Chapter 1

1884 Words
Antarah's POV "Ano pang hinihintay mo diyan beast? Tumayo kana nga diyan at maligo na para hindi tayo ma-late"sabi sakin ni Scarlet habang nagsusuklay siya ng kanyang buhok. Araw-araw ganito ang ginagawa niya sa'kin kasi minsan tinatamad na ako pumasok sa trabaho.  "Mamaya na ako papasok" sabi ko at nagtalukbong ng kumot. Heto ako at nakahiga pa rin kasi wala talaga ako sa mood na pumasok ngayon kasi alam kong papagalitan na naman ako mamaya ni Mrs.Chua yung manager sa department kung saan ako naka-assign. "Anong mamaya ka diyan anong akala mo sa sarili mo? May-ari ganun?" tanong niya sakin na may himig nang pagka irita. Sino ba naman ang hindi mairita eh pati ako nga naiirita na rin, hay nako buhay. "Kasi naman eh." sabi ko sabay padyak ng mga paa ko at inalis ang kumot na nakatalukbong sa akin. Nag-aayos na siya ngayon sa suot niya habang nasa life size mirror nakatingin at hindi sa'kin. "Anong kasi?" tanong niya. "Alam mo naman beast eh na hate ako ni Mrs.Chua. I'm pretty sure na papagalitan na naman  ako no'n mamaya" sabi ko at sumimangot. Umupo naman ako at nag crossed arms, walang balak na tumayo at maligo para makapasok na. "Mas lalo kang papagalitan no'n kapag nalate ka ngayon kaya mag-ayos ka na diyan." sabi ni Scarlet. "Sabagay may point ka" sabi ko at tumango-tango. May point naman talaga siya eh.  Bakit ba ang bobo ko? Kung male-late ako ngayon eh mas lalo akong papagalitan no'n. My god! Naririnig ko na ang boses niya kahit hindin ko pa siya nahaharap. "Tumayo kana nga diyan para makaligo kana" utos niya sa'kin na agad ko din namang sinunod. Napabuntong hininga nalang ako tsaka tamad na tumayo at tumungo sa banyo. I really hate this! Ewan ko kung saan, kung sa pagpasok ba namin ngayon o sa papagalitan na naman ako ni Mrs.Chua mamaya. I don't know. Ang gulo ko as in! Hindi na normal itong pag-iisip ko nako! Pero bago ako mag drama ako nga pala si Antarah Parker 20 years old. Kung tatanungin niyo kung may mga magulang pa ako, well wala na sila since 10 years old ako. Namatay sila sa car accident at inampon naman ako ng mama ni Scarlet at mula noon naging bestfriend ko na si Scarlet. Pero noong nag 16 na kami ni Scarlet namatay din ang mama niya dahil sa cardiac arrest kaya ayun sa amponan ang kinalabasan naming dalawa. Pina-aral kami doon ni Sister Rose at Sister Daisy. Pagkatapos naming makapagtapos ay umalis na kami sa bahay amponan at heto kami ngayon nakatira ni Scarlet sa isang apartment na sakto lang naman saming dalawa. Hanggang ngayon dumadalaw parin kami sa amponan, malaki ang utang na loob namin kina sister dahil kung wala sila tiyak na hindi kami makakapagtapos at makakakuha ng trabaho. Tungkol naman sa mg--- "ANTARAH LUMABAS KANA DIYAN ANONG PETSA NA!!!!?" sigaw ni Scarlet mula sa labas ng banyo kasabay ang pagkalampag niya sa pintuan. Nagbihis muna ako bago lumabas sa banyo. Sa totoo lang, may galit ba 'tong babaeng 'to sa pintuan? Napa irap naman ako sa hangin at tinapis ang tuwalya sa katawan ko tsaka lumabas ng banyo. "Grabe ka beast, may galit ka ba sa pinto ng banyo natin. Halos sirain mo na ha" sabi ko sa kanya habang tinutuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya. "Heh!" singhal niya sakin kaya napatawa ako pero hindi ko naman pinahalata sa kanya kasi baka mairita lalo mahirap na. "Tapos nagtanong ka pa kung anong petsa na. Jusko naman beast ang laki ng kalendaryo natin oh. Hindi mo ba nakita?" tanong ko habang tinuro ang kalendaryo namin dito sa loob ng apartment. "Hays ewan ko sayo.Ang labo mong kausap" sabi niya at umupo sa edge ng kama habang hinihintay akong matapos. "Ako pa ang malabong kausap" mahina kong saad na sapat lang na ako ang tanging nakarinig, mahirap na. "May sinasabi ka?" tanong niya habang nakakunot ang noo niya. "Wala" sabi ko at sinuot na ang sapatos ko habang siya naman ay inip na inip na na nakatingin sa akin. "Bilisan mo na diyan" utos niya sa akin. "Wait lang kita mo namang sinusuot ko pa sapatos ko eh" sabi ko sa kanya at umirap ng konti. Ang kati niyang umalis na ha. "Bakit kasi nagsasapatos ka eh may mga heels naman tayo diyan" sabi niya. Pinipilit niya talaga ako na magsuot ng heels minsan kahit na hindi ko naman trip iyon. Ang sakit sa paa as in! Hindi ko nga alam kung paano natitiis ng ibang mga babae ang magsuot ng mga heels. Well, siguro sanay na sila pero grabe masakit talaga. Gusto ko naman yung mga heels eh pero ayaw ko lang na ako ang magsusuot. Tsk, natapilok pa ako minsan dahil doon. "Alam mo namang hindi ako marunong gumamit no'n. Sasakit lang ang paa ko do'n" sabi ko at sa wakas tapos na ako magsuot ng sapatos. Hindi ko talaga gusto ang mga sandals na may wedge, heels, etc. Maganda naman siya tignan pag sinusuot ng mga kababaihan pero it's not my cup of tea. I prefer mga sapatos kasi napaka komportable lang talaga sa pakiramdam at no need na mag balance balance pa. Iba-iba naman tayo ng gusto eh. Kung saan tayo komportable then doon tayo. "Tara na!" wika ni Scarlet at nauna nang lumabas ng apartment. See, makati talaga na umalis na. Kahit kailan talaga itong si beast. Laging galit o naiirita o naiinis pero okay lang naman sa akin, sanay na ako. Tsaka I know na kahit ganyan siya ay concern pa rin naman siya sa akin. May mga kaibigan lang talaga tayo na ganyan ang ugali pero sa oras na kailangan natin sila ay bente kwatrong oras na nandiyan sa atin. Sumunod naman ako sa kanya sa labas. Siguro nagtataka kayo kung bakit beast ang tawagan namin no? Actually si Alexander ang naka-isip niyan. Isa din na bestfriend namin ni Scarlet si Alexander s***h Alexandria, in short bakla siya. Pero nandoon na siya ngayon sa Newzeland nagtatrabaho sa isang parlor daw. Ewan ko ba hindi na ako na u-update ng bakla eh. Siguro dahil busy siya doon at hindi match yung oras dito at doon.  "Beast, bakit kaya sa Newzeland pa nagtrabaho si Alexander eh ang dami namang parlor dito sa Pilipinas para apply-an niya?" tanong ko out of nowhere. Nagtaka din kaya ako sa kanya kung bakit doon pa sa malayo. "Malay ko sa kanya" she answered nonchalantly "Ano ba naman yan walang jeep na dumadaan" reklamo niya at tinampal ang noo. "Lakad nalang tayo patungo sa paradahan ng jeep" suhestiyon ko sa kanya. Wala naman siyang nagawa kun'di sumunod nalang sa akin. Huhuhu, ang aga-aga pa lang eh bad mood na siya. Hinawakan ko naman ang strap ng backpack ko. "Bakit hindi mo maiwan-iwan yang bag mo ha, nagmumukha ka tuloy si dora"sabi niya sakin at tumawa ng mahina. Ang bipolar niya as in! "Alam mo namang nandito ang laptop ko eh. Ayaw kong iwan ito sa apartment, baka bigla nalang pasukin ang appartment natin tapos manakaw ito" sabi ko. Yes sir! Overthinker ako pero mas maganda ata yung advanced mag isip hahaha joke lang. Misan may negative side din yung advanced mag-isip. "Dora talaga" sabi niya at umiling iling. "Bakit naman dora?" tanong ko. Mukha ba akong si dora? I don't think so. "Kasi lagi kang naka bag tapos ang ikli pa ng buhok mo hahaha para ka talagang si Dora"natatawang sabi ni Scarlet at umiling iling pa. Taga-balikat yung buhok ko. "So ibig sabihin ako si Dora at ikaw naman sa boots?" patay malisya kong tanong ko sa kanya. Diba may unggoy si dora? Palagi niya kasama yun at sa case naman namin eh siya palagi ko kasama so counted as siya si boots. Hahaha! "Ay grabe siya oh. Sa ganda kong 'to? Mukha ba akong unggoy?" tanong niya at tinuro ang sarili niya na para bang hindi siya makapaniwala. "Sabi noon ng science teacher natin na nagmula tayo sa unggoy, yung mga homosapiens ba" sabi ko sa kanya para ma gets niya yung sinabi ko. "Naniwala ka naman" sabi ni Scarlet at tumawa. "Oo" sabi ko na ikanatawa niya ng malakas. Kasiyahan mo ako beast? "Wag ka nga tumawa lang diyan seryoso kaya ako" I said. May scientific explanation kaya yung sa homosapiens. May evolution na naganap. "Ikaw hahaha naniwala ka bang nanggaling ka sa unggoy?" tanong niya sakin habang pinipigilang matawa nang makitang seryoso talaga ako sa pagtatanong. "Maybe" sagot ko sa kanya. Hindi din ako sure kasi yung sa church ay iba ang sinasabi. "Oh diba. Pati nga ikaw hindi kombinsido" saad niya. Namayani naman ang katahimikan sa aming dalawa at patuloy nalang naglakad patungo sa paradahan. Nakita ko pa ang ibang mga tambay na tumitingin sa aming dalawa. Kapag naglalakad kami dito palagi kaming pinagtitinginan. "Tara sakay na tayo" sabi ko ng makarating na kami sa paradahan. Pagsakay namin pumwesto agad kami malapit sa may driver para madali lang pumara mamaya. Minsan kasi hindi agad naririnig yung para namin. "Kayo manong ha. Bakit hindi kayo dumadaan sa F. Duarte Street?" tanong ni Scarlet sa driver at inayos ang sling bag niya. "Kasi naman miss ang kipot ng daan doon" reklamong saad ng driver. "Kahit na. Hindi niyo ba alam na ang daming nag-aabang doon na tao para sumakay ng jeep pero bihira lang talaga ang dumadaan doon" pang-aaway ni Scarlet kay manong driver. "Hoy tumigil ka nga" saway ko kay Scarlet kasi mukhang balak niya na talaga gisahin si manong driver nako war freak pa naman ito minsan. "Sorry po manong" sabi ko sa driver at nag peace sign tsaka ngumiti ng konti. "Ikaw talaga" saway ko kay Scarlet nang bumaling ako sa kanya. Hindi naman na nagsalita si manong driver "Bakit naman dora?" tanong niya sakin. "Hindi dora ang pangalan ko" sabi ko at humalukipkip. "Alam ko" sabi niya at nag cross arms. "Alam mo naman pala eh" I said and rolled my eyes. "Ano na manong hindi paba tayo aandar or gusto mong ako ang magmaneho" sabi ulit ni Scarlet. High blood to lage naku! Delikado. "Relax lang Scarlet" pagpapatahan ko sa kanya, baka ano pa gawin nito dito. Tumahimik naman ito pero kinalaunan ay nag reklamo na naman. "Ang init" ayon, reklamo na naman. "Nasa pinas kasi tayo" walang kwenta kong sagot sa kanya. "Wag ka ngang pilosopo diyan" she said and gave me a dagger look. Sasaksakin na ako ng mga mata niya hahaha. "Oy sinagot lang kita" depensa ko. Sinagot ko lang naman talaga siya ah? "May pamaypay ka ba diyan sa magic backpack mo?" tanong niya habang pinapaypayan ang sarili niya gamit ang kamay niya. "Oo meron wait lang kukunin ko." sabi ko tsaka kinuha sa bag ang pamaypay na pwede ma flex. Sumilip naman siya sa bag ko. "Oy ano yun" sabi sakin ni Scarlet at itinuro yung naka rolled na bond paper. "Ah ito" sabi ko at kinuha tsaka ko ipinakita sa kanya "Mapa ito" sabi ko. Pero ang totoo hindi talaga ito mapa. Sabi niya si dora ako ede totohanin natin hahaha. Document lang yun na ni-rolled ko. "Hahahahhahaha" bigla niyang tawa na pati si manong driver ay napatingin na sa aming dalawa. "Bakit ka tumatawa?" Inosente kong tanong sa kanya kahit na alam ko na ang sagot. Malamang tungkol sa mapa yung pinagtatawanan niya. "Si dora ka talaga. Hahahaha I'm the map! I'm the map!" pakanta kanta niya pa. "Mabuti natong sigurado. Malay mo maligaw tayo diba? Ede may mapa tayo" sabi ko at umiling nalang. Atleast na baling attention niya sakin. Baka mamaya si manong driver na naman ang pagdisketahan niya. "Hahahaha nakakatawa ka talaga beast" sabi niya. "Wag kang tawa ng tawa diyan .Ang daming nakatingin sayo oh" sabi ko tsaka itinuro ang mga taong tumitingin sa gawi naming dalawa. Karamihan doon ay mga driver ng jeep. "Hayaan mo sila. Wala silang pake" sabi ni Scarlet at tumawa ulit. Baliw na yata ang isang ito. Geez kailangan ko siyang ipatingin sa psychiatrist. Yun nga lang sinabi ko eh pero labis na kung makatawa. Parang kanina lang eh galit siya tapos naiinis tapos panay ang reklamo.  What do you think? Ipatingin na natin, para sigurado. *** Have fun reading po!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD