Chapter 16

1528 Words
Chapter 16 - Paul's POV - Nandito ako ngayon sa isang bar at hinahanap si Allen. Pinapahanap sya sa akin ng Mommy nya at muhkang nagpapakalunod nanaman sa alak ang isang iyon. Palagi ko nalang itong ginagawa. Marami ang tao sa bar at puro amoy alak pa ang mga ito. Hindi ko alam kung nasaan si Allen ngayon at gusto ko na din syang mahanap kaagad dahil gusto ko nang umalis sa lugar na to at umuwi na ng bahay namin. Maya-maya pa ay nakita ko na si Allen pero bigla akong napatigil ng may mahagip ang mata ko. Napatigil ako sa kinatatayuan ko at parang tumigil ang mundo ko. May papalapit sa aking dalawang babae at ang babaeng muhkang hindi na matino ang tumawag sa pansin ko. Tinitigan ko lang sya hanggang sa lumagpas sila sa akin. Hinabol ko pa sila ng tingin hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Doon ko na napansing tumutulo na ang mga luha ko at ngayon, kompirmado at alam ko kung sino ang babaeng nakita ko. Walang iba kung hindi ang babaeng mahal ko, si Stella. "Bro!!!" Biglang sabi ni Allen at akmang lalapit sa akin pero gumalaw na ako para habulin sila. Medyo madaming tao kaya nahirapa akong habulin sila kaagad. Paglabas ko ay hindi ko na sila naabutan at nakita ko na silang sumakay ng isang kotse. Biglang parang gusto kong mahina. Gusto kong magsisigaw at tawagin si Stella. Parang gusto kong magwala sa kinatatayuan ko. Bigla nalang akong napaupo sa mga paa ko at doon tuluyang umiyak. Nagsayang nanaman ako ng isnag pagkakataon. Hindi na ito ang una, kundi maraming beses na. Maraming beses ko na syang nakita, at sa maraming paraan na din. Sa elevator, sa magazine, sa tv na parang isang minuto lang, at marami pang iba. Lahat iyon ay sinayang ko lang. "Anong nangyari sayo?" Biglang sulpot ni Allen. "Bro, nakita ko nanaman sya." Malungkot kong sabi at naiiyak parin. "Bro, pagod lang yan. Tara na, umuwi na tayo." Sabi nya at inakay na ako papuntang kotse. Ako naman ay pinigil na ang mga luha ko at saka ako nagmaneho pauwi sa bahay. Pagdating namin ng bahay nila ay agad din akong umuwi sa amin. "Nandito na si Tito!!" Sigaw ni Zian. "Zian!!" Sogaw ko at patakbong lumapit sa kanya. Sya din ay ginawa iyon at dahan-dahan akong umupo sa mga paa ko para maabot nya ako para sa yakap. Bumitaw sya sa yakap nya sa akin at bumalik na sa mommy nya ulit. "You have a visitor." Sabi ni Ate. "Who is it?" Tanong ko at may kutob na ako kung sino iyon. "She's there, with mom." Sabi pa ni Ate Yuri at itinuro ang sala namin. Napabuntong-hininga ako at pumunta doon. Pagdating ko doon ay nakaupo sa mahabang sofa si Mommy at ang babaeng dapat na ka-blind date ko. "Paul, you're finally here." Sabi ni Mommy at tumayo sya para lumapit sa akin. Bumeso sya sa akin at bigla nalang akong hinila paupo. "Dito ka muna. May kailanganlang akong gawin." Sabini mommy at bigla nalang kaming iniwan dalawa. Dahil sa pag-alis ni Mommy ay biglang naging awkward ang paligid. Naging tahimik din dahil wala sa aming dalawa ang gustong unang magsalita. Maya-maya lang ay akmang tatayo na sana ako ng bigla syang magsalita. "So, balita ko, instant billionaire ka daw." Panimula nito. At sa ganong simula, alam kong hindimaganda ang magiging usapan. "I'm not in the mood to talk about my work. I want some rest, so please excuse me." Sabi ko at tumayo na at pumunta na sa kwarto ko. Sandali akong nagpahinga bago ako naligo at nagpalit ng damit ko. Nahiga ako sa kama ko at makalipas lang ang ilang minuto ay nakatulog na din ako. ______________________________ Kinabukasan ay maaga akong nagising. Agad akong tumayo sa kama ko at naligo para sa pagpasok ko. May kailangan akong gawin ngayon sa office at marami pa rin akong tatapusin doon. Parang hindi natatapos ang trabaho ko araw-araw. "Papasok ka na?" Biglang sulpot ni Jack. "Oo. Marami pa akong tatapusin." Sabi ko at tinapik ang balikat nya. "Sumabay ka na sa amin, kuya. Nandito si Rylee ngayon." Sabi nya at nauna na sa akin bumaba. Sumunod naman ako at naroon na nga silang lahat, maliban lang kay Zian na muhkang natutulog pa. "Naku, ate. Dapat hindi ka na nag-abala. Dapat nagpapahinga ka pa ngayon, ingatan mo si Baby." Rinig kong sabi ni Rylee kasunod naman ng tawa ni Ate Yuri. Pagbaba ko ay nakita ko silang nasa sala. "Kuya Paul." Sabi ni Rylee at lumapit sa akin sabay yumakap. "Hey, long time no see." Sabi ko at hinalikan ang sya sa ulo. "Hey, kuya. You look handsome as ever." Pambubola nya. "Naku." Sabi ko na ikinatawa nya. "How's your trip? Did you have fun?" Tanong ko kasabay ng pag-upo naming dalawa. "I didn't. I go to Europe for work, I didn't have time for some fun there." Sabi nya habang nakasimangot. Masasabi kong nag-iba na ang ugali ni Rylee ngayon. Kung dati ay malayo ang loob nito sa akin, ngayon ay parang ako nalang ang kapatid nya sa aming tatlo. Masyado din itong malayo sa mga lalaki, parang ako lang din. May sari-sarili na kaming buhay ngayon. Si kuya ay isang lawyer, ako isng entrepreneur, si Rylee ay isang artista, at si Jack na isa na ngayong Engineer. Marami na nang nabago, pero kami parin ang magkasama. Buntis nga din pala ulit si Ate Yuri sa pangalawa nila. Pitong taon na din kasi si Zian at nag-aaral na ang madaldal na batang iyon. Kung nabuhay lang ang anak namin ngayon ay may apat na taon na kaming anak ni Stella. "Papasok na ako." Paalam ko makalipas ang ilqng minuto. Agad naman silang pumayag ng sabihin kong may mga importante pa akong kailangang gawin. Pagdating ko sa office ko ay bigla akong nagtaka dahil wala pa ang secretary ko. That's weird. Palagi kasi ako nitong nauunahan. Naupo na ako sa upuan ko at nagsimula na ulit magtrabaho. Lumipas pa ang ilang mga oras ay biglang pumasok ang sekretarya ko sa office ko. Hindi ito naka-uniform ngayon. "Sir, magpapaalam na po sana ako." Malungkot at mahina nyang sabi. "Why? Did something happen?" Gulat kong tanong dahil sa biglaan nyang desisyon. "Lilipat po kasi ng probinsya ang destinasyon ng asawa ko. Medyo may problema po kasi ang trabaho nya kaya kailangan naming pumunta lahat doon. Pasensya na po, sir." "No. It's ok. Just focus on your family now." Nakangiti kong sabi at tinanggap ang resignation letter nya. "Aalis na po ako, sir." Paalam nya at sandaling yumuko bago sya tahimik na lumabas ng office ko. Ako naman ako napabuntong-hininga kung paano ako makakahanap ng bagong sekretarya na kasing galing nya. ______________________________ "Why?" Gulat na tanong ni Allen. "Sabi nya, it's because of her husband. It's a private matters, ayoko nalang makialam." Sagot ko naman habang nagpapatuloy parin sa pagtatrabaho ko. "Whatever. Basta, ako nang bahala sa mga interviews mo." Sabi nya at lumabas na ng office ko. Ako naman ay hindi na tumigil pa sa pagtatrabaho ko dahil iyon lang naman ang pwede kong gawin. Hanggang sa natapos ang buong araw ko at napakahirap gumalaw. Wala kaso akong mautusan. Hindi ko kayang gumalaw ng mag-isa dito sa office ko ng wala akong katulong. Muhkang naghahanap na din naman si Allen kaya muhkang meron na din akong sekretarya bukas. Kinabukasan ay maaga akong pumasok at mahaba na agad ang pila para sa mga mag-a-apply bilang sekretarya ko. Pumasok ako ng office ko at nakita ko doon si Allen. Nagtaka naman ako dahil nauna pa sya sa akin dito. Himala. "Sa wakas, nandito ka na rin." Sabi nito na tila nakahinga ng maluwag. Naglakad ito papalapit sa akin at ibinigay ang isang folder sa akin. "Ano to?" Tanong ko sa kanya pagkatapos ay binuklat ang folder. "Ayan yung mga applicants na nakapasa sa first screening. Mamaya, sayo na sila haharap. Ayon na yung third screening at ikaw na ang mag-i-interview sa kanila, as usual." Sabi nya at lumabas na ng office ko ng walang pasabi. Ako naman ay tinignan silang lahat. Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto at pumasok na ang unang applicant na nakapasa sa second screening. Agad ko itong ininterveiw at muhkang alam ko na ang balak nito. Muhkang hindi ito nandito para magtrabaho, kung hindi ang bumingwit ng mayaman. Ang pangalawa naman ay muhkang fresh graduate pa at hindi pa kakayanin ang mga gawain na nasa office ko. Ang pangatlo naman ay medyo may edad na at muhkang hindi na kakayanin ang stress ng trabaho ko. Hanggang sa umabot ng apat, lima, anim, at pito. "Sir, ito na po ang huling applicant." Sabi ng secretary ni Allen. Tumango naman ako at tinignan ang folder na binigay nya at natulala ako. Parang tumigil ang mundo ko ng makita ko kung sino ang huling applicant. Tinignan ko din ang pangalan at lahat ng nandito ay tugma lahat sa kanya. Muli akong natulala at parang maiiyak na ako ngayon. Dahan-dahan kong isinara ang folder at itinaas ang ulo ko. Doon na tumama ang mga mata ko kay Stella. - To Be Continued - (Wed, February 16, 2022)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD