CHAPTER 3 - SELOS

1489 Words
NANG sumunod na araw, manghang-mangha si Emily nang makarating siya sa bahay ni Mr. Fowler. "Wow! Sobrang ganda po pala rito, Mr. Fowler!" "Tatay na ang itawag mo sa akin, Emily. Ituring mong pangalawang tahanan itong bahay na ito. Teka at tatawagin ko lang si Gavin." Sabik na sabik na umakyat ng hagdan si Mr. Fowler habang si Emily ay palinga-linga sa kaniyang paligid at halos ay pasukan na ng langaw ang kaniyang bibig. Sobrang ganda naman ng bahay na ito, aniya. Nagbulungan ang mga taong nasa paligid niya. "Sino siya?" "Baka bagong katulong?" "Siguro." "Anak, bilisan mo at may ipakikilala ako sa 'yo," narinig ni Emily na sabi ni Mr. Fowler. Halatang tuwang-tuwa ito. Nag-abang si Emily sa harap ng hagdan. Nang makita niya si Mr. Fowler ay nginitian siya nito. Mabilis namang bumaba si Mr. Fowler at sabay nilang hinintay na makababa si Gavin mula sa itaas. Nang makita ni Emily si Gavin ay naramdaman niya ang pag-slow motion ng paligid habang humahakbang pababa ng hagdan si Gavin. A-Ang gwapo niya, aniya habang nakabuka ang bibig. Nakasuot ito ng puting T-shirt at itim na pantalon. Nakapamulsa ang kaniyang magkabilang kamay at nakasabit sa batok niya ang headphone niya. Kulay brown ang buhok at sobrang puti ng kulay. Kapansin-pansin din ang braso niyang naglalakihan dahil sa matigas na muscles. Sino nga naman bang babae ang hindi mapapanganga kung isang Gavin Fowler ang biglang makakaharap mo? "Why?" padabog at salubong ang kilay nitong tanong sa kaniyang ama. Hindi nito tinignan si Emily. Mistulang hangin lamang ang dalagang nakatayo sa gilid ng kaniyang ama. Halata sa binata ang pagiging masungit at mayabang. "Gavin, siya si Emily. Emily, siya si Gavin." Pakilala ni Mr. Fowler sa kanilang dalawa. "So?" nakataas ang kilay na tanong ni Gavin. Napalunok naman ng laway si Emily. "Si Emily ang bagong personal maid mo. Treat her nice, okay?" Mas lalong nagsalubong ang galit na galit niyang kilay. "What? Hindi ko kailangan ng personal maid! Dad, hindi na ako bata." "But your dad know what's best for you," kibit balikat nitong wika. "Dad, stop! Tigilan ninyo ako sa kakahigpit niyo sa akin na iyan! Tama na!" Nagdabog na umakyat muli ng hagdan si Gavin at iniwan sila ni Emily. Napasinghal si Mr. Fowler bago niya lingunin si Emily. "I'm sorry, Emily. Ang pagiging bastardo ay normal na sa anak kong si Gavin." "O-Okay lang po iyon, Tatay. Nauunawaan ko po," mistulang pinitpit na luyang sagot ni Emily. "Ang anak ko, mahirap alagaan. Suwail na anak si Gavin. Masyadong matigas ang ulo at ang puso niya. Marami na akong personal niyang yaya na kinuha pero wala. Lahat sila sumusuko. Alam kong mahihirapan ka sa anak ko kaya asahan mo ang malaking sahod. Hindi ka mabibigo sa akin basta matatag ka lang, Emily. Mahabang-mahabang pasensya ang dapat mong ipunin kapag ang anak kong si Gavin ang kasama mo," paalala ni Mr. Fowler sa dalaga. "Kaya ko 'yan, 'Tay!" Ipinakita ni Emily ang braso niya at tinapik-tapik iyon. "Kiber!" dugtong pa nito na nagpatawa ng mahina kay Mr. Fowler. "Okay! Sabi mo, e! Halika at ito-tour na muna kita nang hindi ka maliligaw kapag nagsimula na ang iyong trabaho," anyaya nito na siyang pinaburan ni Emily. Samantala, nagkulong si Gavin sa kaniyang kwarto. Kunot ang kaniyang noo at pumapaligid sa kaniya ang galit at inis na nararamdaman niya para sa kaniyang ama. Pakiramdam niya ay bata pa rin siya kung ituring nito kahit na siya ay labing walong taong gulang na. Nang marinig niya ang malakas na tawanan ni Mr. Fowler at ng dalagang bagong dating ay sinilip niya ito sa kaniyang bintana. Nakita niya ang mga iyon sa harap ng swimming pool at magkasundong-magkasundo. Mas lalo niyang naramdaman ang inis. Inis na nakikita niyang masaya ang kaniyang ama sa dalaga kahit na unang beses pa lang itong nagkita. Ang mga ngiting iyon ng kaniyang ama ay ni minsan hindi niya nakita nang siya ang kasama nito. Sa madaling salita ay nakaramdam siya ng matinding selos para sa nasabing dalaga. Muli siyang lumundag sa malambot niyang kama at nag-scroll sa kaniyang social media. Nasa isip niya pa rin ang nakakainis na mukha ng dalaga at hindi makapag-focus sa kaniyang ginagawa kaya't bumangon siya at lumabas ng kwarto ng galit na galit. Tinunton niya ang kinalalagyan ng dalaga at laking gulat niya nang wala na roon ang kaniyang ama at tanging si Emily na lamang ang naroroon na nakaupo sa harap ng swimming pool at nilalaro ng kaniyang mga kamay ang tubig nito. Napangisi si Gavin at pinamulsa ang kaniyang mga kamay. Nagpunta siya sa likod ni Emily at tinulak niya ang likod nito gamit ang kaniyang mga paa. Lumublob sa napakalamig na tubig ang gulat na gulat na si Emily. Nang maiahon niya ang kaniyang ulo sa tubig ay nagsalubong kaagad ang mga kilay niya at tinignan kung sino ang tumulak sa kaniya. Nakita niya ang nakangising mukha ni Gavin at saka siya nito iniwan. Naramdaman kaagad ni Emily ang pagkulo ng dugo niya para sa binata. "Ang yabang!" gigil nitong bulong at hinanap ang hagdan upang siya ay makaahon sa tubig. Habang binabaybay niya ang tubig, bigla namang lumabas si Mr. Fowler at nakita siya nitong naliligo sa tubig. "Oh, Emily! Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit naliligo ka riyan?" sunod-sunod nitong tanong. "Sinipa po ni Gavin ang likod ko," tapat niyang sagot nang naiinis. Nang nasa kalagitnaan na siya ng pool at saka naman niya naramdaman ang unti-unting paglalim ng nilalakaran niya. Hindi siya ganoon kagaling lumangoy lalo na sa malalim kaya't unti-unti siyang lumubog at nagwala sa tubig. Hindi na siya makahinga at nalulunod na siya. "Emily? Emily!" sigaw ni Mr. Fowler nang makita niyang nalulunod na ang dalaga. Walang pag-aalinlangang tumalon siya sa tubig at lumangoy upang sagipin ang kaniyang anak. Nang maiangat niya ang mukha nito sa tubig ay wala na itong malay. Nagmadali siyang umahon ng tubig at ginawa niya ang CPR sa dalaga ng ilang ulit hanggang sa ito ay muling magkamalay at lumuwa ng tubig. Hingal na hingal ito at gayundin si Mr. Fowler. Kaagad napayakap si Mr. Fowler sa kaniyang anak nang magkamalay ito. Basang-basa man ang kaniyang mukha ay halata pa rin ang pagigilid ng kaniyang mga luha. "Patawarin mo ako, anak! Patawarin mo ako." Samantala, kunot na kunot ang noo ni Gavin habang nagtatago sa isang sulok at pinanonood sila Emily at Mr. Fowler na nagyayakapan. Maraming tanong ang pumapasok sa kaniyang isipan tulad ng kung bakit ganoon na lang kung mag-alala at kumilos si Mr. Fowler para sa nasabing dalaga. Sa kaniyang inis ay umalis na lamang siya ng bahay nang hindi nagpapaalam sa kaniyang ama. Lulan siya ng kotseng iniregalo sa kaniya ni Mr. Fowler at pinaharurot niya iyon papunta sa matalik niyang kaibigan na si Xyriel. Kapwa sila nag-inuman sa paborito nilang bar na madalas nila kung puntahan. Nang pasado alas-dose na ng hating gabi at saka pa lamang nakauwi si Gavin. Iyon din ang saktong pagbaba ni Emily sa hagdan upang uminom ng tubig. Inabisuhan na kasi siya ni Mr. Fowler na doon na mag-stay ng gabing iyon sapagkat maaga ang simula ng kaniyang trabaho kinabukasan. Malabo ang mga mata ni Emily at hirap siyang makakita sa dilim. Dahil sarado ang ilaw sa buong mansyon ng gabing iyon ay pakapa-kapa lamang siya sa gilid at tinutunton niya ang switch ng ilaw nang siya ay makakita. Malaki ang kaniyang pag-aalala na baka may kung ano siyang matamaan at mabasag. Alam niyang mamamahalin ang lahat ng kagamitan na mayroon si Mr. Fowler. "S-Sobrang dilim naman," nakukunsuming reklamo niya nang biglang may tumulak sa kaniya at alam niyang tao iyon. Sa sobrang gulat niya ay napakapit siya sa damit nito at sabay silang bumagsak sa sahig ngunit mas lalong nanglaki ang kaniyang mga mata nang magtama ang labi nilang dalawa ng taong hindi niya nakikita. Natulala siya at ramdam na ramdam ang malambot na labi ng taong nakapatong sa kaniya. Naamoy niya rin dito ang alak. Hindi niya magawang kumilos at pakiramdam niya'y nakapako siya ng mga sandaling iyon. Rinig na rinig din niya ang napakalakas na pagpintig ng kaniyang dibdib nang biglang bumukas ang ilaw at gulat na gulat siya nang makita si Gavin na natutulog na sa ibabaw niya. "Emily?" Narinig niyang boses ni Mr. Fowler na siyang mas lalong nagpadoble sa kabang nararamdaman niya. Itutulak na sana niya ang dibdib ng binata nang bigla siyang sukahan sa bibig nito na siyang nagpaikom sa kaniyang mga labi at nagpapikit ng sobra sa kaniyang mga mata. "Tang *na!" aniya sa kaniyang isipan bago niya itinulak ang binata at saka niya pinunasan ng kamay ang suka nito. Nagtatakbo siya papunta sa banyo at doon ay siya naman ang nagsuka nang nagsuka. Malansa ang amoy ng suka ng binata at hindi iyon mawala-wala sa pang-amoy niya. "Y*wa! Kadiri! Dugyot!" maasim ang mukhang reklamo niya at patuloy na kinuskos ng sabon ang mukha niya. "Argh! Ang sarap pumatay ng lasing! Bwisit!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD