpapalipas ng gabi, kasama si Judah nahinga sila sa upuan ng kapilya. Dahil sa sobrang pagod nakatulog ng mahimbing si Judah at pasikat na ang araw ng siyang nagising. Sa kanyang pag-gising wala na ang taong nakasaklay ngunit may isang babaeng nasa loob ng kapilya na nakaluhod sa harap ng altar ang kanyang nakita. Dahil sa suot nitong bandanang itim agad niya itong nakikilala. Ito ang babaeng hininamatay sa tabi ng daan na kanyang tinulungan, ang babaeng kanyang hinahanap.