Chapter 4:

2068 Words
Kinabukasan ay maaga pa rin akong na gising kahit ba apat na oras lang ang tulog ko. Siniguro ko muna kasi na madadala ko lahat ng importanting gamit na kailangan ko at lalong lalo na sa mga requirements ko sa school. Maghahanap ako doon ng paaralan na may night shift. Bumangon na rin ako sa kama matapos kong mag stretching. Kailangan kong maghanda ng almusal. Kakausapin ko na rin sila mama at papa na ngayon na ang alis ko. Alam kong mabibigla sila dahil ang alam nila ay sa sabado pa ang plano kong pagluwas. Kasalukuyan akong nag lalagay ng mga plato sa lamesa. Natapos ko na kasing lutuin ang mga ulam at naka saing na rin ako. Piniritong itlog at ham lang ang niluto ko. Hindi naman kasi kami mayaman para mag hain ng maraming ulam at kasya lang din sa lima ang niluluto ko. "Goodmorning ate!" Masiglang bati sa akin ni lovi sabay halik sa pisngi ko. Na pa lingon naman ako sa kanya at nginitian siya sabay bati ko rin dito. "Goodmorning pud! Lingkod na para maka kaon." ("Goodmorning din! Upo kana para makakain na.") Saad ko Umupo naman na siya sa kanyang dating pwesto "Gusto ka og kape or milo or gatas? Unsa imo?" ("Gusto mo ba ng kape or milo or gatas? Lain sayo?") Alok ko sa kanya ganito na ang scenario namin pag almusal tinitimplahan ko sila ng gusto nilang inumin. Minsan kusa na silang nag titimpla sa napili nila pero kay mama at papa ay alam ko na na kape palage ang gusto nila kaya di ko na tinatanong, pinagtitimpla ko na sila ng kape pag na kikita ko ng papaupo na sila sa mga upuan nila. "Bisang unsa te ha. Thanks!" ("Kahit ano na lang ate. Thanks!") "Mata na ba si jun-jun?" ("Gising na ba si jun-jun") tanong ko naman rito "Murag wala pa." ("Parang di pa.") "Sige, ako sa sila pukawon para dungan nata tanan og kaon." ("Sige, gigisingin ko na lang muna sila para sabay na tayong kumain.") hindi ko na hinintay pang maka sagot si lovi. Naglakad na ako patungo sa kwarto nila mama at papa at kay jun-jun. Una kong kinatok ay ang pinto ni jun-jun dahil sigurado akong matatagalan pa bago sya tuluyang bumangon sa kama niya. Ng masiguro kong gising na talaga si jun-jun ay sinunod ko namang pinuntahan ang kwarto nila mama. Kumatok muna ako ng tatlong bisis bago ako nagsalita. "Ma, pa!.. Mata nah.... ready na ang pamahaw." ("Ma,pa!.. gising na po... ready na po ang almusal.") Saad ko Narinig ko naman ang pag sagot sa akin ni papa mula sa loob ng silid nila. "Sige nak musunod nami ni mama ni mo. Mag ilis sa ko." ("Sige nak susunod kami ng mama mo. Mag bibihis lang ako.") Wika ni papa. Wednesday pa pala ngayon kaya may pasok pa si papa sa trabaho. Tumango naman ako kahit hindi makikita ni papa "Sige pa una nako. Hulatan lang namo mo." ("Sige pa una na ako. Hihintayin namin kayo.") Matapos kong sabihin yon ay tumalikod na ako para magtungo sa kusina. Na abotan ko naman na si jun-jun na nagtitimpla na ng gatas. Di rin nag tagal ay dumating na sila papa at mama, tapos ko na ring ipagtimpla sila ng kape. Habang kumakain ay pa naka-naka naman akong tumitingin sa kanila at nagpapasalamat ako dahil di nila na halata na mugto pa ang mata ko dahil sa kaiiyak kagbie 'thanks sa foundation for doing the works'. Bigla naman akong na samid dahil sa narinig kong boses. "Unsa man ann?.. Naa kay gusto e ingon?" ("Ano ann?.. may gusto ka bang sabihin?") Sunod-sunod na tanong ni papa Kinuha ko ang baso sa tabi ng aking plato at ininom ito, na uubo pa rin ako dahil sa pagkasamid. nang makuntinto na ay ngumiti ako sa kanya pero parang de naman siguro ngiti yong ginawa ko. "Ah... eh... nagtawag si ate yanyan gbie." ("Ah... eh... tumawag si ate yanyan kagabi.") Wika ko "Hhhmmm..." si papa parang sinasabi nyang e tuloy ko ang sasabihin ko. "Ahmm... gi ignan ko niya nga kung pwede karon ko mularga kay kailangan na daw nila og isa ka helper." ("Ahmm.. sinabi niya kung pwede daw bang ngayon ako luluwas dahil kailangan na daw nila ng isa pang katulong.") Kagat labing sabi ko dahil for sure mabibigla sila. At tama nga ako. Sabay silang napa tingin sa'kin. Kitang kita sa mga mukha nila ang pagka bigla parang tinatanong nila kung bakit napaaga. Napangiwi na lang ako dahil wala naman akong masabi. Kita ko sa peripheral vision ko si mama na hinawakan niya ang kamay ni papa at napa buga na lang din si papa ng pagkalalimlalim na hiningal parang binibiak naman ang puso ko sa ginawa nila. parang nagtatalo tuloy ang isip ko kung e tutuloy ko pa ba ang pag alis. "Unsa man imo tubag?... Ni sugot ka?."("ano naman ang sagot mo?... Pumayag ka?") Tanong ni papa Dahan dahan ko namang e tinango ang ulo ko. Na ipikit ko rin ang mga mata ko dahil gusto ng kumuwala ang mga luhang di ko na mapigilan. Na ninikip ang dibdib ko sa sakit na kailangan ko nang lumayo sa kanila. "S-sige kk-kung kana imong d-desisyon wala namiy mahimo ana. B-basta ayaw kalimot og tawag sa amo.hhmm..." ("S-sige kk-kung yan ang d-desisyon mo wala na kaming magagawa. B-basta wag mong kalimotan na tumawag sa amin.hhmm..." uutal-utal na saad ni papa at di na rin niya napigilan pang umiyak kaya dinaluhan namin siya at niyakap. Ma mimiss ko sila subra. ............. "Ate yanyan. Nasaan na po kayo?." Tanong ko kay ate na nasa kabilang linya. Matapos kasi naming magiyakan kanina ay bigla din tumawag si ate yanyan at sinabing nahulog na daw niya ang perang gagamitin kong pamasahi. Kaya na pilitan na akong umalis. Di rin nila ako hinatid na sa airport dahil baka daw pigilan pa nila ako. "Malapit na kami. Hintayin mo na lang kami sa labas ng NAIA." "Sige po. Nandito lang po ako sa mga bench malapit po sa entrance." Sagot ko sa kanya "Sige sige malapit na talaga kami na kikita ko na ang entrance. Nakikita na rin kita, ikaw ba yang tumayo na at naka yellow shirt?" Nag palinga linga naman ako dahil baka isa siya sa mga taong naririto habang nasa tinga ko pa rin ang phone ko. "Opo ate. Saan ka po?" "Ana!... dito!" Rinig kong sigaw niya kaya naman na patingin ako sa kalye kung saan may naka hintong sasakyan na honda civic na kulay red. Nakita ko naman si ate yanyan sa loob noon at papalabas na siya para lapitan ako. Dali-dali naman akong lumapit sa kanya. "Ate..." na payakap na ako sa kanya ng mahigpit na miss ko rin tong babaing to. grabe ang tagal na rin noong huli kami nagkita. Para ko na rin siyang pangalawang ina. Siya ang nag-alaga sa'kin noong baby palang ako, 13 years din ang agwat naming dalawa. Napilitan lang naman siya noon na magtrabaho dito sa manila dahil kapos din sa pamumuhay. Hindi na rin siya nakapagtapos ng pag aaral niya parang hanggang high school lang yata sya at heto na nga di na umuwi na wili na dito sa manila ang bruha pero nag babakasyon naman sya paminsan minsan. Kaya sinusulit namin ang bakasyon niya palagi kaming magkasama pag nasa probinsya s'ya, siya rin ang takbuhan ko noon pag may problema ako. Di ko na napigilan pa ang maluha ganon din si ate para na ka ming mga tanga dito sa ginta ng hallway nag iiyakan lang naman kami ayaw kasi mag patalo nitong isa sa pag iyak mukha kaming nag o-audition sa pag aartista kaya ako na ang unang humiwalay sa kanya. "Ate... huhuhuhuhu... na miss kita..." "Ako rin na miss ko ang baby ko... huhuhu..." at nag yakapan ulit. "Ate yanyan, baka po doon na lang ninyo e tuloy ang iyakan at yakapan na yan sa mansyon dahil pinagtitinginan na tayo dito oh..." bigla naman akong na pahiwalay ulit kay ate dahil sa narinig kong yon. Hehehehe may kasama pala kami. Tinignan ka naman sya at nakita kong humahaba na ang nguso niya habang naka tanaw sa paligid. E ni libot ko naman ang paningin ko at tama nga sya pinagtitinginan na kami ng mga tao. "Oh sya! taman na ang drama e hahatid na kita sa mansyon naghihintay na sila sayo at gusto ka nang makilala ng amo ko." Wika ni ate. Nag pupunas pa sa mukha niya at ilong dahil sa pag iyak. Ganoon na rin ang ginawa ko at this time may panyo na talaga akong dala hehehehe. Habang nasa byahe ay di ko mapigilang ma pa 'WOW' grabe ang tataas pala talaga ng mga gusali dito ang sakit na ng liig ko kakatingala. Nasa back seat kasi ako at si ate yanyan ang nasa shotgun at si paul yong driver. Pinakilala na ako ni ate kanina sa kanya bago ako pumasok dito sa loob ng kotse. "Ate, ganito pala ka tataas ang mga building dito noh... ang sakit sa liig..." saad ko sa kanya habang lumilinga pa rin ako sa labas ng binta nitong sasakyan. Narinig ko namang tumatawa si ate pati na rin si paul. "Hahahahaha... nako ana sa sakit at malulula ka talaga sa taas ng mga building dito. Hayaan mo minsan e papasyal kita, maraming mga pasyalan dito at mga mall. Ang lalawak ng mga mall dito kumpara doon sa'tin." Mahabang litanya ni ate. Lumawak naman ang pagkakangiti ko ng sabihin nya yon. Na e excite na tuloy ako hehehe. "Sige po ate. Siguro pag day off ko." Sabi ko "Pwede ko po kayong samahan sa pamamasyal ni Ana ate yanyan. Pwede rin po natin tong gamitin ang kotse." Sabat ni paul napatingin na man ako sa rear view mirror at na kita kong naka tingin din pala sya sa'kin at nginitian ako. Ngumitin din naman ako sa kanya. "Sige ba!... mas maganda yang na isip mo paul para mas marami tayong mapupuntahang pasyalan." Sabi ni ate at sumilip sa gawi ko. "Pupunta tayo sa manila zoo ana, sa ocean park din, at sa luneta, sa bay walk na rin maganda na ang bay walk ngayon." Naka ngiting wika ni ate yanyan sa akin. Lumawak naman ang ngiti sa mga labi ko sa mga sinasabi niya parang ngayon palang na e excite na ako sa mga plano naming puntahan. "OMG sige ate go ako jan... excited na tuloy ako." Masayang sabi ko. Kalaunan ay pumasok na sa isang subdivision ang sinasakyan namin. Dito pa lang sa entrance ng subdivision ay alam mo ng mga mayayaman ang nakatira sa loob. Deri-deritso lang ang takbo nito kaya napalingon ako sa guard house dahil diba dapat ipapakita muna ang i.d bago ka papasukin. Na gets naman ni paul ang reaksyon ko kaya pinaliwanag na niya kung bakit. Lahat daw kasi ng sasakyan na pagmamay-ari ng taga subdivision ay naka register sa guard house at lalagyan ng sticker ang windshield para daw iwas hassle sa nga taga rito. Naks! Iba talaga pag mayayaman sabi nga nila 'time is gold' kaya di sila pweding maghintay. Ilang minuto lang ay may napakalaking gate ang bumukas at pumasok doon ang sinasakyan namin. 'Grabe gate palang ay ang gara na ano pa kaya ang sa loob'. Sa isip ko At di nga ako nagkamali mapapanganga ka talaga sa ganda ng mansyon nila. Sa intrada pa lang ay makikita na ang napakalawak na harden. Binaybay namin ang daan nito patungo sa mansyon, mga 5 minutes siguro bago kami naka rating sa tapat ng mansyon. Di ko mapigilang mapa nganga sa ganda nito. Mapapa sana all ka talaga sa ganda. Nataohan naman ako ng magsalita si ate. "Baba na tayo Ana." Untag ninate sa akin "Ah.. sige po.." Binuksan ko na ang pinto sa tabi ko at bigla akong kinabahan dahil di ko pala na tatanong kay ate kung anong ugali ang mga amo ko. Baka napaka arte ng babae at napaka istrikto naman ng lalaki. 'My God! Kung umuwi na lang kaya ako.' Nagulat naman ako ng hawakan ni ate yanyan ang kamay ko ate matamis na ngumiti. "Wag kang matakot mababait silang lahat. Excited na rin si lola na makita ka nang personal kaya tayo na sa loob." Hinila na niya ako pa pasok sa loob kaya wala na akong na gawa pa hinayaan ko na lang ang sarili kong tangayin. 'wala ng atrasan to.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD