Padabog kong hinagis ang huling damit na napili ko sa loob ng closet. Nakakainis kasi sa dami dami ng damit ko, ni isa wala akong napili. Dapat maganda ako ngayon sa pagkikita namin ni denzo kahit naman boyfriend ko na yong tao kailangan ko paring mag paganda.
"Haaayyy... unsa mani oy! Wala man koy mapili. Dapat gwapa ko karon sa pagkita namo." ("Haaayyy... ano bato! Wala naman akong mapili. Dapat maganda ako ngayon sa pagkikita namin.") Inis kong saad at padabog na tinungo ko ang kama at pabagsak na humiga ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at sumilip ang naka ngiting si lovi.
"Ate?" Si lovi
"Yes, lov? Naa kay tuyo?" ("Yes, lov? May kailangan ka?") Tanong ko sa kanya
Pumasok naman siya at umupo sa tabi ko. Napatingin siya sa closet ko na nagkalat lahat ng mga damit doon. Nilingon niya ako ng may pagtataka sa mukha. Kita ko nangungunot ang noo niya dahil siguro sa natunghayan niya.
"Nganong nagkalat imo tanan sinina te?" ("Bakit nagkalat lahat ng damit mo ate?") Tanong niya
Napabuntong hininga muna ako at tumingin sa gawi ni lovi.
"Wala koy makita nga sinina nga akong suoton karon. Dapat gwapa ko pag magkita mi ni denzo." ("Wala akong makitang damit na susuotin ko ngayon. Dapat maganda ako sa pagkikita namin ni denzo.") Ngumungusong kong saad
Bigla naman siyang napatawa sa inasta ko. Ano kayang nakakatawa sa sinabi ko? Hindi naman ako nag jojoke para matawa sya. Kunot noo ko siyang tinignan.
"Unsay kataw-anan ana lovi?" ("Anong nakakatawa lovi?") Taas kilay kong saad sa kanya
Nakakainis siya ngayon promise. Hindi siya nakakatulong sa problema ko.
"Ate, perme naman ka gwapa sa panan-aw ni kuya denzo. Bisan pa siguro gakagidlay na imo suot gwapa japon ka para sa iya. Busa relax, be your self. Naganahan si kuya sa imo kay tungod sa imo pag ka simple, t-shirt og pants lang gwapa na kaayo ka." ("Ate, palagi ka namang maganda sa paningin ni kuya denzo. Kahit pa siguro gusgus ang isuot mong damit maganda ka pa rin para sa kanya. Kaya relax, be your self. Nagustohan ka ni kuya dahil sayong pagka simple, t-shirt at pants lang maganda kana.") Mahabang litanya ni lovi sabay ngiti sa'kin na pangiti na rin ako. Tama siya bakit pa ba ako magpapakahiram mag ayos, at kong mahal talaga ako ni denzo tanggap niya kahit ano pa ako.
Umupo na ako ng maayos at niyakap ko si lovi. Akala ko walang maitutulong tong batang to sa'kin. Hehehehehe kaya love ko to eh... kahit pasaway minsan. Napakalas naman ako sa kanya dahil na alala ko bigla kung bakit nandito siya sa kwarto ko.
"Ngano ganing naa ka danhi? Unsa imong tuyo sa ako?" ("Bakit nga nandito ka ulit? Anong kailangan mo sa'kin?") Tanong ko
"Ah... eh... hehehehe") si lovi
"Unsay ah... eh...? Gusto ka mag tuon utro og a e i o u?" ("Anong ah... eh...? Gusto mo bang mag aral muli ng a e i o u?") Tanong ko
Dali dali naman siyang umayaw.
"Dili ah! Katigulang na nako og kabalo nako sa vowels. Kaw jud te puro ra jud ka kabuang." ("Hindi ah! Ang tanda ko na at alam kona ang vowels. Ikaw talaga ate puro ka kalukohan.")
Ah! Akala ko pa naman nakalimotan na niya.. hehehehe ang tanda nanga niya para pag aralan ulit ang vowels.
"Eh! Unsa lage imo tuyo?" ("Eh! Ano ba kasi kailangan mo?")ako
"Gusto unta ko mo sabay sa imo para tugtan ko nila mama og papa mo gawas." ("Gusto ko sanang sumabay sayo para payagan ako nila mama at papang lumabas.") Saad niya
Ah! Yon pala... gusto lang pa lang maglakwatsa. Hihindi sana ako pero dahil sa natulungan niya ako sa problema ko, palalampasin ko na lang muna sa ngayon.
"Sige."
Lumawak naman ang ngiti niya sabay pasalamat at kumaripas na ng takbo pa labas ng kwarto ko. Haaayy... yong batang yon talaga ang hilig mag gala.
Sinunod ko rin ang sinabi sa akin ni lovi nag suot lang ako ng fit tshirt na hapit sa katawan ko at nag pants. Kailangan kong makarating ng maaga sa napag usapan namin ni denzo. Sa paaralan ko na lang binalak makipagkita sa kanya dahil nan don na rin naman siya. Siya kasi ang team captain ng basketball sa school namin. Sigurado akong marami na namang mga babaeng umaaligid sa kanya ngayon. Alam naman ng lahat na nobyo ko ang kinababaliwan nila kaya di rin ma iwasan na maraming nagagalit sa akin, minsa nga habang kumakain kami ni denzo sa canteen bigla na lang may tumama sa ulo ko ng tignan ko kung sino ang may gawa, ang mga halimparot pala tumatawa silang lahat at ang isa naman ay tinaasan ako ng kilay at tinitigan ako na parang sinasabi niya na lalaban ba ako. Binaliwala ko na lang yon at sa tingin ko naman hindi na pansin ni denzo ang nangyayari kaya go na lang. Marami pang mga pangyayari sa buhay ko na hindi alam ni denzo at ayaw ko na lang sabihin sa kanya dahil baka magkagulo pa at lalo pa nila akong pagdiskitahan.
Dalidali akong nag lakad sa hall way ng school dahil baka nandon na si denzo sa tagpuan namin. May puno kasi sa likod ng building ng school at nilagyan nila ito ng mga bench kaya masarap tabayan don dahil sa hindi mainit at mahangin pa. Don kami palaging tumatambay ni denzo pag may parehong vacant time kami. Papaliko na ako ng building at tanaw na dito sa kinaruruonan ko ang puno na sinasabi ko sa inyo. Napadako ang tingin ko sa mga bench na nandon at bigla naman akong napahito sa gulat. As in gulat na parang nakakita ng multo ganon. Alam nyo ba kung anong na kita ko?... secret para masaya.
Di ko akalain na sa tagal naming magkarelasyon makikita ko siya sa ganitong akto. Nakita ko lang naman na nakahiga siya sa bench and worse may babae sa kandungan niya naghahalikan pa sila. Ganda ha parang nasa shooting lang. Di ba sila natatakot na baka makita sila ng mga guro dito. Biglang namanhid lahat ng katawan ko parang di na maka galaw ng binti ko. Gusto ko silang sugurin at kaladkarin ang babaeng nasa ibabaw niya pero di gumagalaw ang mga paa ko parang na paralyzed hindi naman ako highblood para maparalisa. Tumingin naman sa gawi ko si denzo at lumaki bigla ang mga mata niya. Sana lumabas yan ng tuluyan para hindi na siya makakakita joke lang kahit nasasaktan ako ngayon sa nakikita ko. Dalidali naman siyang kumawala sa babae at napatayo. parang may kidlat naman na gumising sa akin sa realidan at biglang nagkabuhay ang mga paa ko. Tumalikod na ako at mabilis na tumakbo parang si the flash. Ang sakit ang sakit sakit.
'bakit bakit denzo.'