Chapter 5

1537 Words
Nahihiyang nilibot ko ang aking paningin sa kabuohan ng sala parang nasa isang kastilyo ako ngayon pati tiles nila mukhang di naka ranas ng pagkadumi, pwede mo pang gawing salamin dahil sa kintab nito. 'Kailangan ko bang maghubad ng sapatos?' Sa isip ko. Napa hinto sa mahabang sofa ang mga mata ko. May naka upo kasi do'ng tatlong tao, isang lalaki na kahit alam mong may edad na ay sumisigaw pa rin sa kagwapohan at ang tindig niya ay parang daig pa ang modelo sa isang magazine, ang dalawa naman ay mga babae, ang isa ay parang kaedaran lang ng lalaking gwapo at napaka ganda niya mukhang bata kung di mo siya titigan ng husto, ang isang babae naman ay mas matanda sa kanila kung tignan dahil halata na sa balat nito na may mga kulubot na. At gosh! Lahat sila naka tingin sa akin, naka ngiti naman sila at mas lalo silang gumuapo at gumanda sa paningin ko. 'Ma nga goddess ba ang kaharap ko?' Napa pisil ako ng husto sa kamay ni ate yanyan dahil sa matandang babae na humakbang papalapit na sa amin at napakalawak ng ngiti niya na para bang sinasalubong niya ang apong matagal na nyang di nakita. Di ko tuloy mapigilang mag isip. 'bakit naman sya ganyan ang creepy tuloy'. Kasi naman di ba. Di naman nila ako kaano ano pero ang mga reaksyon nila parang isa akong kapamilya. At hito na nga! na tuod na ako sa kinatatayoan ko ng kunin nya ang dalawa kong kamay. "Mabuti naman at dumating kana hija. Mas maganda ka pala sa personal." Saad nya Kunot noong napa tingin naman ako kay ate yanyan dahil sa sinabi nitong matanda tungkol sa'kin. Binigyan ko sya ng 'Anong ibig nyang sabihin?' look, pero nginitian lang nya ako at bumaling sa matadan. "Aba syempre lola saan pa ba magmamana yan kundi sa akin." Na baling ulit ang tingin ko sa matanda ng bitawan nya ang kaliwa kong kamay at mas hinigpitan pa ang pagka hawak sa kaliwa kong kamay sabay hila sa akin palapit sa dalawang tao. Nang makalapit kami ay tumayo ang magandang babae. Nahihiya man ay pilit ko paring ngumiti pero alanganin. Nakaka amaze kasi sa kanila na ganito nila ako e welcome e kasangbahay lang naman ako at mas lalo pa akong na shock ng yakapin din ako nito. "Welcome to our home hija, masaya akong makilala ka ng personal." Saad nito Napilitan tuloy akong e taas ang kaliwa kong kamay para mayakap rin siya. "Salamat po." Saad ko din at napapikit pa ako dahil sa taglay 'nyang bango. Sarap simot simotin. Kumalas na din kami ng yakap sa isa't isa. Umopo siya ulit sa tabi ng lalaki kaya binalingan ko naman ito. "Welcome to our home hija." Baritono nitong sabi at tinangoan ako nito habang may ngiti sa labi. Yomuko ako as a sign of respect to him at magalang na bumati. "Hi po." Bati ko rito Parang nalilito na talaga ako sa nangyayari ganoon na ba sila ka sabik na magkaroon ng bagong kasambahay? Ganito ba sila lahat sa mga empleyado nila mag welcome? Narinig kong tumikhim yong matanda kaya napa baling ang atensyon ko sa kanya. Hawak hawak pa rin niya ang kamay ko at parang ayaw ng bitawan. "Hhmmm... hija sila ang magiging amo mo. Siya si Vince Villamor ang anak ko." Turo niya sa lalaki "At siya naman ang butihing asawa ni vince si rebecca villamor." Pakilala nya rin rito Ngumiti ako ulit sa kanila at tauspusong napapasalamat. "Magandang umaga po sa inyo! At maraming maraming salamat din po sa pagwelcome nyo po sakin. Nakakagaan po sa pakiramdam at pagbubutihan ko po ang trabaho ko." At isang malaking ngiti ang ginawad ko sa kanila. "Oh... hija, nagagalak din kaming makilala ka and we are looking forward sa mga maaabot mo dito sa piling namin." Saad ni ma'am rebecca ang malumanay ng boses niya, nakakagaan sa pakiramdam at ang ganda pakinggan. "Ako naman si martina villamor. Tawagin mo na lang akong lola hija." "Nagagalak ko po kayong makilala lola." Saad ko at nagmano sa matanda tanda ng paggalang ko sa kanya. Mas lumawak ang ngiti nito at niyakap ako ulit. Nakakatuwa na ganito sila ka galak na makita ako. Ang swerte ko naman nilalang. "Napaka swerte ng apo ko sayo." Biglang tugon nito. Napalayo ako kaagad sa kanya at kunot noong tinignan siya. "Ano po?" Ngumiti lamang ito at iginiya nya ako sa pang isahang upoan. Umupo na lang din ako at napatingin kay ate yanyan na naka tayo pa rin kung saan ito naiwan kanina. Marami pa silang sinabi sa 'kin tungkol sa mga naka tukang trabaho ko at pinakilala na din nila ako sa mga kasama ko at sa mayordoma na si manang laling na pag usap din namin ang tungkol sa pag-aaral ko. Sabi ni sir vince sya na daw ang bahalang maghanap ng school na papasukan ko pati na pangtustus, aayaw sana ako sa offer nila pero sabi ni sir ay may foundation daw sila kaya isasama nila ako listahan. Napaka swerte ko talaga at sa mabuting pamilya ako na punta. Nagpapasalamat talaga ako kay ate yanyan at syempre sa itaas kung hindi dahil sa kanya wala ako ngayon dito. Makakatulong na ako ki'la papa, matutupad ko pa ang pangarap kong maging guro. Pagbubutihan ko talaga ang trabaho ko, ipapakita ko sa kanila ma'am rebecca at sir vince na hindi sila nagkakamali na tulongan ako. Isinama na rin ako ni ate yanyan sa kwarto ko para maka pagpahinga, kahit na sinabi ko na hindi naman ako napagod sa byahe at sanay na ako magtrabaho buong araw pero si lola na ang nag insist na magpahinga ako, magagalit daw sya pag ipipilit ko pa ang gusto ko kaya wala na akong nagawa. Lalabas na lang ako mamaya bago maghapunan. Sinabi na naman na ni ella sakin ang mga oras kung kilan naghahanda sila para sa breakfast, tanghalian, at hapunan. Nang maka pasok ako sa loob ng kwarto ay umupo muna ako sa kama na para sakin habang nililibot ko ang tingin sa kabuohan ng nito. Kasama ko sa iisang kwarto si ella. May dalawang kama kasi na hiwalay, nasa left side yong akin at sa right side naman ang kay ella at may dalawang ring kabinet na naka lagay sa gilid ng mga kama paharap kung san yong higaan, sa gitna naman ng dalawang kama ay may kunting space para daanan namin. Tumayo ako para buksan ang isang pinto dito sa loob at nakita ko na isa pala itong toilet na may banyo at ang ganda ng pagkakaayos at ang linis para kang nasa hotel. Naisipan ko na lang maligo dahil parang naglalagkit ako mula sa byahe kanina. Naalala ko tuloy na niyakap pala ako ni lola at ma'am rebecca kanina. "Yuck, ana nakakahiya ka... nakikipag yakapan kapa sa kanila e ang baho mo na.. ang bango bango pa naman nila." mahinang kastigo ko sa'king sarili kaya inayos ko na ang mga gamit ko sa kabinet at kinuha na rin ang damit na gagamitin ko. Buti na lang at nagdala ako ng hygiene kit ko. Mga 10 minutes lang siguro ang ginugol ko sa pagligo at nag bihis na rin ako, isang loose gray shirt at pajama ang suot ko. Gusto ko kasi yong maluluwag mas kumportable ako at masarap sa pakiramdam hindi rin ma init sa feeling. Bumalik ako sa kama at nahiga matutulog akong basa ang buhok ko 'ngayon lang naman to...hehehehe' wag nyo gayahin ha! Nakakasama raw sa mata, yon ang sabi nila. Inabot ko na ang cellphone na nilagay ko kanina sa gilid ng kama at se-net ang alarm ng biglang nag pop ang text alert ko hudyat na may nag text kaya enopen ko na. Pagtingin ko si lovi lang pala at bigla ko na lang na alala. Lovi text to ana =ate, ni anhi si kuya denso. Gipangita ka niya pero ako na lang gi ignan nga naa kay gilakaw og wala mi kabalo unsa ka oras mo uli. (ate, pumunta dito si kuya denso. Hinahanap ka niya pero sinabi ko na lang may pinuntahan ka at di namin alam anong oras ka uuwi.)= Mag rereply na sana ako ng may follow up text pa sya Lovi text to ana =wala diay nimo na ingon kang kuya? (hindi mo ba na sabi kay kuya?)= 's**t! Broken hearted pala ako, pinaalala pa niya.' Ana text to lovi =pag mobalik igna nga nilayas. (pag bumalik ulit sabihin mo naglayas.)= Lovi text to ana =hala ka diha pagsure oi!= Ana text to lovi =basta igna lang, ayaw na pagsupak diha. (Basta sabihin mo na lang, wag ka ng kumontra.) Hinintay ko muna mag reply si lovi pero lumipas ang limang minuto di pa rin ito nag rereply kaya naman e noff ko na ang phone at nilagay ko sa ilalim ng unan sa ulohan ko. Napa titig na lamang ako sa kisame at inalala ang mga pangyayari nong nakarang araw. Hindi ko pa siya kayang makausap, ang sakit pa ng ginawa niya. Wala akong pakialam kong wala kaming closure, para sa'kin tapos na kami. Hinayaan ka na lamang tumulo ang aking mga luha 'Malilimutan ko din ang sakit na ginawa mo denso.' Sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD