Chapter 2

1755 Words
Antarah's POV Pagdating namin sa kompanya agad naman akong lumapit sa guard. Friends kami nito eh siyempre hahaha. Tatanong ko lang kung dumating na si Mrs.Chua. Ngumiti naman ito nang makita akong kumakaway sa kanya. "Hi manong guard good morning po gusto ko lang po itanong kung dumating na si Mrs.Chua, yung head sa HR Department?" tanong ko sa kanya at ngumiti. "Good morning din iha. Hindi pa siya dumadating" sabi ni guard at sinuklian naman ang ngiting ginawad ko sa kanya. Tumango naman ako. Salamat naman at hindi pa siya dumating. Kung nauna sa akin yun dito malamang hanggang bukas na naman ang sermon niya sa akin. Ewan ko ba kung bakit ako trip ng matandang iyon. Hindi siguro mahal ng mama niya. "Sige manong salamat po" sabi ko at pumasok na sa loob. Nasaan ba si Scarlet? Nauna na naman siguro. Hindi man lang ako hinintay. "Hoy ano ba beast hindi mo man lang ba ako hihintayin! Ang mean!" sigaw ni Scarlet na naglalakad patungo sa akin mula sa likod ko. Napatingin naman ako sa kanya at napakagat labi.  "Naku beast nandiyan ka pa pala. Sorry hindi kita napansin akala ko kasi nauna ka na sa loob" paliwanag ko sa kanya. "Grabe ka kita mo naman na nagbabayad pa ako doon sa jeep"sabi niya at sumimangot sa akin. Hehehe, hindi niya naman siguro inaway si manong driver. "Sorry na beast, tayo na sa department natin. Mabuti na lang wala pa si Mrs.Chua" sabi ko sa kanya habang papunta kami sa elavator. Nang makasakay kami, pinindot ko naman ang floor kung nasaan ang department naming dalawa. "Nag text pala si Alexander beast sabi niya uuwi daw siya. Walang exact date at month pero sabi niya uuwi daw talaga siya." imporma ni Scarlet sa akin kaya mabilis akong napabaling sa kanya. "Talaga beast? Sinabi mo ba na pasalubong ko?" tanong ko sa kanya agad. Kapag nakalimutan niya iyon ewan ko nalang talaga. "Siyempre ako pa." proud niyang saad. Tumawa nalang ako, 'buti naman kung ganun. Huminto naman ang elavator at bumukas ito kaya lumabas na kami. Pagdating namin sa department marami rami na rin ang mga tao. Kadalasan kasi ang mga na le-late ay sinasabon ni Mrs.Chua sa trabaho kaya ang aga ng mga kasamahan ko. Kahit ako ayaw ko ding masabon. "Punta nako sa cubicle ko beast" paalam ko sa kanya. "Sige" sabi niya at tumungo na rin sa cubicle niya. Pumunta naman ako sa cubicle ko tsaka ko inilapag ang bagckpack ko sa sahig sa gilid ng trash bin. Kinuha ko naman ang plastic bottle ko sa bag tsaka ako uminom ng tubig, mahirap na baka ma dehydrate tayo ang init pa naman ng panahon na para bang ilang kilometro lang ang layo mo mula sa araw. Magsisimula na sana ako sa trabaho ko ng nahagip ng mata ko sina Natasha, Tere, at Ava na papalapit dito sa cubicle ko. War shall start in 3, 2, 1--- "Ang aga yata ngayon ni Dora" sabi ni Natasha tsaka sumandal sa cubicle ko. Feeling close lang? "Oo nga. Ano kaya ang nakain nito hahaha" natatawang sabi ni Ava na halata namang pineke lang kasi ayaw mapagalitan ni Natasha tsk. Mga asong sunod-sunoran sa amo. I cleared my throat before answering these wenches. "Una sa lahat maaga akong pumasok kasi maaga akong nagising. Pangalawa wala pa akong nakain eh. Advanved mo naman mag isip masyado"sabi ko sa kanila habang abot sa tenga ang ngiti ko. Ganyan talaga para mainis sila ng husto at nang magsi-alisan na dito malapit sa akin. Hindi ako nakatingin sa kanila bagkus ay nakatutok lang ako sa computer. "Aba't bakit ka sumasabat diyan.Ikaw ba ang kausap namin" iritadong sabi ni Tere. "Ha? Bakit kayo ba kausap ko?" tanong ko rin pabalik. Feeler. "Bakit ka diyan nagsasalita at nakatingin ka pa sa amin, so natural kami ang kinakausap mo!" inis na sabi ni Natasha tsaka ako tinaasan ng kilay niya na halatang drawing naman. Hindi pa pantay. Ano siya, bata? Ang hilig mag inarte sa katawan tapos pagpantay lang ng drawing niya sa kilay hindi pa magawa ng maayos? Pity. "Sorry to disappoint you ladies but I am talking to myself. Ang kapal naman ng drawing mo sa kilay para sabihing sa inyo ako nakatingin." i smirked. "Argh! Bwesit ka" galit na saad ni Natasha sa akin. "The feeling is mutual, my friend" nakangiti kong saad. Sasagot pa sana si Tere nang biglang dumating si Scarlet. "Anong nangyayari dito?" papalapit na wika ni Scarlet tsaka ito tumabi sa akin habang nakatayo at nakapamewang. Sige dito kayo magsungit sa isag ito. "May dumalaw lang saking mga aso dito beast. Jusko ang aga aga tahol ng tahol na agad. Sabagay yun naman ang gawain ng mga aso diba?" inosente kong tanong para mas lalo silang mainis at mamatay na. Mga intribida. "Wag mong masyadong pagsabihan beast baka kagatin ka" natatawang sabi ni Scarlet. Yun, sumakay sa trip ko. "Hahahaha marunong din akong kumagat beast at marunong din ako manikmura" natatawa ko ring sagot sa kanya. "Let's go girls nakakasira ng araw ang mga pagmumukha nilang dalawa"sabi ni Natasha at nauna nang naglakad. Nang tuluyan na silang naka-alis ay napatawa naman ako ng konti. "Hahaha akala niya siguro magpapatalo ako sa kanya, never" nakataas kilay kong sabi. "Ikaw na talaga beast bagay sayo maging kontrabida" sabi ni Scarlet at pumalakpak pa. "Na ah sorry nalang sila kasi ako ang bida at hindi kontrabida" sabi ko at sabay kaming natawa sa turan ko. "Balik na ako sa pwesto ko baka makita pako ni Mrs.Chua dito" paalam ni Scarlet. "Sige beast" sabi ko at umayos sa pagkakaupo. Sinimulan ko naman ang mga tatrabahuin ko. Inunat ko muna mga braso ko kasi medyo kinakalawang na ata ako. I sighed deeply and started working. Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas kasi na busy ako masyado sa ginagawa ko. Kung hindi pa ako nakaramdam ng gutom siguro hindi ako kikibo. Sinipat ko naman ang oras. Tanghali na talaga, medyo nawala sa isip ko. Tumayo naman ako at tinungo ang cubicle ni Scarlet. "Beast tara na. Lunch na tayo" aya ko sa kanya. "Wait lang magliligpit lang ako" sabi niya at sinimulan ng ligpitin ang mga gamit niya. Kahit talaga kailan ang kalat ng babaeng ito.  "Okay" sabi ko at umupo sa upuan niya. Ilang sandali lang ay natapos na ito sa pagliligpit at sinukbit ang sling bag niya. "Tara na" sabi niya. "Okay" sabi ko at tumayo na sumakay na kami sa elavator. Pagdating namin sa ground floor dumeritso naman kami sa cafeteria. Yep, tama ang nabasa niyo may cafeteria ang kompanyang ito para hindi na mahirapang lumabas ang mga employee kung kakain. Traffic din sa labas tsaka walang malapit na kainan. Ang iba sa amin ay nagbabaon nalang sila. Pagpasok namin  sa cafeteria puno puno narin ito sana pala inagahan namin. "Beast maghahanap muna ako ng table natin ha. Ikaw na ang mag order libre mo na ako" sabi ko. Wala ng hiya hiya ito hahaha. "Ano pa bang bago" nakasimangot niyang sambit. Kinurot ko naman siya sa tagiliran. Sus, parang libre lang eh. Alam ko naman na hindi niya ako tatanggihan at kung minsan nga ay siya na ang nag-ooffer na magbayad sa pinagkainan naming dalawa. Nagtataka nga ako kasi minsan ang dami niyang pera. "Sus wag kang mag alala babawi ako sayo kahit saan mo pa gusto" sabi ko sa kanya. "Oo na. Isang taon mo na sinasabi ang linyang yan" she said sarcastically. Tumawa nalang ako at nagsimula nang humanap ng bakanteng table. Nakahanap naman ako, tinungo ko naman ito tsaka ko inilapag ang bag ko sa bakanteng upuan. Limang upuan kasi ang nasa isang table eh. Ilang sandali dumating na si Scarlet dala dala ng tray. Hmm mukhang masarap binili niya. Sira na naman ang diet plan ko nito. "Ito na po ang pagkain niyo kamahalan" sabi ni Scarlet na puno naman ng sarkasmo ang himig. "Salamat aking alipin" pagsasabay ko sa trip niya at tumawa nang mahina. "Utot mo" saad niya tsaka umupo na. Nag umpisa na akong kumain. Nasa kalagitnaan ako nang pagsubo ko nang dumating si Pao. Si Pao ay isa sa mga kaibigan namin dito sa kompanya kaso nga lang nasa ibang department siya naka-assign. Medyo matagal narin kaming magkaibigan, simula noong napasok kami dito. "Hi guys. Pwede ba akong maki upo?" nakangiti niyang tanong "Uupo kalang hindi ka kakain?" tanong ko "Lol. Siyempre kakain ako" sabi niya tsaka umupo na. "May echichika ako sa inyo mga inday" sabi niya. As always,may baon itong pag uusapan. "What's the tea?" tanong ni Scarlet. "Dadating daw mamayang gabi ang may ari nitong kompanya!" sabi ni Pao. Based on her state right now, parang kinikilig siya na ewan. "Tapos?" tanong ko. "Tapos mag papa party daw bukas ng gabi sa hotel na pag aari din niya. At ito pa, nalaman ko rin na single pa ang big boss natin!" kinikilig nitong saad. Sira, kaya naman pala kilig na kilig ang isang ito eh. "Oh ano naman ngayon kung single?" tanong ko at sumubo. "Ikaw talaga Antarah. Siyempre baka alam mo na magustuhan niya ako at gawin niya akong asawa kyaaahhh! s**t! Dream come true na iyon para sa akin!" kinikilig niyang sambit na tila ba isang kambing na nilalamig. "Pero I heard isa daw siyang mafia boss" bulong ni Scarlet. Saan niya naman narinig? As far as I know hindi naman siya nakikinig sa mga gossips. Hindi niya gusto ang mga ganun. "Saan mo narinig?" tanong ko naman sa kanya. Baka mamaya fake news iyan. Tsaka, may mafia talaga?  "Narinig ko doon sa may counter kanina" bulong ulit niya. "Pero alam mo Scar okay lang sakin kahit mafia boss siya basta gwapo okay na okay sa akin kyaaahhhhh kamukha niya siguro ang idol kong si Chris Evans!" sabi ni Pao at sinipa sipa pa ang isang upuan. Pag nasira yan, patay kang babae ka. "Uy baka masira ang upuan.Sige magkakatuluyan kayo tapos papatayin ka no'n" pananakot ni Scarlet sa kanya pero hindi naman umipekto. "Sus kahit na. Okay lang sa akin,basta ba patayin niya ako sa sarap!" natatawang sabi ni Pao. "Hindi naman siguro siya masama diba?" tanong ko na naman. "Bakit mo naman natanong. Wag mong sabihin curious ka rin sa kanya? Baka kapag nakita mo siya sa personal eh maiihi ka sa kilig." sabi ni Pao sa akin at ayon parang  kinuryente na naman sa sobrang kilig niya. "Siyempre, siya kaya ang may ari nitong kompanya kaya malamang curious ako" sagot ko sa kanya. "Sus kung nakita mo lang siya tiyak maglalaway ka sa kagwapohan niyang taglay" nagpapantasya niyang saad. Sa totoo lang baka nga hinuhubran niya na sa isip niya ang big boss namin eh. "Bakit nakita mo na ba?" tanong ni Scarlet "Hindi pa pero bukas ng gabi makikita ko na siya." sabi ni Pao at ngumisi. "Bakit, pwede bang pumunta doon ang mga nagtatrabaho dito?" tanong ko. "Oo naman. Eh a-announce yan ng head niyo mamaya tapos bibigyan kayo ng invitation. Nauna na kasing sinabi sa amin eh"sabi ni Pao. Tumango naman ako. Sino kaya ang may ari nitong kompanya at anong pangalan niya? Geez nagtatrabaho ako dito tapos hindi ko manlang alam ang pangalan niya. Napaka misteryoso naman niya kasi hindi pa siya nababanggit ng head namin noon sa amin. Hindi din naman pinakilala sa amin noong una kaming nagtrabaho dito tsaka I never heard about the 'big boss', ngayon lang. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD