Chapter 15

1641 Words
Chapter 15 Chapter 8 - Paul's POV - Five Years Later. . . Lumipas na ang limang taon at isa na akong CEO ng sarili kong kompanya. Hindi din ako nahirapang tumayo sa tulong ng mga kaibigan ni Dad at shempre, si Dad din. Marami na ang partnerships ko, local man o international. Kaya mabilis lumaki ang kompanya ko. 25 na ako ngayon and I'm still single. Shempre, hinding-hindi ko kayang kalimutan ang mga ala-ala ko kay Stella. Kahit saglit lang iyon, para sa akin ay hindi mapapalitan ng kahit na sino ang mga alaala ko kay Stella. "Hindi ka na ba kakain?" Tanong sa akin ni Mommy. Paalis na ako ngayon dahil may urgent meeting ako ngayon at kailangan kong talaga itong puntahan personally. "I'm ok, Mom. I bring some foods with me. Siguro, bibili nalang ako ng lunch ko later." Sabi ko at lumapit sa kanya para humalik. "Pumunta ka mamaya, ok?" Sabi nya habang nag-aayos ako ng tie ko. "Mom, ayoko nga ng blind dates, right? Mom, I still waiting for Stella. Don't move so fast for me, I can handle everything." Sabi ko at hindi ko alam kung bakit parang hindi ko maayos ang tie ko ngayon. Lumapit si Mommy sa akin at sya na ang nag-ayos nito para sa akin. "Anak, I know you still didn't want to let go Stella's promise. But anak, it's not ok to just hang in there. Tumatanda ka na. Of course kailangan ko din masigurado na magkaasawa ka na dahil hindi ka na bumabata pa. Gusto ko lang na may makasama ka sa pagtanda mo." Mahabang nyang sabi. "There." Sabi nya ng tapos nya ang tie ko. "Bye, Mom. Mauuna na ako." Sabi ko at humalik sa kanya. "Take care!" Pahabol nitong sigaw. "I will!" Pahabol ko din saka ko pinaandar ang kotse ko papunta sa trabaho ko. Pagdating ko doon ay nauna sya ding pagdating ng ka-meeting ko. After a few minutes, natapos na din ang meeting namin, sa wakas. Pagkatapos namin ay hinatid ko muna sya papunta sa lobby bago ako muling umakyat at dumiretso sa office ko. Pagdating ko doon ay tambak nanaman ang mga trabaho ko. Hindi ko pa natatapos ang kahapon pero muhkang meron nanamang mga bago. Inayos ko muna ang mga dapat ayusin saka ako nagsimulang magtrabaho. Medyo sanay na ako na ganon ang daily routine ko. Pero minsan ay hindi ko ito magawa ng maayos dahil sa hilo ng kawalan ng pagkain. Once kasing nagsimula akong mag-work, parang ayoko nang tumigil. "You look so busy?" Biglang sulpot ni Allen, ang bestfriend ko. "Why are you here? Are you here to play around again?" Seryoso kong sabi. "I'm here to give you this." Sabi nya at lumapit sa akin at inabot ang isang folder at kaagad ding umalis. Tinignan ko ang laman ng folder at binasa ito. Pagkatapos ay inilagay ko ito sa cabinet na may lockcode because it's confidential. Limang taon na din kaming magkaibigan ni Allen. Nakilala ko sya ng maging exchanged student sya sa isang program at naging maging magkatabi kami, doon sya noon nakaupo sa inuupuan ni Stella. Kaya medyo naging close din kami. Allen is a funny and have a very huge sense of humor but he's a serious guy when it comes to business. Sobrang seryoso nito na parang nakakatakot na din ito tignan. May time na ganon lang sya. Nang itayo ko ang kompanya ay sya ang tumulong sa akin noon at pareho naming itinayo at sinuportahan ang kompanyang ito pero mas pinili nya ang mas mababang posisyon. Mas less effort at less stress daw kasi at pwede pa daw sya magkaroon ng maraming free time. Lahat ng mga sekreto naming dalawa ay alam ng isa't isa. Alam nya din na muntik ako magkaanak at muntik na din ako magkapamilya. Alam nya din lahat ng mga bagay na pwede nyang malaman. Lahat din ay alam ko tungkol sa kanya. Si Allen ay isang play boy at talagang magnetic sa mga girls. Habang ako ay iwas ako sa mga babae dahil para sa akin ay si Stella lang ang mahal at mamahalin ko pa. Kahit wala sya sa tabi ko ngayon, alam kong babalikan nya ako. Pero simula nang iwan ako ni Stella ng gabing iyon ay hindi na ako nakarinig ng balita sa kanya. Sinubukan namin syang ipahanap sa mga private investigator pero wala din silang makuhang trace ni Stella sa kahit saan. Lagi ko ding tinatanong ang sarili ko, nasaan na nga kaya si Stella? ___________________ - Stella's POV - Alas-nuebe na ng umaga at wala parin si Lexi. Kanina ng pumasok ako ay ginising ko na sya pero muhkang natulog nanaman ulit ng bruha. Palagi syang late magising dahil sa pagpupuyat nya sa mga K-Drama na pinapanood nya. By the way, nandito ako ngayon sa office ko at may meeting kami ngayon pero muhkang ayaw talaga pumasok ni Lexi kaya muli akong pumasok sa loob ng meeting hall. Nandito na din kasi lahat ng mga ka-meeting namin kaya hindi ko na sila pwedeng paalisin. "Let's start." Sabi ko at naupo na sa upuan ko at saka na sila nagsimula. Isa akong CEO sa kompanya namin ni Lexi. Limang taon na din ang nakalipas at habang bumabawi ako ay si Lexi ang tumulong sa akin bumangon. Mabait na tao si Lexi kaya mabilis na gumaan ang loob ko sa kanya. Limang taon na din ang nakalipas simula nang maging magkaibigan ko sya. Natagpuan ko sya noong mga panahong bumabangon ako. Habang pilit at nagsisimula palang akong bumango, sya naman ay gusto nang lumubog. Nakita ko sya dati sa isang iskinita malapit sa tinitirahan ko at binabalak magpatiwakal pero kinupkop ko sya hanggang sa naging magkaibigan na kami. Kung dating ay sobsob kaming dalawa sa pagta-trabaho, ngayon ay hindi na naming kailangan iyon. Sabay kaming bumangon at sabay kaming umangat. Parang sya na ang pamilya ko ngayon. By the way, isang easy-going si Lexi. Para itong bampira dahil sa gabi lang ito lumalabas. Kapag umaga naman ay ang sarap ng tulog. Natapos na ang meeting namin at agad akong pumunta sa office ko. Maya-maya pa ay malapit na ako sa office ko ng bigla akong harangan ng pinakanakakainis na lalaking nakilala ko sa buong buhay ko. "Hi, Miss Beautiful." Nakangiti sabi nito. Napairap nalang ako sa hangin at tuluyan na syang nilagpasan at pumasok sa office ko. Agad akong umupo doon at bigla akong napatingin sa suot ko. Nakasuot ako ng isang dress na straps ang sumusuporta sa balikat ko at umaabot ng kalahati ng hita ko. Pinaresan ko ito ng puting stilettos dahil puti din ang kulay nito at nagdala din ako ng white leather jacket. Meron din akong white gold hairpin from korea at white hanging bag na dala para sa mga gamit ko. Nagpatuloy na ako sa trabaho ko dahil marami-rami ito at yung iba ay malapit na ang deadlines. Iyon muna ang mga inuna ko. Nang matapos ay agad ko itong ibinigay sa secretary ni Lexi. Pagkatapos ay nagpatuloy na ako sa iba ko pang gawain. "Sissy!!!" Sa kalagitnaan ng tahimik kong pagtatrabaho ay biglang dumating si Lexi. Tinignan ko ang relo sa pulsuhan ko at tinignan si Lexi. "Lexi, it's already 10, masyado ka nang late." Sabi ko at nagpatuloy ulit sa ginagawa kong trabaho. "Sissy, it's your birthday. Pati ba naman sa birthday mo, magtatrabaho ka lang?" Sabi nito. Tinignan ko ang date sa phone ko at nakitang kaarawan ko nga ngayon. "And so?" Sabi ko. Nalukot namna ang muhka ni Lexi. "Sis, have fun naman. Alam kong your trying your best to forget about your past but, having fun for some time is part of it, too." Sabi nya at lumapit sa akin. "Let's have fun tonight." Nangungumbinsing sabi nya. Ako naman ay napaisip. "Sige na nga." Napipilitan kong sabi. "Yey!!!" Malakas na sigaw nito at may kasama pang pagpadyak. Napailing nalang ako at nagpatuloy na ulit sa trabaho ko. ____________________ "Cheers!!!" Sigaw naming dalawa. Nandito kami sa VIP room ng bar at medyo may tama na kaming dalawa ngayon. "Isa pa, cheers!" Sigaw ni Lexi at pinalagok sa akin ang isang sabo ng beer. Yung malaking baso talaga. "Ikaw din!" Sabi ko at tinuro pa sya. Agad din syang uminom at naubos nya talaga ito hanggang sa pinakahuli-hulihang patak ng alak. Nagsayaw kami sa loob ay talagang napakasaya ng gabi namin hanggang sa patayin ni Lexi ang tugtog at sinabing maglaro naman kami. "Let's play spin the bottle." Sabi nya at agad naman akong pumayag. Pinaikot nya ang bote at sa kanya kaagad tumama ang bote. Napangisi naman ako. "Truth or dare?!" Pasigaw kong tanong. Napaisip muna sya bago sumagot. "Truth nalang." Mahina nyang sabi. "How many boys have you dated?" Tanong ko. "Sis, tinatanong pa ba yan? Of course, 24 na." Sabi nya na ikinagulat ko. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil sa gulat sa sagot nya. "Seryoso ka?" Gulat kong tanong. Tumatawa naman syang tumango sa akin na para bang nakakatawa ang mga sinabi nya. "Spin ulit natin." Sabi nya at inikot ulit ang bote, tapos tumama naman ito sa akin. "Ayusin mo ang tanong mo, ahh." Nagbabanta kong sabi. Tinawanan lang ako ng bruha. "Sige, ito. Pumunta ka sa labas at sumigaw ka na mahal mo pa ang ex mo." Sabi nya kasabay ng paghagikgik nya. "Ayoko nga. Nakakahiya yon, Lexi." Nagrereklamo kong sabi. "Sige, kapag hindi mo nagawa, may punishment ka sa akin ngayon." Sabi nya pa. Bumuntong-hininga ako at nag-isip. Hindi naman mahirap sabihing mahal ko pa sya kasi mahal ko parin naman sya. Pero, sa labas, na maraming tao? Ayoko, nakakahiya. "Sa punishment nalang ako." Naiinis kong sabi kasabay ng simangot ko. Sya naman ay natawa nalang at parang gusto ko na ata pagsisihan ang naging desisyon kong iyon ng sabihin nya kung ano ang punishment ko. - To Be Continued -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD