Chapter 3

1862 Words
"Ana!... wait..." sigaw ni denzo Hindi ko na siya pinakinggan pa. Wait wait ka jan... bwesit ka wait waitin mo yang mukha mo... "Ana!... please listen to me!" Sigaw niya ulit pero di pa rin ako huminto. Pinagtitinginan na rin kami ng mga studyante dito at wala akong paki kung ano man ang iniisip nila, mga maretis silang lahat. Subrang sakit pala pag nangyayari na sayo sa totoong buhay. Akala ko sa pocketbook na binabasa ko lang nangyayari ang ganoong bagay, nangyayari rin pala sa totoong buhay. Hindi ko na alam kung saan na ako na padpad at wala na akong pakialam ang gusto ko lang sa ngayon ay makalayo kay denzo. Di ko na rin alintana ang hitsura ko bahala sila kung ano man ang isipin nila. Lakad takbo lang ang ginawa ko hanggang sa makakita ako ng isang malaking bato na pwede kong upuan kaya nilapitan ko ito at na upo na. Hinihingal pa rin ako sa pagtakbo ko kanina, di ko alam na pwede na pala akong sumali sa marathon, ang bilis ng takbo ko kahit si captain hindi naka abot. Ang bilis kayang tumakbo non pwede siyang sumali sa running marathon kaysa sa basketball. Bwesit na yon ang akala ko loyal hindi pala. Kung yong halimparot na yon ang may kasalanan dapat hindi siya nag padala sa tukso, dapat binuhat nya yong halimparot na yon at tinapon sa fishpond pero wala siyang ginawa at sa tingin ko nagustohan din niya ang ginawa sa kanya ng manananggal. Habang umiiyak ako dito sa inuupuan ko may bigla na lang panyo na lumitaw sa harap ko. Napatigil naman ako sa pag iyak pero napapahikbi pa rin at tinanaw kung sino man ang gustong magabot sa akin ng panyo. Isang lalaking kasing tangkad din ni denzo at di kasing gwapo niya parang ka edaran ko rin siya sa hitsura niya. Ngumiti siya sabay lantad ulit sa panyo niya. "Here, trapuhi na imong nawong sayang imong kagwapa kung bulingit na imong nawong sa sige nimo hilak." ("Here, punasan mo yang mukha mo, sayang ang ganda mo kung madungis naman ang mukha mo sa kakaiyak.") Sabi niya Ay! Grabe siya maganda na sana ang ginawa niyang pagabot ng panyo pero may kasama pang panlait. E binalik ko na lang ang tingin ko sa panyo at kinuha ko na rin mula sa kamay niya. "T-thanks!" Saad ko kahit na nauutal na dahil sa kaiiyak ko. Kita ko naman sa gilid ng mga mata ko na umupo siya sa tabi ko. Ilang minuto kaming tahimik lang. Hinahayaan lang niya akong umiyak siguro gusto lang niyang e labas ko lahat ng sakit sa dibdib ko. Di ko matanggap ang nakita ko kanina, ilang taon na ba kami ni denzo? Ang tagal din naming magkarelasyon mag si-six years na rin kami ngayong taon nato pero parang di na aabot don. Ilang buwan na lang sana. Na hinto naman ako sa pag iyak ng tumighim ang katabi ko. Sino bato? "Ehhemm.." Na patingin naman ako sa kanya dahil sa ginawa niya. "Gi ubo ka?" ("May ubo ka ba?") Tanong ko parang gusto kasi nyang ma ubo. "Wala" sagot niya "Aah"ako "Gusto lang nako kuwaon imong atensyon. Okey na ba ka?" ("Gusto ko lang kunin ang atensyon mo. Okey ka na ba?") Tanong niya Napa isip naman ako. 'Ok na ba ako?' "Kung ang imong gusto ma bal-an ako gibati karon. Will, dili ko sure og ambot kung kanus a ko ma ok." ("Kung ang gusto mong malaman ay yong tungkol sa nararamdaman ko ngayon. Will, di ako sure at di ko alam kung kailan ako magiging ok.") Saad ko ng naka tingin sa kanya ng taimtim "If you don't mind. May i know whats the reason of that cry?" Tanong niya ulit. Ay! Marites din tong si kuya eh... tumikhim muna ako dahil parang may bumabara pa sa lalamunan ko. "Ahmm... nakita ra man nako nga naay ka make out ako uyab. Almost, dadto na siguro padulong to ako nakita." ("Ahmm... nakita ko lang naman ang boyfriend kong may ka make out. Almost, parang doon na patungo iyong nakita ko.") "Oh! I see.did you confront him?" patango tango naman siya at nag tanong ulit. 'Si tito boy abunda ba 'tong kasama ko? para kaming nasa talk show kung maka tanong tong si kuya.' sa isip ko. I heaved out a sigh at nilingon ko siya ulit. "Wala, ngano ako paman e confront siya nga kita na kaayo ang ebedinsya. Kung loyal siya dili siya ma tukso adtong balbala to." ("Hindi, bakit ko pa siya e co-confront e kita na nga ang ebedinsya. Kung loyal siya di sana siya na tukso doon sa manananggal na yon.") Sagot ko. Di naman na siya nagtanong ulit kaya natahimik na rin ako at tinanaw ang kabuohan ng lugar sa harap ko. Ngayon ko lang na pansin may mga magagandang halam sa harap namin parang mini garden. 'Meron pala dito sa school? Di ko alam to ha. Buti naman naglagay sila ng ganito, na re-relax ang kaluoban ko dahil sa magandang tanawin.' Ilang minuto ulit ang lumipas na tahimik lang kaming dalawa ng lalaking to sa tabi ko hanggang sa may na alala ako. Kanina pa kami magkasama nito pero di ko pa alam ang pangalan niya. Will, di rin naman siya madaldal. Humarap ako sa kanya "Ganina pa tang duha danhi naguban pero wala pako ka ila sa imo pangalan. Ako diay si Ana. Ikaw, pwede makuha imo pangalan?" ("Kanina pa tayong dalawa magkasama pero di ko pa alam ang pangalan mo. Ako nga pala si Ana. Ikaw, pwede ko bang makuha ang pangalan mo?") Saad ko at inuumang ko sa kanya ang kanang kamay ko para makipag shake hands tumingin naman siya sa akin at naka ngiting tinanggap naman niya ang kamay ko at nagpakilala na rin. "I'm Mark Foster" ........ Pag sapit ng hapon ay inihatid ako ni mark sa bahay, nag presinta kasi siya na e hatid ako dahil baka raw kung saan saan pa ako magpunta at baka may mangyari pang masama sa akin. Tama naman siya bakal ko sanang maginom para makalimot pansamantala sa sakit ng pagiging heart broken ko ngayon pero itong kasama ko parang aninong naka sunod kahit san ako magpunta hanggang sa bahay. "Salamat diay balik sa paghatod, na distorbo pa noon tika." ("Salamat ulit sa paghatid, na abala pa tuloy kita.") "It's okey. It's also my pleasure to saved a woman from her heart break. I hope your okey now." Saad niya. napa ngiwi naman ako sa sinabi niya. Habang bumubuntot kasi siya kanina tinatanong ko na lang siya tungkol sa sarili niya mga personal matters at iba pa. Kung saan saan na kami na punta sa paguusap namin kanina, nakalimotan kong heart broken pala ako at na pansin ko rin na ang daldal rin pala ni mark nag enjoy naman ako sa company niya. "sige, salamat utro. babye!" ("sige, salamat ulit. Babye!") Paalam ko ulit sabay bukas ng pinto ng kotse. "Bye! I also enjoy bonding with you." Saad niya at kumaway sa'kin bago minaubra ang sasakyan at pinaharorot na ito. Kumaway din ako sa kanya kahit malayo na siya. Ng di ko na matanaw ang sasakyan niya ay tyaka lamang ako pumasok sa loob ng bahay. Pagdating ko sa loob ay madilim na ang paligid, tinignan ko naman ang wrist watch ko at napabuga na lang ng hangin dahil 10:00pm na pala sigurado akong tulog na silang lahat. Kalamitan kasi alas nueve pa lang ng gabie ay tulog na mga tao dito sa bahay kaya sigurado akong nagpapahinga na silang lahat. at pinasasalamat ko na lang din para hindi nila makita na namumugto itong mga mata ko. Wala akong lakas ng loob na e explain sa kanila ang totoong nangyari. Dumiretso na rin ako sa kwarto at kumuha ng damit pang tulog. Nasanay kasi ako na maliligo muna bago matulog pero ngayon tinatamad na akong maligo kaya half bath na lang muna. Pag balik ko ng kwarto ay sakto na mang tumunog ang cellphone ko. Dali dali akong lumapit sa bed side table ng kama at kinuha ang cellphone sa bag tyaka tinignan kung sinong tumawag sa ganitong oras.abot abot ang kaba sa dibdib ko ng tignan ko ang cellphone dahil baka si denzo ang tumatawag. Naka hinga naman ako ng maluwag ng ang pangalan ni ate yanyan ang nag flash sa screen. Kaya sinagot ko na ng walang pag alinlangan. "Hello! ate yanyan." "Hello! Ana... kamusta? Na tapos mo na ba ang clearance mo sa school?" Tanong ni ate sa kabilang linya "Humana te. ako na gihuman ganina puede nako maka larga diha karong sabado." ("Tapos na ate. Tinapos ko na lahat kanina para maka punta na ako dyan ngayong sabado.") "Ay! Mabuti naman pero puede bang agahan mo na ang pag punta dito? Padadalhan kita ng pamasahi mo bukas na bukas din." "Ah! Ngano man?" ("Ah! Bakit naman?")Tanong ko. "Eh... kasi ang ate may bisita daw ngayong beyernes at kailangan na daw niya ng isa pang katulong para di mahirapan si nanay cris. Sinabi ko naman na ako na lang muna dahil may kailangan ka pang taposin sa school. Pero si lola di pumayag dahil may pupuntahan din daw kami sa araw na yon." Mahabang litanya niya. Napaisip naman ako. Dahil tuesday ngayon at beyernes dapat nandoon na ako so, kailangan kong umalis bukas o sa susunod na araw. Wala naman na akong gagawin dito at kung sa susunod na araw pa ako aalis baka makita ko lang si denzo siguro ito na ang tamang oras at wala naman na akong dahilan para ipagpaliban pa ang pag luwas ko ng manila. "Ana?.. Nandyan ka pa ba?" Napatayo naman ako bigla ng tuwid ng marinig ko si ate sa kabilang linya na space out ako sandali dahil sa pagiisip tungkol kay denzo. "Naa pa te... sige te larga ko ugma dayon pag makuha na nako imong padala." ("Andito pa ate.. sige ate luluwas ako bukas na bukas din pag kakuha ko ng padala mo.") Walang pag aatubili kong sagot. Narinig ko naman ang pag buntong hininga ni ate sa kabilang linya bago masayang nagsalita ulit. "Hay... sa wakas! Akala ko di ka papayag. Sige sige mag papadala ako bukas ng umaga. E text mo ako kung anong oras flight mo para masundo kita sa airport." Saad niya. Halata sa bosis niya na excited na siya sa pagpunta ko sa kanya bukas. Napangiti naman ako ng mapait kahit hindi naman makikita ni ate. "Sige te kita kits na lang ta ugma." ("Sige ate kita na lang tayo bukas.") Paalam ko sa kanya "Sige sige kita na lang tayo bukas.. bye!" Paalam na din niya at pinutol na ang tawag. Napaupo naman ako sa kama pagkatapos kong ilagay sa side table ng kama ang cellphone. Kailangan ko na palang mag impake kung ganoon. Bago ako tumayo para pumunta sa kabinet at mag impake ay kinuha ko muna ang picture frame sa tabi ng cellphone. Larawan namin ni denzo noong 1st anniversary namin ang nakalagay sa frame. Di ko namalayan na umaagos na pala ang mga luha ko sa mata. Siguro hanggang dito na lang talaga kami. Malilimotan ko rin ang sakit balang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD